29. Loyalty


"Ano ba'ng mapapala mo diyan? Kung nag-take ka ng accountancy o ng pre-law courses, e di sana maganda na ang buhay mo ngayon?"

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa loob ng utak ang mga salita ni Tita Dahlia sa 'kin bago pa 'ko sumikat bilang si Cinnamon.

Everything. My passion, my eagerness, my hope to be the best—lahat, parang unti-unting natutunaw sa kawalan because of what's happening.

Magtatagal pa dapat si Tyrone sa Iloilo para ayusin ang gusot na napasukan ko dahil sa Lion at sa mga hangal na na-encounter ko these past few months, but I was shocked when he said that the Board was suspending him from his duty and he gladly obliged.

I mean, if I were him, I would do everything to change their mind about my suspension. General manager si Ty ng branch. Sa gulo ng branch namin ngayon, mas lalo siyang kailangan ng Lion. Tyrone Chen knew how to fix everything when it comes to company-related conflicts. Pagkatapos niyang mawala noong unang beses na sinabi kong maghiwalay na kami, wala ni isang nag-akalang siya ang magiging pinakabatang general manager ng Lion.

Although, aminado naman akong may karapatan siya. Of all people, kapag usapang management, hindi sila nakarinig ng masamang salita sa 'kin about Ty. I wasn't bragging him as my fiancé, but most of the time, I was telling people that I knew Ty as someone I could rely on kapag nagkakahatakan na ng koneksyon.

Pinasabay ko na siya sa jet pabalik sa Manila para hindi na namin kailangang magpa-book pa ng flight na pagkatagal-tagal. He was sitting across my seat facing me and he was chill like nothing happened in Iloilo.

"Two weeks din ba ang suspension mo?" tanong ko habang nagtatalo kung saan ba unang titingin, sa kanya o sa laptop kong puro tanong sa screen kung anong nangyari sa main branch.

"They will decide about that. Padadalhan na lang daw ako ng memo thru email."

"Tapos parang wala lang sa 'yo?" sarkastikong tanong ko. "Suspension 'yon, Tyrone Chen. Kapag naging maganda ang performance ng branch habang wala ka, puwede ka nilang tanggalin sa posisyon mo at ibigay sa papalit sa 'yo."

"I see no problem with that."

Magta-type na sana ako pero natigilan ako at takang-taka na kinunutan siya ng noo.

Sobrang chill ni Ty ngayon, iisipin ko nang sinasadya niya ang lahat.

Ibinagsak ko ang likod sa inuupuan ko at nagkrus ng mga braso. Hindi ko naiintindihan ang gusto niyang mangyari.

You did everything to be in your position and to keep it that way for almost a decade, and in an instant, ang maririnig ko lang, "I see no problem with that" mula sa kanya?

"Tyrone, this is your job. Walang ibang makakahawak nito kundi ikaw lang," mariin kong paliwanag sa kanya. "Ano na lang ang sasabihin sa 'yo nina Tita kapag nawala sa Lion? Mag-isip ka nga!"

He chuckled a bit and glanced outside the small window of the aircraft. I badly wanted to kick him right now because he looked like he was enjoying our loss!

"General manager lang ako sa branch ng Lion, Cin. Once I declared I'm no longer a part of Lion's hierarchy, I'm sure na magse-celebrate pa sina Mommy."

What?

Nagbuntonghininga lang siya at kinuha ang phone. "They will ask either Walter or Rayzee to temporary handle my office while I'm away. I'll check up on Ted's office if they're open for sponsorship."

"Aanhin mo ang sponsorship? Magpapa-sponsor ka?"

"Ako ang magi-sponsor."

"Para saan?"

"Gawin mo na lang ang kailangan mong gawin, huwag mo na lang akong pakikialaman."

"Wala ka na ngang trabaho, magi-sponsor ka pa. Baliw ka talaga."

He was holding his phone at natagalan siya sa pag-scroll doon. "May model na needed sa application for La Mari. Ban ka sa catalog at the moment. Sinong magmo-model para sa gagawin mo?"

Ako naman ang napabuntonghininga at napahimas ng sentido. 'Yon nga ang problema ko e. Si Jericho kasi, napakahirap pilitin.

"Si Echo talaga ang first option ko before I asked for Jomari."

Pagtagpo ng tingin naming dalawa, kitang-kita ko ang pagkalito sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko. "So, what's this? You asked for him to do your office's interior kasi may hidden agenda ka?"

"Uh, well . . ." Yeah, sort of. "Ang akala ko kasi, wala siyang matinong trabaho."

"Cinnamon, his résumé has a 200-thousand-peso rate for an employee, paanong wala siyang matinong trabaho?"

"He's working in Sip and Drip as a crew! Nakita mo naman sa résumé niya, di ba?"

"And that's already a decent job!"

