43. Calm Before the Storm


"Pinayagan mo? Ano ba? Binigyan ka ba ng death threat nito?"

Jericho's voice was too high, enough para mag-bounce back ang boses niya sa buong gallery ng boutique ko na walang ibang laman kundi mga pintura at hagdan sa gitna.

Saglit lang na nandilat ang mata ni Tyrone sa sahig habang pilit na pilit ang ngiti saka kami tinalikuran. He brought me here bago kami pumunta sa warehouse magpa-schedule ng supply ng Ivory Cashmere. Titingin lang sana ako kung kumusta na ang boutique ko pero isa pa 'tong si Jericho na napaka-OA kung makasermon.

"Nalilito ako, ha. Hindi ka pa kasi okay, Cin, e. Wala ka nang black eye pero maga pa rin 'yang panga mo. May tapal pa nga, o! Sunog na ba nerve endings mo at di mo nararamdamang masakit 'yan?"

"Echo . . ."

"Echo-Echo ka diyan, sabi ko, magpa-disqualify hindi mambudol ng supplier ng tela."

Bakit ba sermon sila nang sermon, binibigyan ko na nga sila ng pabor.

Wala pang five minutes kaming nandito sa boutique. Puro puti sa paligid, meaning hindi pa napipinturahan ni Jericho ang interior. Pero halatang may mga binago siyang placing ng mga counter. Hinahanap ko nga yung pader papuntang work area namin, pinagiba pala niya saka in-adjust para dagdagan ang lawak ng opisina ko sa kabilang gilid. Maliit lang kasi ang office ko, hindi binago ang interior noong dati pa 'tong massage parlor. Kitang-kita rin kung gaano na kalaki ang ipinagbago ng loob at mas nakakaikot na ang hangin.

Sana pala dati ko pa pinaayos itong boutique.

Halata ring busy si Jericho sa pagtatrabaho kasi nakasuot lang siya ng usual black sando niya na malaki ang butas sa manggas at stonewashed jeans. Naka-headband pa siya para hindi kumalat ang wavy niyang buhok sa mukha. At sa tagal kong hindi siya nakita, hindi na rin siya nag-abalang mag-shave ng balbas kaya pinanindigan niya ang rugged look niya—which I find him sexy because of that. Bagay sa suit na gagawin ko for him.

"Hindi ba 'to pinigilan ng doktor?" tanong pa ni Jericho habang tinuturo ang mukha ko.

"Kahit pa sabihin ng doktor na mamamatay na 'yan, lalo lang 'yang magpupumilit," sagot ni Tyrone habang pasilip-silip sa mga bintanang binago rin pala pati ang posisyon at mas malawak na ang sakop. Dati, jalousie lang iyon, pero ginawa na palang casement ni Jericho.

"Saan na kayo nito?"

"Sa warehouse," sagot ko. "Dumaan lang ako para makita kung kumusta na 'tong boutique."

"Patapos na sana 'to kaso ang kukulit ng mga reporter na dumadaan dito. Sabi ko na lang, nasa Antipolo ka, nagpapahinga."

"Taytay nga kasi, di ba?" natatawa akong sagot.

"Taytay ba? E di, maganda! Maghanap sila sa Antipolo!"

"Sira ka." Tinusok-tusok ko ang dibdib niyang mas kailangan na yata ng bra kasi ang malaki saka ang solid. Ang tigas ng dibdib ni Jericho, halatang tagtag sa exercise.

"E di tutuloy ako sa Saturday," sabi niya saka sumulyap kay Tyrone. "Sabi ni Forest, dapat daw may parang trial sa design na gagawin para sa competition. Wala ka bang gan'on, Cin?"

"Hindi pa 'ko puwedeng manahi ngayon, mapupuwersa ako before the competition."

"Paano 'yon, real time kang gagawa ng design? Hindi ka ba mahihirapan?"

"Hindi 'yan. Ako'ng bahala." Nagkrus ako ng mga braso. "And besides, I can manage to move at little faster right now. Ipapahinga ko na lang yung remaining four days ko before the event."

Jericho cringed his face and glanced at Tyrone again. "Man, ang balita ko, three days yung sa La Mari. Fifteen hours daw yung sa designing sa first day. Second day yung judging. Aabutin ng seven hours 'yon. Sa second night ang catwalk and announcement of winners. Third day ang bidding ng winning designs. Kakayanin ba ni Cinnamon 'yon?"

"Malalaman natin 'yan sa event," I confidently said. "Hihintayin ko na lang ang bigayan ng verdict kasi magtatanong sila kung tungkol saan ang designs. Part ng criteria."

