25. Shattered Dreams

Nineteen ako noong naka-graduate sa college. Fourth year pa lang, sa practicum, sanay na 'kong inaalipin. Buhay pa si Daddy n'on and I never complained about what I was experiencing sa mga designing team kung saan ako napupunta because Tita Dahlia would tell me right away na ginusto ko naman daw 'yon. Na kung nag-take ako ng accountancy o ng medical school, e di sana hindi ako inaalila.

I was tired dealing with my family's shit. Si Mama, hindi na physically healthy that time at naka-therapy na after her first mild stroke. Financially wala akong problema. Dad always monitored my life. And he was that man na hangga't hindi emergency o hangga't hindi ako nagmamakaawa, he would never give any money to me.

Sa akin, okay lang. Alam ni Daddy 'yon. Every time na magkikita kami kapag aayain niya 'ko sa isang lunch date na hindi ko dadaluhan hangga't hindi niya ako bina-blackmail, sinasabi ko 'yon.

"I'm okay, Dad. If ever kailangan ko ng pera, mangungutang ako sa 'yo, babayaran ko."

"You're still my daughter, honey. Pera lang 'yan."

"Ayoko nang naririnig sina Tita Dahlia na palaging nanunumbat tungkol diyan. Laging sinasabi na kung ganito ang kinuha kong course, na kung ganito sana ako ngayon, e di sana hindi ako naghihirap sa pera. Kaga-graduate ko lang, gusto ba nilang mayaman ako agad habang trainee pa lang?"

"Cinnamon, honey, don't speak like that to your aunt. Nakita lang kasi nila si mama mo na hindi nakapagtapos."

"Totoo naman, di ba? Saka bakit ba nila laging pinamumukha every time na dadaan ako sa hacienda ni Lola na sa lahat ng kabit mo, si Mama lang yung di graduate ng elementary? Graduate na 'ko ng college, Dad! Hindi ako si Mama para sabihin nila 'yon!"

I hated my Dad for choosing my mother. I hated him too much because all of his siblings always brought that up. Ang mga nanay ng mga kapatid ko, either they belong to a nice family, a single lady who could earn enough to buy a Chanel every month, some were successful professionals and ended up marrying another successful man after my dad.

Ang comparison sa akin, palaging "Kung kasingyaman lang ng mommy ni William 'yang nanay niyan, e di sana napakinabangan 'yan."

I grew up hearing those words na maliban sa kabit na nga ang mama ko, sa lahat ng kabit ni Daddy, siya lang ang walang narating. And Dad never defended her. I've never heard a single word from him saying he loved my mother and he didn't want to judge her like how his siblings judged my mom.

He never defended her side taking note that he was a great lawyer handling complicated cases. Hindi ko kahit kailan nakita na trinato niya si Mama na parang asawa o ni maging babaeng minsan niyang minahal. Parang ang naging siste, inanakan niya si Mama, nabuo ako, nakakuha na siya ng babaeng anak na gusto niya, tapos na ang responsibilidad ng nanay ko bilang palahian.

Kapag naaalala ko si Daddy sa ganoon, tapos sisingit ang buhay ni Lola Ning na ang tingin niya sa mga lalaki ay mga taong dapat lumuluhod at nagkandarapa sa kanya, nagkakaroon ako ng existential crisis. Inisip ko na lang na kasi Alpha Male si Daddy tapos Alpha Female si Lola. And if ever magiging ganoon ako, gaya ng pagrespeto sa kanila ng iba, lalo na kay Lola Ning, makukuha ko rin ang respeto na matagal ko nang hinihingi sa lahat.

Hindi bilang anak ng kabit ni Proserpino de Chavez III kundi bilang si Cinnamon de Chavez.

Naunang na-stroke si Mama pero naunang mawala si Daddy. Pareho naman silang cardiac arrest ang cause of death. Pero after mamatay ni Daddy, nagkagulo na kaming magkakapatid. At gaya ng inaasahan, lugi ako dahil ako lang ang hindi abogado at hindi CPA.

