36. Stressful Times

My Dad used to say, "You're my favorite nuisance, honey." He would say that to me every time I messed up. I was persistent. I grew up showing the family of my father that my mother's life would never be mine. I choose my path, I choose what I want to become, and none of them should tell me what I wanted to be. The dreams of my parents will never be mine.

Bata pa lang ako, alam na ni Daddy na hindi ko siya pakikinggan kung anong gusto ng pamilya niya para sa 'kin. He was that father who will ask me what I want to become someday, and I was that kid who will answer him, I want to be as great as you are, Daddy. But I never told him I wanted to become like him. Greatness is a matter of perspective on your chosen field, and my chosen field never equates to his line of profession.

Mahirap maging achiever sa lugar na never ina-appreciate ng mga tao sa paligid mo kung ano ang mga achievement mo. You grew up doing what you love, and most of the people around will tell you, you better do something worthy in your life. And worthy means more money and influence.

I have a lot of money. I might have an influence, though not as good as they expected, but at least, I have a name in the industry.

Dito ko sa field na-experience na maging mayaman at maging mahirap nang sabay. You went out wearing grand jewelry and dresses. You partied all night. Flashes of cameras everywhere during the day. And when you went home, you left with nothing.

All those fame and fortune, kapag umuuwi ako sa bahay, mahihiga ako sa kama, ang katapat ko lang, kisame ng condo, pakiramdam ko, wala akong napala sa buhay ko.

Inisip ko noon, I should be happy kasi nakuha ko na ang pangarap ko noon pa. The elites knew my name. Rich families had an idea of who is Cinnamon de Chavez. Money is never my problem since I earn more than I need. But the devil's deal will leave you empty-handed. And it was too late to realize that so I needed to do it again from the start.

Sabi nga nila sa executive department, ang kaibahan ko sa mga nagpapalakas sa mga boss, natural ang talent ko. May iba kasing mga fashion designer na pinipilit na lang ang sarili kahit hindi naman talaga kaya.

The moment I entered the gate of the fashion industry, I studied every part of the corruption of the whole system. You start from there because that's how the system works. Walang mabait sa gubat ng mga leon. Surprisingly, nakuha ko ang knowledge na 'yan kay Daddy.

Lion Fashion has been a huge part of the country's industry when it comes to importation and production of high quality luxury garments and accessories. Kahit sinong fashion aspirants, isasangla ang kaluluwa nila makapasok lang sa Lion kahit bilang office clerk.

But since the corruption of Lion Fashion has taken its toll on me, kailangan ko na namang bumalik sa umpisa nang wala na sa poder nila. Magandang way ang La Mari competition para ipaalam sa lahat na hindi na ako affiliated sa Lion Fashion from now on.

I was checking La Mari's site from time to time. Lion officially released a statement regarding my resignation, at may public post din sila na sumusuporta sila sa pagpapakulong sa mga suspect sa nangyaring krimen sa 'kin. As if namang sumusuporta nga. Hindi ko nga nakitang nagpadala sila ng bulaklak sa ospital para sa 'kin.

Two days akong nakatutok sa phone. Mas madaling gumawa ng sketches sa digital application pero paminsan-minsan, nanghihingi na talaga ako ng papel at lapis kasi kailangan kong masanay na mag-sketch in traditional way. Kung hindi, mahihirapan ako nito sa mismong competition na.

Kailangan kong mag-focus sa suit kasi ito ang matagal gawin. Mababa ang percentage ng criteria nila sa casual wear, and most of my creations are for casual attire. Hindi rin ako mahihirapan since mabilis lang mag-trim. Sa suit ang pinaka-issue ko kasi hindi ako makakapag-cut ng tela nang maayos sa lagay ko ngayon. Ayoko rin ng maraming che-che bureche sa design. Sobrang simple rin ng white tuxedo kung tutuusin, at sigurado akong maraming designer ang gagamit ng napakaraming rhinestones para buhatin ang design ng simpleng formal suit lang.

