CHAPTER 1
"Chantalle!" Sigaw ni Zennea habang papasok sa loob ng sala.
Nandito kasi ako sa sala ng bahay namin. Pagkarating niya sa kinaroroonan ko ay agad siyang umupo sa tabi ko.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Umayos muna siya ng upo bago magsalita, "Pinapatanong nga pala nina Danica kung sasama ka ba. Sa miyerkules na daw ang alis papunta sa isang isla. So, are you coming with us?"
Miyeskules? Hmm. Buti na lang wala akong schedule sa araw na yon. Which is bukas na.
"Sure. Sino-sino ba ang mga sasama?" Mabilis kong sagot sa kaniya. Wala ng pagdadalawang-isip. Nakakaburyo na rin dito sa bahay.
"Hmm. Ako, si Joresse, si Danica, si Lucas tapos yung mga kaibigan niya."
"Ah. Pero, bakit kasama si Lucas?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Siya kasi ang nagyaya eh."
"Hmm. Saan naman tayo mag kikita-kita?"
"Ang sabi ni Lucas, sa bahay na lang daw tayo ni Danica magkita-kita. Mas malapit daw kasi sa kanila yun."
"Oh, okay. Gusto mo ba muna ng maiinom?"
"Sige." Walang pag dadalawang isip na sagot niya.
"Manang." Malakas na tawag ko mula sa aming kinaroroonan. Hindi rin nagtagal ay nakarinig ako ng mga nagmamadaling yabag patungo sa aming direksyon.
"Bakit, Jiha?" Turan ni Manang pagkarating.
"Pakihanda po ng dalawang juice para sa amin ni Zennea, Manang." Magalang na sagot ko sa kaniya. Nakita ko pa ang marahang pagtango niya bago sumagot. "Sige. Pakihintay na lang, Jiha."
"Salamat po, Manang."
"Walang ano man, Jiha." Sabay ngiti niya sa akin at tsaka nito binagtas ang daan papuntang kusina upang ihanda ang aming magiging inumin.
"Padagdag din po ng meryenda, Manang! Love you!" Pahabol na sigaw ni Zennea sa papaliit na pigura ni Manang.
Walang kahihiyan talaga 'tong babaeng ito. Feel at home talaga ang bruha.
"Tss. Bakit kaya kapag pagkain, ang bilis mo? Kaya ka tumataba eh. Wala ka bang balak mag diet?" Muling baling ko kay Zennea pag kaalis ni Manang na ikinasimangot naman ng huli. Though, hindi talaga simangot kasi ngumuso pa siya. Nagpi-feeling cute si bruha.
Kapag sumisimangot talaga 'tong babaeng ito, Hindi ko talaga naiiwasan na maikumpara siya kay Annabelle. Medyo magiging creepy yung paraan ng pagsimangot niya eh. Lol.
"Sama mo." Sabi niya na ikina-tawa ko lamang. Wala pang limang minuto ay agad ding dumating si manang dala-dala ang isang tray na naglalaman ng meryenda at dalawang baso ng juice na aming hiningi. "Salamat po, