28. Vengeance


Sobrang bihira akong gumamit ng mga properties ni Daddy. Una, hindi ako yung tipong kapag ginusto ko, naka-ready na agad. Palagi 'yang may approval ng pamilya, iko-consult pa sa mga kapatid, magpapaalam sa kung sino-sino. I know my reason wasn't an emergency for the Echagues, but I was hundred percent sure, they would say no if Tyrone was involved.

I was in the middle of the road, nagpa-drive ako kay Gelson para ihatid ako sa airport at para ibalik niya ang kotse ko sa underground parking lot ng Lion pagkatapos. I called the office of Dad's best friend, hihiramin ko ang private jet ni Daddy and I needed a pilot.

And since hindi ako basta-basta makakahiram ng jet just because I want to, I called Tita Daisy right away to back me up.

"Tita, open ba ang line ni William sa hacienda? Nasa labas daw siya sabi ng assistant sa firm."

"Yes, hija. Why? Ang sabi ni Tyrone, you're back sa office. Good thing naman na nagkakasundo na kayong dalawa ngayon."

My eyes rolled heavenward and peeked at window para malaman kung nasaan na ba kami. Tapos naman na ang rush hour, gumagaan na ang traffic.

"Tita Daisy, hihiramin ko kasi yung jet ni Daddy. I called Tito Juancho's office for the pilot. In case magtanong ang mga kapatid ko kung bakit wala yung jet, tell them na ginamit ko kasi may emergency. Baka kasi hiramin ni Archie bukas. Di ba, may flight daw 'yon pa-Ilocos para sa client niya?"

"Oo, nagpaalam nga kay Tita Dahlia mo 'yon last Saturday. Sabi ni Tita Dada mo, magpa-book na lang itong kuya mo ng business class o kaya private helicopter kasi mahal ang maintenance ng jet. Wala na bang available domestic flights ngayon at nag-aagawan kayo sa eroplano?"

"Nag-check ako ng flights for today, puro afternoon and night ang natitira. Pupunta ako sa main branch ng Lion, may meeting kasi this afternoon. I have to be there after lunch."

"Urgent ba, hija? Gaano katagal ang jet sa Iloilo?"

"Not sure pa sa schedule, Tita. I'll check kung gaano katagal kami sa Lion."

"Alam ba 'to ni Tyrone?"

"Hinahabol ko nga si Ty, Tita. Nagpuntang mag-isa sa main branch, hindi nagsasabi."

"Why? Hindi nagpaalam sa 'yo?"

"May employee kasing dinemote. Hindi yata nagustuhan ng mga boss. Yung employee yung temporary na pumalit sa 'kin habang naka-leave ako. Pa-explain na lang kay Archie, Tita. Nasa appointment yata, di ko matawagan ang phone. Kapag nakita ko ang schedule after ng meeting, I'll call him or I'll call William, ipababalik ko ang jet sa hangar. Magpapa-book na lang ako ng businesss class with Ty if matatagalan kami sa Iloilo."

"Sige, hija. I'll talk to Dada rin kasi for sure, magtatanong 'yon bakit mo ginamit ang jet ni Kuya Ping. Alam mo naman si Tita mo, mag-iingay at mag-iingay 'yon."

Sa lahat talaga ng kapatid ni Daddy, si Tita Dahlia yung hindi ko alam kung bakit ba masyadong pakialamera sa mga naipundar ng ama ko. As if namang may makukuha siya sa mga 'yon.

I instructed Gelson to go to the other way inside the airport kasi sobrang traffic sa domestic road, baka doon pa lang, abutin na kami ng lunch time.

Pagdating sa closed gate na for authorized personnel only, hinarang na agad kami ng guard na may dalang shotgun.

"Excuse ho, ser. Saan ho sila?"

Kinuha ko na agad sa wallet ang passport ko para sa verification. Nagbukas na agad ako ng bintana at sumilip. "Sir, ako yung gagamit ng Hondajet ni Atty. de Chavez."

"Ay, ganoon ho ba, ma'am? Patingin na lang ho ng ID."

I gave him my passport at sinundan siya ng tingin papunta sa isang glass window. Itinapat niya 'yon sa handheld scanner ng bantay sa loob ng glass window bago kami binalikan.

"Okay na ho, ma'am. Naka-ready na raw ho ang aircraft. Have a safe flight ho!"

"Thank you."