"Oh! Then, you saw it pero you disregard it, ganoon ba? Hindi ka man lang ba nagtanong na bakit siya mag-a-apply as interior designer kung ang naka-declare na recent job niya e crew ng café?"

"But he wasn't applying as a crew sa Lion. You referred him to me to work for you. Saka teka nga, ano bang tingin mo sa trabaho ng mga crew, hindi matino?"

"Pero ang baba nga ng sahod!"

"At dahil mababa ang sahod, hindi na matino? Di ba, dapat of all people, ikaw ang dapat mas nakakaunawa diyan, Cinnamon? Naging working student ka, di ba? You even asked me where could you work kahit part-time lang during night time kasi ayaw mong manghingi ng pera kay Daddy Ping. Have you already forgotten about your roots? Habang tumatagal, lalo kang lumala, a!"

Ugh! Bakit ba kami napunta sa usapang 'to e si Jericho nga ang topic?

"I'll still convince Echo to be my model for La Mari. Nakapag-model na siya for Auburn's creations, so ano lang ba 'tong offer ko? Hindi naman siya mahihirapan dito."


♦♦♦


Gusto ko lang namang makita ng lahat kung anong kaibahan ng design ko at ng design ni Petunia Adarna kaya ko gustong sumali sa La Mari. Alam ko namang matatalo ako roon kasi sanay na sanay silang ginagawang cooking show ang mga competition nila. But now, I needed to win that freaking competition just to show Lion who they were messing with.

Sabi ko nga kay Tyrone, kung wala na siyang gagawin, umuwi na siya o kaya pumunta sa mga babae niya since alas-singko na rin naman ng hapon at tapos na ang shift namin. But he said na kakausapin muna niya si Forest—na kakausapin ko rin—kaya sabay na kaming dumeretso sa boutique ko sa Manila. Sana hindi sila magkagulo-gulo kasi tinawagan ko rin si Jericho para sabihing cancelled na ang redecoration ng opisina ko.

"Hindi pa rin pala napapalitan ang interior nitong lugar mo."

Napalingon ako sa kanya pagbukas ko ng file cabinet sa pinaka-lobby ng boutique.

Hindi ito kasinlaki gaya ng inaasahan. Makalat ang likod ng lobby kasi working area na. Kalat kung kalat ang mga retaso ng tela saka mga sinulid na nagkabuhol-buhol na. Sa lobby lang saka sa maliit kong office ang malinis at organized. Apple green ang kulay ng pader at ilang white parts. White din ang mga couch na may ilang light green-colored throw pillows. Mahabang marble counter naman ang front desk na hanggang ilalim ng dibdib ko ang taas. Ang pinakadingding sa entrance, extension ng glass wall para sa display ng mga damit. Ang kine-cater namin dito ay more of wedding gowns and formal suit, saka gowns and dresses for special occasions like baptismal and debut. Bihira kaming mag-release ng casual wear since for Lion talaga ang mga design ko for that kind of clothes.

Nine years nang nakatayo itong boutique. Dati lang itong bungalow na ni-renovate para maging massage parlor. Kaso nalugi rin pagkatapos makasuhan ng human trafficking ang may-ari. Ang humawak ng kaso n'on, si Daddy. At dahil kahit totoo namang may human trafficking at may involve pa ngang drugs na nangyayari dito before, naipanalo pa rin ang kaso.

Halang ang kaluluwa ni Daddy, matagal nang nakasangla kay Satanas ang kaluluwa niya. Hindi na 'ko nagtaka noong nanalo ang kaso at biglang lumipad pa-Thailand ang dating may-ari. At dahil wala nang pera, ipinambayad niya kay Daddy ang titulo ng lupa at ng puwesto. Ito naman ang huling regalo sa 'kin ni Daddy bago siya mamatay.

Sabi nga niya, "When one door closes another will open. But you don't have to wait for all the doors to open for you, honey. Learn to create one."

Iyon ang time na umuwi ako sa hacienda na umiiyak kasi pakiramdam ko, wala nang pag-asa ang buhay ko. Si Tyrone pa ang naghatid sa 'kin that time kasi . . . same day na nagkalat ako sa first presentation ko at noong isinuko ko ang sarili ko kay Fred Cervantes para lang ma-promote ako. Emotionally, mentally, and physically exhausted na 'ko na gusto ko na ngang mamatay. Buti nga, naiuwi ako ni Tyrone na humihinga pa kahit sa loob ng utak ko, gusto ko nang tumalon sa Jones Bridge para hindi na 'ko mahirapan.

Madaling kausap si Daddy pagdating sa 'kin. Kinabukasan, may boutique na agad ako. Pero kinabukasan din, tinawagan ako para mag-present sa main branch ng Lion. Natural, inuna ko yung sa Lion.

At kahit working na ako sa Lion Fashion, hindi ko pinabayaan itong boutique. Karamihan ng mga empleyado ko rito, galing din sa Lion na natanggal dahil sa issue o kaya kulang sa skill set na hinihingi ng company.