I know how competitions work, and I already know how most of the judges check the designs.

I don't need to do something extravagant. I need to create something wearable. My draft was a two-gold-button down white tuxedo with a black collar and necktie. May full-bloom rose ito na gawa sa ruby stones sa left chest pocket and a golden chain karugtong sa necktie. So far, hindi ako makapag-asam ng mas marami pang rhinestones since limited lang ang time namin for fifteen hours straight. Commonly, inaabot ng 40 hours ang paggawa ng isang suit, but since premade na ang pang-ilalim, kailangan ko na lang gumawa ng design sa mismong suit and pants.

Hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng katawan ko ang fifteen hours straight na magtatrabaho. I know what I was getting into, and I'm up for the challenge. Pero sigurado naman akong hindi papayag si Tyrone dito.

And yeah, this is overworking. And if something bad happens within that fifteen hours, I might die.

So if ever it happens, at least I died fighting for what I know I'm best at.

Two days pa akong nag-stay sa hospital and Ty never heard anything from me about La Mari, and I guess, he knew it wasn't normal.

Hindi ako huminto sa stretching ko every six hours. And the body pain was so satisfying kasi after several weeks of staying firmly, kaya ko nang igalaw nang maayos ang left arm ko. Sa right arm, kailangan ko lang ng control para hindi mabigla since mapupuwersa ang mga litid ko sa leeg hanggang panga kung saan ako naoperahan.

Ang malalim na sugat ko lang na natitira ay sa tagiliran na paulit-ulit bumubuka kasi pinupuwersa ko ang katawan ko sa pagkilos. Other than that, hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko.

Maga pa rin ang right side ng mukha ko. Covered ang right side ng leeg ko ng gauze. Lumiliit na ang black eye ko, but still, meron pa rin. Malala ang mga pasa ko sa likod at ilang galos doon kaya visible at sumasakit pa rin ang lahat ng sugat.

As much as I wanted to kill Jomari using my own hands, hindi ko na 'yon magagawa kasi ayokong dumalaw sa kulungan. Ang sabi ni Archie, baka magkaroon ng hearing next month pero pinag-iisipan pa ng kampo namin kung tutuloy. Masyadong matibay ang mga evidence since ang daming recorded video from my abduction to the sex tape na na-recover sa crime scene. Jomari and his gang plead for not guilty charged na inaasahan na rin ng mga kapatid ko. Unfortunately, hindi pa siya tinatanggap ng husgado so pending pa rin ang kaso namin sa ngayon. We were trying to be easy kahit na super obvious naman na ng mga nangyari, but I already consider this as a closed case.

After all, this case was the second time I was raped. And I didn't know why Tyrone still hold on to me kahit alam niyang wala nang natitira sa 'king kahit na ano na kaya ko pang protektahan. Duda ako na tungkol sa pera. Sa laki ng Li-Shang, kahit bilhin pa niya ang buong Glorietta, may sukli pa siya.

Hindi kaya obsessed 'yon sa 'kin?

Pero hindi rin. Sa dalas naming mag-away, parang hindi naman.

"Cin."

And speaking of Tyrone, pumasok siya sa hospital room ko dala na naman ang ilang papel na may low-opacity print ng logo ng ospital. Tumayo siya sa paanan ng hospital bed ko at parang boss na kinakampay sa hangin ang dokumentong hawak niya.

"Sabi ng doktor, mas maayos na ang locomotor movements mo sa left arm saka mas mabilis ka nang nakakalakad ngayon during the therapy."

"That's good."

"Mamaya na raw tatanggalin ang dextrose saka blood supply mo since paubos naman na. After that, puwede na tayong umuwi."

Napahawak ulit ako sa kanang pisngi para pigilang ngumiti at bumuka na naman ang tahi ko sa panga.

"You'll stay with me for the meantime. Doon ka muna sa bahay, magpapa-assist ako sa nurse ni Auntie Michelle para alagaan ka."

