24. The Man Who Can't Be Moved
I came from a family where I had to prove myself over and over again para lang masabi kong parte ako ng pamilya. Na lahat ng ginagawa ko, someday magpe-pay off din kahit na halos lahat sila, sinasabing sinasayang ko lang ang mga oras ng buhay ko.
I was inspired to design clothes because Lola Ning had her walk-in closet full of gowns and grand dresses. I wasn't her favorite grandchild, but when it comes to her luxuries, ako lang ang kaya niyang ipasok sa loob ng walk-in closet niya nang hindi nagnanakaw ng alahas niya sa glass counters.
I was thirteen noong una akong nakapasok sa closet for a short tour. Malakas pa si Lola Ning, kaya pang manampal ng apo kapag matigas ang ulo. She wore her usual "pambahay" gown na baro't saya. The fabric was made by her people, Villa de Echague ang isa sa malalaking sources ng tela at sinulid na gawa sa pinya sa buong South Luzon.
On that very moment na nasa gitna ako ng pagkalula sa mga enggrandeng damit ni Lola Ning, harap-harapan kong sinabi sa kanya na "Lola, gusto ko, ako gagawa ng gown n'yo."
And I wasn't giving her a promise. I was telling her my plan.
Alam ni Lola Ning 'yon. Kapag pinagpapasa-pasahan ako at napupunta ako sa hacienda, sa daming CPA at attorney sa pamilya, ako lang ang sumasama sa kanya sa farm. Inaalam ang klase ng fabric na ginagawa roon. Pinanonood kung paano manwal na maghabi ang mga tauhan niya. Kung paano inaalis ang fiber sa pinakadahon ng pinya. Kung paano 'yon binababad sa tina.
Kabisado ko ang proseso at si Lola Ning, ginagawa naming past time noon ang mag-quiz ng tungkol sa proseso sa farm. Kapag nagkakamali ako ng sagot, hinahampas niya ng pamaypay ang palad ko. Kaya nga hangga't maaari, dapat alam ko ang sinasabi ko.
Paalala niya, "Iwasan mong magkamali sa harap ng maraming tao, hija. Walang ibang mag-iimis ng mga pagkakamali mo. Walang ibang tutulong sa 'yo kundi sarili mo lang. Tandaan mo 'yan."
"Opo, Lola Ning."
Alam ni Lola Ning kung gaano kataas ang respeto ko sa kanya. She treated her lovers like they were disposable. That she didn't need them to succeed. Instead, they needed her.
She was that bitch who would slap a man's face at magpapasalamat pa ang lalaking nasampal siya ni Lola. Ganoon kataas ang lebel ng respeto at takot na dala ng pangalan niya bilang Echague.
And I dreamed of becoming that kind of an iron lady. I told myself I would be like her someday. Someone who doesn't need a man just to be respected—na never kong naranasang ibinigay ng pamilya ko dahil lang nag-iisang babae ako sa angkan ng mga de Chavez.
Kaya kung ano ako ngayon, resulta 'to ng lahat-lahat ng paghihirap na dinanas ko sa buhay mula pa noon. At walang puwedeng manisi sa 'kin kung bakit ako nagkaganito.
I know, Rory was too soft para i-take ang mga sinabi ni Tyrone sa kanya sa meeting, and I know the feeling. Ayokong i-disregard ang naramdaman niya sa harap ng mga creative director dahil alam na alam ko ang pakiramdam ng napagkakaisahan.
I had no choice but to present in front of the directors at buhatin ang team na hindi ko dapat pinakikialaman.
I've been doing this for almost eight years. I could present without a hard copy. I could recognize and I knew how to read graphs kahit na first time ko pa lang iyong nakikita. My level of field expertise was the same as the creative directors and I could tell what's good and what's bad sa isang presentation. And even something na wala sa existing presentation, kaya kong sabihin, because I know my job well, I do my job well, I explore this job more than our researchers do. I always go for the extra mile, hindi puwede ang puwede na.
