10. Open Invitation
I've been with a lot of guys before. Sinubukan ko namang magkaroon ng love life, hindi ko naman ipinagdamot sa sarili ko 'yon. Inisip ko pa nga before na baka siguro si Daddy lang ang lalaking manloloko sa mundo.
But heartbreaks after heartbreaks, mas lalo ko lang napatunayan na pare-pareho lang sila. Mga manloloko, mga manggagamit, mga walang kuwenta.
Hindi ako madaling i-maintain. You messed up once, wala ka nang mababalikan sa 'kin. I'm not fond of second chances when it comes to love. Kasi kung gago ang lalaki ever since, gago na talaga siya forever. Walang lugar ang character development sa mga taong aware naman sa ginagawa nila. Desisyon mong magloko, desisyon mong mambabae. Hindi aksidente 'yon. You only have one chance in life. Don't mess that up. And to think na sila ang unang naghahabol sa babae, ang kakapal naman ng mukha nila para magloko.
I know, hindi lahat ng lalaki, gago gaya ni Tyrone. Pero sa mundo kung nasaan ako, kapag babaero ang lalaki, ibig sabihin napakaguwapo niya. And that will top all bullshits among the list of life's crappy bullshits. Toxic masculinity at its finest.
I tried falling in love with anyone, pero ang bilis ma-expire ng feelings ko. Two days. Two days lang ang kailangan ko para maka-move on. Maging inconsistent lang ang guy sa loob ng two days, after those days, hindi na sila kilala ng emotions ko. Hindi ako ang tipo ng kapag na-fall, nagpapakabaliw ako habambuhay sa lalaki—no. Never. Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon.
That was why I became like this.
I'm already thirty, and I was supposed to marry a stable man o nag-aalaga na ng baby, but nope. I prioritized my career na sobrang fucked up na ngayon dahil sa dami ng issues na kinasasangkutan ko recently.
Sa sobrang sirang-sira na ng buhay ko, hindi ko na nga sigurado kung may magkakagusto pa ba sa 'king lalaki. Si Tyrone, ayoko nang ilagay sa listahan ko kahit pa ayaw niyang i-call off ang engagement namin. Bitch, malayo pa lang, forecasted ko nang hindi magwo-work ang sa 'ming dalawa, ipu-push ko pa ba ang idea? Pareho na nga naming sinusuka ang isa't isa.
And speaking of Tyrone, five in the afternoon nang matapos siya sa pagkausap ng lahat ng kailangan niyang kausapin. He even pulled some strings para lang hindi lumaki ang issue na kinasangkutan ko at ni Jomai Lianno. Surprisingly, the more they dig deeper into the idea of the physical injury complain about me, the more they reveal about Jomari's harassment issues sa iba pang models and staff. Kaya nga pagbalik namin sa meeting room, kung makangiti siya, parang nakakatawa pa ang issue ko ngayon.
"Nagsunod-sunod ang complaint kay Jomari. I called his manager and sinabi nilang suspended muna siya sa trabaho for now."
Ibinagsak ni Tyrone ang hawak niyang folder sa glass table saka ako tiningnan habang umiiling. Unluckily, Forest needed to work kaya wala akong choice kundi makinig sa lalaking 'to hanggang matapos kami.
Ipinatong niya ang magkabila niyang kamay sa table habang obvious na naiirita sa presensya ko. Sana man lang, ginaling-galingan niya ang pagtatago ng annoyance niya sa 'kin. Sayang naman ang effort kong tiising makita ang nakakabuwisit niyang mukha.
"I know you're trying to get a model for La Mari, Cinnamon. Hindi ka puwedeng sumali sa competition na 'yon. Aren't you even considering your job here in Lion?"
"Kung pinirmahan mo na ang resignation letter ko, e di sana hindi ka namomroblema ngayon."
"Can you—" He sighed deeply and covered his forehead in frustration. Yes, ma-frustrate siya, deserve naman niya. "Cinn, I'm trying to clean your mess right here, all right? Can you be more cooperative, at least?"
"Gusto kong sumali sa competition ng La Mari, what's the problem?"
"Cinn, the problem is you cannot do that! Alam mong pagtutulungan ka r'on! Organized 'yon ng kalaban nating clothing line, and you're going to infiltrate a place you're not supposed to enter! Gusto mo bang mapahiya, ha?"