Obviously, Jericho didn't want me to join that competition—yeah, like the other's decision of what I should do with myself habang ganito pa rin ang kaso ko.

Hindi ko pa nararamdaman ang pressure ng media since hinaharang yata talaga ng mga kapatid ko ang press para hindi makalapit sa 'kin. But based on Jericho's words, mukhang apektado talaga silang narito sa labas at nakapaligid sa 'kin. Even Forest said something about that na kahit siya, hindi ako nadalaw sa ospital noong naroon ako.

Ngayon pa lang, gusto ko nang malaman kung gaano kalaki ang magiging news kapag nagpakita ako sa madla after a month pagkatapos ng incident with Jomari.

"Mukhang desidido na kayong dalawa, ipit na ipit ako rito, a." Napapakamot na lang ng ulo si Jericho kasi pumayag na si Tyrone sa gusto kong mangyari. "May email na sa 'kin ang organizers. May practice ang mga model habang ongoing ang coverage ng designing. Kita-kita na lang tayo sa backstage."

"I'll see you sa event, Echo," I said, bidding my goodbye for now since four days na lang ang natitira before the competition.

"Kung di kaya, 'wag pilitin, ha?" huling salita niya bago kami umalis ni Tyrone.

I was decided to join La Mari, Ty already agreed with my decision, kailangan ko na lang tumuloy. I checked La Mari's updates, and so far, wala pa naman akong nasasagap na tsismis about me. Hindi naman showbiz inquirer ang page nila in the first place.

Dumaan kami ni Ty sa warehouse nila sa Navotas. We were supposed to visit Li-Shang's textile factory nearby the warehouse kaso sabi ko nga kay Tyrone, huwag na kasi hihikain siya sa loob.

Their warehouse was as huge as two basketball court combined. Nakasalansan halos lahat ng tela roon sa loob. May mga station na may malalaki talagang roll ng fabrics. And the whole place was so occupied with a lot of tables and trimmed fabrics on the floor. Sobrang daming retaso sa sahig na tinatapak-tapakan lang kahit ang gaganda ng mga tinatabas nila.

Binigyan kami ng makapal na mask to avoid inhaling the strands of threads kasi delikado talaga sa baga. Sinalubong kami ng isang trabahador doon na nakasuot lang ng plain shirt at pantalon. May-edad na siya so halatang matagal na sa textile industry. Hindi dapat kami personal na pupunta, pero kailangan na kasi nagkakaroon talaga ng issue sa procurement ng request.

"Nagpa-request na kami ng immediate invoice para dito galing Li-Shang Metro, ser. Pinapa-monitor kasi ni Madame yung mga yarda. Sunod-sunod ang order galing sa kabilang company. Malapit na kasi yung event, nagka-canvas na yung ibang designer sa retail ng tela. E alam n'yo naman si Madame, hindi pumapayag nang walang company record."

Wow. So, dito rin pala kukuha ng mga tela ang ibang designer na sasali sa La Mari.

Hindi yata pinayagan si Tyrone na kumuha ng tela dahil lang anak siya ng main company owner. Kailangan pa ring ng company request.

Kung sa bagay, hihingan sila ng accounting records. Kailangang may official receipt silang ilalabas lalo na, hindi lang kami manghihingi ng isang yarda.

For me, parang paradise ang warehouse ng Li-Shang. Ang gaganda talaga ng mga pino-produce nilang tela. Isa ang Li-Shang sa mga supplier ng Lion ng fabrics at isa rin ako sa may authorization para kumuha ng order sa operation manager ng warehouse. Kaso mukhang hindi na valid ang authorization ko as Lion Fashion's senior fashion designer after nilang i-release ang official statement na hindi na ako affiliated sa kanila.

"Kuya, ilang designer ang nag-inquire sa white cashmere?" tanong ko pagkaliko namin sa kaliwa at puro na mga nagtatabas ng tela ang naroon.

"Wala pa ho, ma'am. Hindi cashmere ang dinadayo nila rito e. Puro gabardine ang hinahanap kasi 'yon ang maganda talagang gamitin para sa mga suit at overcoat. Ang pinakamadalas itanong dito nitong mga nakaraang linggo, yung charcoal saka tan. Wala pang nadaang nagtanong ng white. Ang dami nilang nagpa-quote, mukhang pare-pareho sila ng plano."

Ooops. Someone spoiled the party. Sayang naman.

Nagpa-order na rin ako before ng gabardine noong nasa Lion ako. And since hinarang ng management after I resigned, hindi na 'yon natuloy. Kailangan ko na namang um-order . . . sana. But since most of the inquiries here were gabardine, mabuti nang hindi ako sumali sa circle nila.

