22. The Mistress

My father was a womanizer. I grew up believing that he was the greatest man on Earth and his paramours were my aunts.

Noong bata ako, na-witness ko kung paano tratuhin ng pamilya ang mama ko. Para siyang alila na yuko nang yuko sa mga de Chavez at Echague. Kapag dumadalaw kami sa hacienda ni Lola para sa family gathering na quarterly ginaganap, tuping-tupi si Mama sa kanila.

Para nga akong manika dati. Hindi dahil madalas na binibihisan, pero kukunin kung kailan maisipan tapos pagpapasa-pasahan. Kay Mama, kay Daddy, sa hacienda ni Lola. Sa 'ming magkakapatid na de Chavez, ako ang laging pinupuna kapag nakakagawa ng mali.

"Anak kasi ng tanga."

"Bobong bata!"

"Chinga vos nana! No hay voz nada!" (Putang ina ka! Wala kang kuwenta!)

And my dad was always there to be my lawyer every time I did something unforgivable—or even if what I did was something forgivable and nonsense. Noong wala pa 'kong alam, siya talaga ang sumbungan ko kapag inaapi ako ng mga tiya at tiyo ko.

Nagalit ako sa kanya n'ong nalaman kong kabit lang niya si Mama at ako ang huling anak na ipinakilala niya sa pamilya—namumukod-tanging babae sa dosenang mga lalaki. At the age of 8, you could feel the difference of treatment na parang basura ka tapos hindi mo alam kung bakit hindi ka nila gusto sa pamilya.

Still, after I learned about me being an illegitimate child of a de Chavez, abogado ko pa rin si Daddy kapag napagtutulungan ako sa hacienda. I dunno if I was just his favorite kasi sabi nga nina Lola, gusto talaga ni Daddy ng babaeng anak kaso pinaulanan siya ng lalaki. But he was protective. Sa dami nilang lawyer, CPA, doctors, and company executives, ako lang ang pinayagang mag-take ng fashion designing.

Natatandaan ko pa kung paano ako taasan ng kilay ni Tita Dahlia after I said my course. Dalawang sunod-sunod na CPA ang naka-graduate sa mga kapatid ko that time. The rest, working na as lawyers sa PAO saka sa firm ni Daddy sa Pasay. Halos lahat ng mga kapatid ko Atty. De Chavez, CPA ang titulo. Ako lang ang walang ganoon.

Kaya kung makahanap sila ng lalaking pakakasalan ko, parang emergency ang lahat. Dapat ganito, dapat ganiyan.

Si Daddy ang pumili kay Tyrone. When I was 17, the Chen family met the de Chavez clan. Second year college ako nito sa international school, first year college naman si Tyrone sa Business School. We weren't that kind of couple na love at first sight. Pero aware na kami kung para saan ang family meeting.

Tyrone way back then was a nerdy Chinese boy who wore thick eyeglasses, the button of the collar was neatly closed and firm—enough not to show his neck. Naka-tuck in pa siya n'on at mukha siyang a-attend ng Quiz Bee. Since I was in fashion designing, of course, hindi ako puwedeng mukhang napadaan lang.

He was good-looking kahit mukha siyang yung binu-bully sa school every recess. He was glowing that night—this kind of glow na para bang alagang-alaga ang kutis niya ng sampung maid at bawal siyang pakagatan sa lamok or something that would cause him rashes. I mean you would know if he was being taken care of. He had that glow of a family's prince.

He smiled timidly, he barely talked, he was drinking water for the whole night kahit may juice naman. He ate vegetables and enough meat na parang sakto sa food pyramid ang measurements.

He was a good boy back then. And that night, they'd announce that Tyrone Chen and Cinnamon de Chavez were already engaged—and we were 17 that time. I've never seen Ty since that announcement until I landed in Lion's den.

After my father died, Tyrone stayed and became the defendant of my fucked-up self. He just replaced my father for being my lawyer every time I messed up.

Alam kong hindi ako kasimbait gaya ng ine-expect niya sa 'kin noon pero lahat ng pagkakamali ko, pundasyon 'yon ng kung nasaan ako nakatindig ngayon. I might regret most of it, that was why I wanted Ty to let me go.

Unfortunately, he never did—kahit na alam na alam niya ang lahat ng kasalanan ko.

And now, we were burning in each other's flame. We hurt each other every time, but for so many years, we got used to the pain inflicted and lived along with the scars.

Gaya ni Daddy, pare-pareho lang ang mga lalaki. But for Ty, I know I created a monster in him.

I left his office along with the paid invoice amounting to 40 thousand pesos for the stones and Swarovski crystals. I could pay for it, sa totoo lang, pero hindi naman niya kailangang bayaran.

I went back to my office and found Jericho na hindi pa yata tapos sa observation niya.

