35. Persistent

"No."

Jericho looked at me na parang sinasabi pang "See? I told you."

Bugbog-sarado ako, naroon na kami.

Nagagalaw ko ba nang maayos ang braso ko? Nagagalaw pero hindi pa maayos.

Naikikilos ko ba nang mabilis ang mga paa at binti ko? Kayang ikilos pero hindi mabilis.

Malinaw ba ang mata ko para humawak ng karayom at sumukat nang eksakto? Iyan ang hindi ko masiguro.

Nabubukas ko ba nang maayos ang bibig ko para magsalita? Nabubukas ko at nakakapagsalita ako, pero hindi pa ganoon kaayos at kalakas.

But I really wanted to join La Mari. I know Ty can pull some strings at ipa-disqualify ako, but as of this moment, mukhang hindi enough ang connections niya para ipatanggal ako sa competition. Probably because the other partners of La Mari wanted to show that I am a loser. Or maybe not because of me?

I was holding my phone, scrolling La Mari's site, and saw the votes of their models. And fuck numbers, Model #75 Echo Iglesias got 67.51% of votes and the rest of the models barely got a 1% of it.

Hindi naman sa sinasabi kong nadududa ako rito sa mga numero pero first time kong makakita ng flood votes para sa isang model na masyado nang obvious kung sino ang mananalo sa model category.

I mean, sa overall judging, thirty percent ng criteria ang voting poll. Automatically and uninamous decision na kung sino ang winner sa People's Choice Awards. Hindi pa man nagsisimula ang event, may winner na.

I checked La Mari's official social media sites for model category para sa voting album, and there was Jericho's photo—that one shot with him grinning and showing his sexy cuts and cool tattoos. He was wearing a black beanie and denim jeans too low to show his V-line. May kaunting profile silang inilagay sa kanya and I guess, they sold their votes for it.

"Model #75 Echo Iglesias. Interior Designer, Painter, Bar Owner, Barista, Model.

He was receiving a lot of comments saying positive response na nagsasabing sa lahat ng candidate, siya lang ang hindi model lang ang profession na stated sa profile. Ang ibang comments doon, mukhang kilala na siya.

"Echo, I miss you!"

"Kasama ko 'yan dati sa hotel!"

"Lah! Model ka na rin pala, bhie! Support!"

Since hindi naman gaanong sikat ang fashion modelling sa masa, expected nang puro mga elite ang makakakita ng catalog. And since hindi naman fan ng voting ang mga elite, sariling sikap ang mga model to promote themselves for the voting process. And Jericho really needs to attend this competition. Siya lang ang nakita kong tadtad ng support sa comment sections ng mga taong mukhang nakilala niya while working sa hospitality services. And these people even showed their support by mentioning other people's account to vote for him.

Nakakatakot ang impluwensiya niya to think na gusto na niyang magpa-disqualify.

"Cinnamon, nakikinig ka ba sa 'min?"

Napaangat agad ako ng mukha. Nagsasalita ba sila?

"Again?" sabi ko.

Jericho covered his face with his palm and shook his head. Tyrone sighed and placed his hands on his hips.

"Ayokong mag-away tayo nang ganito ang lagay mo, kaya please lang," sabi ni Tyrone at halatang pigil na pigil siyang sumigaw habang nakikita ko ang madalas kong makitang inis sa mukha niya kapag nagtatalo kami sa opisina niya sa Lion.

"Two weeks. Kakayanin ko." Naglahad ako ng palad sa nurse na nag-che-check ng vital signs ko sa kaliwang gilid. "Pahiram ng pen saka ng papel."

"Ma'am?"

Nagulat pa ang lalaking nurse sa 'kin nang manghingi na ako ng panulat at susulatan.

"Cinnamon." Ty raised his voice, and I didn't care.

"I'll try to move. Two weeks."

"My God, Cinnamon de Chavez!" Hindi na makali sa puwesto niya si Tyrone at ayaw pa ring ibigay ng nurse ang hinihingi ko. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yo!"

"Para malaman mo, pumunta ka sa warehouse, hanapan mo 'ko ng magandang Pashmina saka Cashmere."