Yes, it was the best fabric for suits and overcoats, pero hindi aesthetically pleasing ang fabric ng gabardine para sa design ko. Kahit gaano pa kainit sa Pilipinas, magka-cashmere pa rin ako. After all, rainy season na next month. They will look for a nice and thick coat outside the country. As if namang sa Pilipinas lang nila ilalabas ang designs ng La Mari after the competition.

"May ibinigay na 'kong list of orders, paki-deliver na lang sa location sa Mandaluyong before Saturday," sabi ni Tyrone bago paghinto namin sa naglalakihang rolyo ng white cashmere sa dulo ng warehouse. Tabi-tabi ang bawat rolyo roon na iba't ibang kulay. Bilang lang ang kulay na meron sila kasi hindi naman talaga madalas gamitin sa Pilipinas ang ganito kamahal na tela sa ganito kainit na lugar, but still, at least Li-Shang have some of these rare fabrics in the country.

Tumigil kami roon at habang nagtitingin-tingin ako ng tela, pumasok ang kausap namin sa isang pinto sa dulo na may nakalagay na Authorized Personnel Only.

I was busy inspecting the fabric I was planning to use when Ty asked me about something.

"I don't think cashmere is a good fabric for your plan, Cinnamon. Maganda pa rin talaga ang gabardine. Saka masyadong mabigat ang cashmere, kakayanin mo bang buhatin 'yon?"

Tiningnan ko siya nang deretso sa mata at mukhang naka-manager mode na naman siya. "Ayokong magsalita about that, pero aware ako sa weight ng mga fabric na kailangan ko. I might need a little help pero kung naka-roll naman, kahit hatakin ko na lang para hindi ako magbubuhat."

"Gusto mong magpa-request ako ng naka-roll instead of folded? Kaso mabigat din ang wood pole for that."

"I can push that towards the table, but it takes time. Still, mas okay nang nasa pole kaysa bubuhatin ko. Hindi ako mabibigatan."

I missed my work with Tyrone, to be honest. Almost four months na rin mula nang huli akong magtrabaho under his supervision. I know he trusted my ideas, and I know how hard he works for everything basta sinabi ko. I was just disappointed with what happened regarding my issues with Aliza Verano. Doon talaga naputol ang pisi ko sa kanya at sa Lion. And he apologized on my behalf kahit na hindi naman niya dapat ginawa. Nakakainis lang.

"Ser, pa-sign na lang ho rito sa waybill." Nabalik na si Manong at may dala na siyang clipboard na may nakataling sign pen doon. "Kapag ho tinanong ni Madame kung sino ang nag-purchase ng cashmere, okay lang ho ba na kayo ang sabihin kong nagbigay ng order request?"

"Yeah, sure." Sinilip ko ang pirma ni Tyrone and it was only his shorthand initials.

"Basta ho sa inyo naka-indicate ang handling nito, ilalagay ko na lang ho na care of Tyrone Chen kapag pina-ship sa Mandaluyong."

"Yes. And paki-roll, huwag i-fold. Mahihirapan kasi yung magbubuhat kapag hindi nakarolyo."

"Sige ho, ser. Update na lang ho kami sa order kapag ready to ship na."

Alam ko namang katakot-takot na sama ng loob ang pinakawalan ni Tyrone bago pa siya pumayag na sumali ako sa La Mari. But he really did give me a favor to provide my needs for that competition.

This time, hindi ko na masasabing ginagawa lang niya 'to out of responsibility as our branch's general manager. We were both unemployed and our initiative to work was out of our own will. No main branch to blame if he was scolding me for doing something stupid. If he scold me, he scold me because he knows I wasn't doing logical actions as a person with a rational mind, not because he wants to scold me as an employee for the sake of company policies.

"I ordered for the customized stones for your rose," Tyrone informed me habang nasa biyahe kami pauwi. "Darating daw 'yon a day before the event."

"Magkano ang additional rate nila sa rush order. Three weeks ang shipping niyan, a?"

"They asked for a triple price."

"Triple?!" My brows automatically creased after I heard that. 30 thousand pesos ang allotted budget ko sa customized Swarovski. Presyo na ng buong gown na puno ng stones yung sinabi niya! "That's too much! Sana hindi ka pumayag!"

"I already bought it. Ayoko nang makipagtalo sa ibang tao. Enough na yung ikaw lang ang sinisigawan ko dahil dito sa nakakabuwisit na competition na 'to."

