12. The Designer's Dilemma
I always see guys like ladies are obligated to satisfy them. I mean, when you did that, as a woman, if he's not satisfied, then he will push you to your limit for that satisfaction.
Iyon ang alam ko. Doon ako namulat. Saying no won't help. Kailangang ma-satisfy sila kahit na nasasaktan ka na.
Kaya imagine ang pagdududa ng tingin ko kay Jericho after I cleaned myself. Noong naabutan ko siyang nakaupo at topless sa kama habang naka-shorts na lang kasi nga suot ko ang damit dapat niya. He was scanning his phone at pagsilip ko, nasa marketplace siya kahit na hindi ko alam kung anong plano niyang bilhin sa ganitong oras ng gabi.
Mukhang naramdaman niya 'ko kasi nilingon niya 'ko agad. "Okay ka lang?" tanong pa niya.
Makirot ang pagitan ng mga hita ko, pero ginusto ko naman 'to. Before, hindi naman ako nasasaktan nang ganito kasakit. Siguro kasi hindi ganoon "kalaki" ang mga nakasama ko noon. Hindi ko naman nakita ang kanya, pero para sumakit nang ganito ang katawan ko, parang ayoko nang silipin ang size niya. Sa lagay na 'yon, hindi pa siya natapos.
"Okay naman ako . . ."
Akala ko nga, dinudugo ako kanina kasi masakit, but I guess, I came early and he came late. Mas na-satisfy niya 'ko kaysa ako sa kanya, and I didn't know how to make it up with him.
Hindi naman sa nahihiya ako kasi nagkasundo naman kami rito sa mangyayari ngayong gabi, pero hindi ko kasi maintindihan. Feeling ko, disappointed siya pero hindi lang niya sinasabi. I dunno. Ayoko ng ganitong feeling na parang ang laki ng atraso ko sa kanya. Kung si Tyrone siguro siya, baka nagpapa-party na 'ko kung sakali mang disappointed siya. Bad news, hindi.
"Jericho." Para akong batang gustong umamin ng kasalanan pagharap ko sa kanya.
"Hmm?"
Humugot agad ako ng hininga paglipat niya ng tingin sa 'kin.
"Uhm . . . sorry."
Wala siyang sinabi. Parang nalito pa siya kasi nagso-sorry ako. "Para saan?"
"Kasi . . ." Paano ko ba ie-explain 'to?
Kasi baka nabitin siya? Kasi hindi pa siya tapos pero kasi pinahinto ko siya kaya parang naiwan ko siya sa ere?
"We can do another round," sabi ko na lang at napapikit-pikit na lang ako habang nag-iisip kung paano ba ako makakabawi.
I dunno if he was being mean to me. He chuckled and shook his head again before he placed his phone above the bedside table. Inilapag pa niya ang magkabila niyang palad sa kama saka pinangtukod sa sariling bigat bago ako nakangiting tiningnan.
"Hindi ka okay, 'no? Masakit ba katawan mo?"
"Hindi naman 'yon ang point—"
"Pero masakit."
I was gonna say something pero naiwan lang sa hangin ang salita ko. Nakabuka ang bibig ko pero wala akong naisalita.
"Kung masakit, 'wag mong pilitin."
"Hindi naman. Ang akin lang, baka nabitin ka or something."
Tinawanan lang niya ulit ako saka umurong palapit sa 'kin. Kinuha niya ang kanang kamay kong kanina ko pa tinatago-tago sa likuran ko kasi hindi ko alam kung saan ko ilalagay nang hindi niya ako nakikitang nagkukutkot.
"Kapag sinabi mong tigil, natural titigil. Kapag sinabi mong hindi, natural hindi na itutuloy. Ano ba? Sino ba 'yang mga nananakit sa 'yo at parang takot na takot kang hindi ma-please ang ibang tao, ha?"
Marahan niya 'kong hinatak palapit sa kanya at pinabigat niya ang kamay para lang maipaupo ako sa kaliwang hita niya.
Bigla tuloy akong nailang. The last time I felt like someone caught me doing something bad was when my dad found me stealing some chocolates for my brothers.