Hatian ng mana, pera ang usapan, pero ewan ko ba kung matutuwa ako kay Daddy kahit wala na siya. Sa last will and testament kasi niya, seventy percent ng lahat ng assets niya, nakapangalan sa 'kin. Kasi nga, ako lang ang mahirap sa aming magkakapatid. Ako ang anak ng babaeng hindi naka-graduate ng elementary. Ako ang anak na hindi nakaranas ng enough financial support kay Daddy sa pag-aaral. Ako ang anak na hindi nanghihingi ng pera sa kanya kapag kailangan ko.

Hindi nakaimik sina Tita Dahlia noong nilatagan sila ng video kasama ang abogado de campanilla ng mga Echague. Hindi nila ma-bring up na baka nilason ni Mama ang utak ni Daddy kasi matagal nang na-stroke si Mama. Sa tigas ng ulo ko kada family reunion, wala ngang nag-akalang pamamanahan ako nang malaking pera. Sinasabi ko kasi palagi, ayoko ng pera ni Daddy. Nabubuwisit ako kada nababanggit na pera lang ang habol namin sa kanya.

Nasa akin ang malaking mana, wala na silang magagawa. Kaya nga dikit na dikit sa 'kin si Tita Daisy na parang ako ang paboritong anak. Kasi alam niya na kung maglalabas na ng ari-arian ang pamilya kapag nagkakagipitan na, kung ako ang sisipsipan, may mahihita siya.

Pulos ba naman mga sugarol ang mga anak ni Lola Ning, ewan ko na lang kung kumampi pa siya sa mga 'yon.

Si Tita Daisy rin ang pilit nang pilit sa amin ni Tyrone. Kahit anong bigay ko sa kanya ng mga ebidensya ng pambabae ni Ty, wala siyang pakialam. Lagi niyang dinedepensahan. Kesyo ine-enjoy ang buhay binata, lalaki lang kaya nagagawa 'yon; si Kuya Ping nga raw niya, ganoon din.

Aminado naman ako, I liked Ty noong trainee days ko sa Lion at habang assistant manager pa lang siya. Pero ang hirap kasi ng status ko that time.

Ang hirap kapag wala kang backer sa trabaho. Ang hirap nang walang koneksyon. Ang hirap makakuha ng respeto kapag isa kang malaking wala.

Ang hirap ding maging mabuting tao kapag nasanay kang pinagtutulungan ng mundo. Pero mas mahirap depensahan ang sarili sa taong umaasang magiging mabuti ka habambuhay para sa kanila.

I went home after the meeting. It was a three-hour presentation kaya eksaktong logout pagtapos namin.

Tyrone never mentioned to me what he had said earlier.

"Sa mismong opisinang 'yon, kitang-kita ko kung paano mo isuko ang sarili mo sa Fred Cervantes na 'yon!"

Sa kaiisip ko nga, muntik na 'kong mabunggo sa isang motor pag-red ng stop light kasi tuloy-tuloy ako sa pagda-drive.

Fred Cervantes was the former branch manager of Lion Fashion—the one Ty replaced after someone reported his corruption sa company.

Si Fred Cervantes din ang nagpatag ng pundasyon kung nasaan ako ngayon. Pero siya rin ang nagbigay ng lahat ng bangungot ko bago ko marating ang posisyon ko ngayon.

If this was just another day I had with Echo, malamang na pinipilit ko na siya to stay in my condo. But I didn't need him tonight. I needed to be alone.

Instead of going home, I went to The Nighstanders to drink.

Common na sa mga bar ang dim light, neon lasers, loud music, mga taong naghalo na ang amoy ng pawis, pabango, at alak.

Dumeretso agad ako sa bar counter at humingi ng rhum.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Bumabalik sa akin yung blangkong feeling na parang mag-isa lang ako sa mundo at kung may lumapit man sa 'kin, kailangan ko silang itaboy.

I was a complete wreck. I didn't want to stay in a relationship because I saw how it works from a different perspective.

