32. Revenge of the Evil One
Nag-resign na 'ko at suspended si Tyrone. Probably padadalhan na lang ako ng notice sa address ko. Si Tyrone, kailangan pa niyang bumalik sa Lion para kausapin ang pansamantalang papalit sa kanya.
Pero wala na 'kong pakialam sa Lion. Ang importante sa 'kin, makapagsimula ulit.
Seven pa lang ng umaga pero naghahanda na si Ty para pumunta sa branch ng Lion na tanaw sa bintana ng condo ko. I let him wore some of my gifts for him. Isang lavender-colored dress shirt, yung beige trousers na binili ko pa sa Hong Kong, pati yung tan slip-ons dress shoes from Red Tape. I have no wax here for men, so I offered him a hairspray, pero ayaw niya kasi sobrang dry nga raw ng buhok niya kapag nilalagyan n'on.
"Bakit kasi hindi ka pa nagpapagupit?" tanong ko habang kumukuha ng manipis na bobby pin para ipang-ipit sa buhok niya.
"Hindi pa nakakabalik si Paulette from her vacation sa Macau. I don't want anyone to cut my hair so I have to wait for her hanggang makabalik siya sa Manila."
Saglit akong napahinto sa pag-iipit sa buhok niya. Paulette was formerly known as Paolo. Blockmate sila ni Tyrone dati at kasama niya sa boy's dormitory. They knew each other bago pa ako makilala ni Ty. He was a man before she became a transgender woman. And I'm still amazed by Tyrone's loyalty kapag pinag-uusapan na ang mga ganitong bagay na concern ang welfare niya.
He was fixing his collar when I noticed something in his pinky finger. Bumagal ang pag-aasikaso ko sa buhok niya habang nakatitig doon. Natapos ako sa pag-iipit nang wala sa buhok niya ang focus. Saglit na bumigat ang paghinga ko nang mapansin ang pamilyar na singsing na suot niya.
Pag-angat ko ng tingin, napansin niya yata ang tinitingnan ko kaya napatingin din siya sa akin.
"Yung singsing . . ." pabulong kong nasabi habang nakatitig sa mga mata niya.
"I was able to find it after you throw it away."
"Hinanap mo . . .?" mahina kong tanong.
"Actually, no. Noong pauwi na 'ko, nakita ko 'to sa daan habang naglalakad ako palabas ng nature park. And I must say, ang layo ng pagkakabato mo, halatang galit na galit ka." Then he chuckled a bit.
"Ty . . ."
"But I didn't look for this ring. It came back to me without forcing myself to see it again. If it's meant for you, it's meant for you. You know my family, Cin. We believe in superstitions. Ibabalik ko 'to sa 'yo kapag hindi mo na ulit 'to itatapon palayo."
Bigla niya 'kong hinawakan sa may batok saka ako pinalapit sa kanya para saglit na dampian ng halik sa tuktok ng ulo.
"I'll take you to dinner later. Susunduin kita sa boutique by five."
Iyon lang at tinalikuran na niya ako.
Ilang taon din akong umiikot sa iisang cycle ng buhay. Na araw-araw, kailangan kong ilaban ang karapatan ko bilang si Cinnamon de Chavez. Na dapat, ma-maintain ko ang status ko bilang senior fashion designer. Na dapat ang respeto sa akin bilang personalidad, manatiling mataas.
But I reached my limit. Dahan-dahan nang tumatalikod sa akin ang lahat. Unti-unti nang nawawala ang mga pinaghirapan ko mula pa noong nagdaang sampung taon ng buhay ko. As if my wasted years were what Tita Dahlia was warning me about.
Pero habang nakatanaw ako sa fountain sa harapan ko, naisip ko na sa puntong ito ng buhay ko na tinatalikuran na ako ng mundo, kung sino pa ang mga sinusumpa kong tao, sila pa ang naghihintay sa 'kin kung kailan ulit ako babangon patayo.
And it felt good to see the sames faces I hate, telling me that I can do more than this, that I can do better than this. Naiisip ko na ganoon kalaki ang paniniwala nilang hindi natatapos ang lahat sa buhay ko at doon sila sa pagbabalik ko nakaabang.
At gusto kong patunayan sa lahat na kahit anong gawin nilang paghila sa akin pababa, hindi ako makokontento sa hanggang dito lang.
"Wala kang makeup ngayon pero ang blooming mo. Ano'ng meron?"
Tumabi agad si Jericho sa 'kin dala ang in-order niyang vanilla ice cream cone. Iniabot niya sa akin ang isa. Kahit paano, nasa lilim ang inuupuan naming wooden bench kaya hindi gaanong mainit kahit tanghali na.
"Wala naman. Magaan lang ang feeling ko."
"After two days na MIA ka? Tinatawagan ka namin, hindi ka sumasagot. Ano ba? Nag-Sagada ka ba?"
Tinawanan ko na lang siya nang mahina saka ko inabot ang kanang kamay niya. Isinilid ko roon ang mga daliri ko at umaasang makakaramdam ako ng kakaiba, pero wala.
