40. Dress Up


Breakfast is not my most favorite part of the day, pero kapag kasama ko sina Forest at Tyrone, parang gusto ko nang magbago ng paniniwala.

"Leave the bacon alone! Kadiri ka, Resty!" Sabay hampas ni Tyrone sa kamay ni Forest.

Nakailang hawak ako sa pisngi ko kasi kulang na lang, magbatuhan ng kutsilyo yung magpinsan kasi binubuwisit nga namin si Tyrone. E since hindi ako mapatulan ni Ty, si Forest ang sumasalo ng mga physical attack niya.

"Ang KJ mo talaga!" Pinilit ni Forest na dakmain ng kamay yung bacon sa plato ni Tyrone na nakuha naman niya. "Nanghihingi lang, ang damot!"

"Sana nagluto ka ng iyo, di ba?"

"'Yoko nga." Nakanguso lang si Forest habang ngumunguya.

"Wala kang manners? Gusto mong ipabalik kita sa Grade One?"

Hindi talaga kami makaka-survive ni Forest nang hindi nakikitang umuusok ang ilong ni Tyrone sa galit. Si Forest, hindi rin siya boto sa pinsan niya para sa 'kin, pero kapag may issue ako, pinsan lang din naman niya ang tinatawagan niya para mag-assist sa kanya basta problema ko.

"Wala ka bang latest mistress ngayon?" tanong ni Forest habang ngumunguya. "Di mo dinadala rito? Sayang naman! Wala kaming mapagtulungan ni Cinnamon kundi ikaw lang."

"Shut up or I'll throw you out of the window."

Tinawanan lang siya ni Forest kasi inaasar na naman siya sa pambababae niya.

I was expecting for a mistress, actually. Sanay naman ako. Kung makita ko man siyang may ka-sex sa kuwarto niya, baka mag-volunteer pa 'kong maging cameraman for a sex tape. Saka hindi naman kami nagkakaroon before ng intimate closeness ni Tyrone so mas naunahan pa siyang tikman ng mga babae niya bago ako. But I didn't want to bring that up since after all, I was the first one who cheated. Kaya nga hindi ko bini-big deal 'to unless gusto ko siyang ma-bad trip at dispatsahin. But personally, I wasn't offended by it. I'm sure he was offended more about learning all my affairs while we're engage.

Hindi ko lang kasi talaga makita si Ty bilang lalaking . . . 'yon. Someone na pagnanasaan ko o aasawahin ko. Hindi naman kasi siya kanasa-nasa, actually. But I might swallow that impression kapag nakikita ko siyang nasa nerdy mode niya o kaya bagong ligo.

We're more like enemies . . . with a lot of benefits. I hate him. He hates me. We messed with each other's lives. Yet we have each other's back. You know? That kind of mutualism where we both benefits from each other, however, we harmed each other as well. Basta.

"Ty, ayaw mo talagang tanggapin yung offer ni Tita Cindy sa Li-Shang? Tinatawagan ako n'on, kumusta ka na raw. Di mo sinasagot yung calls niya?"

Now the atmosphere started to change. Forest and her serious news about Ty's family.

"Not interested."

"Why naman? Sayang yung sa Li-Shang."

"Hong Kong."

"Oh!" Forest covered his mouth and stole a glance at me before she shifted her eyes on the table. "Sabi ko nga, 'wag mo nang tanggapin, di ba?"

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang may something sa pamilya nila na hindi ko puwedeng malaman a.

O baka dahil alam na ng pamilya ni Tyrone na hindi na 'ko perfect para sa anak nila—kahit matagal naman nang hindi. Baka pinauuwi na si Tyrone sa China para doon na sa kanila magtrabaho since hindi ko na nababalitaang nasa Lion si Ty. Suspended nga pala siya, isang buwan na halos akong nakatengga sa ospital.

"Wala ka na ba sa Lion?" tanong ko agad kaya napahinto sa pagsubo si Forest. Yung tinatanong ko naman, tuloy lang sa pagkain.

"I resigned," sagot niya.

"Since when?"

"Since the day you stayed in the hospital," Forest whispered.

So, almost a month na rin. Tinitigan kong mabuti si Tyrone na focused na focused sa natitirang pagkain niya sa plato.

"Sayang yung time," sabi ko.

He didn't answer nor say anything.

"Hindi ka ba pagagalitan ng parents mo?"

Umeksena agad si Forest. "Actually—"

Biglang umangat ang kamay ni Tyrone na may hawak na tinidor na may lamang hiwa ng bacon at sunny-side-up egg at isinubong bigla kay Forest. "Gusto mo ng bacon, di ba?"

Napahawak na naman ako sa pisngi bago pa ako makahalakhak. Yung mukha ni Forest, parang mananampal na habang puno ang bibig. Si Tyrone, wala pa ring ibang reaksyon.

