34. Will to Live
One week din ang itinagal ko sa ospital pagkatapos payagan sina Tyrone na bumisita. Paminsan-minsan, dumadalaw ang mga kapatid ko. Pinagsasabay na nila na dalawin ako at kausapin si Tyrone.
Kapag sinasabi ni Tyrone dati na kaya ayaw niya akong hiwalayan ay dahil alam niya ang kayang gawin ng pamilya ko, alam ko naman ang tungkol doon. Pero sa nangyari sa akin, dito ko nasukat kung ano ang kaya nilang gawin nang hindi pa nila ginagawa ang lahat-lahat ng kaya nila.
Pito sa mga kapatid ko ang abogado. And imagine facing seven lawyers who know how to bring anyone down. At inisip ko na lang na mabuti't wala na si Daddy, because like what Archimedes de Chavez said, "No one will ever dare touch even the tip of the finger of Proserpino de Chavez's children."
Nasa labas sila nina Tita Daisy, doon sila nag-uusap-usap. Ang sabi ng nurse, natutulog ako kaya huwag muna silang papasok. Pero sa ingay nila roon, imposibleng hindi ako maistorbo.
And yes, they were chatting like how they talked during our family gatherings.
"Sinabi ko na kasing lumayo sa mga ganyan, hindi nakikinig," Tita Dahlia said, and her voice was too thin na ang sakit sa tainga ang echo sa hallway.
"May sinabi na ba ang mga Chen tungkol dito?" si Tita Daisy na parang nagbukas pa ng pamaypay. Pero hindi naman mainit dito sa ospital, may air con naman.
"Ang sabi ni Tyrone, hindi naman daw nagalit ang mga Chen kay Cinnamon. Makikipag-coordinate din sila sa pagpapatagal ng kaso ng Lianno na 'yon."
"Ay, naku! Mabuti na lang at nasa langit na si Kuya Ping! Ayoko nang maulit ang nangyari noon sa Fred Cervantes na 'yon, ako ang nasi-stress! Yung wrinkles ko, lalong nadadagdagan!"
"Mabuti lang sa kanya 'yon! Kung hindi magsusumbong 'tong si Tyrone, walang sasabihin yung bata sa ama niya. Napakatigas talaga ng ulo!"
"Dada, ipagpasalamat na lamang natin na buhay pa si Cinn at wala na rito si Kuya Ping. Por Dios por Santo, Ina ng Awa, kahit impyerno, babaligtarin ni Kuya Ping para lang sa anak niya. Ako ang kinakabahan kay ako ang hahawak ng mga dokumento niyan."
"Ayan, sa dokumento ka na naman. 'Ka mo, magpasalamat ka at buhay pa ang pamangkin natin dahil hindi pa siya nakakapirma sa mga dokumento ni Kuya Ping. Kung natuluyan 'yan, wala ka nang matitirhang hacienda ngayon. Alam mo namang kalahati ng mansiyon, kanya."
"Tumahimik ka nga, Dada! Intrimitida ka talaga. Hindi naman kinukuha ni Cinnamon ang mana niya. Kaysa mapunta sa bangko, mabuti nang sa atin na mailipat."
This wasn't the first time I heard them talk about my father's last will and testament.
Si Daddy ang bumawi sa lahat ng utang na meron ang mga Echague kahit pa hindi paboritong asawa ni Lola Ning ang tatay ni Daddy, si Proserpino de Chavez II. Kaya nga sa tingin ko, kaya naging paboritong anak si Daddy ni Lola Ning, kasi kahit hindi gaanong minahal ni Lola yung tatay ni Daddy, nag-pursue siya para ma-please si Lola. Siya ang nag-redeem ng lahat ng properties at assets ni Lola para maibalik sa mga Echague.
Yung hacienda, yung mansion, yung farm, lahat.
I guess, fair din naman na mapunta iyon kay Daddy kaysa mga kapatid niyang mga gahaman. Mautak din si Daddy, sa kanya niya ipinangalan ang lahat ng nabawi niya. But I dunno kung gaano siya ka-mautak para ipamana sa 'kin ang halos lahat at wala nang itira sa mga kapatid kong sugarol. For sure, bago siya mamatay, alam na agad niya kung sino ang pinakagastador sa mga anak niya at sino ang hindi.
I'm not yet dead pero nagpaplano na sila ng gagawin. Kaya nga ayoko sa kanilang lahat.
A moment later, tumahimik na rin sila pero may naririnig pa rin akong bulungan.
Dahan-dahan akong bumangon kahit makirot pa rin ang ilang parte ng katawan ko.
Saka ko lang nalaman na may hiwa ako sa tagiliran, sa may bandang baywang. Ang sabi, laceration gawa ng bubog. They didn't tell me how it exactly happened pero parang ang narinig ko sa tsismisan nina Archie, aksidente lang daw na bumagsak ang katawan ko sa nabasag na bote noong ni-raid sina Jomari. Nag-iinuman daw kasi noong maabutan sila sa lumang bahay kung saan ako dinala.
May opera naman ang ilalim ng kanang pisngi ko kasi may kaunting basag ako sa panga. Basag din ang dalawa sa molar teeth ko kaya kailangang lagyan ng bakal at pastahan kapag gumaling na. Parang hindi ko maatim na kaya nabasag ang panga ko, kasi hinampas ako ng matigas na tubo para patayin—para lang hindi ako makapagsumbong.