I hate my dad to the core, but there were moments when he used to hold my hand and let me sit on his lap. Tatanungin lang niya 'ko kung anong ginawa ko tapos hindi ako aamin.
I was her only daughter, and I seldom stay with him along with my half brothers. Every family gathering lang akong nakakasama ng mga de Chavez at Echague, and all I did every meeting was to give them headaches.
Alam kong naging sakit ako ng ulo ni Daddy, pero lagi niya 'kong kinakandong noon habang tinatanong kung ano ba ang maling ginawa ko na alam ng buong pamilya pero gusto niyang sa 'kin manggaling para lang paniwalaan niya.
Nakakainis, bigla ko na namang naalala 'yon.
Napatingin lang ako sa kamay kong iniinspeksyon na naman ni Jericho. I wanted to ask why he was doing this. Wala naman siyang makikita sa kamay kong kahit na ano.
"Maaga akong uuwi. May pasok pa 'ko bukas."
Nalipat ang tingin ko sa mga mata niya.
I didn't see him change the way he looks at me. I see no disappointment, no dissatisfaction, no regrets, no hard feelings, or something that will cause me to think that I did something he didn't like. Kung paano niya ako tingnan sa bar tuwing gabi, ganoon pa rin niya ako tingnan kahit ngayon.
"Sorry if I didn't satisfy you."
He let out a short laugh and his brows met after like I said something wrong.
"Hindi naman 'to tungkol sa 'kin, a? Pero okay ka naman?"
"Okay lang naman ako."
"E di good! 'Yon naman ang importante sa 'kin. At least ngayon, may nakikita na 'kong positive sa mga mata mo aside sa lungkot and depression."
Ako naman ang hindi nakapagsalita. Natitigan ko siya habang puno ng tanong ang mga tingin ko.
Tingin ba niya sa 'kin, araw-araw nalulungkot? Depressed lang ako. Sobra naman siya.
"Uuwi ka na ba?" tanong ko na lang.
"Palalayasin mo na ba 'ko kahit umuulan?"
"Nangonsiyensiya ka pa. Dito ka muna."
"Mas okay. Akala ko, pasusuungin mo 'ko sa ulanan nang hatinggabi."
Ganitong oras, most of the time, wasted na 'ko. Lunod na lunod na 'ko nito sa alak, but not tonight. And the good news was I have someone beside me before I closed my eyes.
Papikit na 'ko nang maramdaman kong humiga siya sa likuran ko at idinantay niya sa 'kin ang braso niya para hawakan ulit ang kamay ko. Parang lagi siyang may hinahanap sa mga daliri ko na hindi niya nakita sa unang hawak.
"Ang bango mo."
Sinubukan kong pigilan ang pagngiti ko kasi baka maramdaman niya.
The weather was absolutely cold but we didn't have a cold night. First time ko ngang matulog na parang sobrang satisfying mahiga sa kama ko.
I had a good sleep and I woke up after I felt something behind me. Biglang gumalaw ang kama at inaninag ko sa dim light ng table lamp si Jericho na papunta sa banyo. Pumikit ulit ako and the next thing I saw was him on his white shirt and jeans.
He needed to go home, and the night was already over.
It was a little disappointing because we only agreed on one night, pero wala naman akong magagawa.
He wasn't my boyfriend, to begin with. He was just here because I requested his presence at may kapalit pa 'yon.
Nagtulug-tulugan na lang ako kasi ayokong makita siyang magpaalam. Sanay akong ako ang tumatalikod at umaalis. Pero kapag ibang tao, hindi ko natitiis na nanonood akong umalis sila para iwan ako. Mas lalo ko lang kasing nararamdaman kung gaano ka-temporary ang lahat.
Nakapikit pa rin ako nang maramdaman kong sumampa siya sa kama. Maingat pa iyon, akala niya yata, tulog pa rin ako.
Lalong dumiin ang pagpikit ko nang bigla niya 'kong halikan sa noo. "Uuwi na 'ko. Kita tayo mamaya."
Kahit gusto ko siyang pigilan, hindi ko nagawa kasi alam ko namang may pasok pa siya. Pero habang nakikita ko siyang paalis, naisip ko na sana dito na lang siya umuwi mamayang gabi.