"Hi, Cinn!" masiglang bati niya pagtapak ko sa loob saka itinuloy ang pagtingin sa mga kanto ng kisame.

"Di ka pa ba tapos sa pagtitingin-tingin?" tanong ko bago ilapag sa office table ang invoice na dala ko.

"Sa ganitong office kasi, hindi recommended yung dark green na gusto mong kulay. Awkward ang Patina Green sa ganito. Kung ang basis ko ay ang design ng building sa labas, ha. But we can work on RAL 5020 sa walls tapos papalitan ang carpet."

RAL 5020 is Ocean Blue, and he was dropping technicals again.

"Bakit hindi mo sinabing graduate ka ng interior designing? Sabi mo, hindi mo natapos."

Biglang lumapad ang ngisi niya nang lingunin ako. "Hehe, pina-Recto ko lang yung diploma ko."

"Liar," I immediately said. "I doubt that reason kung kilala ka ni Gold."

Kakamot-kamot tuloy siya ng leeg habang pinandidilatan ng mata ang sahig. "Cinn, ayoko ng high expectations. Ayokong makarinig ng 'Hey, may ganitong degree ka, why don't you apply to this and to that firm yada yada' kasi nakakainit ng ulo. Ilang taon ko nang nae-experience 'yan sa hospitality management kaya hindi ko na nga dine-declare yung mismong degree sa résumés ko except now kasi kailangan ko."

I crossed my arms and raised a brow. "And you lived in a filthy apartment, really?"

"Uhm . . ." Pilit na pilit ang ngiti niya habang dahan-dahang tumatango. "I can explain."

"Then explain. I saw your résumé, you're not someone na makakatagal sa tirahan ng daga."

He heavily sighed and nodded again. He placed his palms on his hips and forced a grin.

"Sa barkada ko yung bahay. Owner ng bar kung saan mo 'ko nakita ang may-ari ng apartment. Mukhang may pera ka naman, kahit ipa-investigate mo pa."

"Bakit ka nakatira d'on?"

"Naaksidente siya sa site construction noong nakaraang buwan, nasa ospital pa rin siya hanggang ngayon, pero ayos naman siya. Tinatapos na lang ang therapy niya kasi nilagyan ng bakal ang left leg niya. Aalis din ako r'on pagbalik niya kasi kailangan ng tenant ng apartment. Umalis na 'ko sa bar noong nag-take over ang co-owner namin galing Canada."

"So, basically, you tend at that bar because what? Kasi walang magbabantay? Co-owner ka rin, di ba?"

Napakamot na siya ng ulo at halatang hindi niya gusto ang itinatakbo ng usapan namin. "Hindi ko alam kung bakit ko kailangang mag-explain tungkol dito, hindi naman ako masamang tao."

"And your last name is not Iglesias."

He suddenly raised his voice. "Kasi ang weird ng Jericho Roco! Parang tagline ng chocolate! Cinnamon, bakit ba natin pinag-uusapan 'to?"

"Because I know almost nothing about you. Siguro naman, may karapatan akong makilala ka pa."

Ang lalim ng buntonghininga niya at nagtaas na ng mga kamay para sumuko. "Okay, sige. Suko na 'ko. May degree ako sa interior designing, pero mas gusto ko sa hospitality services. Hindi ako nagsinungaling tungkol sa pamilya ko, lahat 'yon totoo."

"Kung bahay ng barkada mo yung lungga na 'yon, saan ka nakatira?"

"Depende."

"Paanong depende?"

"Sabihin na lang natin na . . . marami akong bahay?"

"So, mayaman ka."

Bigla siyang napangiwi na parang hindi katanggap-tanggap ang sinabi ko. "Puwede bang i-drop natin 'yang mayaman-mahirap tagging na 'yan? Offensive kasi, parang ang nagiging labas, hindi mo 'ko rerespetuhin kung mahirap lang ako—na ilang beses mo ring ginawa. Kapag ba sinabi kong mayaman ako, magbabago ba ang treatment mo sa 'kin?"

My raised brow twitched to challenged him. Just so he know, I already accepted the fact na parang dumpsite ang apartment niya, and I still wanted his company every night. I even paid for his time kasi akala ko, wala siyang source of income na matino-tino. Tapos tatanungin niya 'ko na magbabago ba ang treatment ko sa kanya kung nalaman ko agad na hindi pala siya gaya ng iniisip ko?

"You didn't tell me the truth, Echo. Are you hiding something?"

Base pa lang sa timpla ng mukha niyang mukhang frustrated, halatang ayaw niyang napag-uusapan ang mga ganitong topic. Hindi nagtagal, nagbuntonghininga na naman siya at ibinagsak ang balikat.

