2. The Boyfriend


"Ma'am, saan ho tayo?"

"Sa Avila Towers, Manong."

Nilingon ko ang kalsada mula sa apartment building ng dugyot na lalaking 'yon. Hindi ako familiar sa location, so I guess, malayo 'to sa bar.

I tried to remember everything na kaya pang alalahanin ng utak ko from last night's event.

"Oh, shit." I rested my head at the back of my seat while keeping my eyes closed. Sobrang sakit ng ulo ko, parang pinipiga sa loob.

Nakatulong naman ang amoy ng usok at kape para hindi ko maisip kung ano ba ang magiging amoy ng bahay ng lalaking 'yon dahil sa dami ng kalat. Mabuti na lang talaga at hindi pa 'ko nagkaka-rashes.

Bigla akong napadilat.

"Jericho." That was the name.

He touched me. He changed my top so most probably he did.

Nagbigay siya ng indecent proposal, but he didn't look like the type na manghihipo or what. Ni hindi nga niya ako sinilip kahit nagbibihis ako kanina.

Rugged look siya. . . at mukhang pera. Mga tipo ng lalaking may masasamang intensiyon, at ipinagpipilitan ang "serbisyo" niyang wala sa lugar. Ang hirap tuloy magtiwala sa panahon ngayon. Lahat na lang ng tao, hindi mapagkakatiwalaan.

Bzzt. Bzzt.

Dinukot ko agad sa handbag ang phone kong tumutunog.

Wala namang nawala, kahit ang wallet ko, may pera pang laman. Nandito pa ang mga card ko at hindi rin naalis sa puwesto.

Sinagot ko na lang agad ang tawag. "Yes, Tita Daisy?"

"Pupunta ka naman mamaya, hija, right?"

Tumingin muna ako sa labas ng bintana ng taxi at pinanood na lampasan nang mabilis ang bawat building na dinaraanan namin. "Yes, Tita."

"Is Tyrone coming?"

My eyes rolled heavenwards and said cursed at the back of my mind.

"Tita . . ."

"I'll reserve a seat for him."

I tried to speak para sana sabihin na walang punyetang Tyrone na dadating mamaya pero ayoko na ng mahaba-habang usapan. Ang sakit na ng ulo, ayoko nang pasakitin pa.

Napahimas na lang ako ng sentidong kumikirot pa at nagbuntonghininga. "Sige po, Tita."

"Ingat sa biyahe, hija. Excited na ang lola mong makita kayong lahat na mga apo niya."

"Sige po, Tita. I'll end this call, mag-aasikaso na po ako."

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Tita Daisy. I hate my shitty life.

"Manong, sa building na lang ng Lion Fashion."

"Okay po, ma'am."

I glanced at the car window, thinking about the reunion a.k.a. life-degrading meetup ko with my family. Alam ko namang nagkakaroon lang ng reunion sa pamilya namin para lang makita nilang lahat kung sino ang mga sira na ang buhay sa mga hindi. Malas ko lang kasi wala na 'kong magulang na makikipagtalo para sa 'kin.

Sinubukan kong tawagan si Tyrone pero unavailable. Ayaw ko sanang puntahan sa opisina but I've got no choice. I need to bear the unbearable.



♦♦♦



I don't trust men.

I might be the only child of my mother, but when it comes to my father side, ako ang pinakabata sa lahat ng anak niya—kung ilan man kami. I didn't have any idea kung ilan kaming lahat. Malay ko ba kung inanakan ng tatay ko lahat ng babae sa Pilipinas.

My father—the great Proserpino de Chavez III, one of the best lawyers in our clan, the favorite son of Doña Antonina Echague, and the man my stupid mother chose to love until her last minute.

Ang tanga ng nanay ko para pumili ng lalaking gaya ng tatay ko. At siguro nga, tanga na rin ako kasi pumili ako ng lalaking gaya rin ng tatay ko.