"Babae yung nurse?" tanong ko agad kasi ayoko ng babaeng mag-aalaga sa 'kin habang nakikita si Tyrone sa bahay. Baka bigla akong lasunin, mahirap na.

"I know you hate lady nurse so I asked for a guy."

"Good-looking ba?" tanong ko agad. Baka lang kasing-level ni Jericho, why not?

"A guy with a she pronoun. I'll check some hospital papers para ma-discharge ka na. You're supposed to stay here for another week, talagang ayaw mong magpapigil, pati katawan mo, pinupuwersa mo."

I was expecting na tatakas ako sa ospital after kong makapagpagaling, pero mukhang si Tyrone na ang gumagawa sa 'kin ng pabor. After he explained everything to me about my health status, kung puwede lang akong mag-evil laugh sa harapan niya nang hindi ako nasasaktan physically, malamang na ang lakas na ng tawa ko.

Pero kung titingnan ako, hindi pa naman talaga ako dapat lumabas. O baka puwede naman na.

"Ma'am, sabi ni Doc, i-check ko lang 'tong vitals n'yo for update," sabi ng baklang nurse na bantay ko habang busy ako sa paggawa ng sketch sa phone.

"Allowed na 'kong lumabas?" tanong ko habang tutok sa plano kong design.

"Ma'am, hindi pa nga dapat e."

I stopped creating lines and glanced at my nurse while his face was flinching on his clipboard.

"Hindi pa. Bakit ako pinadi-discharge ni Tyrone?"

Bigla siyang umirap habang nanlalaki ang ilong. "Ma'am, yung boyfriend n'yo naman ho kasi, masyadong praning. Ilang beses na kayong pina-monitor n'on kasi sabi niya, tatakas daw kayo rito."

Saglit akong nagulat at napahawak na naman sa pisngi kong biglang kumirot kasi hindi ko napigilang mapangisi. Sa loob-loob ko, humahalakhak na 'ko kasi kilalang-kilala nga talaga ako ni Tyrone hahaha!

"Ilang beses na kaming nakipagtalo ro'n, Diyos ko, ma'am! Yung beauty ko, 16 hours ako sa duty tapos sasabihin niya, bantayan ko yung bintana kasi baka raw tumalon kayo diyan para makatakas. Ma'am!" mangiyak-ngiyak niyang reklamo sa 'kin. "Kahit gusto ko pa kayong mag-stay rito kasi hindi pa kayo okay, wala ho akong magagawa. Yung jowa n'yo, mas marunong pa sa doktor—ay! Hala, nagdudugo na naman yung sugat n'yo! Ma'am, ano ba 'yan?"

Sa sobrang pigil ko ng pagtawa, nagbukasan na naman ang mga sugat ko sa katawan, nakakabuwisit!

Umalis na naman ang nurse para palitan ang gasa kong naligo na naman ng dugo.

Puwede kayang walang kumausap sa 'kin nang hindi ako patatawanin? Bakit ba kapag mga kapraningan ni Tyrone ang naririnig ko, natatawa ako?

Pagbalik ni Ty sa hospital room, naabutan niya 'kong pinapalitan ng benda ng nurse. And how he glared at the bloody gauze inside the small basin after he saw it beside me.

"Cinnamon!"

"Ay, kalabaw!"

"Ano na namang ginawa mo?!" sigaw niya na kahit yung nurse na nag-aasikaso sa akin, napatalon sa gulat.

"Sir, kalma lang ho tayo," reklamo ng nurse. "Wala namang ginawa si ma'am. Natatawa lang, grabe siya." The nurse made face while pointing Ty using his pouting lips. I couldn't help it, I laughed again. "Ma'am! Bubuka na naman yung sugat n'yo, 'wag kayong tawa nang tawa!"

Pinigilan ko pero umagos pa rin ang kaunting dugo sa kamay ng nurse. Hahawakan ko pa sana iyon para awatin ang sarili ko pero natigilan ako kasi tinapalan na agad niya ng mas makapal pang bulak.

