3. The Clan

I hate my life. And if someone would ask me if I still wanna live, I would right away answer them a big fucking no without a second thought.

Ayoko ring dina-drop sa 'kin ang ka-bullshit-an na "Mabuti ka nga, maganda ang buhay" kasi wala akong pakialam.

I earned a good amount of money annually. I have my own condo. I have my own car. I have my own boutique. I'm a famous fashion designer. Yeah, something someone will ever be thankful for, but not me.

Every night, kailangan kong uminom. Kailangan kong makalimot tuwing gabi at kailangan kong makaalala tuwing umaga.

I came from a fucked-up family. My boyfriend was a douchebag. I was bound by an agreement na never naman akong nag-agree. My job has the highest expectations of me.

I'm already thirty. Yung mga ka-batch ko, lima-lima na ang anak and here I was, naaaburido pa rin sa mundo at sa mga tangang nakatira dito.

Okay pa 'ko dati na pangarap ko lang makapag-tour around the world. Kaso nagawa ko na after all my fashion shows. Magde-design ako ng damit sa Europe, lilipad kinabukasan sa America para sa pictorial, babalik sa Asia para sa mga exclusive interview bilang pride ng bansa and all that shit.

Pero nagbago ang lahat three months ago.

I was the senior fashion designer of Lion Fashion pero na-suspend ako dahil sa kaartehan ng isang model.

Sabi ko, hindi ako papayag na suspindihin ako kaya magre-resign na lang ako. Pero itong si Tyrone, hindi pumayag. So, matigasan kaming dalawa, nag-AWOL ako.

Two weeks lang ang suspension ko pero three months na 'kong wala sa company. Tingin ko naman, hindi ako kawalan kahit nakakailang email na sa 'kin ang main branch ng Lion para bumalik na sa position ko.

Sinakal ako ng office ni Tyrone kaya imbes na dumeretso sa bahay para mag-asikaso ng sarili, inuna ko pa talagang tumambay sa coffee shop na katawid lang ng Lion's building.

The smell of espresso was addicting, and I remembered the smell of the coffee doon sa dugyot na bahay kaninang umaga.

"Good afternoon, ma'am! Welcome to Sip and Drip!"

"One espresso."

I want my coffee dark. At least, alam kong hindi lang ako ang bitter na masarap sa mundo. I took my order and sat on the table beside the terrace of the café.

Sobrang busy ng street dito kahit hapon na. This is the Metro's business center and I was not surprised by the thought.

Paghigop ko ng kape, napansin ko agad na may pagkakahawig ang lasa ng kapeng nainom ko roon sa basurahang bahay na pinanggalingan at sa kapeng iniinom ko ngayon. Napaisip tuloy ako kung paano 'yon nangyari samantalang iba ang lasa ng instant coffee sa bagong giling na kape.

Anyway, Drip and Sip is my go-to café. Dito ako madalas magpawala ng init ng ulo sa opisina. Sabi nga ni Jigo, bagay ako rito. Kulay Cinnamon kasi ang buong interior at coffee ang palette ng halos lahat.

I was trying to calm myself after what happened earlier sa office ni Tyrone. The coffee and cakes were making a beeline of aroma around the café. Isang kape lang at ayos na 'ko. Ang gusto ko rito sa coffee shop na 'to ay hindi malamig, hindi rin naman mainit. Enough to tell me that I can stay here in the meantime.

Nag-check agad ako ng update sa phone habang humihigop ng kape. May hinihintay akong event at kailangan kong mag-present ng isang model. Ang problema ko na lang ay kung sinong matapang ang papayag magkaroon ng contract under sa 'kin.

For sure, haharangin ng Lion ang mga model na kilala ko na.

Habang naghahanap ako ng email, tumunog na naman ang phone ko at tinaasan ko agad ng kilay ang pangalan ni Tita Daisy sa screen.

Tsk, ano ba kasing problema niya?

Sinagot ko agad habang nakasimangot sa mesa.

"Hi, Tita."

"Cinna, sinabi ni Tyrone na hindi siya makakapunta."

My eyebrows automatically raised without my command. Aba! Mukhang naduwag nga talaga ang gagong 'yon at lalong nawalan ng balak magpakita sa gathering mamaya.

"May general meeting daw sa Lion. Malapit ka na ba, hija?"

Mabilis akong napatingin sa Panerai wristwatch ko. Four na pala ng hapon. Alas-sais ang reunion. Balak talaga 'kong ilaglag ng so-called boyfriend kong tanga.

"Magbibihis lang ako, Tita. Galing kasi ako sa . . ." Hindi ko na niya tinapos ang sinasabi ko kasi for sure, mag-uusisa lang si Tita Daisy kapag nalaman niyang galing ako sa Lion. "Galing ako sa boutique. I'll be there before six, Tita."

