47. The Wedding Gown Designer

The awards night was a bliss. Para siyang sandaling panaginip na saglit lang din akong pinagbigyan kahit na yung pinaka-goal ko, hindi ko naman talaga nahawakan. I didn't win as the grand winner, but the recognition from different fashion entities and sponsors, it was greater than what Petunia Adarna had.

Actually, Pet received so many backlash after her victory kasi mas maganda pa nga raw ang gawa ni Jake kaysa sa gawa niya. Everyone knew my entry was disqualified because of the major alterations kaya pumayag na rin akong hindi makatanggap ng award. But since I wanted the sponsors to notice me mula pa naman noong umpisa, hinayaan ko nang manatili ang entry ko gaya ng decision ni Tyrone. But the case was the suit I made and with my blood on it, deretso na talaga sa National Arts and Design Museum. They already gave it a title: The Blood of Cinnamon. That wasn't just a suit—that was already an art piece na ipapa-exhibit nila next month along with the other t'nalak designs made by the local artists and Ifugao indigenous weavers.

After the awarding, kinabukasan na ako nabalikan ni Tyrone sa ospital. And what I didn't like about the timing? He came back discreetly. Nalaman ko lang na nakabalik na siya habang tulog ako.

Nalaman ko lang na nakabalik na siya kasi nagising ako sa mahinang pagtatalo nila ni Forest habang natutulog ako.

Patay ang ilaw sa hospital room, madilim sa loob pero maliwanag sa labas ng ospital kaya may kaunting liwanag pang pumapasok mula sa bintana.

I was resting, and I just woke up after I heard an angry hissed somewhere near me.

"Nababaliw ka na ba, Tyrone? Puwedeng hindi ka na makabalik dito kapag pumunta ka doon!"

It was Forest in her low voice yet annoyed tone. I barely open my eyes and saw them behind the closed door of my room.

"I need to be there, Rest. Hindi ko siya puwedeng hayaan lang doon."

"Paano kung hindi ka na payagan ni Tita Cindy na umuwi rito sa Pilipinas?"

Tyrone heaved a deep sigh na kahit sa puwesto ko, damang-dama ko ang frustration niya. He was massaging his temple and dropped a heavier sigh afterward.

"We're talking about Yue, Forest. Alam mo namang hindi ko siya kayang iwan na lang basta sa ere."

"Paano naman yung maiiwan mo rito? What about Cinnamon?"

After I heard my name, para akong dinamba ng kung anong mabigat na bagay pabagsak sa dibdib ko. Sa isang iglap, bumilis ang tibok ng puso ko, at kung malala lang ang lagay ko at may heart monitor lang ako ngayon, malamang na ang ingay na n'on.

"I'm sure Cin will understand my decision."

Sandaling hindi nakapagsalita si Forest. Kahit siya, napapabuntonghininga na lang din.

Ano ba ang pinag-uusapan nila at nadadamay ako?

"Ty, baka puwedeng sabihan si Yue na hindi na lang ituloy ang kasal."

"Resty . . ."

"Yung conflict kasi sa family n'yo, kahit ako, masi-stress din e."

"That wedding will save me and Yue. We need our parent's blessing, alam mo naman 'yon, di ba?"

"Si Cinnamon, iiwan mo rito."

"I have no choice.

Sa lungkot ng boses nilang dalawa, gusto ko nang sabihing gising na 'ko at naririnig ko sila sa pinag-uusapan nila.

Si Ty . . . iiwan ako rito?

Bakit? Saan siya pupunta?

"Hindi ka man lang ba magpapaalam nang gising siya?" malungkot nang tanong ni Forest at talagang gusto ko nang bumangon para umentrada sa kanila.

Kinakabahan na 'ko, ano ba talaga 'tong nangyayari?

"I already said goodbye while she's asleep. Alam ko namang di niya 'ko paaalisin kapag gising siya."

Hindi ako makakilos. Sinisigawan ko ang sarili ko sa loob ng utak na sundan siya. Na tawagin siya. Na tanungin siya kung ano ba ang pinag-uusapan nila, pero hindi ako nakakilos.

Pinanood ko lang siyang buksan ang pinto ng hospital room.

"Ano'ng sasabihin ko kapag nagising siya ta's hinanap ka?"

"Just tell her I'll be back, basta maghintay lang siya."

"Sure bang babalik ka?"

Natigilan si Tyrone. Kahit ako, naghintay ng sagot niyan.

Ty, sabihin mong babalik ka, kahit maikli ang pasensiya ko, hihintayin talaga kita.

"Forest . . ."

"Ty, sinasabi ko na sa 'yo, walang hintay-hintay sa babaeng 'to. Kapag ginusto nitong batuhin ka ng sapatos sa mukha, dadayo talaga 'to ng Beijing para sa 'yo."

Wow, Forest. Talaga ba? Paiyak na 'ko rito, talagang 'yan ang ikakatwiran mo sa kanya?

Well, yeah. May point din naman, but . . . puwede bang ngayon ko na lang batuhin ng sapatos si Tyrone?

"Babalik ako. I just don't know when, pero babalik ako."

"Ty, malabo 'yan. I'm telling you, sobrang labo niyang plano mo."

"Kailangan ko lang pumunta sa kasal."

Kasal . . . bakit?

Don't tell me magpapakasal siya sa iba kaya ayaw niyang magpaalam nang personal sa 'kin?

"Until now ba naman, Ty, ibang babae pa rin?"

"Hindi lang naman siya basta ibang babae, Forest. You should know."

That night, hindi ko alam pero parang kalahati ng pagkatao ko, parang nawala. Noong mga unang araw na hindi ko nakikita si Tyrone sa ospital, kunwari wala akong alam sa naging usapan nila ni Forest bago siya umalis.

Paggising ko, ang unang depensa sa 'kin ng pinsan niya noong nagtanong ako, may dinalaw lang daw na branch sa China. Urgent, patawag daw ng parents niya. Oo na lang ako.

One week akong nagtagal sa ospital. May text naman siyang iniwan sa 'kin noong nag-try akong mag-text sa kanya.

"I left my house's keys sa condo mo. Nasa drawer ng nightstand. You can stay in my place if you want to."

Umuwi ako sa condo after a week. Sinabi na ng doktor na medyo natutuyo na ulit ang mga tahi ko kaya puwede ko nang ipahinga 'yon basta wala ulit heavy activities.

Wala na rin naman akong ibang gagawin. Wala muna akong trabaho. Nagre-rely na lang ako sa remaining balance ng debit card ko na enough pa rin naman for six months kahit pa magbakasyon ako sa kung saan.

I tried calling Tyrone sa FaceTime one afternoon habang papunta ako sa boutique.

He rejected the call kahit dalawang buzz pa lang saka ako nakatanggap ng text sa kanya sa iMessage.

Tyrone: 

Can't answer right now, sorry.

Cinnamon: 

Why? Busy ka?

Tyrone: 

Sort of.

Cinnamon: 

Every day kang busy kahit gabi?

Tyrone: 

I'll explain some other time.

Some other time. Not later. Not soon.

Ayokong mag-demand ng atensiyon. At this point, ayokong maghabol. I didn't spend my life running for a man for a love life. Mabuti sana kung malaking opportunity siya, e. Pero hindi!

Puwede bang sabihin na lang niya kung magpapakasal siya sa iba para hindi ako naghihintay at nagtatanong dito kung ano na ba'ng nangyayari sa 'ming dalawa?

Dumeretso agad ako sa boutique. And June na. April pa raw nag-start sina Jericho rito na pahinto-hinto dahil sa media. Pero pagdating ko roon, mukhang patapos na sila.

"Ayan na si Madame!" bungad na bungad ni Jericho na mag-isang nagtatrabaho sa loob.

The whole place was empty. Puro pa mga naka-cover ang ilang tambak sa gilid. But the interior was already nice. The wall was painted white, and sabi ko nga, sobrang plain ng color. But I didn't want to ask him what would be the final look kasi hindi pa talaga siya tapos. Naabutan ko siyang nagpe-paint ng mural sa wall na patapos na rin, and that amazed me.

It was a minimalist black and white painting of me. Kitang-kita ang physical features ko at sobrang detalyado kahit sa black paint lang. Beside that was calligraphy of Cinnamon de Chavez name made from kaitoke green paint.

Napapangiti ako kasi alam na alam ni Jericho kung paano ako pangingitiin kahit nabubuwisit ako.

"Malapit na kaming matapos. Mag-a-arrange na lang kami ng ilang table tapos delivery na mamaya ng furniture galing sa manufacturer."

Nakasando na naman siya at naka-denim jeans na maraming mantsa. Parang hindi ko maramdamang grand winner 'to sa model category last week noong La Mari Awards Night. After a week, ngayon ko na lang ulit siya nakita. Pero nakapag-shave na siya this time, malinis na ulit siyang tingnan. Not sure if sinadya niya ang rugged look for the awards night or what.

"I like the new wall. Para mong pina-extend 'tong boutique ko, a. Ang laki na niya."

"Actually, malaki dapat siya. Nasayang lang yung spaces dati kasi maraming division." Tumapat siya sa 'kin at sinilip na naman ang leeg kong wala nang neck braces, pero may benda pa rin. "Sana naman this time, gagaling na agad 'to."

Pilit akong napangiti sa kanya saka ko itinuro ang labas. "Gusto mong mag-lunch? Libre ko."

Hindi naman sa dapat stealth mode lang ako because of the media, but I already released a public video, nagpa-assist na lang din ako kina Forest and Archie sa dapat sabihin. Jomari's case is still ongoing at hindi naman siya madaling mahahatulan dahil lang marami nang ebidensiya. A-attend pa rin kami ng court hearings hanggang matapos ang kaso.

Sa ngayon, lalabas ako laging naka-facemask, minsan, naka-eyeglasses. Overdo na ang shades kaya hindi ko rin tinatangka. Cap and coat, as usual, kahit sobrang init sa Pilipinas.

Nag-lunch kami ni Jericho sa isang maliit na restaurant na tago rin. Ilan lang ang nakakaalam ng resto kasi dadayuhin pa talaga siya saka walang signboard sa labas. Although hindi sila nalulugi kahit walang kahit anong sign na may kainan pala rito mula sa labas.

It was surrounded by ferns and vines. Mararamdaman mo na close to nature ang theme ng resto. The gate was iron-wrought and we were welcomed with the blackboard menu. Beside the counter was a huge trunk of a balete tree and the ceiling of the first floor could be reached through slight jumping—for Echo, didipahin lang niya ang kisame, abot na niya.

The tables were made of varnished woods, and the dining chairs were round and ladder back. Woody feels din ang kabuoan ng loob kasi ang daming varnished furnitures and yellow lamps.

Hindi binibigyan dito ng menu, talagang o-order ka sa counter ng pagkain.

"Masarap yung bicol express nila rito," alok ko kay Jericho habang nakasandal ako sa haligi ng counter para makaharap sa kanya nang hindi tumitingala.

"Ikaw, anong kakainin mo?" tanong niya at saglit na sumulyap sa 'kin bago ibalik ang tingin sa menu sa itaas din ng cashier.

"Laing ang kakainin ko para madaling nguyain."

"Okay lang ba 'yon sa 'yo? Hindi ba siya bawal o ano?"

"Nope. Hindi naman."

"Sige, bicol express ako. Try ko kung masarap nga."

After we paid for our order, dumeretso agad kami sa two-seater table sa tabi ng gate at iron-railed windows para hintayin ang lunch namin.

Hindi ko gaanong maramdaman ang nakalipas na isang buwan. And to think na halos two months na rin kaming magkakilala ni Jericho. So far, sa lahat ng mga naka-fling ko, siya lang ang nakatagal ng two months sa akin nang hindi kami demanding sa isa't isa.

I find him a good friend, though. He's really nice. And after his project for me, I'll probably ask him for friendly dates some other time—without asking for something more than that.

"Balita ko, nasa Beijing daw boyfriend mo," he began, and I tried not to show my disappointment on that kasi hindi nga nagpaalam nang maayos si Ty sa 'kin tapos ayaw rin niyang sumagot sa mga FaceTime call ko. "Mukhang di kayo okay, a. Break na ba kayo?"

I sighed and forced a smile. "Hindi siya sumasagot sa mga call ko. Puro lang siya text. Kaso hindi siya magte-text kung hindi ako magte-text. You know . . . kailangan, ako lagi ang mag-i-initiate ng convo, pero kapag sumasagot siya, laging parang nasa emergency siya."

"Kahit gabi?"

Tumango agad ako. "Whole day, parang sobrang busy siya."

And I didn't like that. Kasi alam ko ang ganoong schedule. I've been on that situation na kapag ayokong kausap ang tao, lahat na lang ng dahilan, maiisip ko.

Busy ako, nasa meeting, may tinatapos na project, may kausap na client—lahat.

"May ibang babae ba?"

I froze for a while. I swallowed a huge lump in my throat.

Sanay naman ako sa pambababae ni Tyrone . . . noon. Pero iba na kasing usapan ngayon. He promised he would marry me whether I win or I lose at La Mari's competition.

And there he was, left me when he thought I was asleep. Ni wala man lang matinong paalam. Although hindi naman siya nang-ghost, pero pinararamdam niya kasi sa 'kin wala na siyang time para unahin ako . . . kasi mukhang may iba na siyang inuuna.

"Mukhang meron nga," sabi niya nang matahimik ako. "Pero compare sa last na nakita natin siyang may kasamang iba, parang mas mabigat yata ngayon yung kabit, a. Kilala mo ba?"

I could let Shiela or any ladies from Lion na makipaglandian sa kanya maghapon. At least, aware ako kung sino ang kalandian niya. But this case was different. Hindi ko kasi alam. Hindi ko kilala. And most of all, naroon pa sa lugar kung nasaan ang pamilya niya.

"Alam mo, Echo . . ." I stopped for a while kasi nilalapag na ang mga order namin sa table. Si Jericho na ang nagpasalamat para sa aming dalawa bago ako tumuloy sa sinasabi ko. ". . . nasa China kasi si Tyrone. Ayokong isipin na kaya parang ilag na ilag siya sa 'kin, kasi yung parents niya, nalaman yung nangyari sa 'kin with Jomari. You know . . . I don't see myself as someone worthy for their son right now."

"Cinn . . ."

"Gusto ko lang magpakatotoo. Gusto ko lang magpaka-rational."

"Pero biktima ka lang naman, Cinnamon. Hindi mo naman ginusto yung nangyari sa 'yo dahil sa tarantadong Jomari Lianno na 'yon. Tanggap ka pa rin naman siguro ng boyfriend mo kahit ganoon ang nangyari sa 'yo."

Nag-iipon lang ako ng buntonghininga sa usapan namin.

"It wasn't the first time I was raped by a man, Echo . . ." I said, almost a whisper so only the two of us could hear my words. "Ty knew what happened to my first assault. He witnessed it from the other building of Lion."

He looked stunned and his brows automatically raised to ask me if I said it right.

"Ha?" the word he uttered after my confession. "Cinn, ayos ka lang ba?"

"That happened almost ten years ago. Alam mo 'yon? Ty never left me . . . until now."

I shrugged but it didn't shrug off my gloomy feelings.

"Cinn, baka may nangyari lang. Hindi ka naman iniwan talaga."

"Okay lang." Sinubukan ko pang matawa kahit para akong tanga. "Kung saan siya masaya, e di doon siya."

Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Para lang makabalik ang lakas ko kasi gusto ko nang gumaling agad. Tahimik lang kami ni Jericho. Mararamdaman mo naman kung may gustong sabihin sa 'yo ang tao, pero kahit naramdaman ko 'yon, hindi na rin siya nagsalita.

Pagkatapos naming mag-lunch, sabi ko, bumalik na siya sa trabaho at uuwi na 'ko, pero inaya lang niya 'kong tumambay muna sa hindi pa tapos kong boutique at siya naman ang nanlibre sa 'kin ng pistachio ice cream na nasa cup.