I was standing fifteen feet away from Tyrone Chen's office. Mula sa kabilang building, nakikita ko silang dalawa ng secretary niyang si Shiela sa loob ng opisina.

If I was that dramatic girlfriend, for sure, umiiyak na 'ko ngayon while begging for him not to cheat on me. Pero gago ba siya? Patayin niya muna ako bago ako magmakaawa sa kanya.

Hindi ba nila alam na kahit naroon sila sa loob ng opisina, nakikita sila mula rito sa may glass wall ng kabilang building. Ang bobo talaga ng Tyrone na 'to. Isa pa 'tong haliparot na Shiela na 'to. Kung hindi ko lang magagamit ang kaharutan nilang dalawa for future and a potential dramatic breakup scene in public, malamang na matagal ko nang pinatapon sa kalsada ang lahat ng gamit ng sekretarya niya.

Ty's office was a few steps away from where I watched them. Nakasara nga ang pinto, bukas naman ang bintana. Sinasadya ba nilang ipakita kung paano sila maglampungan sa loob? Oh gosh, bakit ba pinalilibutan ako ng mga tanga sa mundo.

I took my phone and stole a shot of them kissing each other on Ty's table.

Sabi ni Tita Daisy, I'm luck to have someon like Tyrone. Executive manager ng branch ng Lions Fashion Ltd., magandang lalaki, mayaman. He's a Chinese. Pure Chinese businesspeople ang parents niya pero dito siya ipinanganak at lumaki sa Manila. Every year, bumibisita siya sa family niya sa China.

Para sa family ko, si Tyrone ang nakikita nilang mag-aahon sa akin mula sa kahihiyan bilang bastarda. Huh! As if namang ako ang kahiya-hiya sa kanila samantalagang sinimulan 'tong lahat ng ama kong magaling. Kung may nakakahiya nga rito, sila 'yon at hindi ako. Ginusto ko bang ipanganak bilang de Chavez?

But Tyrone's name was like a garnish for my de Chavez name. Gusto siya ng family ko, ayoko nga lang sa kanya. Dati, nakuha niya ang atensiyon ko dahil matalino siya, pero habang tumatagal, lalo ko lang nakikita kung gaano siya kabobong tao.

Ang malas ko nga, ako ang nag-iisang babae sa mga anak ni Daddy na kilala ng buong pamilya. Dose kami at ako lang ang nangangailangan ng lalaki para lang magkaroon ng halaga.

Nilakad ko na ang papunta sa office ni Ty. Alam ng mga empleyado sa floor na 'to kung sino ako, pero wala ni isang makapal ang mukha at malakas ang loob na sumubok sabihin sa 'kin ang tungkol sa nangyayari sa opisina ng boss nila at sa sekretarya nitong makati.

The floor was cold because of the air-conditioning system, pero tumatagos pa rin sa red Tahari suit ko. The only thing that kept me sane here was the smell of the humidifier.

At kung isa ako sa mga obsessive girlfriend na kilala ko, malamang na may tangay-tangay na 'kong palakol mula sa emergency exit, at kanina pa 'ko nagwawala sa loob ng floor na 'to habang tinataga sa leeg ang babaeng kinakalantari ang lalaking para daw dapat sa akin. And while I was doing that, paluluhurin ko si Tyrone habang pinapipirma ko sa transfer of rights ng assets na mamamana niya sa buwisit na pamilya ng mga Chen. Para lang matapos na ang pagpapanggap naming dalawa kasi pagod na pagod na 'kong pagtiisan ang mukha ng anak nilang babaero.

Masyado na ngsng halata na pareho naming gustong maghiwalay na. Ewan ko ba sa lalaking 'to at sa mga nakapaligid sa 'min kung bakit parang hindi marurunong makiramdam.

Bago ko pa makatapat sa tapat ng office ni Ty, naharang na agad ako ni Jigo, isa sa mga manager ng Lions.

"Cin!" I saw the shock written on his face. Nagulat yatang makita ako rito nang ganitong oras.

