15. Hopelessly Devoted
It was another night with Jericho. Nagiging part na yata ng gabi namin na magre-request ako ng artwork sa kanya. I asked him to design a wall plan for my office sa Lion, and I will ask Tyrone a permission to redecorate my place. For sure, papayag siya kung sasabihin ko namang babalik na 'ko sa work. Nag-agree naman si Jericho to work with that project. Enough naman ang salary for an interior designer na magtatrabaho for a week or month sa isang project. Sigurado naman akong mas malaki pa ang kita sa designing kaysa sa pagiging crew sa Sip and Drip.
Jericho was doing a sketch of what my office would look like for a sudden project proposal lang. And there he was again, making a sketch of his floor plan. And here I was as well, watching him draw for me.
"May mga kakilala akong contractors saka shops na nagsu-supply ng furniture and fixtures. Titingnan ko muna ang area bago ako makapagbigay ng quotation."
I glanced at him habang tinutuloy niya sa isang side ang ginagawa niyang 3D perspective. He was really good at it. I could do dresses and suits, pero ibang level ang art style niya. Pang-arki na. Now, I was starting to get jealous of his talent. Take note the fact na crew lang ang work niya and former bartender.
"Yung mga contractor na sinasabi mo, ano 'yon? Uhm . . ." Napapaling-paling ang ulo ko sa magkabilang gilid. Hindi ko alam kung paano ko ia-address kung kilala ba ang mga 'yon o parang small business lang na gumagawa ng mga upuan or something.
Not sure about it kasi wala naman sa itsura ni Jericho ang makikilala ng mga gaya nina Mark Wilson or Marigold Tan. Mark and Marigold designed most of Lion's displays and furnitures. And when it comes to architectures, mahirap makipag-coordinate nang direct kapag wala kang connections. And when I say connections, I mean money and fame.
If your name rings a bell for them, good for you. If not, then name someone who rings a bell for them and they will verify, saka lang sila nag-a-approve ng private projects.
Although, okay lang naman kung locally made ang furnitures. I still wanted to support small businesses. Pero kailangan ko pa ring i-check ang quality ng gawa.
"Anong meron sa mga contractor?" tanong pa niya.
"Uhm . . . saan ba sila located?" Iyon na lang ang itinanong ko para hindi ako maka-offend. Baka kasi friend niya, I don't want to create bad impressions.
"Siguro tatawagan ko na lang si Mike. Sana hindi siya busy."
"Mike . . . who?"
Nginitian niya ako saka siya nagpatuloy sa sketch niya. "Michael Aguas."
"What?"
Biglang umawang ang bibig ko. Saglit akong natigilan. "Wait. Michael Aguas, like the Michael Aguas of MCA Industrial Corporation?"
He clicked his tongue and winked at me.
No.
No fucking way!
Halos karamihan ng client ng company na 'yon, puro mga taga-abroad! Kilala niya 'yon?
Napalapit tuloy ako sa center table at na-curious sa topic. "How did you know Michael Aguas? Nakakalapit ka sa kanya?"
"Nagkakilala kami dati sa former job ko. Hotel naman 'yon, n'ong nasa housekeeping pa 'ko. Meron siyang isang proposed design sa glass lamp na pina-alter ko kasi hindi siya suited sa materials na gagamitin nila. Hindi ko alam na kanya yung design, nakalapag lang sa mesa habang nagliligpit ako ng gamit. Sinunod niya yung feedback ko. Naka-display ngayon yung glass lamp sa lobby ng The Grand Hyatt."
"What the hell? Credited ka sa alteration?'
"Binigay naman nila ang credit. Nasa design ang pangalan ko. Pero sabi ko naman dati, proposal design pa lang 'yon, kahit hindi na ilagay, kaso inilagay pa rin."
Natahimik ako. Ilang segundo rin ang inabot bago ko na-realize na nakanganga ako habang nakikinig sa kanya.
I was torn between amuzed and puzzled. With that level, and with that kind of talent he has, nagtataka na 'ko kung bakit siya nakatira sa maruming apartment! Bakit hindi niya ayusin ang apartment niya!
"If credited ka, hindi ka man lang ba binigyan ng opportunity to work under sa mas magandang company rather than working as a part-timer sa kung saan-saang bars and café?"