Naghahalo ang lamig ng air con at init ng bar gawa ng body heat ng mga taong nagsasayawan sa paligid. The bass of the speaker producing a heavy beat across my chest while Rihanna's Disturbia was playing over the club.

Ang init ng hagod ng alak sa lalamunan. Naninindig ang mga balahibo ko. I almost forgot, I wasn't in my uniform today. Sleeveless pa naman at maikli ang suot ko.

"Sa mismong opisinang 'yon, kitang-kita ko kung paano mo isuko ang sarili mo sa Fred Cervantes na 'yon!"

Everything came back to me like it all happened yesterday. Nakatitig ako sa hawak kong baso habang naaalala ko lahat ng nangyari noon.

"The directors saw your incompetence, Cinnamon."

"Sir Fred . . . first time ko lang po kasing mag-present sa meeting . . ."

I was naïve back then. Not familiar with how the system works.

Doon sa opisina ng general manager, nagmamakaawa ako kay Fred Cervantes na bigyan pa 'ko ng isang chance na patunayan ang sarili ko.

Hindi ako tinulungan ng sarili kong team. Napahiya ako sa creative directors. Hindi ko gustong umuwi sa hacienda ni Lola Ning at marinig si Tita Dahlia na sinasabi sa 'king "Kung nag-take ka ng accountancy o pre-law course, e di sana di ka nahihirapan diyan."

Gusto kong patunayan sa lahat na pinili ko 'to kasi alam ko at nakikita ko ang sarili ko na magiging successful dito sa field na 'to.

"Magagawan naman natin ng paraan 'yan, Cinnamon. Madali naman akong kausap."

I was twenty-one at that time. I had my dreams of becoming big. My dream is to be the best fashion designer in the country and be recognized internationally.

I had my dreams.

"Si Fred . . . 'wag po. Sir, may fiancé na po ako."

Parang kable ng koryente ang kamay ni Fred Cervantes nang gumala sa katawan ko. That time, inisip ko na kasalanan ba ng damit ko? Was it too revealing? I wore a white blouse. Long-sleeved and made of thick fabric para hindi makita ang bra ko. I wore a black pencil-cut skirt. Hindi mini skirt, mahaba pa sa tuhod ko.

Was it my makeup? Was I too provoking?

He was fifty-five years old and had been in the industry for almost three decades. I had my respect in him. He has soft features, like a father. He smiled genuinely, he spoke confidently, he was professional.

And that moment, his hands traveled across my breast and held it firmly and rounded it slowly.

I didn't know what to do, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Inside my head, I was shouting for help. Inside my head, I was begging "Stop, please." But no words escaped from my mouth. Pinigilan kong maluha habang nakatitig sa nakabukas na bintana ng opisina niya, sinasabi ko sa sarili ko na kahit isa man lang na empleyado ng Lion, pumasok sa opisina niya para tulungan ako.

"Ang ganda-ganda mong bata, I'm sure na malayo ang mararating mo. Don't worry about the meeting, I'll talk to the directors. Ilalakad kita sa main branch, ako'ng bahala sa 'yo."

He lifted my skirt until it reached my waist. Halos bumaon ang mga kuko ko sa palad habang nararamdaman ang paghimas niya sa hita at puwetan ko. And if ever I had a chance to passed out that time, sana hinimatay na lang talaga ako.

"Mukhang magkakasundo tayo, Cinnamon. You smell nice."

No one even Tyrone touched my body. I was twenty-one at that time and that was the first time someone inserted his finger inside me.

Sobrang natakot ako na kahit ang pumalag, hindi ko nagawa. Hawak niya ako sa dibdib gamit ang isang kamay, ang isang kamay niya, abala sa pagitan ng hita ko.

Halos dumugo ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko para lang hindi ako makaungol. Kasi iniisip ko na kapag umungol ako kahit na gusto ko, para ko na ring sinabing nasarapan ako sa ginagawa niya.

Mariin ang pagkakapikit ko nang itulak niya 'ko sa mesa para mapatuwad doon. Naramdaman ko na lang na may mas malaki pa sa daliring pumasok sa loob ko.