"Ayoko lang na ginagawa akong VIP dahil lang sa pera. Nagtatrabaho ako sa costumer service, nakikita mo ang trabaho ko, ganoon lang ang gusto kong buhay. Hindi ko kailangang i-flex ang kung anong meron ako, kaya sana maintindihan mo 'yon."

Not that I was concern with his wealth, pero masasabi kong may point naman siya. Pero hindi nga lang sa iniisip niyang pagtrato ang gagawin ko.

In case he wasn't are of, I hate guys who brag their money and fame. Ilang taon na 'ko rito sa field, ilang dekada na 'kong napalilibutan ng mayayaman, and I abhor every fiber of their existence na para bang hindi sila mag-e-exist nang hindi binabanggit kung gaano sila kayaman.

And if Jericho told me his background like bait in a fishing rod, I was hundred percent sure, I would never let myself got involved with him.

"Mukhang wala ka nang tanong. Yung boyfriend mo, namemersonal na. Sana magkasundo kami."

His lifeless smile turned into a wicked grin. And I didn't trust that grin because he looked like he was about to throw Ty a huge bomb and he would never be sorry for it.

"Tara, lunch na tayo," aya niya at nilapitan na 'ko.

"Si Gold, nagkita na kayo?"

"Wala pa naman siya sa lobby. Saka hayaan mo siya. Magpapapansin lang 'yon."

Akbay-akbay niya 'ko papuntang elevator. Alam ko namang nakikita kami ng mga employee ng Lion, pero hindi lang naman siya ang unang umakbay sa 'kin nang ganito.

Napakarami nila.

Hindi naman sa tinatanggap ko na ang explanation ni Jericho tungkol sa ilang detalye ng buhay niya, pero sa dami ng mga bagay na nagagawa at alam niya na hindi naman niya dapat nagagawa at alam, duda na ako kung hanggang dito lang ang lahat ng meron siya. He was 31, and at that age, ang hirap maniwalang wala siyang na-invest na kahit ano para masabi kong mahirap lang siyang tao.

Pagbaba namin sa lobby, deretso na sana ang tingin ko sa exit door nang makarinig na naman ako ng malakas na sigaw. And the whole place full of working people, parang huminto ang mundo naming lahat dahil doon.

"ECHOOOO!"

I turned my head in the lobby's direction right beside us and found Gold running toward us.

She was a petite woman wearing a pink sheer blouse and a cream strip tank top tucked in white slacks. Her scarpin heels sounded like a horseshoe on the gray-tiled floor.

She surprised me at mukhang pare-pareho yata kaming nagulat nang bigla niyang talunin si Jericho para lang makayakap. Sinalo naman siya ni Echo at para siyang tarsier kung makalingkis dito habang buhat-buhat siya nitong isa.

"I missed you so much! Ang tagal mong nawala! Where have you been?"

Ibinaba na rin siya ni Jericho pagkatapos. At mukhang wala siyang balak bitiwan ito kasi hinawakan pa niya sa magkabilang kamay habang inuugoy-ugoy 'yon.

Hindi ko alam ang ire-react. Marigold Tan looked so cute kasi chinita nga tapos medyo chubby. Most of the compliments she earned were she looked like Alodia Gosiengfiao's younger sister kahit na magkasing-age kami.

Yeah, she's pretty. Someone na tataasan mo ng kilay kapag niyakap ang boyfriend mo sa harapan mo.

Tumaas lang ang kilay ko, pero hindi ko naman boyfriend ang niyakap niya.

"Dapat hindi ka na pumunta rito," sagot ni Jericho.

Gold pouted like a sad kid and did her puppy eyes. "Lunch tayo!"

"Wala akong pera."

"Uhm-hmm!" She raised her brow and scanned Jericho from head to toe. "In your Todd Synder dress shirt, you tell me wala kang pera? Hanggang ngayon, kuripot ka pa rin. Tara, treat ko!" Paglipat niya ng tingin sa 'kin, saka lang niya ako binati. "Hi, Cinnamon!"

"Hey, Gold," I said with bored look. Hindi rin nagtagal, binalikan din niya si Jericho at niyakap pa sa baywang.

"Maiinggit sa 'kin nito yung asawa mo. Nauna kitang makita kaysa sa kanya ha-ha!"

"Asawa?" pagkasabi ko n'on, para akong napasok sa isang horror movie at dahan-dahan ko pang tingnan si Jericho na kakamot-kamot ang ulo nang tingnan ako.

"Ipapaliwanag ko mamaya."

Sa isang iglap, parang gusto ko nang kalkalin ang lahat sa buhay niya para alam ko kung dapat ko na ba siyang dispatsahin ngayon pa lang.

Mukhang mahaba-habang paliwanag ang dapat niyang sabihin sa 'kin mamaya.


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top