"Ang totoo . . ." Pinasada niya ang dila sa ibabang labi at parang hirap pa siyang sumagot sa tanong ko. "Inalok niya 'kong magtrabaho under niya kaso tinanggihan ko."
"HA?" I heard my shout echoed across the room. "Michael Aguas, man, are you fucking serious, tinanggihan mo? Okay ka lang?"
Bigla akong na-stress nang wala sa oras. If I were given a chance to work with that man—in any way I could possibly be with him—bitch, kahit under ako ng fashion designing, magsa-sideline ako sa interior para lang sa experience. Michael Aguas is a different level kasi hindi lang sila designing, manufacturer din sila. Tapos sasabihin ng Jericho na 'to na tinanggihan niya?
Oh my God. No. No, nanghihina ako sa naririnig ko.
"You wasted the chance. Sorry pero ayokong napapalampas ang mga experience na ganyan," dismayado kong sinabi sa kanya.
I even saw myself from a distance na sobrang dismayed. Yung mukha ko, parang nalugi nang malaki. Kung ako 'yon, hiatus muna lahat ng schedule ko tapos ita-top ko agad sa priorities.
Nakatitig lang ako sa kanya at ang bigat ng buntonghininga niya bago kumuha ng bagong pencil na iba ang shade.
"Hindi ka nanghihinayang sa chance?" tanong ko pa.
"Nag-intern ako sa MCA nang isang linggo pero nag-stop din ako kasi kinakain ang oras ko. Hindi naman sa pinalampas ang chance, pero that year, kailangan kong mag-focus sa family. Tatay ko, nagkaroon ng brain tumor. Doon naubos ang ipon namin. Nagsara din yung maliit na poultry business namin sa Laguna. Ang tagal din ng gamutan kasi na-coma rin yung tatay ko bago inalisan ng life support. Sa dami ng utang namin, nagbigti na lang yung nanay ko sa kuwarto nila. Pero ayos lang. Hindi naman ako nagsisisi na tumanggi ako."
Now, I was left speechless.
Maybe, I didn't have any plan to ask about his family kasi ayoko ring tinatanong about sa family ko, pero . . . that was tragic. Nakonsiyensiya tuloy ako na dismayado ako sa opportunity na hindi niya na-grab without knowing his reason.
Si Daddy, noong namatay siya, hindi ako umiyak. No tears had shed from me kasi pumayag na kaming magpahinga na siya. May bara na ang puso niya, alangan namang pahirapan pa namin siya. Si Mama, sumuko na lang sa buhay niya. Hindi naman nagpakamatay pero cardiac arrest din ang dahilan. Kay Mama, naluha pa 'ko. Pero life goes on. You can mourn while moving forward.
"That's sad, I'm sorry," I sincerely apologized.
"Okay lang naman. Matagal na rin naman 'yon."
"Wala kang mga kapatid?"
"Bunso ako. Yung iba kong mga kapatid, nasa ibang bansa na. Bihira lang kaming mag-usap-usap kasi may pamilya na rin sila. Saka ayokong makita nila yung nangyayari sa 'kin dito."
"Kahit kailangan mo ng tulong?"
Natawa na naman siya nang mahina at bahagyang lumapit sa 'kin. "Compare sa 'ting dalawa, mas kailangan mo ng tulong kaysa sa 'kin. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangang uminom tuwing gabi para lang makalimot."
Out of reflex, tinampal ko agad siya sa noo. "Insulto pa!"
"Hahahaha!" Ang lakas ng tawa niya saka tinuktok ang kabilang dulo ng hawak niyang lapis sa mesa.
"Nakakayamot 'yang ugali mo." Inirapan ko na lang siya at lumayo saka niyakap ang throw pillow na nakatambay lang sa tabi ko sa may carpet.
"Bukas, dadaan ka sa office?" tanong ko agad.
"Sa day off ko na. Baka sa susunod na araw."
Sa susunod na araw. May meeting kami n'on. Pero wala pa namang schedule na binibigay sa memo kaya baka puwede siyang sumaglit. Titingnan lang niya ang office ko para masukat ang gagawin niyang redecoration.
"Sabi mo before, naging model ka na sa Lion under kay Auburn. Nakatapak ka na sa building?"