"Alam mo, Cinn," panimula niya sa gitna ng katahimikan namin. "No'ng una kitang makita sa bar, naawa talaga 'ko sa 'yo. Yung ang ganda mong babae, pero patay yung mata mo. Kapag natutulala ka sa mga alak, parang wala ka nang kaluluwa."

Gusto ko sana siyang sipain, pero nawawalan ako ng lakas kumilos. Siguro din kasi, totoo ang sinasabi niya. I was a breathing dead for a very long time.

"Tapos nakikita ko lang na buhay ang mata mo, kapag nagagalit ka. Naaawa ako sa mga taong nabubuhay lang sa galit. Yung walang ibang goal sa buhay kundi gumanti. Makikita mo 'yon. Yung sparks sa mata na ang hangarin lang, makapanakit ng iba. Kaya nga ayokong pumayag sa gusto mo n'ong una, di ba?"

Napatango na lang ako nang marahan. "Yeah."

"Pero alam mo kung ba't ako pumayag sa last minute?"

"Kasi pakipot ka lang talaga," sagot na medyo ikinatawa ko rin kasi medyo totoo rin naman.

"Di naman sa gano'n. Nakita ko lang kasi that time na kahit wala kang makeup, blooming ka. Makikita mo naman agad sa tao 'yon kapag alam mong masaya na ulit siya. Mararamdaman mo yung sincerity. Yung hope. Yung goal na hindi na para makapanakit, pero dama mo na lalaban pa rin kasi may maganda nang patutunguhan ang paglaban."

And it paid off.

"Nasa audience din ako n'ong last quarter ng competition . . ."

Doon na 'ko napatingin sa kanya. Talaga ba?

"Katatapos lang ng practice ng mga model para sa event kinabukasan."

"Oh . . . I see." Kaya pala.

"Nakatutok sa 'yo yung camera sa last minute. Halos hindi namin mapanood yung nasa screen kasi kitang-kita namin kung paano ka mahirapan sa ginagawa mo."

Kung alam lang nila na kabuwisitan ko kay Petunia ang dahilan kaya pinilit kong tapusin yung suit na 'yon kahit dinudugo na 'ko.

"Ilang beses sumigaw yung boyfriend mo sa mga organizer na pahintuin ka na. Na pumasok na sila sa activity area para awatin ka kasi siguradong-sigurado siyang papatayin mo ang sarili mo para lang doon sa suit. Hindi siya pinapasok sa loob noong pinilit niya kaya kahit man lang doon sa pader ng activity area, pinilit niyang tawagin ka."

Napatigil ako sa pagsandok ng ice cream nang matuluan 'yon ng luha ko. Sa sobrang pagkatulala ko sa sinasabi ni Jericho, hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

Naalala ko si Ty noon pagtayo ko.

"Di naman sa kumakampi ako sa boyfriend mo dahil lang doon . . . ano lang, di ko lang makita yung sense kung bakit sa dami ng isinakripisyo niya mula noong nakaraang buwan, ngayon ka pa niya iiwan."

"Ganito kasi, Echo . . ." Nagpunas ako ng mata saka malalim na huminga bago nagsalita. "Bago siya umalis, narinig ko sila ni Forest na nag-uusap. Pupunta raw siya ng Beijing para sa kasal."

"Kasal niya?"

Napailing ako. Wala akong idea e. "Wala siyang sinabi. Ayoko na ring itanong. Feeling ko nga, karma ko na 'to kasi ilang taon ko na rin siyang pinipilit na bitiwan yung engagement namin. Ngayon, parang bibitiwan na nga niya."

Kahit anong pilit kong patawanin ang sarili ko, kapag napapahinto ako, naluluha pa rin ako.

Inisip ko kasi . . . baka puwede na kami. Na baka this time, okay na . . . na baka this time, kaya na.

Inasahan ko. Sinabi ko sa sarili ko na sa pagkakataong 'to, siya na ang pipiliin ko . . . kasi . . .

Napatingala na lang ako nang bahagya habang nagpupunas ng luha.