Parang mantsa ang bawat alaala niya sa katawan ko. Mga bagay na ayoko na sanang maalala pero pinapaalala pa rin sa 'kin ng mundo.

"As promised, I'll make a call sa main branch, ako'ng bahala sa 'yo."

He even had the nerve to kiss me on the cheeks after he did what he did to me.

I went out of the general's office with lifeless eyes and soulless body. Dumeretso agad ako sa pinakamalapit na restroom at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Sa isang iglap, hindi ko na makita ang sarili ko.

Natutulala ako. Para akong tangang kinakapa ang dibdib ko kasi pakiramdam ko, naroon pa rin ang kamay niya. Pinakikiramdam ko ang pagitan ng hita ko, parang nandoon pa rin ang bahagi ng katawan niyang hindi ko gustong pumasok doon.

Pakiramdam ko, buong katawan ko, hinihipo niya kahit wala na siya. Pakiramdam ko, kahit ako na lang ang mag-isa sa loob ng restroom, para siyang kaluluwang nakayakap sa 'kin at paulit-ulit na ginagawa ang ginawa niya sa opisina niya.

Nakailang hilamos ako. Nakailang hatak ako sa damit ko. Nakailang tanong ako sa sarili ko kung dahil ba sa damit ko? Dahil ba sa makeup ko? Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ko kailangang maranasan 'yon.

Paglabas ko ng restroom, unang-unang nakita ng walang buhay kong mata . . . si Tyrone.

Para siyang timang na sobrang tipid ng ngiti at kurot-kurot ang dulo ng necktie niya.

"Cin, okay ka lang?"

Inayos pa niya ang makapal niyang salamin habang pinipilit akong ngitian.

"Sabihin mo sa daddy mo . . . ayoko na."

Sa oras na 'yon, sinukuan ko na siya. Gusto ko na lang umuwi. Gusto kong magbabad sa shower hanggang sa hindi ko na maramdaman ang nararamdaman ko. Kung puwede lang magpalit ng katawan, magpapalit ako gaya ng mga damit na ginagawa ko.

Habang nararamdaman ko ang kamay ng ibang tao na gumagala sa katawan ko, iniisip ko na wala nang karapatan si Tyrone para hawakan pa 'ko.

"Cin, di ako galit."

Hinarang niya ang daan ko. Hinawakan niya 'ko sa balikat. At kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Okay lang . . . hindi ako galit."

Sa unang pagkakataon, niyakap niya 'ko. Na kahit hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kamay niya—kung sa likod ba ng ulo ko, sa likod ng balikat, sa baywang—ginawa pa rin niya.

Kahit na ang yakap niya, hindi mahigpit, hindi nananakal, hindi intensyong manghipo, o kung ano mang siguradong masasaktan ako.

"Okay lang, Cin . . . hindi ako galit."

Ang inipon kong iyak, doon lang bumuhos. Sinabi ko sa sarili ko na hindi deserve ni Tyrone ang gaya ko.

Sobrang bait ni Tyrone, hindi niya deserve masaktan ng gaya ko. Pero hindi niya ako sinukuan.

Alam ko namang pagkatapos n'on, marami nang nagbago sa 'kin. At alam din ng branch na 'yon ng Lion na may nagbago nga.

Nai-forward sa main branch ang kaso ko. Sinabi ni Fred Cervantes na magpe-present ako ng design sa main branch kasama niya. At ang presentation, ang annual design ng Lion para sa main theme ng taon. At ang daming umalma at kumuwestiyon na bakit daw ako ang magpe-present samantalang kagagaling ko lang sa rejections ng creative directors.

Hindi naman nagsinungaling si Fred sa pangako niya. Nagpapasalamat na nga lang ako na hindi naman mahaba ang ipinagmamalaki niya.

Sabi ko na lang sa sarili ko, if sex lang pala ang habol ng matatandang gaya niya, siguro naman, makakaakyat ako nang mabilis sa posisyon ko.

