30. Love and Hate Collide


Never kong in-expect na makakasama ko sina Tyrone, Jericho, at Forest sa iisang mesa habang nagdi-dinner. I mean, Ty and Resty, okay. Or Resty and Echo, okay. Pero ang weird ng feeling na magkakasama na silang tatlo.

"Mukhang makakalibre pala ako ng hapunan ngayong gabi," nakangising sabi ni Echo habang iniisa-isa kami ng tingin.

If I didn't know what was the content of his résumé, iisipin ko nang social climber na patay-gutom siya. Good thing, he was wearing a clean red polo shirt, stonewashed jeans, and runners. Although, parang puputok sa katawan niya ang polo niya kasi ang laki talaga ng mga muscle niya sa katawan at nagmumukha na siyang fitness instructor pero choice niya namang magsuot ng body fit shirt tonight. And that called Forest's attention.

Magkatabi kami ni Tyrone sa four-seater table ng isang restaurant na catering ng Filipino cuisine sa General Alejandro Street—three blocks away from my boutique. We could feel the ambience of a Filipino-themed fiesta here na puro dahon ng niyog ang pinakatakip sa glass wall. May mga banderitas pa sa itaas at nakasuot ng baro't saya ang mga waiter at waitress. Hindi masyadong marami ang kumakain sa loob, probably because pinalilibutan ang area ng mga fast food joint na mas mahahaba ang pila. But at least, we could eat in peace . . . or so I thought.

I don't know if Forest was too comfortable with Jericho's company kasi magkatabi sila at para siyang nakahanap ng instant boyfriend dito.

Yakap niya ang matipunong braso ni Echo habang hagikhik nang hagikhik dito. Mula pa pagkakita nila sa boutique hanggang makarating kami rito, kung makapag-usap sila, para silang matagal nang magkaibigan.

Pero chatty naman kasi si Forest. Tapos mausisa pa si Jericho. Kahit yata saan sila magkita, magdadaldalan at magdadaldalan talaga sila.

"Sir, ma'am, this is our menu."

"Ay, baby, may alam akong masarap!" tili ni Forest saka mabilis na dinampot ang menu na kalalapag lang sa mesa ng waiter.

"Talaga? Ano?"

"Ako." Sabay hawi ni Forest sa buhok niya sa balikat. Bitch, what the fuck?

Jericho released his manly chuckle while looking at Forest then he pinched her right cheek afterward. "Hindi ako naniniwala."

"Gusto mong maniwala? Tara sa restroom."

"Ay, masama 'yan. Mahuhuli tayo ng mga boss."

"Keri lang 'yan, baby! Nasa resto naman tayo, puwedeng eat all you can."

Natawa na naman si Jericho at pinanggigilan ang pisngi ni Forest. "Ang cute mo, nanggigigil ako sa 'yo."

Ang landi nilang dalawa, nakakabuwisit na nakakatawang panoorin.

Forest is a bit of a tease. She's wild and sexually active. Hindi naman siya magiging lingerie designer nang walang dahilan. Bumabalik tuloy ang insecurities ko right now because she wore a really teasing black tube dress showing her cleavage and flawless legs. But so far, I haven't heard Echo telling Forest about his weird special offers. Nagkukulitan lang silang dalawa and they were throwing green jokes to each other mula pa kanina.

"Baby, may lumpiang hubad sila rito. Gusto mo—"

"Resty, you can shut it," Tyrone said, doing a zipping gesture on his lips.

Forest rolled her eyes in annoyance with Ty and smiled at Jericho. "Baby, masarap din yung kare-kare nila rito, you like?"

"Hindi ka nagda-diet?"

"Mabilis mawala 'yan sa situps! Ano ka ba? Try mo itong tokwa't baboy nila, masarap 'to sa rice."

Masyado akong nawili kapapanood sa harutan nila, kung hindi pa ako binulungan ni Tyrone, hindi ko pa malalaman kung ano ang kakainin ko.

"Beef morcon saka tapang kalabaw, kakain ka?"

"Kahit ano," sagot ko saka ibinalik ang tingin kina Jericho.

Nilapitan na kami ng waiter saka kinuha ang mga order namin. Forest was serious about kare-kare and lumpiang hubad. Nag-request din siya ng haluhalo. Ty ordered tapang kalabaw for me. Not sure if he knew about it, but I was used to eat tapang kalabaw every time I visit Lola Ning. Sa dami ng kalabaw at baka nila, hindi puwedeng hindi iyon masasama sa mesa linggo-linggo.