Pero imposible kasi 'yon. May sarili naman kasi siyang bahay kahit na mukhang tambakan ng basura at minsan lang niya linisin.
♥♥♥
Usually, hindi ako nag-aayos nang sobra kapag walang event. Kaya kapag pumapasok sa office, I always wore a simple blouse, coat, slacks, and mules. Mga damit na makakagalaw ako nang maayos at comfortable ako.
Tyrone called early in the morning na hindi ko sana sasagutin kaso ewan ko. Nasa mood lang akong magsalita.
"Cinn, ayokong sirain ang umaga nating pareho. We are rushing for Rory's designs. Kailangan ng supervision mo. Can you please go to work today? And don't force me to sign your resignation dahil wala akong pipirmahang kahit ano aside sa payslip mo."
"All right! See you in an hour."
Practically, kung si Ty ang magha-hire kay Jericho para mag-work sa office, mas malaki ang matitipid ko sa salary expenses. Although, hindi ako sigurado kung may kailangan pang ayusin ang interior sa Lion, pero baka mabigyan siya ng offer doon.
And he said he'll see me later, so I need to look good today. Just in case lang na magkita kami while we're at work. And for sure, magkikita kami kasi dadaan at dadaan naman ako sa Sip and Drip.
I wore a navy blue halter top dress na bodycon. Hindi ako avid fan ng bodycon unless I want to look stunning in front of my enemies. Hindi ako mahilig sa kita ang cleavage but the square neck would be a good view for a man. I should know. Naiiklian ako sa three inches, above the knee na length ng dress kasi prone sa catcalling, pero bakit ko ba iniisip 'yon? Wala namang magtatangkang mag-catcall sa 'kin sa office. I wore my black ankle strap shoes and my Balenciaga handbag.
Eyebrows and lashes lang ang pinag-abalahan kong ayusin at red lipstick para ma-accentuate ang thin lips ko. Natural naman ang wave ng buhok ko kaya kaunting suklay lang at tamang roll ng buhok, hindi na ako mukhang bruha.
I looked like I was going to attend some date night, but then again, just in case lang na makita ako ni Jericho today. At least, pleasing ako sa paningin at hindi mukhang "malungkot" at "depressed."
Nag-drive na agad ako papasok sa Lion, and first time ko lang ganahang pumunta sa office. Sumaglit ako sa Sip and Drip para bumili ng coffee pero pagdating ko roon . . .
"Mamaya pa pong 9 ang shift niya, ma'am."
"Oh." I checked my bracelet watch and it was half-past eight in the morning. I was early. Siguro, mamayang lunch na lang ako dadaan ulit.
"Here's your coffee and almond doughnut, ma'am."
Hindi niya sinabing 9 ang shift niya. Although sinabi naman niyang may pasok siya, pero hindi ko alam ang schedule. Dapat ba inaalam ko? Or kung aalamin ko man, for what purpose?
Para tuloy akong obsessive girlfriend nito.
I was holding my coffee and doughnut using my left hand, and the rest of my things were on my right hand. Sanay na sanay pa naman akong naghahawak ng marami. Kapag nasa tailor room kami, halos lahat, hawak ko lagi.
8 in the morning ang usual time ko to log in. But since may issue pa nga ako sa resignation ko, I was giving Ty a hard time fixing my schedule for everyone. At mukhang nagulat ang buong fifth floor nang makita ako pagtapak ko sa loob ng tailor room.
"Miss Cinn!" I could see ten of the dressmakers and designers in the room na nagpa-panic pagkakita sa 'kin. Humilera agad sila habang mukha nang mga haggard kahit umpisa pa lang ng araw.
"Where's Rory?"
"Miss Cinn, pumunta po sa store sa Taguig. Hindi kasi sila nakakuha ng rhinestones sa supplier natin."
"Paanong hindi makakakuha, supplier natin 'yon?" Ibinaba ko ang lahat ng dala ko sa isang side ng table na hindi pa occupied ng mga papel at tela saka ko kinuha ang phone ko. I immediately called Gemma to ask for the stones. "Hi, Gem, this is Cinnamon, how are you?"
"Cinn! Sobrang aga pa, nasa work ka na agad?"