"The market trend shifts too fast recently. Compare to our previous years, the rise of social media gave us a huge favor to improve our marketing not only here in the country but in abroad."
I glanced at Rory's team who listened to me very carefully. They looked like students who were eager to learn from their teachers.
"The digital technology has changed how Lion Fashion markets our brand. We needed to invest in several channels for marketing including digital and traditional. We haven't had the video ads for now in a video streaming channel since the whole marketing was busy at improving their marketing in other platforms, but rest assured we will take this as a challenge to reach our tarket market."
I clicked the small projector control I was holding to change the slides. Lumabas doon ang line graph na inihanda nina Ameiry kanina.
"You can see the rise of the engagements here in Exhibit 4-B after Lion Fashion launched their marketplace in FB. The data presented here shows the latest post from April 14 to April 20 reached 98,304. The organic engagement from the first day started at 804, and after the boosting of business ad, we reached the 97,500 people. 20,876 from organic engagement and 76,624 from site promotions. That was eighty-four percent higher than our egangement in other platforms."
They were all quiet and and if ever Tyrone really planned to dissolve Rory's team, I had no choice but to take them kasi malamang na ikakalat sila pagkatapos ng meeting na 'to.
"The effectiveness of using digital channels compare to traditional is higher so we have to know the functionalities of these platforms to improve our sales. We will coordinate to the ad center for the partnership and how we could improve our business on their site while releasing our latest products weekly and monthly."
Ang tagal ko ring hindi nakapag-present. At siguro, kung hindi lang ako ginising ng walang sense na report ng team ni Aurora, baka naubos lang ang oras ko sa kung anong bagay.
The meeting was adjourned and I didn't know what to feel for Rory's people. Alam ko namang hindi sila patatalsikin sa kompanya just because of Rory's lack of managerial skills, pero sigurado akong maghihiwa-hiwalay na sila ng team.
"Miss Cinn, first time ko lang pong maka-attend ng meeting na ikaw ang nagpe-present, ang dami ko pong natutuhan."
"Oo nga, Miss Cinn. Sana maka-attend ulit kami ng meeting next time na ikaw ang speaker."
The junior designers were giving me compliments na hindi ko alam kung matatanggap ko. If ang kasama ko ay sina Ameiry, malamang na maniniko lang sila habang binubuyo ako kasi ang dami kong sinabing wala naman sa report nila.
Maganda ang feedback ng mga creative director sa presentation ko at sa plano kong mag-release ng designs sa stores na under ng team ko para mahabol ang sales na hindi na-reach dahil sa ilang delays gawa ni Rory. Pumayag naman sila dahil alam nila ang bilis ng productivity ng team ko. Kapag sinabing deadline, deadline. Ayoko nang lumalampas doon kasi affected ang revenue ng buong branch. At kapag affected ang kita ng branch, malamang na ipatatawag agad si Tyrone sa main branch ng Lion para magpaliwanag. And I didn't know why he was letting this kahit na alam niyang siya ang pinakaunang maaapektuhan ng ginagawa niya.
Nang makaalis silang lahat, naiwan kami ni Tyrone sa loob ng conference room. Inaayos niya ang mga hard copy na naroon at paglapit ko, puro na iyon notes sa mga gilid. May mga binilugang line, may naka-underline, may mga arrow na nagtuturo sa isang word.
"Sinasadya mo bang ipahiya si Rory kanina?" tanong ko agad sa kanya habang nagsasara siya ng butones ng suit.
"Wala akong pinapahiya, Cin," sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa 'kin.
"She left this room crying."
"At dapat matuto siyang hindi iyakan ang mga bagay na hindi niya pinaghandaan. That's not our fault if she went here unprepared, right?"
Pagtingin niya sa 'kin, nanghahamon ang mga mata niya para sagutin ko ang sinabi niya.