Binuksan na nila ang malaking steel gate at nakapasok na kami. Hindi pa ganoon kataas ang araw, and since mabilis lang ang flight, after lunch, sigurado naman nang nasa Zuri na 'ko. Half past ten pa lang naman kaya malamang, makakaabot pa 'ko sa 2 p.m. meeting nila. I took my things from my office kasi sigurado akong mahaba-habang usapan ang mangyayari ang sa main branch.

Exclusive for four passenger ang jet. Cream-colored ang seats and may personal tables. And since ako lang naman ang lilipad, dalawa lang kami ng piloto sa loob. Kapag si Daddy ang may flight dati, ginagawa niyang flight attendant ang secretary niya. He invested in this jet kasi may mga flight siya local and international na ilang beses na-delay at naging issue niya sa work.

Ang yaman ni Daddy. Sa dami ng corrupt officials na siya ang lawyer, duda akong hindi siya makakabili ng jet sa ilang dekada ng buhay niya.

The last time na nakasakay ako rito na kasama siya, vacation 'yon sa El Nido, Palawan. Kami lang ni Daddy ang magkasama. Hindi kasama si Mama, hindi kasama ang mga kapatid ko. That was my fifteenth birthday and the only request I asked for him was I wanted to be happy kahit isang araw lang. I even told him na sana ako lang ang anak niya kasi sa aming magkakapatid, ako lang yung de Chavez na parang hindi belong sa pamilya.

I mean, as a kid who experienced bullying and discrimination sa sariling angkan, you will ask about it. "Bakit ayaw nila sa 'kin? Bakit ginaganito nila ako? May ginawa ba 'kong mali?"

At the very young age, mahirap na magtatanong ka para sa mga sagot na hindi mo pa naman agad maiintindihan. Kasi hindi maganda ang sagot.

Na bastarda lang ako. Na walang nakaka-proud sa nanay ko. Na babaeng anak ako kaya kung tutuusin, hindi naman ako magdadala ng apelyido ng pamilya. Fifteen years old, and the foundation of my childhood was a broken stage made by humiliations of my own blood. You grew up pleasing everyone. You ended up pleasing no one. Fifteen, and my existential crisis was already evident in me na sa dami ng tanong ko na hindi masagot, nagsawa na lang akong magtanong.

But Dad never asked too much for me. Hindi niya 'ko pinilit na mag-take ng accountancy, hindi niya 'ko pinilit mag-take ng pre-law courses. He didn't spoil me either. Pero nakikita ko naman noon na sinusubukan niyang tratuhin akong prinsesa niya sa maliliit na paraang magagawa niya because after all, among his children, ako yung matagal niyang hinintay talaga. Because after I was born, hindi ko na nabalitaang nagkaanak pa siya ng iba. Wala na rin namang nagpakilalang anak niya so I guess, that was it.

Active sa pamilya ang jet kaya madalas gamitin. But not me. Ang mahal kasi talaga ng maintenance. Mas mabuti pang magpa-book ng business class kaysa mag-private jet. After my daddy died, sobrang rare kong mahiram ang jet. Ang gumagamit nito palagi, lahat ng abogadong anak ni Daddy.

While on my way to Iloilo, nag-ayos agad ako ng naiwan kong trabaho sa branch namin sa Manila. Sabi ko nga kay Ameiry, mag-send ng update regarding sa progress ng designs kasi dapat within the week, mai-display na 'yon sa mga store sa Metro para malaman kung itutuloy ba sa productions. Pero naka-ready naman na for prod ang mga nasa lineup ng design ko after the creative directors approved the designs. Titingnan pa muna ang market kung feasible ba for nationwide releasing.

The flight took an hour and ten minutes. Pagbaba ko roon, naka-ready na ang ground transportation na pina-book ko kay Tito Juancho. Lunch time, nasa biyahe ako habang mino-monitor ang team kong nasa Manila at naghahabol ng deadline. Alam naman na nila ang gagawin. My instructions were clean and all they needed to do is to finish those designs at ipa-approve na lang.

We were taking Iloilo Access Road at pasulyap-sulyap ako sa mahabang daan na walang ibang makikita kundi malalawak na open field. Puro palayan sa right side ng kalsada ng Capiz Road. Sa left side, naghalo na ang farm field at residential area. Nakailang silip ako sa leather wrist watch ko at nakailang urong din doon dahil namamawis na naman ang braso ko. I was wearing a coat at sobrang init kahit naka-air con naman ang sasakyan.

I dialed Ty's number kasi lunch na at malapit na 'ko sa hotel. 27 minutes lang ang travel time from Iloilo International Airport hanggang Zuri kaya baka maabutan ko pa siya roon before noon.