I checked all the sketches na nakakalat sa table habang kausap si Gemma. "Did someone from Lion call for stones?"
"Oh! Yesterday, may tumawag sa shop. I said hindi kami nagre-release ng special stones kapag hindi authorized. Alam mo naman, hindi kami papayagan ni Boss nang basta release nang release ng nasa inventory."
"All right, I need some rhinestones ASAP. Royal blue round and tear crystal, flatback, 5SS, 20SS, and 34SS, 2,000 pieces. Pa-add din ng opaque swarovski kahit isang set lang. Pakidala agad sa building. Paki-send din ng invoice sa office ko." Dinampot ko ang isang design at sinunod ng tingin ang unfinished gown na nasa mannequin sa kabilang aisle.
"Are you back on track, Cinn? I heard, kinasuhan ka ni Jomari ng physical injury."
"And he's stupid enough to do that."
"Ang dami ngang lumabas na reklamong harrassment sa kanya. Stupid move. Ikaw pa talaga ang binangga."
"Well, he made a huge mistake of laying a hand on me. I need to fix some designs today. I'll wait for the stones. Thanks, Gem!"
"Sure thing, bye, Cinn!"
Pinatay ko na ang call at sumaglit ng inom sa kape ko. Itinuro ko agad ang mannequin na may hindi pa tapos na dress. "Sinong may sabing lagyan ng ruffles ang neckline?"
"Si Miss Rory po."
"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin na 'wag maglalagay ng ruffles kapag asymmetrical ang cut? Anong tingin n'yo sa models, cheap na Barbie dolls?"
Kinuha ko agad ang pinking shears sa table kung nasaan ang breakfast ko at naghatak agad ako ng drawer na puro pin.
"Hindi ba kayo dinadaanan ng mga boss dito at ganito ang ginagawa ninyo sa mga damit? Rejected na dapat 'to a!"
Gumupit agad ako ng mahabang cerulean organza at sinukat sa mannequin.
"Is this mullet?" I asked anyone na alam kung ano ba ang ginagawa ng nagsu-supervise na designer sa kanila.
"Yes, Miss Cinn," sagot ng isang babae sa dulo.
"Mullet tapos may ganito kalalaking ruffles?" Ginupit ko agad ang kulumpon ng fabric sa neckline na mukha nang ginusot na kulambo. Ang pangit pa ng napiling kulay.
Inipit ko sa labi ko ang ilang pin at saka ko inayos sa asymmetrical cut ang organza cloth para masukat kung gaano kalaki ang tatahiin ko. Gumawa ako ng malalaking fold mula sa isang side hanggang sa kabila. Maganda naman ang navy blue na tela sa ilalim.
"Paki-ready ng iron."
"Yes, Miss Cinn."
"Ready na ba yung sewing machine?"
"Yes, Miss Cinn."
"Mag-cut nga ng navy blue na satin at gumawa ng rose, three inches ang diameter."
"Yes, Miss Cinn."
After I measured the cloth, pumunta agad ako sa electric sewing machine sa isang sulok at tinahi agad ang hem para sa neckline at sa balloon part ng mullet dress na sinasabi niya.
"Mag-cut nga ng navy blue satin, thirty by five, pakidala rito."
"Yes, Miss Cinn."
"Paki-monitor ng office ko sa kabila, baka tumawag na yung shop para sa rhinestones."
"Yes, Miss Cinn."
Iba talaga ang machine kapag nasa tailor room ng Lion. Iba rin kasi ang machine na gamit ko sa boutique.
After I fixed the folds, I went back to the mannequin and pinned the fabric on the satin na pang-ilalim ng pinaka-sheer. Pagkatapos sumakto ng sukat, inalis ko agad sa mannequin ang buong damit at dinala ko agad sa sewing machine para matahi nang buo.
Nakadalawang patong ako ng sheer para lang sa dress na 'to. Hindi pa maganda ang unang sheer na ginamit, mukhang kulambo talaga. Ang lakas pa ng loob mag-asymmetrical ng cut, parang pinadaan sa shredder ang itsura.