At gaya ng nakasanayan, two days lang ang inaabot ng feelings ko at expire na. Mabuti at hindi si Jericho ang tipo ng lalaking maghahangad ng higit pa mula sa 'kin.
Siya rin naman, parang good mood ngayon. Suot na naman niya yung black tank top niyang ipinakikita ang mga tattoo niya sa katawan. Nakasuot din siya ng black beanie at maluwang na jogger pants. He really liked it comfortable.
"Cinn, kung ano man 'yang binabalak mo—"
Natawa agad ako nang mahina saka kumagat sa ice cream ko.
"Psycho ka siguro, kinakagat mo yung ice cream," sabi niya habang hinahagod ng hinlalaki ang ibabaw ng kamay ko.
"Sira ka." Sumulyap ako sa kanya at naabutang sinisinop ang paligid ng ice cream cone na natutunawan na. "Ang sarap ng tulog ko kagabi."
"Uhm-hmm. At sino ang bagong kasama mo?"
"Si Tyrone."
Bigla siyang napaatras pagilid habang nakangisi sa akin. "Si fiancé! Kaya pala blooming ka. Nakapag-usap na kayo nang maayos?"
Tumango ako at bumuntonghininga. Napatingin ako sa fountain ang ganda ng pagtalsik ng tubig sa hangin. Nakakagawa ng maliit rainbow roon ang tubig.
"Kagabi, na-realize ko na masyado akong naging harsh sa sarili ko na nadamay ko siya sa lahat ng ginagawa kong mali. Alam ko namang hindi niya deserve 'yon, and I was too selfish to see everything."
"Okay. Gusto ko 'yang realization na 'yan. Hindi naman kayo nag-away."
Umiling agad ako. "Nope. Nagkasigawan kami kaso nakainom kasi ako. But he handled me well so, we're good."
"Uh-huh. And no one can handle you well other than Mr. Chen. That's nice. Nasaan siya ngayon, bakit kamay ko ang napagdidiskitahan mo?"
Hindi ko sinasadyang matawa kasi hindi ko pa rin siya binibitiwan. Napatingin ako sa kanya habang kagat-kagat paisa-isa ang ice cream ko. "Nasa Lion siya for short orientation sa temporary executive ng branch."
"Di ka natatakot na baka may kahalikan ulit siya roon?"
Mabilis akong umiling para sabihing hindi. "Saka ka-holding hands naman kita ngayon. Kung sakali man, hindi ako lugi."
"Masama 'yan, ma'am."
Sabay lang kaming natawa at napatingin sa fountain habang sinusulit ang ice cream naming paubos na.
Echo is a good friend. Some of my temporary men, hindi ko na nakakausap after I dispose of them. But since Jericho said that we were only good as friends, mas gusto ko nang ganito kaming dalawa. Saka may atraso pa siya sa 'kin sa interior ko.
"Bukas na ang last day of registration for La Mari," sabi ko bago isubo ang tip ng cone na natitira sa kinakain ko.
"Uhm-hmm. Kaya ba tinawagan mo 'ko?"
"Gusto ko talagang sumali."
Paglingon ko sa kanya, nagtago ang mga tingin namin. Sincere naman ako at tinatantiya niya ang mga mata ko kung ano ang intensyon ko sa pag-alok ulit sa kanya na ilang beses na niyang tinanggihan.
"Naiintindihan ko naman ang point mo kaya mo 'ko nire-reject. Kagabi naisip ko, tama ka." Nagbuntonghininga ako at tumanaw ulit sa fountain, nilalaro ng hinlalaki ko ang ibabaw ng palad niya gaya ng ginagawa niya kanina. "Nakakapagod spiritually na ang iniisip ko lang ay kung paano ako makakaganti sa ibang tao. It was exhausting and I've lost a lot of years taking revenge. Pero alam mo, kagabi, habang kasama ko si Tyrone. Unang beses kong hindi inisip kung paano ako makakaganti sa lahat pagdating ng umaga."
"Kaya masarap ang tulog, I see. Mukhang unti-unti mo nang nare-regain ang sarili mo. Nararamdaman kong masaya ka ngayon. Mas masaya kaysa noong mga nakaraang araw na kasama kita."
Matipid akong ngumiti kasi ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang gaan. At ang gusto ko lang mangyari, makapagsimula ulit bilang si Cinnamon de Chavez.
"Gaganti ka pa rin ba sa Lion saka kay Petunia kaya ka sasali sa La Mari?" seryoso niyang tanong na mabilis kong inilingan.
Nakangiti akong tumanaw sa malayong bahagi ng park kung saan may planetarium. "Ayokong sayangin ang efforts ni Tyrone sa pagtulong sa 'kin for preparation para dito. Saka gusto kong maibalik yung passion ko for designing. Gusto kong magsimula ulit sa umpisa. Hindi si Cinnamon na alaga ng general manager, kundi si Cinnamon na may talent sa fashion designing kaya siya nakilala." Inilipat ko ang tingin kay Jericho. "Wala na akong pakialam sa Lion, wala na akong pakialam kay Petunia. Gusto ko lang ulit buhayin ang matagal nang namatay sa 'kin. Nag-offer si Ty na maghahanap ng ibang model, pero gusto ko talagang damitan ka."