"You know what . . ." Forest slowly said while chewing. ". . . ang toxic n'yong dalawa ni Cinn. Can you two talk like . . . you know? Everything. Personal things. I know you hate each other but basically, you just love each other in a sadist-masochist perspective. You slapped her, she slapped you, but no hates really exist behind the pain. You just love how it inflicted you both." She picked up the glass of water on the table and made some hand gestures like she was talking to the table. "Hindi lang kami nagsasalita, para kasi kayong mga timang. For sure, kapag naghiwalay kayo, babalik din kayo sa isa't isa. You've been doing that for almost ten years. Hindi n'yo ba napapansin—"

Bzzt! Bzzt!

Napahinto sa pagsasalita si Forest habang kinukumpas ang kamay niya sa hangin. Napatingin kaming lahat sa phone niyang gumagalaw-galaw sa table.

Boss Archie calling.

Yung kapatid ko. Paglipat ko ng tingin sa kanya, pinandidilatan niya ang phone niya na parang may halimaw siyang nakita roon.

"Damn."

Para kaming mga timang na pinanonood lang yung phone na nagba-vibrate sa mesa. Nakahinto sila sa paggalaw kaya naka-freeze din ako. It felt like once we move a muscle, we will get shot by a sniper from a good distance.

After a few vibrations, the call ended.

"Whooh."

Then we moved again like our killer left the area.

"I need to go, pagagalitan ako ng kapatid mo kapag naabutan niya 'kong wala sa law office." Nagmamadali siyang isinuot ang leather jacket niyang nakasampay sa sandalan ng breakfast nook. Dinampot niya agad ang bag niya habang nilulugay palabas ang buhok.

"Nakatulog ka na ba?" tanong ko.

"I had naps on the way here." She bowed down to kiss me on the cheeks. "I'll give you an update regarding your request later."

"Thanks, Resty."

Even if Ty's a little annoyed by her and her smell, he still accepted her hug pagtayo nito.

"Take my car." Tyrone handed her one of his car keys. "Huwag mong gagasgasan, ikaw ang pagbabayarin ko ng repair niyan."

"Aww! Thank you, my dear grumpy cousin. I still don't like you."

"No one's asking. Go out, baka magbago pa isip ko, paglakarin kita hanggang highway."

"Suplado!"

Hinatid pa ni Tyrone si Forest papuntang garahe. Tumayo na rin ako para doon naman sa front door sumalubong sa kanya.

"Ingat sa pagda-drive, Forest!" Sinubukan kong lakasan ang boses ko habang sinusundan ng tingin ang maroon sedan ni Tyrone na pinahiram niya. Ito yung pinakamura sa mga kotse niya kaya siguro pinahiram.

"Bye, Cinn! See you soon!"

Pinanood ko ang kotseng dumaan sa gitna ng mapunong parte palabas ng subdivision nina Tyrone. And after a month, ngayon lang ako nakalanghap ng sariwang hangin ng umaga sa labas. And the smell of pine trees and the flower-bearing tress from the nearby street was so relaxing.

I closed my eyes and breathe deeply. Damn.

Sobrang sarap ng morning sun today.

"Go inside."

"Puwede ba tayong maglakad-lakad?" tanong ko sa kanya. "I can manage. Nakaka-miss lang maglakad."

"Pumasok ka muna sa loob."

"Hindi ako tatakas, promise!" I couldn't raise my right hand so I did it on my left.

"Pumasok ka nga muna."

"Ang KJ mo."

Biglang bumaba ang tingin niya saka itinuro ang buong katawan ko. "No bra, no pants, no slippers. Lalabas kang nakahubad?"

Oh.

Hindi ko napansin. One month din akong naka-hospital gown, nakasanayan ko na.

"Fine. Can I have my clothes?"



♥♥♥



Ilang beses kong sinabi kay Tyrone na kaya kong maglakad. Hindi ko kailangang lumibot sa subdivision nila, gusto ko lang magpahangin. And since he was an overthinker, kailangan ko pang makipagtalo pati sa kung saan kami pupunta at gaano lang ba kalayo ang dapat naming abutin.

"Hindi mo naman ako balak ikulong dito sa bahay mo, di ba?" tanong ko habang tinutulungan niya 'kong magsuot ng cotton shorts niya.

Sabi ko kasi, ayoko ng jogging pants kasi ang init na. End of May na next week pero ang init pa rin. Since kasya naman sa 'kin ang shorts niya, e di shorts na lang niya ang ginamit ko. Hinigpitan lang niya ang lace sa may baywang ko para hindi malaglag.

I wasn't wearing a bra or anything mula pa noong ma-confine ako sa ospital. Halos buong buwan ngang puro lang hospital gown ang suot ko at wala man lang underwear since kailangan kong mag-catheter o magsuot ng adult diaper noong na hindi talaga ako makabangon. Buti nga at nakakalakad na 'ko ngayon. I didn't want to see Tyrone changing adult diapers at ako ang papalitan niya n'on. Sobrang weird imagine-in.