Pagkatapos kong matahi, binalikan ko agad ang mannequin at kinuha ang rose na nagawa na ng isang tailor saka iyon mano-manong tinahi sa pinatahi ko ring fabric kanina para sa belt.
"Miss Cinn, parating na raw po yung rhinestones."
"Good. Sabihin mo, pakibilisan. Hindi naman malayo ang shop dito. Hindi ba kayo nanghihingi ng assistance sa mga boss at kung saan-saan pa pumupunta ang designer n'yo para lang sa rhinestones?"
Naghatak na ulit ako ng sinulid at mabilisang isinuot sa karayom habang tinitingnan kung saang hem pa hindi naaabot ng tahi.
"Pagdating ng crystals, paki-ready ng Gem-Tac sa syringe."
"Yes, Miss Cinn."
Nakailang ikot ako sa mannequin at binalikan ko ang sketch. Napapangiwi ako sa design. Sino ba ang nag-approve nito at naisipan nilang maglabas ng ganitong hindi magandang color combination? Hindi ba nag-aral ng color theory si Aurora at hindi man lang nag-complement ang navy blue at apple green sa design niya?
Kung ipipilit niyang gusto niyang maging avant-garde, then she was doing the wrong thing. Hindi ba siya na-inform sa mga dapat ilabas na themes ngayong taon at gumagawa siya ng sarili niyang desisyon sa mga damit ng Lion?
"Miss Cinn, ito na po yung crystals." Inilapag agad ng isang dressmaker yung clear na compartment storage box. Nakalagay na roon ang lahat ng size na in-order ko. Inabot na rin nila ang tweezers at syringe kung nasaan ang glue.
Nakailang testing pa ako kung gaano karami ang glue na ilalagay bago ako nagsimulang magdikit ng mga crystals sa dress.
This is not my favorite part of the job kapag naghahabol ako ng oras. If I'm just spending my time because I'm bored, for sure, I'll enjoy this activity—but I'm not. At nasa kung saang lupalop ang designer na dapat nag-aasikaso nito.
"Rush ba 'tong dress?" tanong ko agad habang iniisa-isang dikit ang stones sa palibot ng belt.
"Kahapon pa po dapat 'yan naibigay sa store for display kaso hindi po natapos kasi nakalimang revisions ng design si Miss Rory."
Nilingon ko agad ang isang tailor na sumagot sa 'kin. "Limang revisions? Sa lagay na 'to, nakalimang revise pa 'to?"
"Miss Cinn, hindi po kasi na-approve yung mga unang design."
"Kahit ngayon, hindi pa rin approve! Tapos may gana pa siyang maging front cover ng Lion? Huh!" Napapailing na lang ako.
Tinapos ko na ang paglalagay ng crystals sa damit at kahit paano, kung ito ang idi-display nila sa store, hindi mapapahiya ang Lion dahil hindi coordinated ang kulay ng dress.
Monochrome blue lang ang kulay na bagay sa ganitong design. It was a tube mullet dress na asymmetrical ang cut. Maikli sa harap at mahaba sa likuran na tinatakpan ng sheer. May folds din ng sheer sa harapan at nilagyan ko na lang ng belt for accent sa body figure. Para hindi boring, nilagyan ko na lang ng rose sa gilid ng belt at crystals na nag-overflow galing doon sa bulaklak.
"Paki-iron nito nang maayos. Pati sa hem, ayusin, ha. Baka may gusot pa 'yan, hindi ninyo dino-double check."
"Yes, Miss Cinn."
Pagsilip ko sa bracelet watch ko, ten minutes na lang, alas-diyes na ng umaga. Lumamig na ang kape ko, hindi ko pa nakakain ang doughnut ko.
Nilakad ko na ang pabalik sa mga gamit ko habang nanenermon.
"This is done. Pakisabi sa quality assurance, dumaan dito para i-check 'yang dress. Pakitawag din ang staff ng marketing na humahawak ng store kung saan dadalhin 'yan. Magpa-approve kayo sa mga boss. Tawagan n'yo na si Trina, ipalabas n'yo na 'yang design. Sobrang late na kayo sa schedule. Pakisabi rin kay Rory, dumaan sa office ko pagbalik niya."
"Yes, Miss Cinn."