"Tumawag si Jigo, nakaalis ka na raw," bungad na bungad niya sa 'kin pagsagot sa call.

The car turned left paputang Evangelista Street. Nagsisimula nang magsunod-sunod ang residential and commercial area sa magkabilang side ng kalsada.

"Nakapag-lunch ka na?" tanong ko habang tutok sa screen ng laptop.

"You can stay in your office, you know that? Di ba, nag-aayos ka ng opisina mo, hindi ka ba nakikipag-coordinate sa interior designer mo?"

"Puwede ba, Tyrone, huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko."

Pagbalik ko ng tingin sa daan, sunod-sunod na maberdeng puno na ang natatanaw ko. Dahan-dahan na ring lumalamig sa paligid. Tanaw ko na rin ang tulay sa Pavia Road. Paminsan-minsan, kukulimlim dahil sa makakapal na ulap pero babalik na naman ang init kapag lumilinis ang langit.

"Where are you? Nasa flight ka na?"

"Nasa Pavia na 'ko."

Naghintay ako ng sagot sa kabilang linya pero wala na 'kong narinig. Tiningnan ko pa ang screen ko kung binabaan ba 'ko pero active pa naman ang call.

Kalalampas lang namin sa Aganan River papasok sa Pavia.

"Hihintayin na lang kita sa lobby ng Zuri." Iyon lang ang isinagot ni Tyrone matapos ang ilang segundong katahimikan bago niya ibinaba ang tawag.

Mukhang hindi pa siya nagla-lunch.

When it comes to our professional responsibilities, I always make sure na kahit anong away naming dalawa, kapag trabaho, trabaho lang, walang personalan.

Ang naging conflict lang talaga ay ang nangyari three months ago. Hindi ko talaga makuha kung bakit niya kailangang mag-apologize sa kung sino-sino na hindi naman niya dapat ginagawa.

Sa bilis ng biyahe, kung hindi pa bumagal ang takbo ng service, hindi ko pa malalaman na nasa Zuri na pala kami. Likod lang ng hotel ang business park kaya hindi matagal ang pagpunta roon.

The exterior of the hotel was cream, gray, and blue fiber glass. Pagkatapos akong ibaba sa harapan ng hotel, dumeretso na agad ako sa loob bitbit ang laptop bag ko.

The hotel's lobby was well-lit with a broad glass chandelier above us. May malaking round post sa gitna na may unique sofa design na nakapalibot doon. There was a beige-colored round sofa na malapit sa mga dingding at may mga single-seat sofa and hexagonal glass table sa gitna.

Papaliko pa lang ako sa kanan nang makita ko agad si Tyrone na katatayo lang sa puwesto niya. Lumakad na agad siya papalapit sa direksyon ko.

"Hindi ka talaga nauubusan ng dahilan para abalahin ako," sabi agad niya paglapit sa 'kin.

"Alam mo, wala sana tayong dalawa rito kung hindi mo pinakialaman si Aurora."

"Bakit? Nakaka-relate ka ba?"

Dinuro ko agad siya para balaan. Hindi naman lihim sa kanya kung anong mga ginawa ko para lang manatili ako bilang senior fashion designer ng Lion. Kung ipamumukha niya sa 'kin ang mga kasalanan ko dahil lang mas pinili kong umangat, baka nakakalimutan niya na kaya general manager pa rin siya ngayon ay dahil ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko sa pamamahala niya.

"Hindi pa 'ko nagla-lunch. Sumabay ka na."

Hinawakan niya 'ko sa likod pero mabilis din niyang inalis ang kamay roon na para bang nakakapaso ang katawan ko. Pagkatapos, itinuro na lang niya ng ulo ang direksyon papuntang restaurant sa loob ng hotel para doon kami pumunta.

Inirapan ko lang siya saka ako nagpauna.

Hindi ko alam kung ilang sermon ba ang dapat kong gawin para lang maisip niya na kapag main branch ang nag-deisgnate ng senior designer sa branch, hindi niya 'yon puwedeng balewalain na lang dahil siya ang branch general manager.

Kung sumipsip si Rory sa mga executive ng main, wala na siyang magagawa roon. Desisyon 'yon ng Board. Although, naiirita rin ako sa pinatunguhan ng desisyon nila, but when it comes to demotion, I don't think magiging madali kay Tyrone ang mag-demote ng ina-assign ng main nang walang nagrereklamo.