Huminto si Tyrone at pabagsak na umupo sa mga metal chair sa katapat ng kama ko. Suklay-suklay niya ang buhok habang dinig naming lahat ang buntonghininga niya.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako kasi ganiyan siya palagi kapag nasi-stress sa mga ginagawa ko.

"Ang sakit na ng ulo ko, Cin. Can you please . . . give me at least . . . at least a bit of consideration."

I shifted my gaze to Jericho who was massaging his temple while eyeing the floor.

"No one can change my mind, Ty. I'm not giving up. And if you ever try to stop me, I'll do everything to attend and you will never like it."

Padabog na tumayo si Tyrone at halos lahat kami ay nagulat sa tunog ng metal mula sa ibinagsak niyang upuan.

He didn't say anything. He just went out of the room and shut the door loudly.

"Kapag kayo talaga ang nag-aaway, di ko alam kung sinong kakampihan ko," sabi ni Jericho at umiling-iling na lang. "Pero ako, Cinn, di ako payag sa gusto mo. Usap na lang tayo kapag tanggap mo nang di mo kaya."

Lumabas na rin siya at naiwan na lang kami ng nurse sa loob.

"Pen and paper, dali."

I guess, Tyrone didn't like my decision. Nagmatigasan na naman kami. Usually, kasama ko siyang natutulog sa loob ng ospital pero that night, wala siya. I have my phone sa side table and called Forest para itanong kung nasaan ang pinsan niya. Resty said tatawagan daw muna niya para malaman kung nasaan. Magse-send din daw siya ng picture kasi baka nga raw mamaya, nasa hotel at nambababae na naman.

Ayoko nang magulat kung totoo man. Sa itsura ko ngayon, mas lalo lang niyang gugustuhing maghanap ng iba.

Sinubukan kong tumayo para masanay akong gumagalaw. Dahan-dahan kong inikot ang mga braso ko habang paikot-ikot sa loob ng kuwarto hatak-hatak ang rack na may dala ng dextrose at dugo ko. Wala pang isang minuto, hinihingal na 'ko at ngalay na ngalay na ang katawan ko.

Bzzt! Bzzt!

Hingal na hingal kong dinampot ang phone ko sa hospital bed at nakita ang Telegram message ni Forest. Screenshot ng iMessage convo nila ni Tyrone.

Resty: Wer r u, Ty?

Ty: house

Resty: weh? wala kang kabit jan?

Ty: Pls Resty, not now. I'm tired to argue w/ u

Then nag-send si Tyrone ng picture ng granite counter at kusina. Hindi sana ako maniniwala kung wala lang yung nahagip na laboratory result na may pangalan ko. Kanina lang kasi namin ito nakuha para sa update ng x-ray ng panga ko.

I'm not the type of girlfriend na sobrang clingy at mahilig manghingi ng update, especially kung kay Tyrone ako manghihingi ng update. I was aware of his ladies, so kung mambabae man ulit siya, hindi na ako magtataka. And besides, he's mad at me because I kept on insisting my La Mari's slot.

Masakit na ang katawan ko pero inubos ko ang isang oras ko sa paglalakad at paggalaw.

After that night, katakot-takot na dose ng pain reliever ang kailangang i-inject sa 'kin kasi halos hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng katawan ko.

And yes, Tyrone's scolding was a part of my breakfast.

"Two weeks, huh? I might thank your body pain for keeping you in bed," he said while joining me in my soft breakfast. He was eating a bacon and egg rice combo meal. And while he was eating, he was also feeding me my oatmeal breakfast na kaya kong lunukin nang hindi nginunguya.

Imbalido talaga ako sa oras na ito kasi hindi ko talaga maigalaw ang buong katawan ko. Nakasandal lang ako sa naka-incline na hospital bed habang sinusubuan niya.

"I'm not giving up, Ty," I said bago isinubo ang kutsarang inaalok niya.

"Yeah, right. And your body has a different opinion." Pagkatapos niya akong subuan, siya naman ang sumubo ng almusal niya.

"Naghanap ka na ng fabric?"

He rolled his eyes and turned his head to the other side where I couldn't see his reaction.

Hindi ko talaga susukuan 'to, akala niya.

"Cin, can you be more careful about yourself?" he irritatedly asked and continued eating.