Kahit malamig na ang kape ko, inubos ko na lang din para hindi masayang.
Hindi talaga nakaka-survive ang mga tao rito sa tailor room nang hindi ko dinadaanan.
Dumeretso agad ako sa 20th floor kung nasaan ang office ni Tyrone. For sure, nasa opisina na siya. Kung wala at inuna na naman niya ang pakikipaglampungan sa mga babae niya, then ako na mismo ang pupulis sa kanya ngayon. He should be doing his job pero uunahin pa niya ang kakatihan niya.
Pagsakay ko sa elevator, naabutan ko ang ilang mga employee roon na parang naalerto pa pagkakita sa 'kin. Do I look like I'm going to eat them alive?
"Good morning, Miss Cinn!" they greeted in chorus.
Pagtapak ko sa loob, nagsiurungan silang lahat paatras hanggang maiwan ako sa harapan ng pinto.
Tiningnan ko silang lahat sa reflection ng metal panel and none of them tried to look at me straight in the eyes.
Umiilaw na ang floor button 20 so that means may employee akong kasabay na taga-office ng general manager.
Hindi na maganda ang morning ko kasi pinagtrabaho agad ako sa pangit na design. And since I was going to Ty's office, for sure, mas lalong sasama ang araw ko.
Paglabas ko sa 20th floor, sumilip muna ako sa aisle na sure akong makikita ko ang loob ng office niya mula sa labas. And I guess, wala siyang kalandian kasi busy siya sa table niya. Good news so far.
I walked past the floor's cubicle and the employees looked at me like I was a new face here.
Knocking at Ty's office was never a part of my routine so I opened the general manager's door and saw the man, busy doing his paperwork.
"Sinabi ko nang wala munang papasok sa opisina—"
"Bakit hinayaan mong magkalat si Rory sa tailor room, hmm?"
"Cinn—" He didn't manage to finish my name after he looked at me.
"Nasa kung saang impyerno ngayon si Aurora para lang sa rhinestones. Hindi n'yo ba tinutulungan ang mga empleyado ninyo para makakuha ng crystals sa supplier natin?"
Hindi niya 'ko sinagot. Hinagod lang niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa.
So, ano? Ngayon pa niya babalaking titigan ako, hindi pa ba siya nagsasawa sa mukha ko?
"May date ka ba ngayon?" tanong agad niya.
"I'm here to check my office." I crossed my arms and raised a brow. "And the tailor room is a complete mess. Why did you let them do dresses without supervision?"
"That's your job, Cinn. Hindi sila magra-rush kung matagal ka nang pumasok to supervise them. Pinabayaan mo sila."
"Wala ka bang ibang tauhang mag-aasikaso sa kanila, hmm? Ako ang nagpabaya o sinasadya mong walang mag-supervise para bumalik agad ako rito?"
He smirked and laid his back on his executive chair's backrest. "I told you, I will never get rid of you. Babalik at babalik ka rito sa 'kin whether you like it or not."
"Will you stop doing this stupid act of yours, Tyrone Chen? Ano bang problema mo, ha? Matapos mong kampihan yung Aliza na 'yon, matapos mong payagang ma-suspend ako, sasabihin mo 'yan? Hindi ako ang nag-breach ng contract, alam mo 'yan! Tapos ako pa ang masususpinde sa trabaho?"
"I did what I had to do, Cinnamon. And stop a being hardheaded bitch. Inaayos ko lahat ng issues mo, wala kang masusumbat sa 'kin."
"Inaayos mo ang issues ko? And here you are, ilang beses kang naaabutang nakikipagharutan sa sekretarya mo. Sana sinama mo rin 'yon sa pag-aayos ng mga issue ko. At sana sinama mo rin ang pag-call off ng engagement natin dahil sawang-sawa na 'kong magpakita ng mga ebidensya ng mga kalandian mo kina Tita Daisy."
Tumalikod na agad ako bago pa ako lalong mainis sa kanya.
"I'll visit you later in your office by lunch. Just make sure na nandoon ka kundi magtatawag ako ng security para harangin ka sa lobby."
"Wala akong pakialam. Mag-lunch ka mag-isa mo."
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top