"You better be. Ingat, dear." Siya na ang nag-drop ng call.

Nagbuntonghininga na lang ako saka umirap sa hangin. Napakaduwag talaga ng Tyrone na 'yon.

Well, at least kung sakali mang magkalat ako mamaya, walang kakaladkad sa 'kin sa kung saan para lang awayin. Kasi kung sakali man, talagang sasampalin ko ng dining chair sa mukha si Tyrone.

Kailangan ko nang magbihis agad. Magpapa-late na lang ako para lang hindi ko maabutan ang katakot-takot na comparison sa 'kin ng mga kapatid ni Daddy sa mga kapatid ko.


♦♦♦



"Cin! You're late!"

That was the line I was expecting before I go to the grand Villa de Echague—the proud land of the South. Nagpapasalamat ako sa traffic dahil pinagbigyan akong mahuli nang isang oras imbes na kalahati lang. Seven in the evening is the best time to save my ass from an exhausting hour of faking smiles and telling lies to people I shared the same blood with.

My grandmother's villa speaks wealth and power. Kahit na gaano pa karaming bulaklak sa paligid, o kahit palamutian ng kung ano-ano pang banderitas at lights na pamandong sa langit, hindi pa rin n'on mababago ang katotohanang sa lawak ng lupain ni Lola, may sapat nang dahilan ang mga tauhan sa hacienda niya para mag-welga sa labas dahil sa mababang pasuweldo.

"Hinahanap ka ni Mamá. Akala niya, hindi ka darating." Tita Daisy used to be the town's Hermana Mayor every May, kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit ganito siya kaaligaga sa reunion namin. If you're on the list of the visitors, you're obliged to go or else—there's no or else. You go or you go, period.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakaangkla sa kanang braso ko. She was holding me like I was going to run away once she let go of my arm.

Well, if that was the case . . . she's definitely right.

The yard of the Echague mansion was enough to build ten townhouses for five families of six. Yet, that same yard was surrounded by pink and yellow bougainvillea bushes dressed in golden fairy lights. The large space in the not-so-middle part was crowded with faces I couldn't fathom seeing. The driftwood tables where they were all seated were covered with white cloth and red silk for accent. Red and white roses will never fade its eternal charm dahil simula bata pa ako, hindi iyon nawawala sa center tables ng lahat ng mesa kahit gaano pa iyon karami. Kumakain na sila nang maabutan ko, and they looked at me like I gatecrashed here samantalang kung ako ang tatanungin, ayoko rin naman silang makita.

I fucking hate my clan, period.

"Hija!" masayang pagbati sa 'kin ni Lola pagharap namin sa long table malapit sa entrance ng mansion sa likod. She was comfortably placed in her wheelchair, trying to survive this absurdity with a huge smile. She's old, but my father died earlier than expected. I don't know, karma moves in mysterious ways, I guess? For a ninety-five-year-old woman, she's one hell of a fighter.

"Hi, Lola Ning," I greeted, kissing her cheeks, and faking my toothy smile—which I didn't want to imagine dahil alam kong masama ang itsura. Kung kaya ko lang siyang sungitan gaya ng ginagawa ko sa mga kapatid kong hangal, baka kanina ko pa ginawa. But she has my full respect since day one.

Bitch, you survived almost a century dealing with stupid people and managed to smile until this very moment, sino ba ang hindi siya ngingitian kahit mukha kang sinisikmura?

"Akala ko . . . hindi ka na darating," Lola said in slow manner, raspy na ang boses niya, mas paos kumpara noong huling bisita ko three years ago. But at least, naaalala pa niya 'ko. Not the favorite child of the clan, but she knew what kind of a devil kid I was—or still am.

"Trust me, 'La, akala ko rin," sagot ko, wala namang dahilan para magsinungaling pa. "How's your body?" I scanned her. Bago sa paningin ang suot niyang white and gold Filipiñana. Pupusta akong gawa 'yan ni Amber base sa intricate designs.

Swarovski crystals looked like waves of treasure from her chest part down to her hips. But her majestic dress couldn't hide her physical body's condition. Of course, she's old. Ano ba ang dapat kong asahan? She was thin and her skin was sagged due to her age. Suot niya ang ginintuan niyang antipara na may golden chain paikot sa batok—tinatago ang mata niyang naghahalo na ang malabong part at light brown part. Puwedeng-puwede siyang nakawan anumang oras. Hindi naman siya tanga para hindi isiping nandito ang mga anak niya at apo para hintaying paboran niya para pamanahan.

"Sinabi ni Daisy . . . you're getting married."