"Don't speak. Please. I don't want to laugh," I pleaded just so I could stop my wound to bleed.

Makirot siya, pero sa sakit ng katawan ko nitong mga nakaraang araw, nakasanayan ko na ang kirot. Naging natural na sa 'kin ang paminsan-minsan, dinudugo na 'ko, hindi ko pa napapansin.

Pagsulyap ko kay Tyrone na nakatayo sa paanan ng kama, ang sama na naman ng tingin niya sa 'kin. That kind of look he used to give me kapag binubuwisit ko siya sa opisina niya.

After a few minutes of preventing my wound to bleed again, the nurse heaved a deep sigh and he looked so frustrated more than me.

"Ma'am, kapag masama ulit ang lagay ng katawan mo, bumalik ka rito sa ospital, ha?" bulong niya sa 'kin. "Pati dugo ko, nauubos sa inyo ng jowa mo. Kailangan ko na rin ng blood supply."

Pinigil kong matawa habang nakasimangot siya kay Tyrone papalabas ng kuwarto ko. Kung puwede lang humalakhak ulit, kaso nahihiya na 'ko sa nurse ko kasi nasi-stress na sa 'min.

"Bawal pa raw akong lumabas, sabi ng nurse."

"The doctor said you'll be fine staying outside the hospital as long as we have a medical assistance at home," he said, crossing his arms, and in his scolding mode again.

"Takot kang tumakas ako? Di pa naman ngayon. Next week sana."

"I don't care when do you plan to escape here. I know how you think. Normal ba na kapag magpapahangin, nagbibilang ka ng direksyon pababa ng ospital? You even asked for the nurse's shift at kung kailan sila hindi dumadaan dito sa floor. Nababaliw ka na bang talaga?"

Napahawak na naman ako sa katatakip lang na sugat ko sa panga. "Ty, bubuka na naman ang sugat ko. 'Wag mo 'kong patawanin."

"We'll go home today. Ayokong marinig dito na bigla ka na lang tumatakas or worse, baka mabalitaan ko na lang na tumalon ka diyan sa bintana kapag pina-lock ko 'tong kuwarto."

Now, I know he knew me well. If ever that was the case, I might jump from here to escape. Tyrone is very perceptive, as he is. Nice.

"Doon ako sa bahay mo titira? Papapasukin mo 'ko sa bahay mo?"

"I have no plan on taking you to your condo. Baka kapag nalingat lang ako, nagda-drive ka na naman papuntang boutique mo. Not on my watch, Cinnamon."

Tyrone and his overthinking issues. But he was right, though. Iniisip ko pa lang kung paano ko gagawin, nalaman na agad niya ang mga plano ko.

"Bakit ba ayaw mo 'kong pakawalan, Ty? You can look for somebody else. A lot prettier than me, sexier, richer maybe. Twice na 'kong victim ng sexual assault, you can throw me away and find a better half. A better one you really deserve. Kaysa naman pareho pa tayong mabuwisit sa isa't isa. At least I know, kapag naghanap ka ng iba, hindi ka na masi-stress sa 'kin."

"Puwede ba, Cinnamon, huwag mo 'kong simulan ulit sa usapang 'to."

"Alam ko namang gusto ka nina Tita for me. Alam ko ring may promise ka kay Daddy. Pero patay na si Daddy, and hindi naman sina Tita Daisy ang magpapakasal sa 'yo. Ayaw mong humanap ng iba? Madali lang 'yon for you."

"Stop taunting me, Cinnamon. That will never work for me. And if you think I will buy your insults para lang tantanan kita at magawa mo ang mga kabaliwan mo dahil lang dito sa competition na 'to, then consider your words flop. Hindi ka pa rin makakatapak sa boutique. Tigilan mo na 'to. Uuwi tayo ngayon, whether you like it or not—whether this hospital agrees or not."

Ang tigas talaga niya, sayang.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top