"I'll win that competition, Tyrone Chen. I'll promise you that. And once I win that competition, I might consider marrying you."

He suddenly stopped munching his food and looked at me in surprise. I needed to touch my face para lang hindi ako matawa sa itsura niya.

"Tyrone, 'wag mo 'kong patawanin."

Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko o ano. Lalo lang kumirot ang sugat ko sa panga habang pinipigilan kong tumawa.

"Nakakainis."

"I hate you, Cin. Stopped saying things like that!" Padabog niyang pinutol-putol ang bacon strips sa styroplate niya.

He's funny to look at. Kung wala lang akong sugat sa mukha, kanina pa 'ko humahalakhak dito.

"I'm serious, Ty."

Ibinagsak na naman niya sa plate ang kutsara niya saka ako tiningnan habang nakakunot ang noo.

"Don't give me that kind of leverage, Cinnamon, it won't work. If you can't even move a muscle, you can't join that competition. Alam mo na matrabaho ang trabaho mo."

"I'll win that competition, Tyrone Chen. No body pain can stop me from doing what I want."

Sumandok lang siya ng oatmeal at itinapat sa bibig ko ang kutsara. "Tell that to me kapag kaya mo nang pakainin ang sarili mo nang hindi kita sinusubuan."

I just laughed at him, but yeah, I'm serious as fuck. Patutunayan ko sa mga 'to na walang makakapigil sa 'kin sa pagsali sa competition na 'yon.

After my breakfast, Tyrone needed to go to Li-Shang Manila Chapter since nalaman na ng parents niya ang ginawa niyang resignation sa Lion. Wala pa siyang nababanggit sa decision niya kung lilipat na ba siya sa Li-Shang, pero kung gusto niya, wala na 'kong magagawa.

"Nurse."

"Yes, ma'am?"

"Pen and paper, please."

"Pero, ma'am—"

Naglahad ako ng palad para hingin ang kailangan ko.

Sa huli ay sinukuan din ako ng nurse at ibinigay ang hinihingi ko.

May black eye pa ako sa kanang mata which is not good news for me since right-eye user ako, so kinailangan kong mag-adjust ng measurements sa left eye ko para kapag nagsukat ako ng difference sa perspective, magpapantay pa rin sila.

Echo is my main model. Second option ko si Gwynette. More of male model ang highlight ngayon ng La Mari kaya for sure, standby lang ang mga babaeng model depende sa mapipili ng judges na category.

Good thing na nakuha ko na ang sukat ni Jericho bago pa ako mapunta rito sa ospital kasi sigurado akong hindi siya papayag na sukatan ko siya kung sakali.

I was planning for a white tux para sa suit. Magko-compliment sa skin tone ni Jericho ang white. Kailangan ko na lang gawan ng rose ito sa chest for contrast.

Sa iisang papel lang, gumawa ako ng apat na sketches. At dama kong hindi pa maayos ang coordination ng katawan ko. Ang gulo ng sketch ko, ang daming jagged lines sa dapat na straight. Kailangan ko talaga ng sketchpad.

After occupying the whole page, kahit nangangalay pa ang braso ko, iniikot-ikot ko na naman iyon. Tiniis ko ang kirot na parang tinutusok ng maraming karayom ang loob ng laman ko para lang hindi ako masanay na laging nakahiga. Kung hindi ko tatagtagin 'to, lalo lang akong manghihina.

Kada ten minutes, ine-exercise ko ang mga braso ko. Every twenty minutes, nag-che-check naman ako ng fabrics online. I even downloaded a paint app on my phone para kahit wala akong papel, nakakapag-sketch ako digitally. After ten minutes, I needed to massage my legs para kapag naglakad ako, hindi ako mangangalay agad.

May alarm ako sa bawat schedule kaya kada tunog ng phone ko, kailangang may ginagawa ako. Humihinto lang ako at bumabalik sa pahinga kapag pumapasok ang nurse. Malamang kasi na magsusumbong kay Tyrone kapag naabutan akong kumikilos.

Buong maghapon, pinagod ko na naman ang sarili ko kaya pagsapit ng alas-singko ng hapon, yung antok ko, hindi ko na napigilan. Bumagsak na talaga ako sa pagod.