Wala akong pakialam kung sino ang nag-organize ng competition na 'yon. Gusto ko lang isampal kay Petunia Adarna kung gaano kapangit ng designs niya para mawalan ako ng trabaho dahil sa kanya!
"Cinn, puwede ba? Tigilan mo na ang katigasan ng ulo mo! I am trying to save your ass from another headache, and here you are, stacking cases after cases! Wala ka bang konsiderasyon, ha?"
I rolled my eyes and shifted my gaze outside the glass window of the meeting room.
"Pirmahan mo na lang yung resignation letter ko."
"Never. Ano'ng gusto mong mangyari sa buhay mo, hmm? You're wasting your life, you're wasting your career, you're wasting opportunities!"
Hinarap ko agad siya. "Wala akong pakialam! Hindi mangyayari 'to kung umpisa pa lang, hindi n'yo na pinagtanggol ang Aliza Verano na 'yon!" Paulit-ulit kong dinuro ang mesang nakapagitan sa 'ming dalawa. "Tyrone, designs ko ang binalewala ng babaeng 'yon! Designs ng Lion sa sariling event ng Lion! How could you let that slide, huh? How dare you do that to me, huh?"
"I am compromising, Cinnamon. Image mo at image ng Lion ang kailangan kong protektahan! Ni hindi ka nga nag-sorry kay Aliza—"
"Bullshit! Matagal nang sira ang pangalan ko ever since you let yourself be seen with ladies aside from me! Stop saying na pinoprotektahan mo ang image ko, when you can't even protect our engagement from your stupid adultery gaming, Ty! Huwag na tayong maggaguhan pa rito, alam mo sa sarili mong naglolokohan na lang tayong dalawa!"
Pabagsak kong nilisan ang inuupuan ko saka ko siya nilampasan.
"Cinnamon, hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Makipag-usap ka sa sarili mo, wala akong pakialam."
Ibinagsak ko ang pinto ng meeting room saka tuloy-tuloy na lumabas.
I know it was Tyrone's responsibility to protect my image as Lion Fashion's top designer, pero matagal na 'kong nawalan ng tiwala sa sinasabi niyang pagprotekta sa image ko at sa Lion. Ibang design ang ginamit ni Aliza Verano noong mismong event ng company, and he defended that bitch's side kahit na harap-harapan nang binabastos ang brand namin sa mata ng lahat.
Wala akong pakialam kung sino mang demonyo ang gumawa ng pangit na gown ng babaeng 'yon. Basta ba hindi niya susuotin ang damit sa event na exclusive for Lion lang. Kung tatanga-tanga siyang babae, huwag niyang ipakita sa harap ko ang katangahan niya dahil hindi talaga kami magkakasundo.
I will never give my apology to anyone lalo na kung hindi naman ako ang dahilan ng problema. Bakit ako ang magso-sorry sa Aliza na 'yon e siya nga ang nag-breach ng contract?
Nag-drive agad ako pauwi at pinili ko talaga ang way na kahit malayo, alam kong hindi ako maaapektuhan ng traffic.
Five minutes lang ang layo ng Lion Fashion sa condo ko kung sasakay, thirty minutes naman kapag may traffic. And since may daan naman na mas mabilis, kahit fifteen minutes, puwede na rin, basta makarating ako nang maaga sa bahay.
As much as I wanted to stay in a bar e hindi ko magawa dahil sa letseng ulan. Hindi pa rin kasi humihinto at lalo pang lumakas pagsapit ng gabi.
May usapan kami ni Forest about sa pagta-try ng lingerie niya, kaso nag-chat na lang ako na next time na lang kasi wala ako sa mood.
Pagdating ko sa bahay, nagbabad agad ako sa bath tub para lang mawala lahat ng init ng ulo ko dahil kay Tyrone.
Kahit anong gawin ni Jomari, alam naming dalawa na wala ang mali sa 'kin. Kung gusto niya, magsapakan pa kami maghapon kung physical injury lang pala ang iniiyak niya. Tapos isa pa 'tong Tyrone na 'to na ibinabalik ang case ko with Aliza e ni hindi nga niya dinepensahan ang side ng Lion Fashion at yung model nilang nagsuot ng gown na hindi naman gawa under ng Lion kundi sa kalabang fashion line.
I spent two hours sa tubig at saka lang lumamig ang ulo ko. Mula sa balcony, tumanaw ako roon sa nakasarang glass door since papasukin ng ulan ang carpet kapag binuksan ko ang pinto.