Awtomatikong umarko ang kilay ko patagpo sa noo pagkarinig ko sa mga salitang 'yon. Nilingon ko ang likuran at inaasahan si Tita Daisy pero hayun siya sa dulong kaliwa ng mesa at nakikipagtawanan kay Uncle Martin. Buwisit.

"'La, as much as I want to marry someone else . . ." Bahagya akong yumuko para pantayan ang mukha niya. Kailangan kong bumulong kundi makukuha ko na naman atensiyon ng lahat. ". . . I can't," mahina kong sinabi habang nakikipagtagisan ng titig sa matatapang na mata ni Lola. "I can live without a man in my life like you, 'La. Huwag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo sa mga anak mong huhuthutan ka lang naman ng pera pagkamatay mo. Huwag mo 'kong igaya sa kanila."

I was expecting a scolding, but instead, she flashed a smile at me showing her porcelain white dentures. "That's my child." She ran her shaking palm in my face and cup my chin afterward. "I raised you well."

If there's a reason why I wanted to be here, malamang si Lola na iyon. Hindi ako sipsip sa kanya, pero higit kaninuman, alam niya kung paano niya ako pinalaki. And if my mother was stupid enough to have an affair with my father and believed that she was the only lady he loved, then not me. My grandmother is a punk-ass bitch who had an affair with four men and those men died kneeling before her. Iniisip ko pa lang kung paano niya napapatakbo ang lahat ng ito—from her five-decade business to her hopeless clan—respect earned, bitch.

I didn't have any plan to sit on any tables around me. Mangawit na 'ko katatayo pero hindi nila ako mapapaupo sa kahit saan doon. I left Lola Ning nang lapitan na siya nina Uncle Robert. Bobolahin na naman siya ng mga anak niyang sugarol.

"May kumakalat na tsismis sa Lion na may kalandian daw yung boyfriend mo," pambungad sa 'kin ni Wallace, panganay ni Daddy kay Salome Villegas—pangatlo sa kabit niya. Napatingin ako sa hawak niyang baso na nangangamoy rhum at grapejuice. Malamang, grapejuice lang ang sine-serve dito pero pumuslit ng bisyo niya.

Nakasandal lang ako sa poste ng ilaw na kanto ng mga bulaklak—malayo na sa kanila, actually—pero nakuha pa rin akong lapitan ng kapatid ko sa labas. Nakuha niya ang almond eyes at panga kay Daddy, pero kahawig niya si Salome. Wala akong tinatawag na kuya sa mga kapatid ko kahit pa limang taon ang tanda sa 'kin ni Wallace.

"And what about that?" malamig kong tugon habang hinihigpitan ang pagkakakrus sa mga braso.

"Tyrone is a good catch. Umaasa si Tita Daisy na pakakasalan mo siya."

"Kung kating-kati kayong magpakasal ako, e di mauna na kayong pakasalan si Tyrone." Pairap kong tiningnan si Wallace na halos kasingtaas ko na dahil sa suot kong pumps. "The gossip is true. May babae si Tyrone. May copy pa nga ako ng mga kababuyan nilang dalawa rito sa phone ko. And I am so proud of him," I said, boasting the filthy deed of my so-called boyfriend. "Sabi nga ni Daddy, di ba, lalaki lang kasi siya. Marupok, madaling madarang, mabilis bumigay. May kaibahan ba si Tyrone?"

"Cinnamon! Come here!" Tita Daisy is coming. As much as I wanted to run, I couldn't. Nine in the evening was my safest time to exit this hell, and I still have an hour to bear the unbearable.

Hinatak ako ni Tita, pinaupo sa mesa kung nasaan ang mga anak ni Lola. Mga tiya at tiyo kong umaasa ng mataas sa 'kin na para bang hindi sila lumalagapak ngayon gaya ko.

"Pinababalik ka ni Tyrone sa trabaho," balita ni Uncle Martin sa 'kin. And just by looking at beyond his huge eyeglasses, alam ko nang hindi 'yon balita kundi utos. Hindi ko kilala kung sino ang ama ni Uncle Martin, pero sigurado akong doon niya nakuha ang matikas niyang mukha.

"If I were you, hija, bumalik ka na," segunda ni Tita Dahlia. "Sinasayang mo ang taon mo sa buhay."

And here we are again. My eyes were rolling inside my mind and the revolution was faster than expected.

"She's all over the news," ani Tita Lily, ngata-ngata ang sigarilyo niyang papaubos na.

"But that was three months ago pa," katwiran ni Tita Daisy. "Mabilis ding mawawala iyon."

"Pinahiya niya sa national television ang brand endorser ng Lion Fashion! Hindi mawawala 'yon since masyadong sikat si Aliza Verano!"