Sumulyap lang siya sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.
"Hindi ka puwedeng tumapak sa building kapag hindi ka naman employee. Siyempre, doon ka lang sa event o kaya sa lugar ng designer tatapak."
Kumunot agad ang noo ko. "Nakapunta ka na sa bahay ni Auburn?"
Biglang lumawak ang ngiti niya na lalong nagpasimangot sa 'kin. Don't tell me, kahit si Auburn, inalok din niya ng special service kuno niya.
"Si Auburn, kumusta naman ang trabaho mo sa kanya?"
He cringed like I said something disgusting and forced a smile afterward. "Sabi ko nga, ayokong tumapak sa Lion kasi maraming leon doon na pagpipiyestahan ka. Si Auburn, makasama mo lang sa iisang tent, makikita mo na lang ang sarili mong nakahubad."
Oh, so something happened.
"Nang-ghost ako noon kasi first time ko sa modelling tapos ang sabi, magpapalit lang ng outfit. Pumayag naman akong bihisan kasi alam ko, sila ang bahala sa mga damit na complicated talagang isuot." Napaisang palakpak siya na ikinagulat ko naman. "Sa tent! Muntik na 'kong makasapak doon. May girlfriend ako that time. Nag-model ako pambili ng regalo sana sa monthsary namin. Malaki ang talent fee na offer kaya pinatos ko. Kaso ibang talent pala ang kailangang i-provide."
"Nakipag-sex ka kay Auburn?"
Bigla siyang ngumiwi saka mabilis na umiling. "May mga camera sa paligid. Kung makuha sa social media 'yon, e di nakita ng ex ko. 'Yon lang ang iniisip ko that night. Nakalakad naman ako sa stage pero hindi talaga ako komportable."
"Hindi ka komportable sa nangyari? O hindi ka komportable sa stage?"
Just in case may stage fright pala siya, kailangan ko na nga talagang maghanap ng ibang model.
"Sa stage, walang problema. Sa beach kasi, may mga pagkakataon talagang pag-iinitan ka ng mga customer, magre-request ng kung ano-ano. Pasasayawin ka ng sexy dance, mga gan'on. Sa bar, hindi rin problema ang exposure, kahit na may mga stripper pa. Ayoko lang ng nagkaka-issue in public sa may pangalan. Sikat si Auburn e. Tapos may girlfriend ako. E di riot 'yon kapag lumabas sa media."
For the nth time, I was speechless again.
If I were to compare Auburn's name and mine, pareho lang kaming sikat sa industry. Though, hindi ako ang tipo ng sikat na exclusive ang mga kasama kasi ayoko talaga ng kaplastikan sa paligid. I always ended up staying alone in my office or in my house kaysa makipag-socialize kung hindi business related. Kung mga boss siguro and suppliers, kahit whole day pa 'ko sa kanila, not a problem. Pero media?
Media ang dahilan kaya na-suspend ako kaya as much as possible, ayokong ma-involve doon.
But . . .
"Itong sa 'tin, okay lang ba sa 'yo 'tong ganitong setup? I mean I have a reputation in the industry."
I waited for his answer and saw his forehead wrinkled a bit.
"Ano bang setup natin?"
Now, I could feel the hot seat again. Ano nga ba itong setup namin?
"Something happened between us . . ." I said in a low voice.
"At?"
Natahimik ako. How am I supposed to answer that?
I shrugged. "I don't know."
He stopped doing his sketch for a while and looked at me straight in the eyes. I could feel the intensity in his stares kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa puwede niyang sabihin.
"Siguro, magandang friends muna tayo ngayon," sabi niya. "Pero warning ko na agad sa 'yo, puwede nating gawin 'to every night, wala namang problema sa 'kin. Gusto ko lang klaruhin na concern ako sa 'yo . . . pero please, huwag na huwag kang aasa sa 'kin."
Sa isang iglap, parang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Successful ka, Cin, pumili ka rin ng successful gaya mo. Kaya ko lang ibigay ang time ko sa 'yo, pero hanggang doon lang. Alam kong matatag kang babae kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na, huwag mong hahayaang mahulog ka sa 'kin kasi hindi ko alam kung kaya kitang saluhin. Sorry."
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top