CHAPTER 3

Habang nasa biyahe kaming tatlo ay nag-uusap pa rin kami ni Zennea tungkol sa mga bagay-bagay habang si Kuya Jazz naman ay nakikinig lamang sa usapan namin habang nag da-drive. Sa buong biyahe ay puro's si Zennea ang nag-iingay. Siya lang naman kasi madaldal sa amin na kada-minuto ay may naiisip na kwento.

Hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa Mall na aming pupuntahan, na siyang pagmamay-ari ng aming pamilya; V-Mall. Hindi ko alam kung bakit V-Mall, dahil siguro sa unang letra ng aming apelyido o maari ring tag-tipid lang talaga sila sa letra.

Bumaba agad kami sa sasakyan na matapos itong hanapan ng pwesto'y agad na ipinarada. Nilakad namin ang pagitan ng Parking Lot hanggang sa mismong pasukan ng Mall.

Habang papasok pa lang kami ay nakahakot na agad kami ng tingin galing sa mga tao na nasa loob nito ngayon. Hindi ko na ipinagtataka ang atensyong makukuha namin. Sa gandang lalaki ba naman ng kasama ko at sa kaalamang anak si Kuya ng isa sa mayayamang tao sa mundo, magtataka ka pa ba? Syempre hindi na. Idagdag pa sa katotohanan ang gandang taglay namin ni Zennea. Okay, medyo humangin.

Nagtataka ba kayo kung bakit si Kuya lang ang kilala? Bakit pa kayo magtataka, halata namang hindi pabor sa akin yung Tatay ko.

Bulungan agad ang narinig namin galing sa mga tao. Hmm. I think hindi na matatawag na bulungan 'yon.  Kasi kahit ata lumabas ka eh rinig na rinig yung ingay na nalilikha nila habang nakikipag-usap sila sa mga kasama nila tungkol sa amin.

"Grabe. Ang gwapo naman nung guy. Sino kaya siya?"

"Hindi mo siya kilala, Bhekz? Ang hina mo naman sa chismiss. Sikat kaya 'yan."

"Bhekz, sa dami ng chismiss na nasagap mo, tingin ko matatalo mo na yung pinaka-sikat na reporter."

Bakit natawa ako sa kanila? Tiniis kong magpigil ng tawa upang hindi mapagkamalan na baliw.

"Ang hot nung chicks, Pards oh!"

"Oo nga, Pards eh. Ang swerte naman nung lalaking yan. Dala-dalawa ang chicks. Hayy. Sana ako nalang siya."

Sisiw ba yung tinutukoy nila sa chicks? Feeling ko lang. Lumutang pa saglit ang isip ko ngunit hindi ko man lang mabigyang kahulugan ang chicks na kanilang tinutukoy. Kahit ano atang pagiisip ang gawin ko ay hindi ko pa rin  mahinuna ng tama.

"Diba yung guy na 'yan ay anak ng isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo?"

"Oo nga, 'te. Siya yun! Wah! Dream come true 'to! Feeling ko lumulutang ako sa ka-gwapuhan niya!"

Bumagsak ka sana. Una mukha, please.

"Grabe, ang swerte naman natin girl para nakita ang anak ng isa sa pinakamayamang tao. Sa magazine at T.V. ko lang kasi nakikita 'yan eh. Pero, teka. Bakit kaya niya kasama 'yong dalawang babeng 'yan?"

"Girl, Sino kaya yung dalawang babaeng kasama niya?"

"Aba, ewan ko. Ba't ka sa akin nag-tatanong? Mukha ba akong interesado?"

I salute you, Girl.

"Siguro nilandi ng dalawang 'yan 'yong guy para makasama."

Huwag mo kaming itulad sa'yo 'te. Make-up mo pa lang pang-pokpok na. What more kung pati kilos? Hmm.

"Grabe, gurl. He's so hot and he's yummy too."

"Kuya! Akin ka na lang!!!"

Hindi ka type nito. Sorry, Sis. Mangarap ka na lang daw.