"Sabi ko, two days, makakalimutan ko rin siya gaya ng iba . . . pero one week na . . ."

Napapikit na lang ako nang kabigin ako ni Jericho pasandal sa balikat niya.

"Sshh . . . babalik din 'yon. Baka nga may emergency lang sa kanila."

"Nami-miss ko na siya . . . kahit isang araw lang, gusto ko siyang makita . . . Kahit saglit lang . . . Kahit isang minuto lang . . ."

I've spent my decade hating Tyrone and telling myself how I hate his existence. I never imagined I'll end up searching for him in my peaceful times. Na hindi ako matahimik hangga't hindi ako nag-iingay.

Sinasabi ko sa sarili ko na kung nagpakasal nga siya sa iba, e di dumoon na siya. But later on, sarili ko na rin ang nagsasabi na kung nagpakasal na nga siya sa iba, kung babalikan niya 'ko, tatanggapin ko pa rin siya kahit may asawa na siya.

Naiinis ako noon kay Mama kasi nagpapakatanga siya kay Daddy. Na naghihintay siyang balikan ng ama ko kahit wala naman nang pag-asa yung kanya. Hindi ko naman alam na sa ganoon din pala ako babagsak.

If ever it was another messed-up day of my life, I would be finding a man right now to have a one-night stand or spent my hours in the bar. That was my life.

But it was different right now.

I didn't let myself go to a bar kasi makikita ako roon ng mga reporter. I tried browsing on Tinder, pero wala pa mang isang minuto, umaalis na agad ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang nakakatamad kumausap ng ibang tao.

Ilang araw din ang inabot bago matapos si Jericho at ang team na kasama niya sa boutique, pero hindi ko naramdamang natapos sila.

Hindi kasi ako masaya.

At mukhang kahit si Jericho, naramdaman din 'yon.

"Alam mo, Cinn, celebration sana ang ginagawa natin ngayon pero para tayong namatayan."

Nakatambay lang kami sa lounge, nakaupo sa fern-colored sofa, sa bagong tapos kong boutique pero hindi pa officially open kasi nga, wala ako sa mood mag-celebrate.

"Puwede bang mag-opening na lang tayo pagdating ni Tyrone?" tanong ko habang nakatulala sa mural kong nasa harapan lang namin.

"Kailan pa 'yon? May sinabi ba siyang babalik na siya?"

Umiling lang ako nang marahan habang nakatulala. Hindi ko kasi alam.

"Tinawagan mo na ba?"

"He's not answering any of my calls and texts since yesterday."

"Aray naman."

Then, the door chimes created a lovely sound that revived a little life within me.

"Cinn . . . hey."

Napatayo agad ako nang may ngiti.

At that moment, I really was expecting that Tyrone would surprise me and tell me that everything was just a prank para lang ipakita na hindi ko pala kayang magtagal nang wala siya sa buhay ko.

But . . . that was just another trope for an expectation.

"Forest . . ."

"Uhm, tumawag si Tyrone kanina . . ."

Tumawag sa kanya kanina? Si Ty? What about me? Hindi rin ba 'ko tatawagan?

"May nakita raw siyang wedding gown dito last time. Pina-reserve niya raw 'yon sa 'yo and naipangako mo na rin daw. Ngayon na niya kukunin."

Para akong timang na ngumiti saka tumango. "Sure!"

Surprise ba 'to? Wala siyang sinabi. Ano'ng plano niya? Pina-prank lang ba nila 'ko? What's this?

Gusto kong magtanong. Gusto kong magpa-spoil. Baka kasi pinagti-trip-an lang nila 'ko at joke lang 'tong lahat pero dapat sumakay lang ako.

Ang saya ko pa habang inaayos sa box ang wedding gown na tinanong sa 'kin last time ni Tyrone kung binebenta ko ba.

It was one of my expensive gowns kaya hindi ko rin inaasahang mabibili agad ng mga dumadaan sa boutique na naghahanap ng murang wedding dress.

"Nasaan pala si Tyrone?" masayang tanong ko nang kunin na sa 'kin ni Forest yung box. "Nakauwi na ba siya?"