"If it hurts your wounds, I'll remove it and I'll let you wear a darker top," he said while holding a skintoned balconette bra na kapares pa yata ng undies na pinagawa niya kay Forest. White rose din kasi at same ng design. "I should have asked for a backless or a stick-on for you. Tatawagan ko ulit si Forest for another set na hindi maiipit ang mga sugat mo sa likod."

I'm a fashion designer, I was the one who put clothes on my models. Never kong na-imagine na ako ang bibihisan ng damit sa tanang buhay ko. And what's more thrilling than that? The former general manager of Lion Fashion was doing dress-up for me.

He wrapped his arms around me after I partially wore the bra he was holding. He carefully clasped it from behind, and my eyes almost jumped out of my eye socket when he gently ran his hands under the band and pushed my breast up inside the cup. What the fuck?

My face was melting because of an uncontrollable heat, and my hand automatically held his to stop him from reaching that beating part of my chest. It felt like some warm touch was reviving my cold and dying heart from the inside.

"What's the problem?"

I was eyeing his shirt at hindi ko alam kung paano siya titingnan.

Fuck!

Ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung gawa ba ng takot. Basta kinakabahan ako.

"Wait," sabi ko habang humihinga nang dahan-dahan. "Damn."

"Are you alright, Cin?"

Kahit gusto ko siyang tingalain para sagutin, hindi ko magawa. Baka kasi iba ang makita ko pagtingala ko.

Bakit iba? Si Tyrone pa rin naman ang makikita ko? Para naman akong timang!

"Are you horny or something?"

Out of reflex akong napatingala kahit ayoko nga. "Ha?"

His face was full of confusion like I was doing something undefined. "Are you okay?"

"Uhm, yeah?" I answered, confused as well.

"Just tell me if you're not feeling fine or if you're horny or what."

"Hindi ako horny, ba't ba inuulit-ulit mo?"

"So, can I take my hand back?"

"Your what?"

"My hand. It's on your breast."

"On what?" Napatingin ako sa dibdib ko at nakitang nakasilid doon sa loob ng bra ang kamay niyang pinigilan ko. "Oh shit! Sorry! Ah—" Mabilis ko siyang binitiwan at napahawak sa pisngi kong biglang kumirot.

"Ayan. Kung ano-ano kasi'ng ginagawa." He finished fixing my breast on my bra before he turned around para kunin naman ang button up na damit ko.

Fuck this shit. Napahawak agad ako sa dibdib kong hindi ko alam kung paano sasapuin. It was beating too fast, my head was too hot because of . . . shame? Ewan!

It was almost a decade when the feelings of my body had left me. I mean, after Fred Cervantes, I almost felt nothing. Na parang hindi ko na gusto ang katawan ko, so bahala na ang lahat na pagsawaan 'to. Even Jomari's body never left a mark in me. All those touches from other men, wala akong maramdaman kundi sakit. The pleasure was temporary and out of lust.

And Ty's touch wasn't out of lust. He even looked at me like I was a freak kahit pa halos libutin na ng kamay niya ang buong katawan ko. He never looked at me like a meat for immediate consumption.

But it was almost a decade when Fred's hands left an unremovable mark on my body. I didn't expect that Ty's touch would left a mark on mine as well. Pero hindi ko maramdaman na ang dumi kong babae dahil sa hawak niya. Pakiramdam ko, kahit ang dumi ko na, hindi pa rin siya natatakot hawakan ako.

I didn't expect that.

Binalikan niya 'ko at sinuotan ako ng panibagong damit. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang isa-isang binubutones ang damit ko. Seryoso lang siya na gaya ng tingin niya kapag nasa backstage kami at kailangang ayusan ang mga model namin.

Hindi na 'ko nagtanong kung bakit expert na expert siya pagdadamit sa 'kin kasi sa backstage, kapag nanenermon siya sa mga designer na tatanga-tanga, siya na ang nagbibihis sa mga model namin habang galit na galit pa. He definitely knows how to do his job and he's good at it.

"Kapag magaling na ba 'ko, bibihisan mo pa rin ba 'ko?" tanong ko habang tinititigan ang mata niya.

He didn't remove his focus on my shirt. "You asked me about that last night. Bakit? Nako-conscious ka ba kapag ako ang nagbibihis sa 'yo?"

"Hindi naman. Curious lang."

"Bakit ka maku-curious. Hindi ka ba binibihisan ng mga lalaking naghuhubad ng damit mo?"

Oh, wow! Now we were taking it personally.

"Nagtatanong lang naman ako. Ang sungit mo. Puwede namang sabihing hindi, dami pang sinasabi."

He finished doing my buttons and faced me with his serious eyes. Inipon lang niya ang buhok ko na nasa loob ng shirt saka niya inilugay palabas.

"As long as you let me do it, I can dress you up for the rest of my life. Okay ka na?"

He picked his phone up and reached for my hand.

"Tara na. Tumataas ang araw, ayokong magdala ng payong."

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top