Sa dami ng natanggap na backlash ni Fred Cervantes noong na-promote ako as a senior fashion designer, wala ni isang executive ang nakapagpa-demote sa 'kin. Sana lang malinaw kay Ty ang ganoong palakad sa Lion. This is the dark side of the industry. After all, palakasan pa rin naman ang labanan dito.

Zuri's restaurant area wasn't as busy as I expected. Ilan lang ang mga occupied table. It was as huge as a usual mall's food court and full of cushioned seats at every table. Naghalo na sa loob ang liwanag ng tanghaling araw sa labas at yellowish flourescent lights sa loob. Tyrone and I sat on a two-seat table with a green cushioned dining chair. Inilapag ko roon ang laptop bag ko at hinintay na daluhan kami ng waiter.

By this time, umaasa na 'kong nakatapos na kahit dress ang team ko.

Si Tyrone ang nag-order para sa 'ming dalawa habang busy ako sa pagtingin sa update nila sa trabaho. May mga shot silang sine-send thru our business channel at nagtatanong sina Azy kung ilang color ba ang available para sa isang design ng chambray shirt since ironing na lang ang gagawin sa isang . May nag-follow up ng pattern for henley shirt kung dadagdagan pa ng vertical pattern sa left chest o hindi na para symmetrical pa rin. Maglalabas pa sina Hazel ng fisherman sweater na knitted at handmade siyang gagawin kaya inaasahan ko nang aabutin ng three days ang paggawa para sa isang prototype na standard American size.

Sa dami ng report nila, ang sumunod kong pagsilip sa mesa namin, may mga nakahain na roong pagkain.

Ramen at chicken teriyaki ang nakatapat sa puwesto ko. Ganoon din ang order ni Tyrone.

"Papasok ka ba sa meeting room mamaya?" mahinahong tanong ni Ty kaya napasulyap ako sa kanya bago ko ibalik ang tingin sa laptop ko.

"I'm sure, the Board won't say no if I insist."

"Si Jigo ba ang nagsabing nandito ako?"

"Kung may emergency meeting ka pala sa main branch, di ka na sana nagpakita sa opisina ko kanina para lang magdala ng almusal. Para kang tanga. Nag-email pala ako sa store natin sa Rockwell. Ipapa-pick up na mamaya ang matatapos nina Ameiry na design today. Nag-check ako ng inventory ng fabrics, nagpadala na 'ko ng order sa factory para makapag-supply agad ng satin, ubos na ang stock nina Beth sa design area nila. May interview ng mga bagong applicant sa Friday, nakita ko ang calendar mo, whole day kang puno—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang puwersahin niyang ibaba ang screen ng laptop ko.

"Kumain ka nga muna," masungit niyang utos sa 'kin bago binalikan ang sarili niyang mangko ng ramen.

Ang lalim ng buga ko ng hangin nang padabog na sumandal sa inuupuan ko habang pinanonood siyang kumain. "Ty, three months lang akong nawala, ang gulo na ng branch. Delays ng deliveries. Rejections ng prototypes. Kulang na inventories. Ayaw makipag-coordinate nang maayos ng suppliers. Ang baba ng metrics. Hindi na-meet ang sold units. Declining ang statistics. Ano ba?"

"Can you just eat first, Cin?"

"Nakakawalang ganang kumain kapag kaharap ka, alam mo 'yon? Tapos makikita ko pa yung data overview ng branch, lalo akong nawawalan ng gana. Nagtatrabaho ka bang talaga o inuuna mo lang ang mga kalandian mo?"

"Bahala ka kung ayaw mong kumain."

"These issues will reflect on your records, Tyrone Chen. Namo-monitor 'to ng main branch. You can't just tell me na desisyon mo 'tong lahat dahil milyon ang nawawala sa bawat delay na pinayagan mong mangyari mula pa noong nasuspinde ako. Hindi ka ba kinakabahan sa ginagawa mo, hmm?"

"I don't need to explain everything to you, Cinnamon. If you don't want to eat, then shut your mouth."

Kapag ganitong pagkakataon, gusto ko na lang talagang ibuhos lahat ng laman ng ramen bowl ko sa kanya e.

He was wasting everything he earned for the past years of staying in Lion just because he wanted to show the main branch that their decision was wrong? Ano bang gusto niyang patunayan sa buhay niya?

He finished his lunch and I didn't even try to raise my spoon para sumubo kahit isa lang.

Naiinis ako sa ginagawa niya. Sa dami ng hirap at stress na na-encounter ng branch namin, ngayon pa talaga siya magkakalat nang ganito?