"Pareho na kayo ng posisyon. Kung ano ang kaya mo, dapat kaya niya rin. Hindi ko kasalanan kung umiyak siya dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya nang maayos."
Ibinagsak ko ang palad sa mesa habang pinanlilisikan siya ng mata. "Hindi mo ba kayang i-consider? Paano ang team niya? Ano ang sasabihin ng main branch?"
Natawa siya nang mahina sa sinabi ko habang umiiling. "Ang team niya, dito pa rin sa Lion magtatrabaho. Kung magreklamo siya sa main branch, creative directors ang magja-justify ng salita ko. Kahit ikaw, alam mong hindi pa siya handa."
Napakuyom ako ng kamao habang mabigat ang paghinga. Tyrone knew how to hit a nerve in me when it comes to my professional job.
Inayos niya ang mga papel sa mesa at dinala na para umalis.
"Bumaba ang sales ng branch natin dahil pinilit mo pa ring ibigay kay Rory ang mga trabaho. Hindi ba responsable ka rin doon?" hamon ko sa kanya.
Saglit siyang huminto at tumalikod para tingnan ako. "Sinusunod ko lang ang gusto ng main branch. I already warned them before it happened. Kung isasalang nila sa management si Aurora habang AWOL ka, kung ano man ang mangyari sa branch na 'to, kasalanan nila."
"Nababaliw ka na ba?!" Pamartsa akong naglakad palapit sa kanya. "Magre-reflect 'to sa records mo! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Tyrone Chen?!"
"Buong executive ng Lion, gusto ka nang patalsikin, alam mo ba 'yon?" nanggigigil niyang sinabi sa 'kin habang ang talim ng titig niya. "You kept on doing reckless things and I didn't how to defend your erratic behavior to them!"
"Walang may sabing depensahan mo 'ko sa kahit na sino, kaya ko ang sarili ko! Kaya kong ilakad ang karapatan ko para sa kompanyang 'to kahit wala ang tulong mo!"
"Ah, talaga? Bakit? Sino na namang boss ang ikakama mo para lang manatili ka sa posisyon mo ngayon? Si Mister M? Si Sir Pete—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasampal ko na siya nang malakas.
Biglang tumahimik ang buong meeting room habang pinipigilan kong pangiliran ng luha.
Dahan-dahan kong kinuyom ang palad kong parang tinutusok ng maliliit na karayom matapos ko siyang sampalin.
"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko . . ."
Ang talim ng tingin niya sa 'kin nang tagalan ang pagtitig sa mga mata kong nagsisimula nang uminit gawa ng luha.
"Bakit ikaw? Alam mo ba ang pinagdaanan ko, hmm? Doon sa opisina ko, Cinnamon! Sa mismong opisinang 'yon, kitang-kita ko kung paano mo isuko ang sarili mo sa Fred Cervantes na 'yon!" Paulit-ulit niyang dinamba ang dibdib niya na hindi ko matagalan kaya pagyuko ko, kusa nang tumulo ang luha ko para hindi niya makita. "Nangako akong hindi ako magagalit sa 'yo kahit na anong mangyari pero pinili mo lang ang sarili mo! Sinabi kong tutulungan kita pero binalewala mo 'ko! LAHAT! Lahat ginawa ko, para sa 'yo! LAHAT!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang ibato sa sahig ang isang upuan sa gilid ko.
"Huwag mo 'kong sasabihan na hindi ko alam ang pinagdaanan mo! Ang pagod mo, pagod ko! Ang problema mo, problema ko! Iniwan ka ni Daddy Ping sa 'kin at nangako akong lahat ng katigasan ng ulo mo, ako ang sasagot! Kaya huwag mo 'kong sasabihan na kaya mo ang sarili mo dahil simula't sapul na magkakilala tayo, kargo na kita! Huwag mong pangungunahan ang mga desisyon ko kasi wala kang alam."
Hindi na ako nakaimik nang talikuran niya ako at iwan sa meeting room na iyon na puro hinanaing niya.
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top