I had no dreams if I am too tired, and that made me wake up in the middle of the night kasi gutom na 'ko. Balak ko sanang tumayo para pumuslit sa kuwarto kaso babangon pa lang ako nang matigilan.

"You're awake."

Kumirot agad ang kanang mata ko nang mapandilatan ko ang nagsalita sa gilid dahil sa gulat. Yung kaba ko, biglang pinabigat ang paghinga ko. Feeling ko, may ginawa akong krimeng hindi ko dapat ginagawa.

"Are you hungry?"

"A-Anong oras na?" tanong ko kay Tyrone nang lumapit sa 'kin. Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya.

Yung sketch ko.

"Really, Cin?" Ibinagsak niya sa tabi ko ang papel. "Kung wala ka rito at hindi ka bugbog-sarado, kahit sampung competition pa ang salihan mo, wala akong salitang sasabihin sa 'yo. Kilala mo 'ko, Cinnamon. Kung anong kailangan mo, binibigay ko, hingin mo man o hindi. But not this one. Not this time. Can you prioritize your health first?"

"Ty . . ."

"It's still no. Huwag mong ipilit kung hindi kaya. Yes, you want to win, but your body is declining, hindi mo ba puwedeng isipin na hindi ka nga makagalaw nang maayos tapos papasok ka pa sa competition. You really think you can win with your situation right now?"

Bumalik ako sa pagkakahiga at pumaling patalikod sa kanya.

"'Yan, ganyan ang gagawin mo, tatalikuran mo 'ko."

"You can't change my mind, Ty."

"You can't change my mind either, Cinnamon. Kung wala kang pakialam sa lagay mo, puwes ako, meron."

Hindi ko na pinakinggan ang kung anumang sermon niya. Lagi niya naman akong sinesermunan, as if namang makikinig ako.

I can still move. I can do sketches. Kailangan ko na lang magpalakas para makakilos nang maayos. Kahit hindi gaya ng dati, kahit yung lakas na enough lang para makagalaw ako nang hindi nanghihina. I still got a week and few days. Enough na 'yon. Pipilitin ko.

Kung hindi kaya, pipilitin ko pa rin. Hindi nila 'ko mapipigilan.

And I dunno if Tyrone had his trust issues in me o gusto talaga niya akong makasama the whole night. Sa hospital room na ulit kasi siya nag-stay pero naririnig ko ang ingay ng keyboard ng laptop niya. Mukhang may trabaho na siya ulit.

Gusto ko sanang maglakad-lakad para ma-exercise pero mukhang hindi ko magagawa. Pumaling ako sa direksyon ni Tyrone at naabutan siyang nakasuot ng salamin habang tutok sa laptop niya. He was wearing a plain beige shirt and jogging pants na malamang na hindi niya gustong pantulog pero dahil nasa ospital, kailangan niyang maging maayos man lang.

"Ty . . ."

"Just tell me if you're hungry. I don't want to hear any words related to La Mari tonight."

He's back to his strict voice again like what I used to hear every time he's mad at me.

"Gusto kong magpahangin. Kuha ka ng wheelchair."

Napahinto siya sa pagta-type at napasulyap sa 'kin.

I tried to put an intense sadness in my eyes para maniwala siya, and I guess, he bought it. Tumayo na rin siya at isinara ang laptop niya. May naka-ready naman nang folded wheelchair sa likod ng machine sa gilid ng kama ko. Binuklat lang niya iyon at nagpa-assist sa nurse kung puwede ba akong ilabas kahit gabi na.

Ang sabi ng nurse, puwede naman daw basta sa may hallway lang ng lobby.

Paglabas namin ng hospital room ko, tiningnan ko agad ang mga hallway. Kinabisado ko kung saan kami dumadaan. Saan ang direksyon ng elevator. Nasaang floor kami. Ano ang mga station na dapat iwasan para hindi ako makita ng mga nurse na nakabantay. And after few weeks of staying in the hospital, grabe ang saya ko nang makalanghap ng sariwang hangin sa labas.

Tyrone was pushing my wheelchair while we were passing along the tiled hall of the building in front of the hospital's garden.

Ang lamig ng hangin kahit summer kasi mapuno sa paligid.