"Uhm . . ." Forest tried to smile, but she didn't look happy. "Pupunta ako sa Beijing. A-attend ako ng wedding para sa mga Chen."

Biglang bumagsak ang lahat ng excitement ko.

Beijing . . .

Hindi dito sa Pilipinas?

Hindi sa akin?

"Si Tyrone . . .?" nanghihinang tanong ko.

"Siguro, kayo na lang ang mag-usap, Cinn. Ayoko kasing magsalita tungkol dito."

Para akong iniwan ng lahat ng pag-asa ko gaya ng sabi niya . . .

Na kung maghihintay ako . . . babalik siya.

Ayokong umaasa. Alam ng lahat na hindi ako umaasa sa isang bagay na alam kong hindi ko naman makukuha. Pero seventeen years old pa lang kami ni Tyrone, magkakilala na kami. I know we didn't have a good relationship for the past decade, but we've tried our best to kept what was remaining in ourselves last month—the little hope that we could be us. That someday, magiging kami rin kasi ready na kami.

And I guess, all those years . . . I wished I spent those years with him without disgust and anger and resentment.

Sa sobrang hopeless ko na, kino-condition ko na lang ang sarili ko na someday, babalik siya. Babalikan niya 'ko. Na itutuloy niya ang usapan namin . . . na kanya na 'ko. Na magpapakasal kami. Na ako pa rin. Na may kami pa rin.

But one afternoon, parang lalo lang akong winasak ng natitirang pag-asa ko.

"Cinn, okay na ba rito?" tanong ni Echo habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga display kong wedding gown sa may glass wall.

"Puwede na 'yan," sabi ko habang nasa couch ako at nasa Facebook para tumingin sa marketplace.

Sabi ko nga sa sarili ko, aasa pa rin ako. Pero hindi ko na rin alam.

"Kanina ka pa diyan, di ka pa rin tapos?"

Habang nasa marketplace ako, may nag-tag sa 'kin na isang fan ng Cinn D's Creations. Naka-mention doon sa shared caption niya ang FB page ko.

Chinese name ang owner ng photo, and what surprised me was the couple on it.

"Hala, fiancé mo 'yan, di ba?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.

I guess, it wasn't a coincidence o masasabi kong baka magkakamukha lang kasi marami rin namang singkit sa China. Pero kasi . . .

Wedding photo ang nasa post. Picture ni Tyrone na nakasuot ng black suit na may red rose sa lapel. Sa photo, ang tamis ng ngiti niya, parang ang saya-saya niya. Yung ngiti niya na nakikita ko lang kapag kausap niya sina Shiela—yung ngiti na hindi ko matandaan kung kailan ba niya huling ibinigay sa 'kin kasi ang dalas naming mag-away.

Nakasukbit sa kaliwang braso niya ang braso ng isang babaeng singkit din, may suot na diamond tiara, malawak ang ngiti, at higit sa lahat . . .

"Show mo nga yung translation. Instik e," utos ni Jericho, pero siya na rin naman ang pumindot ng screen kasi hindi talaga ako nakakilos habang nakatitig sa photo.

"I will always choose you, my dear. After all those years of waiting to be with you, at last, we're here. We may not be with each other for God knows how long, but my love for you never fades. The world may hate you, but not me. My heart is full right now, and I'm happy to be here by your side. I never regret choosing you over anyone else. I love you, Yue Chen.

Suit: Timmy Ho

Gown: Cinnamon de Chavez

Photography: Yu & Co. Studio."

Ang natitirang pag-asa ko na babalik siya . . . sa isang iglap lang, bigla na lang nawala. At sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, pumikit na lang ako nang mariin at pinigilan kong maluha.

"Ang pangit naman ka-bonding ng fiancé mo, Cinnamon. Sa dami ng pinagdaanan n'yo, wedding gown designer lang pala ng asawa niya ang bagsak mo. Ano ba 'yan?"

Sa mga oras na 'to, ngayon ko siya gustong tanungin kung ito ba ang dahilan kaya hindi na siya tumatawag sa 'kin. Siya ba ang dahilan niya?

Ito ba?

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top