Nagsalin agad ako ng wine sa glass habang hawak ang iPhone ko. Nag-check agad ako ng website ng Lion para sa news. Si Aurora Oso pala ang highlight nila ngayon. I should be the one on the front page kung hindi lang talaga nagpakabobo 'tong Aliza na 'to.
While I was scrolling my feeds, bigla akong naalala ang na-save kong number ni Jericho na bigay niya kanina sa Sip and Drip.
Sinubukan kong tawagan. For sure, tapos na ang duty niya, unless balak niyang magtrabaho nang 16 hours sa café.
Tatlong ring lang, may sumagot na agad.
Mula sa pagkakaupo ko sa sahig, napaderetso agad ako at napatitig nang maayos sa labas.
"Hello?"
Biglang tumaas ang kilay ko habang nakangiti. Kitang-kita ang reaction ko sa reflection sa glass door.
"Hey, it's Cinnamon."
"Oh! Talagang tinawagan mo 'ko, ha? 'Musta? Nakauwi ka na?"
Ang weird na ganito lang naman ang tanong pero napapangiti ako. May special ba sa tanong?
"Yeah. Nasa bahay na 'ko. Ikaw, nakauwi ka na?"
"Actually, stranded ako sa terminal kanina pa. Naghapunan ka na?"
Bigla akong natawa nang mahina sa tanong niya. Assistant ko lang kasi ang nagtatanong sa 'kin ng ganito since isa sa trabaho nilang bilhan ako ng meal kada may project kaming kailangang i-overtime.
"Well, hindi pa."
"Ako rin, hindi pa. Mukhang magugutom tayo nang sabay ngayong gabi."
Napa-facepalm na lang ako habang natatawa nang mahina. Hindi ba siya marunong magsinungaling man lang?
Saglit na tumagal ang focus ko sa labas.
Oo nga, hindi pa pala ako nagdi-dinner.
"Alam mo sa Avila Towers?" tanong ko.
"Katawid ko lang. Why?"
"Really?" Napatayo agad ako at inubos ang laman ng wine glass. "Daan ka rito sa bahay."
"Bahay . . . mo?"
"Yeah! Nasa 23rd floor ako sa Avila. May payong ka ba? Umuulan pa rin."
"May payong ako kaso pinahiram ko doon sa cashier namin. Buntis kasi, nasira yung payong niya."
Wow, that's so gentleman of this guy. Wala sa itsura niya, ha.
"Okay, uhm, wait for me there. I'll get you an umbrella. 'Wag mong i-hang up yung call."
"Sure."
Mabilis akong nagbihis ng tank top saka shorts saka kumuha ng payong. Ang kaso, isa lang ang payong na nakatambay sa may rack. Yung iba kong payong, nasa office nga pala for emergency.
Kung sa bagay, aanhin ko naman kasi ang maraming payong sa bahay?
Kasya naman siguro kami sa isang payong.
Mabilis akong bumaba at hinanap ko ang pinakamalapit na terminal dito. Nasa kabila ang Sip and Drip pero wala kasi talagang terminal doon. Ang terminal ng bus, lalakarin pa hanggang dito sa parking lot ng Avila.
Maliwanag pagbaba ko. Although maulan at medyo blurry sa paligid pero mabilis kong nakita si Jericho kasi ilan lang sila sa may terminal na naghihintay. For sure, mga naiwan na lang ng bus 'to at naghihintay ng next ride.
Hindi naman siya mukhang basang-basa, pero naka-white polo na lang siya at jeans. Nakasuot na lang din siya ng rubber slippers at hindi rubber shoes. Nakasukbit sa kanang balikat niya ang backpack niya, and since wala na siyang cap, ngayon ko lang napansin na hindi na ash ang kulay ng buhok niya. Hindi na rin mahaba. Nagpagupit pala siya ng clean cut. Hindi ko napansin. He looked better, though.
"Hey! Okay ka lang diyan?"
Lumapit na agad ako sa kanya at sinalubong ko siya ng payong.
"Ang bilis mo naman," sabi niya at mabilis na sumilong sa may payong ko. Kinuha na rin niya 'yon sa kamay ko at inakbayan ako agad.
Napatingin na lang ako sa kamay niyang hawak ako bago ko siya tiningala.
"Hindi mo sinabing taga-Avila ka lang pala. E di sana dito na lang ako tumambay kanina habang naghihintay ng bus."
Well, we were not that close para sabihin ko 'yon sa kanya, but here we are.