Bakit si Kuya lang ang kilala? Dahil siya lang naman ang ipinakilalang anak ni Dad, habang ako na Anak din ay hindi pa naipapakilala. Dahil din 'yon sa pagkamatay ni Mom na ako pa rin ang sinisisi. Hindi ko alam kung may iba pa bang dahilan kung bakit gan'on na lang ang trato niya sa akin.

"Pigilan niyo 'ko, Kuya! Pigilan niyo 'ko, kung hindi ay susugudin ko 'yong ulupong na yun! Sabihan ba naman kaming malandi!" Nanggigigil na reak ni Zennea habang pinapatunog ang kaniyang mga buto sa daliri. Mahahalata rin sa hilatsa ng kaniyang mukha ang pagkabanas sa mga narinig na salita.

Pero nagtataka talaga ako. Ano 'yong tinutukoy nilang sisiw? Iyan ang katanungan na nananatiling umiikot sa aking utak. Paniguradong hanggang sa pag-uwi ay akin pa rin itong iisipin. Napabitaw tuloy ako ng malalim na buntong hininga ng dahil doon.

"Huwag kang susuguod d'on Zennea baka mamatay ka." sakay at pang-aasar ko sa kaniya. Agad naman siyang sumimangot ng marinig niya ang sinabi ko. Ang cute niya talaga mainis.  Kaya ang sarap niyang asarin eh.

"Anyway, Saan tayo unang pupunta, girls?" tumatawang tanong sa amin ni Kuya. Napatigil naman kami sa paglalakad ng dahil sa kaniyang tanong sabay ang aking pagbaling kay Zennea na napatingin din pala sa akin.  Pansin pa ang pagkinang ng kaniyang mata na paniguradong gan'on din ang aking nagagawa. Isang tingin pa lang namin ay nagkakaintindihan na kami sa kung ano ang nais.

Uh-oh. Alam na.

"Fastfood!" magkapanabay na isinatinig namin habang tumatalon. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik kami sa pagiging bata. Natawa na lang si Kuya sa aming naging reaksiyon.

"Sige. Tara na, girls." tumatawa niyong wika.

Nakakagutom kayang bumiyahe, kahit na isang oras lang naman ang inaksaya namin. Pati nakakasayang ng enerhiya ang pakikinig sa mga pinagsasabi ng nasa paligid mo. Kaya mas mabuti talaga kung hindi na ito pinapansin.

Nilakad namin ang pinakamalapit na Fastfood na siyang matatagpuan dito sa loob ng Mall.

Pinasok namin ito't agad na pumwesto sa unang bakanteng upuan na aming natagpuan.

"Ano gusto niyo, girls? Ako na ang bibili."

"Alam mo na 'yon, Kuya."

Napatingin naman kami ni Kuya sa puwesto ni Zennea at hinintay ang kaniyang gusto. Naabutan pa namin 'tong nag-iisip ng malalim habang nakatitig sa lamesa.

"Hmm. Fries, burger, float, spaghetti, chicken, cheeseburger, pancake, coke, ice cream, sundae, burger steak..." at kung ano-ano pang pinag o-order nito.  Umabot pa ata sa kinse ang inorder niyang pagkain. Ata.

Napanganga naman kami ni kuya sa tinuran niya. Grabe talaga 'to pagdating sa pagkain. Akala mo naman mauubusan. Ang takaw lang talaga. Mapapailing ka na lang talaga sa katawan niya. Hindi kaya siya mauwi sa C.R nito?

"Teka! Bakit nakanga-nga kayo d'yan? May nasabi ba akong mali?" Tila natauhan naman kami ni Kuya sa sinabi nito.

"A-ah, 'yon lang ba ang gusto mo?" nauutal pang tanong ni Kuya sa kaniya. Tango na lamang ang isinagot nito. Marahil ay inaatake na talaga ng gutom.

"Okay. Hintayin niyo nalang ako." Sabay talikod nito papunta sa counter para mag-order.

Ilang oras pa ang inabot niya bago makarating kasama ng aming order. May kasunod pa nga siyang dalawang lalaki. Marahil ay nag-patulong siya sa pagbubuhat nito. Sa dami ba naman ng kinuha ni Zennea?

Habang kumakain kami ay nagsalita si Kuya upang basagin ang katahimikan. "So, saan ang sunod na pupuntahan natin?"