Hindi na nawala ang tingin ko sa kanya mula nang makaalis kami sa Zuri hanggang makatapak sa building ng main branch. Compare sa branch sa Manila, nasa tenth floor lang ang taas ng main branch pero dinaan naman sa lawak. Katumbas na ng isang buong mall ng SM ang lawak nito at modern architecture pa ang design. Imagine a white and silver lobby pagpasok sa loob na para kang nakapasok sa isang spaceship. Mas malamig tuloy sa pakiramdam ang air con kasi dinadaan sa visual aesthetics.

Sa bungad pa lang ng lobby, may malaking mosaic ng Faces of Lion kung saan isang 10-feet wall ang puno ng mga mukha ng mga nagbigay ng recognition sa Lion for the past 50 years. And yes, my face was there sa right side katabi ang mga hinahangaang fashion designer, fashion guru, and fashion expert sa bansa na recognized internationally.

Dumeretso kami ni Tyrone sa elevator at mas lalo kong nakita kung gaano ako ka-haggard. Napakuha tuloy ako ng red lipstick sa shoulder bag ko para kahit paano, mukha naman akong hindi bumangon lang sa higaan at nag-coat.

Nasa 7th floor ang conference room at doon kami pumunta ni Tyrone. The main branch knew who I am. Shame on them na iginapang ko sa international media ang pangalan ng Lion Fashion para lang sabihin ng mga tagarito na hindi nila ako kilala.

Iniwan ko sa lobby ng seventh floor ang mga gamit ko kahit ang laptop para lang makapasok sa meeting room. Nag-backup na lang ako sa flash drive ng content ng reports kahapon sa meeting sa branch namin in case na kailangang mag-present kung bakit rejected at demoted si Aurora Oso bilang senior fashion designer.

The conference room's interior was wooden. Blackwood ang gamit sa pinto at sa kisame. May maliliit at tabi-tabing flourescent lights para sa liwanag na focused sa mesa sa gitna. Sa dulo, may white board at may hinihila sa taas na white board for projector kapag may digital presentation. 24-seater ang blackwood table na kamukha halos ng design ng carpeted floor. Ten seats per side at two seats sa magkabilang kabisera. Nakahilera naman sa mga dingding ang iba't ibang painting na more of modern ang theme.

Ang dami na nilang nandoon. Mukhang inaasahan na nila ang pagdating . . . namin. Ni hindi man lang sila nagulat na kasama ako ni Tyrone.

"Good afternoon, ladies and gentlemen," kaswal na bati ni Tyrone at pinaghatak ako ng upuan sa kabisera. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"At last, you bring Cinnamon with you, Mr. Chen," Sir Giovanni said and I couldn't avoid looking at him with a question in my eyes.

"She needs to rest after Jomari's assault case, Mr. Licauco. I hope you consider that," Ty casually answered.

Hindi naman sa hindi ako nakakasabay sa topic, pero parang ang daming nangyari noong nawala ako na ultimo mga tanong ng board kay Tyrone, hindi ko na nasasabayan. Nakasunod lang ako nang mai-drop ang mga tanong tungkol sa demotion ni Aurora.

"The Manila branch's creative directors rejected Ms. Oso's designs, Mr. Caleza. We never failed to provide room for improvements and opportunities, which she never accepts since her promotion as a senior fashion designer."

"But her team provided a single to be distributed nationwide."

"That's Cinnamon's design, Mr. Licauco. Some of our suppliers asked for authorization regarding inventories. Ms. Oso haven't got any authorization to request special stones for her design."

"And you're supposed to assist her, Mr. Chen."

Ito na nga ang sinasabi ko kay Tyrone. Isa sa reponsibilidad niya ang maglabas ng authorization para makapag-order ng rhinestones si Aurora pero hindi talaga niya tinulungan.

Obvious nang sinasadya niya.

"I released an authorization letter for Ms. Oso, yet the supplier's decision was beyond my jurisdiction. Cinnamon had to make a call for the stones to be delivered within that day."

"Does Ms. De Chavez know she's already demoted as a junior fashioner designer and must work for Ms. Oso's team?"

Biglang nagpanting ang tainga ko at napatingin kay Boss Jimmy. "What do you mean by demoted?"

"Your position as a senior fashion designer has been transferred to Ms. Oso, Cinnamon. You can't just leave your work and go back whenever you want to. That's unprofessional."

Bigla akong ibinagsak ang kamao ko sa mesa, pero napatingin agad ako sa kaliwa nang bigla akong saluhin ng kamay ni Tyrone bago pa makalikha ng malakas na ingay.

