14. The Real Boss
Noong junior designer pa 'ko, sagad kung sagad ang pagiging alipin ko ng mga senior and supervisor. Kapag tanga ka, tanga ka talaga. And what's worst? Ipamumukha pa talaga nila sa 'yo kung gaano ka katanga. I remembered one time, in the middle of the Goddamn night, I needed to search for a fabric mula Divisoria hanggang San Juan. I needed to make some private calls kahit sarado na ang opisina para lang sa mga tela. And imagine my anger after I went to work, malalaman kong may ganoong fabric pala sa stock at gusto lang akong pahirapan ng mga senior.
It was a bad memory. Hindi ko pinagawa sa mga under ko 'yon kasi alam ko ang hirap, pero yung ibang supervisor and senior fashion designer, mabubuwisit ka na lang kasi pinahihirapan ang mga junior nila.
Kadalasan, sila ang biktima ng mga criticism ko, lalo na kapag naglalatag na ng research materials and presentation na sa creative directors. Mayabang lang sila pero tamad ding gawin ang duties. And isa pang kalaban ng ibang junior designers ay mga supplier na kailangan ng referral ng supervisor at senior fashion designers. Hindi lahat ng suppliers, nagbibigay ng accessories or special fabric kapag walang referral.
If I'm not mistaken, kaka-promote lang ni Aurora as senior designer, pero bakit hindi siya sinu-supply-an ng rhinestones?
"Nakuha na ng store ang dress. Anong oras na? Alas-tres na. Late na late ka na sa release."
Napasandal ako sa upuan ko habang nakatingin kay Rory na halatang masama ang loob dahil na-release ang dress na dapat siya ang maglalabas pero hindi siya ang gumawa.
Ang lakas pa ng dating niya sa cover ng April issue ng Lion. Pero ngayon? Sobrang haggard niyang tingnan. Slick sana ang buhok niyang naka-ponytail pero kitang-kita ang mga baby hairs na nagtatayuan doon. Ni hindi pa siya nakakapag-retouch kaya tunaw na tunay na ang foundation niya at nude lipstick na lang niya ang naiwan. Buti nga, hindi pa marumi ang ladies' suit niya, sunny yellow pa naman.
As much as I wanted not to scold her kasi alam ko namang kung saang lupalop pa siya pumunta, I couldn't avoid it.
"One day na delay, alam mo ba kung gaano kalaki ang effect n'on sa production and sales?"
"I made a call with CG's Treasure pero hindi sila nag-release ng stones," she reasoned out.
"Promoted ka na as senior, di ba? Ano? Nagpapaka-trainee ka pa rin?"
"Hindi ko kasalanan kung hindi sila nag-release ng stones!"
"Deadline yesterday and the project was given a month ago! Don't you fucking tell me na hindi mo kasalanan kung hindi sila nag-release ng stones today! You have a fucking month to do that! Ano'ng ginawa mo? Tumunganga ka na lang?"
She moved her mouth to speak yet no words came out from her. She looked like she was about to cry. And don't she dare to cry in front of me, kapapasok ko pa lang ulit sa trabaho pero tatlong oras lang ang kinailangan ko para makapag-release ng dress na isang buwan niyang hawak!
"Hindi nga nag-release ng stones yung suppliers . . ." she insisted and tears started to flow on her cheeks na mabilis din niyang pinawi habang iwas ang tingin sa 'kin.
Natahimik na lang ako habang hinahayaan siyang umiyak diyan. Senior na siya, may karapatan na siyang mag-demand sa mga supplier. And yet, here she was, crying in front of me dahil lang sa punyetang rhinestones na ilang minuto lang, nakarating naman na agad dito sa building.
"Kausapin mo ang general manager, sabihin mo sa kanya na sa susunod na manghingi ka ng accessories, bigyan ka ng authorization sa mga supplier. Ang tagal mo na rito, parang wala kang natutuhan, a. Go out."
I hate it when our employees cry in front of me. Nabubuwisit ako na dinadramahan ako. Kung iiyak sila, dumoon sila sa hindi ko makikita at maririnig kasi walang lugar ang pag-iyak dito sa lugar ko. Kung mali ka, mali ka, tanggapin mo 'yon. Tatagan mo ang sikmura mo kasi sa labas ng opisina ko, di-hamak na mas marami pang nanlalamon ng tanga.
Lumabas agad ako at dumaan sa ibang department.