"Alam kong nasa loob siya."

"Shiela's inside," paalala niya. "I think you should—"

"I think I should go inside kaya lumayas ka sa daan ko." Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok sa opisina ni Tyrone. Naabutan pa siyang nakikipagngitian kay Shiela. Wala rin naman akong pakialam kung ano ba ang nakakatawa sa mga sandaling 'to kaya dumeretso na 'ko ng salita.

"Bitch, get out before I rip your head off your fucking body," I said.

Tinaasan ko agad ng kilay ang panlalaki ng mata niya. Huwag niya 'kong matingnan-tingnan nang ganyan, baka gusto niyang tusukin ko ng pinking shears 'yang mata niyang malaki!

"Sorry, Miss Cin!"

Tyrone's office was huge enough to cater to fifty people inside. Twenty floors above the ground and had the perfect of the whole Metro. This was the best place to caught him cheating as well! Or might be, the place to throw him out of the window because of his stupidity.

"Cinnamon." Kumpara sa matamis na ngiti niya kay Shiela, halatang walang saya sa ngiti sa 'kin. And if ever mang ngitian niya 'ko nang may saya, gagawin ko rin naman ang lahat para lang mabura 'yon sa labi niya sa kahit ano pang paraang magagawa ko. Hindi siya puwedeng maging masaya sa harapan ko kaya mabuti na lang at hindi na niya 'ko kailangang aabalahin pa kasi ibinigay na niya ang gusto ko.

"May family gathering mamaya sa bahay ni Lola. They're expecting us," sabi ko agad.

Lalong tumipid ang ngiti ni Tyrone at saka tumango. "Sabi nga ni Tita Daisy."

"Tell her busy ka," utos ko agad.

Ang lalim ng paghugot at pagbuga niya ng hangin. Tumitig pa siya sa kisame, as if namang doon niya makikita ang sagot sa sinabi ko. "Cin, alam nating pareho kung ano ang tamang gawin dito."

"I told you to break up with me. 'Yan ang dapat mong ginawa noon pa!"

"Pero nga hindi kasi 'yon gano'n kadali," mabigat niyang sagot. "They will ask me why!"

"Sabihin mo, may mahal ka nang iba! 'Wag kang hangal! Gamitin mo ang utak mo kung meron ka man!"

"Cinnamon, you know they won't buy that! At kung maniwala man sila, alam ko ang kayang gawin ng pamilya mo!"

I smirked and crossed my arms. Pati kilay ko, tumaas na naman.

So, here we are again.

Kapag ako nagsasabing break na kami ni Tyrone, hindi naniniwala ang family ko. Kinokontra din kasi ni Ty at sinasabing wala kaming problema. But my family never believe in the concept of mutual romantic feelings. They only believe in money, assets, properties, opportunities of expansion, and fucking love is only a myth only stupid people will believe in.

Wala silang pakialam kung mahal ko ba o hindi si Tyrone. Ang gusto lang nilang malaman ay kung magpapakasal na ba kami.

"Pupunta ako mamaya," paalala niya sa 'kin. "Six in the evening pa naman. Susunduin kita sa condo mo."

"Coward." I hissed and glared at him. "Kung ako sa 'yo, magsasara ako ng bintana kapag nandito ang sekretarya mo. Kapag isa sa pamilya ko ang nakakita sa inyo, ewan ko lang kung mabuhay pa 'yang sekretarya mo."

"What the—" Mukhang nagulat pa siya sa kabobohan niya.

"Life is not the bitch here, Ty. It was life who always fuck us up. So be careful who you mess with because between us two, you're more likely the bitch here. I'm just waiting for the right time for life to fuck you up big time."

Gusto kong matawa sa pamumutla ng mukha niya.

Tumalikod na 'ko para pumunta sa may pintuan.

"Minsan lang magkaroon ng family gathering sa bahay ni Lola. I think I'll enjoy the company once I drop a nice bomb later. Ciao!"


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top