"Anong sinasabi ng mga 'to, Tyrone Chen?" harap-harapan kong bulong sa kanya.

"Aurora Oso's incompetence speaks a lot about her productivity, people. I hope you consider Ms. de Chavez's three-month leave since she's been working with Lion for ten years now."

"We already gave Ms. de Chavez too many consideration, Mr. Chen."

"But she's working again—"

"She can still work under Lion as a junior fashon designer of Ms. Oso's team. Her issues with Aliza Verano and Jomari Lianno created bad image for our company, Mr. Chen. We lost most of our endorsement because of her actions."

"Bullshit!" I cursed after I heard my recent cases. "I spent years creating dresses and Aliza Verano wore a dress from Adarna Couture in Lion's event! She fucking breached a fucking contract and nobody bats an eye on that fucking issue! How dare you let her get inside wearing an ugly dress of our competitor using my name as her designer, huh?"

"Cinnamon!" Ty shouted and I glared at him.

So, papayag siya na ganito ang itatakbo ng usapan namin ngayon? Demoted ako at magpapa-under ako sa isang designer na hindi man lang maka-order ng rhinestones sa main supplier namin? Na ibi-bring up nila ang mga issue na hindi naman ako ang nagsimula?

"I'm so sorry for Cinnamon's beha—"

"I will never be sorry for what I did!" Padabog akong tumayo sa upuan ko habang pinandidilatan silang lahat ng mata. "I brought Lion's name in the spotlight for more than nine years and you can't just tell me that I am demoted under an inept designer just because I fought for my right as a designer! I'd rather end my contract with Lion than to accept this decision! If you want Aurora to work as a senior fashion designer, then fine! Let her! I quit! I'm tired of your fucking bullshits!"

I marched toward the doorway after venting my resignation.

Gusto nila si Rory? Fine! Kung kayang buhatin ni Rory ang trabaho ko, e di buhatin niya. Wala akong pakialam. Nagtagal ako nang tatlong buwan nang wala ang Lion kaya wala akong pakialam sa kanilang lahat!

Tinawagan ko agad si Ameiry pagkakuhang-pagkakuha ko ng mga gamit ko sa lobby.

"Ihinto n'yo ang production para sa prototype."

"Cinn?"

"I said ihinto n'yo! Walang magpapasa ng prototype design ko sa kahit anong store ng Lion. Lahat ng design na natapos, sirain n'yo. Lahat ng sketch kong nandiyan, i-shred n'yo o sunugin n'yo. Walang kahit sinong taga-Lion ang dapat makinabang ng mga 'yan."

"Wha—why? What happened?"

"Sundin n'yo na lang ako! Simula ngayong araw, wala na ang team ko. Mag-usap na lang tayo pagbalik ko sa Manila." Ibinaba ko agad ang call at ibabalik ko na sana sa bag nang may biglang humatak sa braso ko.

Pagtalikod ko, mukha ni Tyrone ang nakita ko. Hinihingal pa siya habang nagpupunas ng pawis sa noo.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yo, Cinnamon." Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya habang palingon-lingon sa paligid. Ni hindi siya makali kung mamamaywang o magpupunas ng noo o maghihimas ng sentido.

"So, ito ang ginagawa sa 'yo ng main branch, hmm?"

"Sinabi ko nang hindi ka na dapat pumunta!" nanggigigil niyang sinabi sa mahinang boses para hidni kami marinig sa hallway.

"Tapos ano? Dedepensahan mo na naman ako kahit unreasonable na ang side nila? Tyrone, huwag ka ngang hangal! Kung palalayasin ako sa Lion, palayasin nila ako! Wala akong pakialam!"

"Lahat ng pinaghirapan mo, sa ganito mo lang isusuko, hmm?" Lumapit pa siya sa 'kin para ipamukha ang salita niya.

"At sinong may sabing susuko ako? Ako si Cinnamon de Chavez. Hindi ako basta-basta sumusuko." Tumalikod na agad ako at humakbang na paalis, pero mabilis akong pumaling para lingunin siya. "Sasali ako sa La Mari at ipakikita ko sa Lion kung sino ang sinasayang nila. Kung kinakailangang ubusin ko lahat ng kayamanan ko para lang manalo sa kompetisyon ng kalaban ng Lion, gagawin ko. Hindi ako papayag na mamaliitin nila 'ko nang ganito lang. Designs ko ang nag-angat sa Lion, designs ko rin ang magpapabagsak sa kanila."


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top