"Grocery nalang tayo Kuya para bukas." suhestiyon ko na siyang sinang-ayunan ni Zennea.

"Oo nga, Kuya." Tumatangong singit nito sabay subo ng kaniyang pagkain.

"Sige, tapusin nalang muna natin 'to tapos di-diretso na tayo doon." Sabi ni kuya at sinubo na ang huling kutsara.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni kuya na ikina-tango ko habang umiinom ng float at si Zennea naman na tumatango din habang umiinom din ng tubig.

Kahit gaano talaga kadami ang inorder niya ay nauubos niya agad 'to. Hindi ko lang talaga sigurado kung busog pa ba siya o hindi.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami agad doon at dumiretso sa Grocery Store pero habang naglalakad kami ay nakaramdam agad ako ng tawag ng kalikasan.

Sh!t. Bakit ngayon pa?

"Kuya, Zennea. Antayin niyo nalang ako. Didiretso lang ako sa C.R." 

"Sige. Basta bilisan mo lang ah?" Sabi ni Kuya sabay upo sa may malapit na bench kasunod ang tahimik na si Zennea. Busog na nga siya. Tahimik eh.

"Opo, Kuya." Sabay alis upang agad na dumiretso sa C.R.

Naglalakad na ako ng makaramdam ako ng may kumukulbit sa aking braso kung kaya't napahinto ako't agad siyang tiningnan. Nabungaran ko ang isang babae na naliligaw pa ata. Halata kasi ang pagod at pagkalito sa kaniyang mukha.

"Miss. Alam mo ba kung saan yung malapit na labasan?"

"Uhm. Diba 'yang diretso na 'yan? Kumanan ka pagkatapos ay kanan ulit then kumaliwa ka. 'Yon. 'Yon na yung pinakamalapit na exit na makikita mo." Tugon ko sa kaniya habang itinuturo ang direksyong sinasabi ko.

"Sige. Salamat, Miss." Nginitian ko lamang siya sabay tango pagkatapos ay agad na akong pumaling sa direksyon na dapat kong puntahan ngunit natigilan ako ulit ng may naramdaman akong bumuhos sa akin. Nararamdaman ko pa ang init na hatid nito sa aking balat. Tingin ko'y kape itong bumuhos sa akin.

Sh!t. Ang init! Piniste!

Naman! Tapos nadumihan pa ang damit ko. Buti na lang ay naka black t-shirt ako. Kung naka white ako siguro ay bamakat na ang panloob ko. Pero sh!t lang.

"Pota." Init kong bigkas sabay pagpag sa parte na natapunan ng kape dahil sa init.

"That's your fault, not mine." Ang boses na siyang nakapagpatunghay sa akin. Nang mapatingin ako sa kaniya ay isa itong lalaki. Malamang. Halata naman sa boses. Minsan talaga ang tanga ko.

Anong klaseng pag-uugali ang meron 'tong hinayupak na 'to? Ni hindi man lang nag-sorry. 'Yon pa talaga ang ibinungad niya.

"Wait. Paanong naging kasalanan ko? Bobo ka ba? Eh kung naka tingin ka sa dinadaanan mo edi sana hindi ka makakatapon."

"Kung tumitingin ka rin sana sa daan edi sana hindi karin matatapunan ng kapeng 'to."

Tanga. Nakahinto na ako. Paanong naging kasalanan ko pa? Imbis na isinatinig ko iyon ay hinayaan ko na lang ito sa isip ko't agad na lumayas. Malas. Makita ko lang ulit siya, baka masapak ko na siya. Ang yabang.

Napabuntong hininga na lang ako kasabay ng aking pagiling. Magpapalit pa tuloy ako ng damit.

Mapapabili pa tuloy ako nang wala sa oras. Kainis. Kung kelan wala akong extrang damit. Buti sana kung ka-gwapuhan—well, gwapo talaga siya— pero! Para sa akin ay hindi.

---

Ang corny ng chapter na 'to. HAHAHA.

Kung may nagbabasa man? Well, salamat sa oras na iyong iginugol pa ra lamang sa kabanatang ito. Madami talagang salamat! Mwah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top