"Hindi mo talaga 'to sinukuan?" natatawang tanong niya.
"I'm Cinnamon de Chavez, hindi ako madaling sumuko. Hindi kita bibitiwan dito hangga't di ka umo-oo."
"Hahahaha! 'Yan tayo e." Ang lakas na naman ng maskuladong tawa niya. Kahit ang ilang nasa park, nakuha niya ang atensiyon. "Okay, sige. Tara, pa-register na tayo. Anong requirements ang ipapasa ko?"
♥♥♥
I thought that was one of the best days of my life. Yung feeling na lahat, umaayon sa iyo. Na hindi ka nasi-stress, na go lang ang lahat sa gusto mo. Sobrang gaan sa feeling na hindi ko kailangang magmakaawa o magalit o manermon para lang sundin ako.
I was driving my car and calling him kasi siya na ang nagsabing may dinner kami tonight.
"Ty, nakapag-register na kami ni Echo kanina. Bukas ang sending ng confirmation email, sana makaabot."
"That's good. I'm on my way papuntang boutique. Where are you?"
"Nasa Alejandro na 'ko. Dumaan ako sa factory, tumingin ako ng fabric nila. Nagpapa-request ako ng peacock cashmere sa kanila. Two weeks pa raw ang shipping n'on from New Zealand."
"Matagal ang two weeks. Magpapa-check ako ng stock sa warehouse ni Papa. Aside from cashmere, may iba ka pang option sa fabric type?"
"Kung available ang Pashmina sa warehouse, pahingi ako ng mga sample. Titingnan ko kung anong bagay sa design. Wala pa naman akong sketch. Magpapa-assist din ako sa kanya for approval kung kaya niyang—shit."
Ang bilis ng pagtapak ko sa preno nang may humintong sasakyan sa harapan ko.
"Cinnamon? Are you okay?"
"Someone cut the road. Wait."
May bumabang lalaki sa kotse sa harapan. Malaking lalaki, pero hindi naman nakakatakot. Palingon-lingon siya sa paligid bago lumapit sa sasakyan ko.
Nag-send agad ako ng link from my dash cam to Tyrone's email.
"Nakikita mo ba sila sa dash cam? Naka-earphone ka ba?"
"Yes. Wait, what's happening?"
Biglang kumatok ang lalaki sa bintana ko. Binuksan ko naman hanggang kalahati para makausap siya.
"May problema ba—aaah!" Napasigaw agad ako nang bigla niyang hablutin ang buhok ko. "Tyrone, heeelp!"
Mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto ng kotse ko mula sa loob saka ako hinatak palabas habang nakasabunot sa akin. Parang matatanggal ang lahat ng buhok ko sa anit habang kinakaldkad niya 'ko.
"TULONG!"
I really thought it was one of the best days of my life . . . pero nagkamali ako.
Nanghihina ako sa pagsigaw, may ipinaamoy sila sa 'kin na hindi naman pampatulog pero enough para manlata ako.
Nakakaramdam ako ng sakit pero parang nawalan ako ng buto at hindi ako makagalaw nang hindi ako nanlalambot. Naririnig ko lahat, nakikita ko lahat.
Nakadapa ako sa isang matigas na bagay. May mahigpit na nakatali sa kaliwang kamay ko na hindi ko alam kung ano, pero kumikirot banda roon. Naghalo ang lamig kung saan ako nakadapa at hapdi ng buong katawan ko.
Tatlo sila. May dalawang natatanaw ko sa gilid at naninigarilyo.
"Agh—!" Napapikit ako nang bigla akong sabunutan ng nasa likod ko.
"Akala ko ba, matapang ka, de Chavez, hmm?"
Naramdaman ko sa kabila ng kumikirot kong katawan ang paghawak niya sa dibdib ko. Saka ko lang napansing wala pala akong suot na kahit ano. Mariin ang pagkakapikit ko nang maramdaman kong may pumasok sa pagitan ng mga hita ko at puwersado iyong idiniin kahit katawan ko na mismo ang tumatanggi roon.
"Tama na . . ." mahina kong pakiusap habang paulit-ulit na bumabayo sa katawan ko ang katawan ng lalaking nasa likuran ko.
"Putangina, ang sarap mo." Lalo akong napapikit nang hawakan niya ako sa leeg para sakalin.
"Stop . . . please . . ."
"Jo, rolling yung video, ha? Enjoy ka lang diyan."
"Tangina nito ni Jomari, ayaw talaga paawat e."
"Lumabas nga kayo! Mga tanginang 'to, istorbo kayo a!"
Jomari Lianno . . .
Kaya pala.
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top