Ang napapanood ko sa balita kapag natitiyempuhang nakabukas ang TV, naiwan ang kotse ko sa Alejandro Street matapos ang abduction. Pina-trace ni Tyrone ang location ng sasakyang humarang sa 'kin. Isang Pulang Toyota Vios na nakita pa ang plaka paglayo sa kotse ko. Inabot pa sila ng ilang oras bago ma-trace sa lumang bahay sa Tomas Morato. Halos limang city ang layo sa kung saan ako dinukot.
Ilang linggo na rin ako rito, pero iba ang iniisip ko. Mas nag-aalala ako sa ibang bagay kaysa sa nangyari sa 'kin.
I can move my arms and I can walk with a support, at least. Wala naman akong pilay na malala sa binti kasi ulo talaga ang binugbog sa akin. Mabuti na lang at wala akong ibang malalang head injury maliban sa broken jaw saka mga bugbog sa katawan. Pero malalim talaga ang hiwa sa tagiliran ko kaya makirot kapag malakas ang air con.
Biglang lumakas nang kaunti ang mga boses sa labas at paglingon ko roon, eksaktong kapapasok lang ni Jericho. And he was as welcoming as usual.
"Aw! Naabutan din kitang gising, ma'am!" May dala siyang sunflower na nasa bouquet at ang ayos ng suot niya. Mukha siyang galing sa office at naka-casual attire pa. "Sana gumaling ka agad. Ongoing na ang redecoration ng boutique mo, nangangalahati na 'ko ng napipinturahan."
He placed the flowers above the side table saka marahang tumabi sa 'kin. Hinawakan niya ang kanang kamay kong may bakas pa rin ng mga bugbog at galos.
"Alam mo, Cinn, sa totoo lang, ayokong makita ka ngayon."
Biglang bumigat ang tono niya habang nakatingin sa kamay ko.
"Kasi kapag nakikita kita, naaalala ko ang sarili ko sa 'yo at sa dahilan kaya hindi ako makauwi."
Even his sigh, it was too heavy. Dama ko ang bigat.
"Alam mo 'yon? Hindi ako mapaghiganting tao pero . . . parang ang sarap maging kriminal nang walang pagsisisi."
Nag-angat na siya ng mukha at matipid ang ngiti sa 'kin. I didn't know his feelings toward this incident, pero alam kong mabigat din sa kanya na makita ako.
He was almost killed by his wife. And yeah, he got hit in the head as well. But not as worst as what happened to me.
"Excited akong makita mo yung design ko sa boutique mo." Ngumiti pa rin siya nang malapad pero nakikita kong malungkot ang mga mata niya. "Kaya dapat, magpagaling ka agad kasi ginawa ko talagang special 'yon para sa 'yo."
Kahit namamaga pa ang mukha ko, sinubukan kong ngumiti at marahang tumango. "Thanks, Echo."
"Ewan ko kung nasabi ba sa 'yo ng fiancé mo pero hindi ka pa rin tinatanggal sa lineup ng La Mari bilang contestant. Maraming nagdi-dispute na ipa-disqualify ka na pero sabi ng organizers, wala ka naman daw ground para i-disqualify kahit nasa ospital ka o kahit involve ka sa kaso ni Jomari Lianno."
Nagbuntonghininga na naman siya at marahang hinimas ang palad ko.
"Nasabi ko 'to kasi contestant pa rin ako since under mo 'ko. Hangga't hindi ka nadi-disqualify, kasali pa rin ako. Hindi naman sa kinakabahan ako, pero may voting process pala sila sa mga model. Sigurado naman akong para lang 'yon sa mga tumataya sa ganitong malaking competition gaya ng sa mga casino."
"May problema ba sa voting mo . . . ?" mahina kong tanong.
"Kasi . . ." Ang bigat na naman ng paghinga niya. "Ako kasi yung nasa Top 1 ng may pinakamaraming boto. Alam mo 'yon? Kapag na-disqualify ako . . . ang dami nilang hahabol sa 'kin. Di pa 'ko bayad sa utang ko."
Ngiwing-ngiwi siya habang nakatingin sa 'kin.
"Pero nanghihingi naman ako ng tulong na baka puwedeng habang maaga pa lang, ipa-DQ na tayo. Kasi kapag natalo ako, sa dami ng bumoto sa 'kin, di ko alam kung saan ako pupulutin. May limang milyon pa 'kong utang, ayoko nang dagdagan!"
Marahan akong tumango.
Naiintindihan ko. Alam ko naman ang sistema ng competition dito.
"Okay lang, Echo . . ."
"Oh, thank you, Cinn!" Mabilis niyang hinalikan ang likod ng kamay ko. "Two weeks na lang, mababawi pa—"
"A-attend ako . . ."
Bigla siyang natahimik at umurong paharap sa 'kin para pakinggang mabuti ang ibinulong ko.
"A—Ano?" tanong niya.
"Pupunta ako sa La Mari . . . sasali tayo . . ."
Biglang nanlaki ang mga mata niya at lumayo agad sa 'kin. "Two weeks na lang bago yung event, hindi ka pa nga makalakad nang maayos, anong pupunta ang sinasabi mo? Cinnamon de Chavez, di ako nagbibiro!"
"Ako rin . . ."
Tumayo agad siya at pinaningkitan ako ng mata. Parang sinusukat pa kung seryoso ako o hindi. "Alam mo, ayoko ng mga ganyang tinginan mo sa 'kin." Umiling pa siya habang umaatras. "Mag-usap muna kami ng fiancé mo rito. Mukhang hindi tayo magkakasundo sa usapang 'to."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top