Pagkatapos naming mahainan ng mga pagkain, sa wakas, natahimik din si Forest sa panghaharot niya. Pero paminsa-minsan, nginingitian pa rin niya si Jericho saka pasimpleng idadantay ang pisngi niya sa balikat nito na parang pusang nagpapalambing.

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong narinig na nagbuntonghininga si Tyrone sa tabi ko at kung ilang beses niyang inawat ang pinsan niyang lalakas ang boses kapag nagsasabi ng kabastusan.

Good thing, nang makakalahati na kami ng nakakain, saka lang nagsalita si Tyrone kung bakit nasa iisang mesa kaming apat.

"Resty, suspended pala ako sa Lion," casual na balita ni Ty sa pinsan niya.

"Uhm!" Mabilis namang tumango si Forest. "Heard about it. Sabi ko nga, 'wag munang ilalabas ang balita kasi kapag nalaman ni Tita Cindy, lilipad agad 'yon pa-Pilipinas." Patuloy lang siya sa pagnguya at paminsan-minsan, iinom ng tubig bago magsalita. "Ty, trust me. After the Li-Shang executives learned about that kanina, nagpa-ready na agad sila ng memo."

Li-Shang. His parent's company sa China. Bitch, Lion versus Li-Shang, no way I wouldn't say no to the latter. Kayang durugin ng Li-Shang Ltd. ang Lion Fashion Ltd. kung nanaisin lang nito.

"Still not interested," Ty said and shifted to his food. "May pinase-settle akong papers kay Vana, paki-follow up bukas."

"Sure! No problem." Forest looked at me. "Girl, oh my gosh, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa 'yo. Sure ka na ba sa decision mo?"

"Yeah," I said in my bored tone. Tiningnan ko agad si Jericho na palipat-lipat ang tingin sa 'min. "Nag-resign na 'ko officially sa Lion, so cancelled na ang redecoration ng office ko."

"Oh! Wow." Kitang-kitang nalilito pa rin siya sa nangyayari. "Resign na talagang wala ka na roon?"

Tumango agad ako. "But don't worry if nakapag-prepare ka na sa redecoration ng office ko kasi baka sa interior na lang ng boutique ko ang project mo."

"Ah . . ." Wala siyang ibang sinabi at tumango-tango lang.

"And . . . uhm, Echo, about sa modeling sa La Mari—"

"Cinn . . ."

"Kailangan ko kasi talaga ng model."

"She needs it," Tyrone seconded kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Cinnamon is banned to model catalogs, mahihirapan siyang makahanap ng model for La Mari."

"Kalaban n'yo yung La Mari, di ba? Wala bang magiging conflict dito?" Jericho asked.

"That's the point of joining," I said. "We need that conflict. They suspended Ty, unreasonable na ang demotions and promotions nila."

"But those unreasonable demotions and promotions are already present before this dinner, Cinnamon. This is the system, and Auburn was so fucked-up about this."

Napakapit agad si Forest sa braso ni Jericho. "Ang hot mo kapag nagi-English ka."

Tinaasan ko lang ng kilay si Forest bago ko ibinalik ang tingin kay Jericho. "Kailangan ko lang ng model, Echo. I need to win that competition."

"Ngayon, gusto mo nang manalo. Para sa anong dahilan na naman? Kasi gaganti ka naman ngayon sa Lion? Hindi ka nauubusan ng dahilan para gumanti sa ibang tao?"

My God. Ito na naman kami sa usapang 'to.

"We can pay for your talent fee, Mr. Iglesias," Ty offered. "Name your price."

Natawa nang mahina si Jericho at nalipat ang tingin niya sa katabi ko. "Mr. Chen, tell you what. I have my money. May bank account ako. May properties ako. Hindi 'to tungkol sa pera. If Cinnamon has her reasons why she wants to join that competition, then I have my reasons not to join as her model as well."

At that moment, hindi ko alam kung sasama ba ang loob ko kay Echo na nagbibigay na naman siya ng another rejection sa 'kin at sa harap pa ng ibang tao.

"May we know why you can't para alam namin kung paano mag-a-adjust sa resources?"

Kahit gusto kong sumagot, hindi ako makapagsalita. Parang may kung anong nakakatakot na vibes sa tabi ko na nagmumula kay Tyrone na sapat para manindig ang mga balahibo ko. He was chill and comfortable. But I dunno. He smelled danger.