Itong si Aurora, hindi ba 'to na-inform na managerial position na ang pagiging senior designer? Ultimo CAD at hand-sketch, hindi magawa nang maayos. Sino ba ang nag-promote sa babaeng 'yon at ganito ang ginagawa.
Akala naman nila, napakadaling mag-modify ng pangit na design.
Pagdaan ko sa production team sa third floor, ang dami nilang busy sa kanya-kanyang cubicle. Dinaanan ko agad ang team head nila para tanungin sa kaso ni Rory.
Sa dulo, may maliit na office na sinlaki ng opisina ko at naabutan ko roon si Pamela na busy sa pagbabasa sa folder na hawak.
"Pam."
Pag-angat niya ng tingin sa 'kin, nanlaki agad ang mga mata niya. So, it was really surprising to see me right now para pandilatan niya 'ko ng mata?
"Cinnamon! Nakabalik ka na agad?"
"Hindi ba bumaba rito si Trisha?"
She stood up and fixed her messy table. "Hindi pa. Naghahabol sila ng releasing today."
"Hindi mo ba in-assist si Rory sa pagbili ng rhinestones sa CG's?"
Napakamot na lang siya ng sentido at hindi nakasagot habang nakatingin sa ibaba.
"No, you didn't assist her," I answered my own question. "Ano ba? Binu-bully n'yo na naman ba?"
"Cinn, just to inform you, even Tyrone didn't like her. After she visited the main branch, promoted na agad siya."
Oh. So here's the tea. Okay.
"That's why you left her. Production team kayo, wala bang cooperation?" I crossed my arms and gave her a questioning look.
"Cinn, we're waiting for you."
"Kaya pinabayaan n'yo ang releasing. Ako lang ba ang designer ng Lion?"
She sighed and showed me how bored she was regarding this argument.
"Delayed ang releasing. Naghabol si Trisha ng deadline. Nag-check na ba kayo ng competitions? Si Rory ba nakaka-attend ng product development meetings? Pinaa-attend n'yo ba? Ilang designs ang nire-reject within a month and until now? Sino ang evaluator niya ng prototype designs? Aware ba siya sa target audience this month?"
"Cinn, si Aurora mismo ang uma-absent dahil nga raw hindi siya makapag-focus sa designs!"
"And where the fuck are those designs now? She went to Taguig para lang sa rhinestones! I finished the fucking dress for the fucking deadline yesterday! Wala sa schedule kong dumaan sa design area today and there I was handling team I wasn't supposed to manage! Ano ba? Bakit nagpapabaya kayo?"
"Talk to the other managers, Cinnamon. Kasi kahit ako, wala rin akong magagawa for production dahil hindi cooperative ang bagong senior."
Hanggang 5 p.m. lang ang duty ko. Ngayon pa talaga ako mangangalampag sa mga manager dahil lang sa napabayaang responsibilidad ng bago nilang senior fashion designer?
"Pakisabi sa research team, may meeting the day after tomorrow. Magpapagawa ako ng memo kay Forest."
"Much better, Cinn. Ikaw lang ang inaasahan ng design team until now."
From third floor, umakyat pa talaga ako ng 20th floor para lang makita na naman si Tyrone kahit sawang-sawa na 'ko sa mukha niya.
Hanggang 5 lang din naman ang duty niya, at hindi na niya 'ko mabebentahan ng overtime niya dahil alam ko namang iba ang inaasikaso niya sa mga OT niya.
Pagtapak ko sa floor ng general manager, ilan na lang ang empleyadong naroon. Yung mga may shift ng 7, malamang na nagsiuwian na.
Dumeretso agad ako sa office niya at naabutan ko siyang nakatutok sa laptop niya.
"How many times do I have to tell all of you not to disturb me?" He raised his head and his forehead creased after he saw me on his door again. "Hindi ka pa ba uuwi? Don't tell me magpapahatid ka pa. Ang lapit lang ng bahay mo rito."
"Mamamatay muna ako bago ako magpahatid sa 'yo, Tyrone Chen."
He sighed and went back to his laptop again. "What is it?"
"Si Rory, nakakapag-present ba sa creative directors?"
"She did. Why?"
"Ilang designs niya ang ni-reject?"
"I'm not sure. Five? Six? Trisha called earlier, pina-deliver na raw sa store yung prototype dress na ikaw ang nag-modified. May nagtanong na agad ng availability ng design, inutusan ko na si Shiela na mag-set ng meeting for production sa nationwide releasing."