"Nakaka-miss lumabas," sabi ko habang nakatanaw sa mga halaman.

"Makakalabas ka kapag magaling ka na," sagot ni Tyrone at halatang bad trip pa rin. Gusto ko na namang matawa kaso yung panga ko kasi, nakakasira ng mood.

"Remember when you first talked to me sa garden ng hacienda?" tanong ko na lang habang ang bagal ng lakad niya.

"What about it?"

"You asked me what's my favorite flower."

He didn't answer me. All I heard was a deep sigh.

"Sabi ko sa 'yo, hindi ka marunong makipag-usap sa babae."

"Cinnamon, can we skip that part, please?"

Napahawak na naman ako sa panga ko para pigilang sumakit iyon gawa ng pagngiti.

"Sobrang hopeless mo kausap dati. Para kang robot," pagpapatuloy ko habang pinipigilang matawa na naman. "Tapos alok ka nang alok ng tubig sa 'kin. Sa sobrang inis ko sa 'yo, namura kita sa harap ni Daddy."

"Cin, I'm warning you."

"Ang bait mo pa sa 'kin dati kahit ang suplada ko sa 'yo. Kapag kausap ka nina Daddy, para kang nagta-transform sa ibang tao. Kung gaano ka ka-awkward kausap ako, ganoon ka ka-fluent kapag business ang usapan. I told myself, you're not that bad for someone to marry someday. Magugustuhan ka talaga ni Daddy."

Bigla siyang huminto sa paglakad kaya napahinto rin ang wheelchair. Hindi ko naman masabi kung hanggang dito lang kami kasi natapat kami sa malaking poste ng ospital, hindi magandang view para masabing dito na kami magi-stay.

Nakarinig lang ako ng buntonghininga saka siya tumuloy sa pagtutulak sa 'kin.

Saglit din akong tumahimik hanggang huminto kami sa waiting area na katapat ng mga pink na santan.

Naupo siya sa dulong upuan sa waiting area at itinabi niya ako sa dulong gilid sa kanan niya.

"May new work ka na?" pagbabago ko ng usapan.

"May pinagagawa si Papa na report sa Li-Shang."

"Lilipat ka na ba?"

"Sabi ko naman sa kanila, hindi ako babalik sa work hangga't di ka pa magaling."

"You're wasting your time."

Nilingon niya agad ako nang nakataas ang kilay. "If I didn't stay here with you, that's a time wasted. You can't focus on your job if you're worried about someone."

Napahawak na naman ako sa pisngi ko kasi gusto ko na namang matawa sa sinabi niya.

"Especially if that someone wants to kill herself just to attend some stupid competition."

"Ty," kinontra ko agad siya.

"Oh! Did I hit a nerve? Good!"

"Shut up." Nawala agad ang tawa ko kasi binigyan na naman ako ng sarcastic remarks niya.

Hindi na ako nagsalita kasi kokontrahin na naman niya.

Mula sa puwesto namin, kitang-kita ko ang parking lot. Napataas ang kilay ko nang makilala ang maroon Porsche ni Tyrone sa di-kalayuan.

"I want to go home," parinig ko.

"You'll go home once you get better. For now, whether you like it or not, you'll stay here in the hospital."

"Three weeks na 'ko rito—"

"Four."

Four na ba? Ang tagal na pala. Mas lalong kailangan ko nang makauwi. Nakabisado ko naman na ang daan palabas ng ospital, ayos na ako rito. Kailangan ko na lang makabawi ng tulog ngayon.

"Gusto ko talagang manalo sa La Mari. Ang lapit na ng gate dito . . ."

"No." Tumayo na si Tyrone at hinarangan ang view ng gate na tinitingnan ko. "Cinnamon, alam ko ang mga kabaliwan mo sa buhay. Don't do something stupid. I'd had enough of your crazy antics these past years of my life."

Pasimple na lang akong umirap at tumingin sa kabilang direksyon na dinaanan namin. "Gusto ko nang bumalik sa taas."

"You better."

Kailangan kong makakilos nang maayos. Kapag nakalakad ako nang mabilis, makakauwi ako sa bahay basta ba masaktuhan ko lang na walang nurse sa room ko.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top