Jericho rested his back on his chair and looked at Tyrone intently. "You see, every time na sinasabi ni Cinnamon na gusto niyang mangyari ang ganitong bagay, makikita mo sa mata niya na wala siyang ibang gusto kundi gumanti. That violence in her eyes speaks everything to show anyone why they have to say no. Hindi ako pumapayag na maging instrument para gumanti sa ibang tao kasi marunong ding gumanti ang kabila. It's a never ending cycle of revenge na walang ibang masasaktan kundi kayo-kayo lang din tapos mandadamay pa kayo ng masasaktan. You don't have to condone the hate, Mr. Chen. Sana mai-consider mo 'yon kaya ako tumatanggi."


♥♥♥


Three days remaining and I almost lost my hope of joining La Mari. Tyrone tried to pulled some strings para makakuha ako ng model, pero kapag nalalaman nila na ang designer na sasali ay si Cinnamon, umaatras agad sila. Sobrang laki ng impact ng nangyari kay Jomari to the point na natatakot na ang mga lalaking model na kapag may hindi ako nagustuhan sa kanila, ipakulong ko na lang silang bigla.

I was scanning through some subreddits nang makita ko ang issue related sa 'kin.

The main post said, "I received an offer to be a model for a famous fashion designer. But I'm afraid to fail her expectations since I have a lot to learn from this field. Do I have to accept her invitation?"

Tiningnan ko ang replies at nakita ang isang nakakainit ng ulong tanong.

| Is this the same invitation from Ci*n d* C****z?

| Yes. She asked for a male model.

| Oooh, better say no. Don't risk it. She's dangerous.

| I see no lie tho hahaha she sucks

Nag-type ako nang nag-type ng napakaraming reply, pero sa dulo, wala ako ni isang na-send doon.

Habang tumatagal ang pagbabasa ko sa thread, lalo ko lang napatutunayang iisa lang sila ng impression sa akin at halos lahat, puro negatibo.

Bumabalik sa 'kin ang pakiramdam na parang lahat ng pinaghirapan ko noong nakaraang sampung taon ng buhay ko . . . lahat ng iyon, unti-unting nawawala.

That empty feeling I was experiencing for the past years of my life. That feeling like my contract with the devil has taken its toll and is still taking what was left in me.

Three days and I have nothing. I lost everything. And I was losing myself as well.

Another night sa loob ng bar, at panay ang scroll ko sa phone. Sa dami ng tao sa paligid, pakiramdam ko, mag-isa lang ako.

I scrolled through the dress site and no recent dress has been launched—na sana na-launch na kahapon pa kung hindi lang ako nag-resign.

My team was choosing where to go now. Stay pa rin sila sa Lion, but they had to choose who to work for the next days under new management.

Paulit-ulit kong tinitingnan ang lahat ng mga damit na nagawa ko mula pa noong nagdaang sampung taon.

This is all I could do. Scan through the catalogs of my creations and tell myself, I could have done better. I could have achieved better. I should reach for something better.

But it was already too late.

Slowly, everything dawned on me. Wala akong ibang magawa kundi lunurin ang sarili ko sa alak para makalimot sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon na unti-unti na 'kong binabawian ngayon.

Nabablangko ako sa loob. Halos isubsob ko na ang sarili ko sa glass counter ng bar habang nakatitig sa screen ng phone.

"Enough of this, Cinnamon."

Hindi ako agad nakakilos nang may kumuha sa kamay ko ng phone ko. Dahan-dahan kong itinaas ang namumungay kong mata at bago ko pa siya makita nang mabuti, nakatayo na ako sa upuan at halos masubsob na sa paglalakad.

Pilit kong inaaninag kung sino ang humahatak sa 'kin. Halos banggain ko na lahat ng kasalubong ko papalabas ng bar. I couldn't recognize him from the dim lights.

It was a man. He wore a casual clothes. Kilala ko ba siya?

Pagpunta namin sa parking lot, binuksan niya ang pinto ng passenger seat ng isang kotse at itinulak ako papasok sa loob. Sinundan ko siya ng tingin pasakay sa driver's seat at pagpasok niya, saka ko lang siya nakilala.

"Ty . . ."

"I was looking for you, wala ka sa boutique, wala ka sa condo mo. What the fuck are you doing to your life, Cinnamon?"

He started the engine and he didn't stop scolding me while on our way.

"Hinahanap ka ni Tita Daisy, did you block her number? Tawag siya nang tawag sa 'kin, may mga naghahanap sa 'yo sa hacienda, hindi ka sumasagot."

Why do every time I heard Tyrone's voice raising on me, I felt like I did something right in my life?