My God! Nakakainis talaga 'to. Ang laki ng 90 thousand para lang sa size ng brooch! Ano siya, nagpa-bid pa? Mabuti sana kung gawa sa purong diyamante ang stones na in-order niya.

"Nagsasayang ka ng budget," sabi ko na lang saka pumaling paharap sa bintana ng sasakyan.

Hindi ako makakapag-trial ng design. Four days kong susulitin ang pahinga ko. May nireseta ang doktor na ointment para mabilis matuyo ang sugat ko. Sana makatulong sa natitirang apat na araw.

"I almost forgot to tell you," panimula ni Tyrone kaya napalingon agad ako sa kanya.

"What?"

"You already confirmed your appearance for La Mari, nagkaroon sila ng kaunting changes sa house rules."

"Di na 'ko nagtaka." Napairap na lang ako at naibalik ang tingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa San Beda, natatanaw ko na yung building.

"Para hindi maging bias ang judging, ime-maintain nila ang anonymity ng mga design hanggang matapos ang judging. Hindi ipapanood sa mga judge ang coverage para sa mga designer."

I forced a smirk and rolled my eyes. Anonymity? Lalo lang nilang pinahirapan ang mga sarili nila. Kung may keen eye ang makukuha nilang judges na before the event pa ia-announce, madali nilang malalaman kung alin ang design ko. 'Yon ay kung hindi nila lulutuin ang result. Kasi kahit pa i-anonymous 'yan, kung bibigyan naman ng info ang mga hurado kung alin ang gawa ng kanino, useless din kahit pa hindi nila mapanood ang coverage.

Tingin naman nila sa 'kin, pinanganak lang kahapon?

I've been in this industry for almost a decade now. Nakailang judging na rin ako sa mga major fashion show and other related competition. Sa dalas ng bentahan ng boto, hindi sila papayag na hindi mananalo ang manok nila.

But since I was trusting the credibility of the sponsors, duda ako sa bentahan ng boto mula sa mga partner ng La Mari. Nag-check ako ng list ng mga sponsor nila, mahihirapan lang silang magluto ng resulta. They even got three sponsor's choice awards na mismong mga chairperson ang magde-decide ng winners at hindi ang organizers. Dito talaga magkakaalaman kung sino ang paborito sa hindi.

Hindi ako nag-aalala kay Jericho kasi alam kong kaya niyang dalhin ang damit ko. Sa isang iglap, saka ko lang naramdaman ang pressure kasi kailangan ko nang kalkulahin ang kilos ko kung kakayanin ko ba ang fifteen hours na trabaho.

Pag-uwi namin ni Tyrone, para kaming namatayan. Sobrang tahimik naming dalawa. Sobrang weird din ng feeling na hindi ko alam kung masama pa rin ba ang loob niya at napipilitan lang sa ginagawa niyang pagtulong sa 'kin or what. Basta ang bigat ng pakiramdam ko pagtapak sa loob ng bahay.

Kumukuha ako ng damit sa closet niya pagpasok ko sa kuwarto. Sa kusina kasi siya dumeretso kaya akala ko magluluto na muna siya ng lunch namin. Namimili ako ng damit na ipapalit sa suot ko nang pumasok siya sa loob at sumandig sa gilid ng cabinet.

"Are you sure you can do it?" he asked, his tone was heavy and doubtful.

I couldn't answer that for now. I was asking that to myself as well.

"Cin, if you feel like you can't do it, don't force it. Marami pang opportunities in the future for you. I should know."

I pulled a navy blue long-sleeved blouse and hugged that softly. I stared at the cabinet's rack of clothes for a moment before I heaved a deeper sigh.

"I don't know if I still want to take those opportunities in the future, Ty . . ." I sadly answered. "I already had my cut. I got my spotlight and I was blinded by it. I lost myself when darkness consumed me after a temporary shine. I don't know if I still want that kind of life again. I'm just . . . tired of everything." My eyes shifted on his and he didn't look like he was going to shout at me again. "I'll take this chance to show everyone my creations for the last time. I'll announce my retirement after this event."

"Cin . . ."

Saglit kong inilapag ang damit na yakap ko sa loob ng cabinet saka ko siya nilapitan para yakapin. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa may baywang niya saka ko isinubsob ang mukha ko sa may dibdib niyang hindi man kasintigas ng dibdib ni Jericho, but it was warmer and more like a permanent home than a temporary shelter. Tyrone smelled so good I would definitely hug him for the whole day if he would let me.

"I chose my career and it didn't go well as planned. It's time for me to choose you this time. Thank you for everything, Ty . . . I know I can't thank you enough. Promise, babawi ako sa 'yo this time."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top