"Credited ba si Aurora sa design?"
"Of course not. Bakit ibibigay sa kanya ang credit, hindi naman siya ang tumapos?"
"Ikaw ba ang nag-promote kay Rory as senior fashion designer?"
"Cin, if I had a choice, she will stay as junior. Hindi pa siya qualified sa position."
"At pinayagan mong ma-promote?"
Huminto siya sa ginagawa sa laptop para lang ituon sa 'kin ang tingin. "Main branch ang nag-insist. Kung dinaan niya sa palakasan, wala akong magagawa. Now, if the directors rejected her designs, probably because she's not competent enough. Ni wala nga siyang consistent relationship sa mga supplier natin."
"Hindi mo rin binigyan ng access sa mga supplier?"
"It's her responsibility to maintain a relationship with them. She can use Lion's referral, pero hindi na kasalanan ng Lion kung hindi siya kilala ng mga supplier. Lahat ng resources, binibigay naman sa kanya. Hindi natin hawak ang third parties. Hindi ako ang nagdedesisyon kung bebentahan siya ng accessories o hindi."
"Pinabayaan mo pa rin. Ikaw, puwede kang magpadala ng request sa CG's, hindi ka ba nilapitan?"
"Cin . . ." Ito na naman siya sa frustration niya sa usapan namin. Talagang mapu-frustrate siya dahil pinababayaan nila ang production. "Executive management ang hawak ko, hindi operations and productions. May COO, doon dapat pumunta si Aurora kung kailangan niya ng materials."
"Ty, three months lang akong nawala, ganito na kayo kagulo?"
Bigla niyang ibinagsak ang likod sa boss chair niya saka ako tiningnan na parang may sinabi akong nakakainis. "I suspended you because of misconduct and you cause a scandal during our event. Hindi ko sinabing mag-resign ka."
"You're getting out of the topic, you son of a bitch. Hindi na sakop ng resignation ko ang pagkakalat ng bagong senior designer n'yo! Binu-bully ng mga department si Rory and you're letting that!"
"If she's competent enough to handle the Lion's projects, e di wala sana siyang problema. She deserves everything."
Kusa nang tumaas ang kilay nang may ma-realize ako. Ang lakas na ng kutob kong sinasadya nitong ipahiya si Rory. Or could be, sinasadya niyang pabayaan para makabalik ako kasi alam niyang hindi ko maiiwan ang Lion na nagkakagulo.
"Wala ka talagang kuwenta, Tyrone. Pati sa trabaho, napakagago mo."
Tumalikod na agad ako para umalis.
"Magpapadala ako ng memo. See you sa meeting the day after tomorrow. I'll be expecting your presence, Cin."
♦♦♦
Corporate duties are not my thing, really. Sanay ako na nasa field noon. Pupunta kami ng mga festival, a-attend ng fashion shows, makikipag-usap sa iba't ibang vendor and suppliers.
I have a bachelor's degree in fashion design. I have a double degree in business administration. I have a master's in fashion management. I spent my 20s focusing on my career, and I guess I had all the rights to scold anyone kahit general manager pa 'yan kung hindi naman talaga nila inaayos ang trabaho. I didn't spend my fourteen years in this field just to get humiliated and disrespected by anyone. At sana maaga pa lang, malinaw na kay Aurora na hindi siya maiaahon ng pagiging sipsip niya sa mga boss sa main branch. Wala siya sa main branch, nasa ibang lugar siya kaya ayusin niya ang trabaho niya.
5 ako nag-out at dumeretso agad ako sa Sip and Drip. Pumunta ako roon to get some smoothie kasi ang init ng ulo ko sa kagagawan ng mga taga-Lion. I almost forgot I dressed nice today just in case makita nga ako ni Jericho.
And at last, after a long day, nagkita na rin kami. He was carrying an empty tray and he was rolling that on his palm.
"Welcome to Sip and Drip!" he greeted before he turned to look at the café's customer—me. "Oh!" Saglit siyang napahinto para lang tingnan ako mula ulo hanggang paa. "Wow. Ang ganda mo naman. May date ka?"
"Galing akong office. May work ako today."
"Ganyan ang ayos mo sa work? Parang ang ganda pala mag-work sa inyo kung ganyan ang makikita ko roon."
Bolero.
"Uy! What's your order pala, ma'am?" Siya na ang dumeretso siya sa counter para kausapin ang cashier doon.
"Mocha iced latte and espresso cookie."