And if ever I had something to be thankful for, probably it was the truth that Fred Cervantes hadn't got something to brag about when it comes to sexual pleasure. I even thought we were gonna take half an hour for our every make-out. Kaso wala pang three minutes, nilalabasan na siya. Siguro kasi may-edad na kaya ganoon.

Imagine at the age of twenty-two, wala nang kumuwestiyon ng karapatan ko after I presented a design na pumasa sa main branch. Tinalo ang designs ng ibang regional branch ng Lion Fashion na gawa ng iba't ibang senior fashion designers.

And yes, I came back with a vengeance. Bumalik ako sa branch ng Lion dala ang achievement ko at pinamukha ko 'yon sa team na hindi man lang ako tinulungan.

But that was the same time I know something had changed. I was confident, I was close to reaching my dream of becoming a senior fashion designer, and in the middle of the night, I talked to Tyrone in the nearest nature park just to tell him na hindi ko na siya pakakasalan.

Ako na si Cinnamon de Chavez. Hindi ko na siya kailangan.

"Assistant manager ka pa rin, Ty. Senior fashion designer na 'ko. Mas mataas na ang position ko sa 'yo.  Alam nating pareho na hindi naman tayo okay, di ba?"

In the middle of the night, after the celebration ng pagkapanalo ng branch namin since design ko nga ang napili for international releasing, kinausap ko siya.

"Cin, hindi papayag si Daddy Ping nito kung buhay pa siya. Alam mo naman ang gagawin ng family mo, di ba?"

"Ty, come on! This is not working out! It will never work out! Maraming babae diyan. You came from a rich family. Tumambay ka lang sa BGC, makakakuha ka na ng girlfriend."

"Pero, Cin, engage na tayo, di ba?"

Walang pagdadalawang-isip kong hinubad ang engagement ring ko. "Ito ba?" Buong lakas ko iyong itinapon sa malayo.

Kahit nakasuot ng makapal na salamin si Tyrone, kitang-kita ko kung paanong manlaki ang singkit niyang mga mata habang hinahabol ng tingin ang singsing na itinapon ko.

"Ty, hindi na 'ko virgin. Ikaw nga, hindi ko alam kung nakakita ka na ba ng hubad na katawan ng babae. Alam mo, makakahanap ka pa ng ibang deserve para sa 'yo." Tinapik-tapik ko pa siya sa balikat bago ako tumalikod.

"Dahil ba assistant manager pa rin ako kaya ayaw mo na sa 'kin?" tanong pa niya nang di ako lumilingon. "Kung ako ba si Sir Fred, magbabago ba ang isip mo?"

"Mag-usap na lang tayo kapag ikaw na ang kasama ko sa main branch every presentation. For now, just call of our engagement, Tyrone. It's for our own good din."

That night, my confidence betrayed me. My words ate me alive. After that night, I've never seen Tyrone again inside that branch of Lion.

I had a secret affair with Fred Cervantes just to keep my position in the company. Every shift, magkikita kami sa hotel, at kahit na siya lang naman ang nape-pleasure sa ginagawa namin, hindi na lang ako nagsasalita. That time, inisip ko na malaya na 'ko kasi wala na ang singsing sa kamay ko. Kapag nabibitin ako sa kanya, maghahanap ako ng lalaking makaka-satisfy sa 'kin.

But after a year . . . just a year of having an affair with Fred, nagulat na lang ako na bigla siyang lumipad pa-Canada na ang tanging paalam lang sa 'kin ay through email na nagsasabing ayaw na niya 'kong makita ulit.

Ayoko naman talaga siyang makita, pero nagulat ako sa timing.

Kaso kung may mas nakakagulat pa kaysa sa biglaang pag-alis niya, 'yon ay ang biglang pagbabalik ni Tyrone sa branch na 'yon ng Lion. And he wasn't the nerdy assistant manager na umalis na lang bigla. He came back as the new general manager of that branch and his glow up was undeniably great. He looked professionally dashing and enough for the ladies to drool in front of him.

Too bad for me, if only I know he was a man of his words, sana hindi na lang ako nagsalita.

At that moment, I knew I fucked up big time.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top