Hindi nalugi ang boutique pero hindi rin ito kasinlaki ng narating gaya ng sa Lion. Enough lang para manatiling nakatayo, para makapagbayad sa mga empleyado, at para makapagbayad ng tax sa tamang oras. Hindi ko masasabing greatest achievement pero masasabi kong successful na halos isang dekada na itong nakatayo. Yung panlimang anak ni Daddy ang CPA na humahawak ng financial statement ng boutique ko kaya kahit paano, hindi ako hirap mag-monitor ng pera.

"Nag-text na pala si Resty, on the way na siya."

Buti naman, papunta na si Forest. Akala ko, maghihintay pa kami hanggang alas-dose kasi nasa party pa siya.

Si Forest kasi ang madalas mag-handle ng legalities namin sa Lion. Hindi siya abogado ng company pero siya ang nag-aabogado sa pinsan niya—si Tyrone. Basta may issue, siya agad ang tinatawagan namin. Designer din siya ng mga lingerie at part-time paralegal. Recent lang siyang nakapagtapos ng law school since mas nauna siyang maging designer bago mag-law. Ngayon, nasa notary ang work niya at nagte-training.

At ayoko siyang ipakilala kina Tita Daisy kasi magkukumpara na naman sila. And I'm sure, sasabihin na naman ni Tita Dahlia na "O, ayan. Designer pero nakapag-law pa rin. Ikaw, ano na'ng balak mo sa buhay mo?" Lalo pa ngayon na katatanggal ko lang sa Lion.

Sinundan ko ng tingin si Tyrone habang nagtitingin-tingin siya ng mga damit na naka-display sa may glass wall. Napapahinto tuloy ako sa paghahanap ng copy ng contract ko sa Lion. Dito ko kasi sa file cabinet iniiwan ang ilang kopya ko ng mga papeles kapag kailangan ko ng mahuhugot na documents for comparison.

May mga content kasi ang agreement na ginagawa kong basehan para sa commercial releasing ng mga design na hindi lang ako ang designer at may kasamang collaborator.

Tatlong clear book ang inurong ko at pagkakita ko sa familiar na royal blue folder, hinugot ko agad iyon at inilapag sa marble counter. Pagsulyap ko kay Tyrone, hawak na niya ang belo ng isa sa mga wedding gown na naka-display roon. Inuusisa pa yata kung ano-ano ang mga fabric na ginamit ko sa damit kasi inisa-isa niya ng layer ang buong gown.

"Wala pang nakakabili nito?" tanong niya habang tutok pa rin sa gown.

"Bakit? Bibilhin mo?"

"Interesado ako."

"Hindi ko isusuot 'yan."

"Sinabi ko bang ikaw ang magsusuot?"

"Bakit? May iba ka nang pakakasalan?"

Saglit siyang napahinto habang hawak ang laylayan ng gown nang lingunin ako. Seryoso lang ang mukha niya at wala akong mabasang kahit na ano.

"Nasa Sweden na raw si Shiela. Kaya pala iba na ang kahalikan mo kahapon."

Nag-iwas agad siya ng tingin at itinuloy ang pag-obserba sa wedding gown. "Buti nabibilang mo kung sino-sino ang mga kahalikan ko."

"Hangga't may nabibilang ako, may magagamit ako para hiwalayan mo 'ko."

"E di kung wala ka nang mabilang, wala ka nang magagamit. Alright, I'll do that from now on."

Naidamba ko agad ang palad ko sa counter saka siya tinaasan ng kilay. "Puwede ba? Pareho lang tayong nahihirapan dito, Ty! Wala ka bang konsiderasyon para sa sarili mo, ha? Kung matagal ka nang nakipaghiwalay sa 'kin, e di sana masaya ka na ngayon! Hindi ka ba nahihiya na kada punta ko sa family gathering sa hacienda, lagi akong may dalang ebidensya ng pambababae mo?"

"Huwag mong isusumbat sa 'kin ang pambababae ko, Cinnamon. Kapag ako ang naglabas ng mga ebidensya ng panlalalaki mo, pamilya mo mismo ang sisira sa 'yo. Alam nating pareho na ayaw nila sa mama mong binebenta ang katawan para sa pera. Don't wait for that moment na sabihin nila sa 'yong may pinagmanahan ka nga."

Biglang sumikip ang daanan ko ng hangin habang marahang kinukuyom ang kamao. Para akong dinidikdik sa puwesto ko habang nakatingin lang sa kanya na hindi inalis ang tingin sa wedding gown na 'yon.

Kung alam lang niyang isinusumpa ko na siya sa loob ng utak ko.

"Huwag na nating palakihin 'tong usapan kasi hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko. Pakakasalan pa rin naman kita. Saka wala na 'kong trabaho. Wala ka nang makikitang kahalikan ko sa bintana ng opisina."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top