He repeated my order doon sa cashier saka niya ako hinarap. "Dito tayo, ma'am."
I knew he's so energetic pero ang consistent ng energy niya. Wala halos tao sa café nang ganitong time kasi rush hour. Karamihan ng mga employee naghahabol ng biyahe pauwi. Pagdala niya sa 'kin sa isang blangkong table malapit sa may terrace at ilalim ng isang ceiling lamp, nakiupo na rin siya roon saka ako nginitian nang ubod nang tamis.
"Sure kang galing ka sa work?"
"Oo nga."
"Hindi ka naka-uniform? Di ba, may uniform kang kulay red? Yung may name tag?"
"Oh." Natatandaan pa pala niya 'yon. "That was uniform sa boutique ko."
"Boutique mo pero naka-uniform ka? Nagyu-uniform pa rin ba kapag boss?"
I chuckled a bit and nodded. "I wore a uniform for formality kapag humaharap sa clients. Most of the time kasi, nagha-handle din ako sa counter as a designer and not as a boss."
"Ah, mautak ka, ha." Tinuro pa niya 'ko saka kinatok ang glass table nang dalawang beses. "Kukunin ko lang order mo, ma'am."
After a tiring day, biglang gumaan ang feeling ko pagtapak ko sa Sip and Drip. Siguro kasi nakita ko siya today. I dressed up to look good . . . for him, and he appreciated my looks naman so I guess, it was worth the discomfort. Ayoko kasi talagang nagde-dress kapag nasa work.
After few minutes, dala na niya ang order ko.
"Here's your order, ma'am." He was happy serving my iced latte and cookies. "Enjoy your meryenda, ma'am!"
"Ang saya mo yata ngayon."
Tumingin siya sa counter at pasimpleng umupo sa katapat kong upuan. Mukhang bawal yata siyang makipag-usap sa customers. Sinilip niya ang relos niya bago ako tiningnan.
"35 minutes pa bago ako mag-out. Uuwi ka na ba after nito?"
Tumango agad ako saka isinubo ang straw ng order ko.
"Uuwi na rin ako pagkatapos ng shift."
"Gusto mong mag-stay sa bahay," tanong ko habang kagat-kagat ang straw.
Tinawanan lang niya 'ko nang mahina. "Magtatampo yung bahay ko sa 'kin. Di na nga ako umuwi kagabi nang maaga."
Nagusot lang paibaba ang magkabilang dulo ng labi ko at saka tumango.
Okay lang. Nag-offer lang naman ako. Saka mas maganda naman sa condo ko kaysa sa bahay niya.
"Bakit ka nag-dress ngayon? Sabi ng boyfriend mo?"
Automatic ang pagsimangot ko sa sinabi niya. "As if I will wear like this para sa kanya. Baka mag-jacket at jogging pants na lang ako kung siya lang din naman ang makakakita."
"Ang bitter mo naman, ma'am, hahaha! Pero wala kang date."
"Wala nga. Mukha ba talaga akong makikipag-date?"
"Ang ganda mo kasi ngayon. Hindi ka naman nagsusuot ng ganyan a. Pupunta ka ng bar?"
Ang usisa yata niya ngayon.
Ay, palagi pala siyang mausisa. Bakit ba 'ko nagtataka?
"Pag-iisipan ko yung sa bar. Wala akong kasama sa bahay e."
"'Wag kang pumunta sa bar."
I laughed at that. I met him in a bar tapos pagbabawalan niya 'ko?
"Legit kasi, mababastos ka lang d'on kapag ganyan ang suot mo. Baka kahit nakaupo ka lang, may nahimas na diyan sa hita mo."
"Ang overprotective mo naman."
"Ako'y nagsasabi lang ng totoo. Kilala ko mga tao sa bar, ako pa ba?"
Umiling agad ako habang nakangiti. Ibang level din ang concern nito. "Hindi na lang ako pupunta sa bar. Pero daan ka sa bahay."
Biglang naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin. "Gagastos ka para sa oras ko?" tanong pa niya.
"Why not? Afford ko naman ang time mo."
He just bit his lip while staring deeply at me. If he was having a second thought, wala namang problema. Again, I was just offering.
"Hatid na lang kita sa bahay mo mamaya. Pag-isipan ko na lang kung anong oras ako uuwi. G ba?"
I grinned at him and I guess, I already book a night with him . . . again. "G."
"Okay. Tatapusin ko muna ang shift ko, tapos iuuwi na kita pagkatapos."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top