Yeah, Tita Lily. Ibalik mo ang lahat ng dahilan kung bakit ako umalis sa Lion Fashion.

Ayoko nang magsalita. Sila lang din naman ang mag-uusap-usap at ornament lang ako rito gaya ng rosas sa gitna ng mesa kung nasaan ako.

"Nagpapaawa si Aliza sa TV, until now hindi pa rin siya maka-get over."

"Nanghihingi nga siya ng danyos. One hundred fifty thousand."

"Para saan ang danyos? Pinatay ba siya? Sinabi lang ni Cinnamon na nagbi-breach siya ng contract, bakit parang kasalanan pa ng Lion 'yon?"

Sunod-sunod ang salita nila, hindi ko na nasusundan kung sino na ang nagsasalita. Either way, malaman ko man o hindi, wala rin naman akong pakialam.

Aliza Verano is so stupid. And yes, I resigned because of her dahil ang tanga niya, sagad. Masyado siyang kinontrol ng manager niya at ito na ang nangyayari ngayon. Brand endorser siya ng Lion Fashion pero bakit sinasali niya ang kompanya?

Designer at stylist lang ako, sige, I get that. Wala akong karapatan sa legalities, sige, I get that. Hindi ako lawyer ng L&A Ltd. or even Lion Fashion Ltd. itself, sige, I get that. At kung pinahiya ko man si Aliza—gaya ng sinasabi nila—I already left my job kung iyon ang makapagpapasaya sa kanya at sa kampo niya. As if namang kawalan ang posisyon ko sa Lion Fashion.

Biglang tumunog ang alarm ko sa bag na ipinatong ko sa mesa. Sinadya kong lakasan ang sound ng phone ko para naman malaman nilang lahat na uuwi na si Cinderella.

"Is that yours, Cin?" tanong pa ni Tita Daisy sa akin kahit na patay-malisya lang ako sa nakakabuwisit na ingay ng phone ko.

Painosente kong kinuha sa Coach handbag ang phone ko saka tiningnan iyon na para bang hinayang na hinayang ako na oras na para umalis ako sa sumisira ng gabi ko.

"Tita Daisy, I need to go home," sabi ko at nag-ayos na ng mga gamit at ng sarili. "May tatapusin pa 'kong designs—"

"You have no job," putol agad ni Tita Lily.

I took a deep breath and inhaled all the patience I could intake in the air before I calmy speak. "Tita Lily, I owned a boutique just in case you have no idea about my job."

"I'm not familiar with that boutique," mataray din niyang sagot sa akin. "Kumikita ka ba riyan?"

"Kumikita ang Lion Fashion sa 'kin before I resigned. Pakitanong ang Lion ngayon kung kumikita ba sila mula nang mawala ako at pakitanong din kung ilang beses silang nagpadala ng email para lang pabalikin ako. At Uncle Martin . . ." Binigyan ko ang tiyuhin ko ng matamis na ngiti. "Tyrone is having an affair with his secretary." Ipinakita ko agad ang photo ng paghahalikan nina Ty at Shiela kanina sa office ng boyfriend kuno ko.

Narinig ko agad ang pagsinghapan nilang lahat sa mesa.

"He broke my heart. Pakisabi sa buong angkan na huwag na siyang asahan. Thank you."

I turned my back, I said my good bye with Lola, then left. Gusto lang namang ipakitang buhay pa 'ko at ipamalita na wala nang kami ng ipinagmamalaki nilang si Tyrone Chen.

Gusto ko lang sirain ang gabi nilang lahat dahil walang kuwenta ang mga reunion nila. Binalaan ko na si Tyrone, huwag niya 'kong gagaguhin pero hindi siya nakinig. Ngayon niya pagsisisihan ang lahat ng katangahan niya sa buhay.

Alas-nuwebe pasado na, at masaya akong nakaalis na ang katawan ko sa hacienda ni Lola. Napakasarap sa pakiramdam. Parang nawala ang lahat ng mga pabigat sa buhay ko.

At gaya ng nakasanayan, kailangan ko na namang pasayahin ang sarili ko.

Dumeretso agad ako sa bar pagkabalik na pagkabalik ko sa Manila. Gusto kong mag-celebrate.

"Rhum on the rocks," I said after I sat on the barstool.

Pagharap sa 'kin ng bartender, parang ayoko nang magulat.

"Ah . . ." He grinned at me like he saw an interesting sight in front of him. "Cinnamon."

I really thought I would end my night better than I spent in Echague's residence.

"Huwag kang maglalasing ngayon, ha? Hindi ko pa nalilinis ang bahay ko para sa 'yo."

Fuck him big time.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top