The rain was not as merciful as I thought kasi hindi kami kasya sa payong ko. Although, napayungan naman kaming dalawa, pero basa rin ang kaunting parte ng katawan ko at basa naman ang halos kalahati ng katawan ni Jericho.
This time, siya naman ang magpapatuyo sa 'ming dalawa.
Sa may parking lot na kami dumaan kasi mas malapit kaysa sa lobby na iikutin pa namin. Pagsakay sa elevator, pagpag siya nang pagpag ng damit niyang nabasa.
I could see myself staring at him while he combed his wet hair. Mas bagay sa kanya ang clean cut, he looked presentable. And I guess, hindi siya nakakuha ng medyo maluwag-luwag na polo shirt. Parati kasing malalaki ang muscle shirts niya sa bar, and he was wearing a fitted shirt this time na halos pumutok na sa biceps niya ang manggas. I doubt if he wanted that size since his shirts were oversized and I've never seen him wear a fitted tee or tank tops.
"Salamat pala sa pagsundo. Iikot pa yata yung bus, hinihintay na lang namin."
Napatango na lang ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain tapos uminom ka na agad?"
Nagsalubong agad ang kilay ko. "How did you know na uminom ako?"
"Amoy-red wine ka."
Oh. Ang talas naman ng pang-amoy nito.
"May meal naman ako sa cabinet na puwedeng i-microwave. Puwede rin naman akong magpa-deliver."
Pagbukas ng elevator, pinauna na niya 'ko para ituro ang unit ko.
It wasn't the first time na magdadala ako ng ibang tao sa bahay, but it would be the first to bring a guy sa unit ko. Ayoko kasi ng nagdadala ng lalaki sa condo ko. Even Tyrone. Kung magkikita man kami, palaging sa office or sa hotel. Ayokong may pinapupunta sa condo ko aside kay Forest.
"You can left your slippers here," pagturo ko sa likod ng pinto. May rack naman doon, puwede niya ring isabit sa pinagsabitan ko ng payong para matuyo.
"Dark green ang kulay ng interior dito? Ambisyosa ka siguro."
Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Alam ko namang achiever ako, pero paano naman niya nasabing ambisyosa ako?
"Ang bilis mong mag-assume ng ugali ko," sabi ko habang papunta sa kitchen.
"May calming effect ang color green and generally, it makes people feel safe. Pero related kasi ang dark green sa ambition, greed, and jealousy."
Pagsulyap ko sa kanya, nagtagpo agad ang tingin naming dalawa. "Familiar ka sa color psychology?" tanong ko agad since basic ng art theory ang sinabi niya.
"I do arts. Wala lang akong materials."
"Wow. That's surprising. Fashion designer ako. Malalaman ko kung mahilig ka nga talaga sa arts."
Tinawanan lang niya ako at saka lumapit sa may island counter para panoorin ako sa ginagawa ko.
"May maganda bang nangyari sa araw mo?" tanong niya kaya napahinto ako sa pag-aalis ng plastic wrap ng instant lasagna nd garlic bread para lang tiningnan siya.
"Bakit mo naman natanong?" Itinuloy ko na ang paghahanda ng hapunan para sa aming dalawa saka ko isinalang sa microwave.
"Mukha kang okay ngayon. Kapag kasi nakikita kita, kung hindi ka mukhang galit sa mundo, parang sawang-sawa ka nang mabuhay e. Kumusta araw mo?"
Pagharap ko sa kanya, ipinatong ko agad ang mga braso ko sa counter saka siya proud na nginitian. "My day is okay. At least."
"Okay na araw. Puwede na rin."
"Curious ka ba sa nangyari sa araw ko, hmm?"
Nagpakita na naman ang hilera ng ngipin niya pagngiti niya sa tanong ko saka binalikan ang damit niyang basa ang banda sa kanang balikat. "Hindi naman sa curious ako sa araw mo. Gusto ko lang malaman kung sasagot ka sa tanong ko kung hindi ka nakainom."
Oh, so tingin niya naman sa 'kin, magsusungit every day? "And you have your answer. I did okay today."
"At least," pag-ulit niya sa sagot ko.
"Yeah, at least."
He smirked at me and he combed his wet hair once more. "Sana hindi mo pagsisihang pinapasok mo 'ko rito sa unit mo."
My eyebrows automatically raised after he said that. But it didn't sound like I should be threatened or something bad.
"Bakit naman ako magsisisi?"
He grinned at me and shook his head. "You'll see."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top