As if his anger gives sparks to my dying self. That if ever I lost my will to live—which always happens to me—as long as I could hear his shouts the next morning, I still look forward to it like it would be the best day of my life?

"Walang tao sa boutique. Pinag-day off mo raw silang lahat nang isang linggo. Ano bang plano mo sa buhay, ha?"

I felt so heavy right now. Parang ang daming naipon sa loob ko na sa sobrang bigat, hindi ko na alam kung paano pagagaanin.

"Gusto ko nang makasama si Daddy . . . I will tell him all my success . . . I will tell him that I am Cinnamon de Chavez . . . an internationally renowned fashion designer . . ."

"Cinnamon, puwede ba?!"

"I will tell him that I never loathe him as my father . . . I will tell him that I love him . . . I will tell him I'm happy to be his child . . ."

I closed my eyes and let my tears flow on my cheeks. I wanted to feel its warmth. I wanted to feel the pain it carries. Because those years, I never felt like I deserved to cry. That my tears were reserved for my victories, not my defeats. I told myself I will never cry for my heartbreaks because I am Cinnamon de Chavez, and I will never cry for anyone who abandoned me.

It was one of the cold nights of my life. Mga pagkakataong nagtatalo sa akin kung gusto ko pa bang mabuhay o hindi na. It was hard to be like this—to be like what I am. Gusto kong mabuhay nang hindi na ako. Na ibang tao na 'ko. Ayoko na sa buhay ko.

Nakatitig lang ako sa hallway habang inaalalayan para hindi bumagsak. I could walk my way to my condo, pero hindi ko alam kung bakit ko pa kailangang iasa ang lakas ko sa ibang tao.

I entered my home, and I could sleep on the carpet, but I ended up in the bathroom and cold water splashed through my body.

"Aaahh!" Ang lakas ng sigaw ko nang halos gisingin ang diwa ko ng malamig na tubig. Pagtingin ko sa salarin ng pambabasa na iyon, nakita ko ang galit na mukha ni Tyrone na may hawak ng shower head.

"Ito na lang ba ang gagawin mo lagi sa buhay mo, Cinnamon? Imbes na gawin mo lahat ng makakatulong sa 'yo, idadaan mo na lang sa inom?!"

"Ano bang pakialam mo, ha?!" sigaw ko rin sa kanya. "Sinabi ko na noon pa, maghiwalay na tayo! Bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin?!" Lumapit ako sa kanya at paulit-ulit siyang sinuntok sa dibdib. "Kasalanan mo lahat! Kasalanan mo kung bakit ako nagkakaganito! Ikaw! Ikaw ang may gawa nito sa 'kin!"

Bigla niya akong inawat at hinawakan sa magkabilang balikat habang niyuyugyog para gisingin. "Tumigil ka na!"

Para akong nanghihina habang nakatitig sa galit niyang mga mata. Hindi ko na napigilang maluha habang nakikita na hindi na siya ang Tyrone na nakilala ko noon.

Na nagbago na siya . . . at ang laki ng pagbabagong iyon.

"Sisirain mo ang sarili mo dahil lang dito, Cinnamon? Babalewalain mo lahat ng pinaghirapan mo, para ano, hmm? Para ipakita sa kanilang lahat na tama sila! Na mahina ka?"

"Gusto ko lang na tanggapin nila 'ko, Ty . . . mahirap ba 'yon . . .?"

Naririnig kong nanginginig ang boses ko habang nakikiusap sa kanya. Naghalo na ang lamig ng tubig at init ng luha ko na bumabagsak sa pisngi.

"Hindi ko na alam kung ano pang kaya kong ibigay . . . ubos na ubos na 'ko . . ."

Ang bigat ng buntonghininga niya at parang natunaw ang lahat ng galit niya sa mata.

"Hindi ko alam kung saan pa ba ang kulang . . . ano pa ba'ng gusto nila na di ko magawa . . ."

Parang huminto ang mundo ko nang makalipas ang mahabang panahon, nayakap niya ulit ako.

Gaya ng yakap na ibinigay niya noong araw na isinangla ko ang sarili ko sa Fred Cervantes na 'yon.

Umiyak ako sa kaparehong balikat na iniyakan ko noon.

Binalot ako ng mga brasong nagpatahan sa akin noon.

Sa dami ng lalaking yumakap sa akin, ngayon ko na lang ulit naramdaman na hindi ako mag-isa. Sobrang tagal na panahon.

"Don't worry. I'll never leave you, alright? I promise, we will work this out."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top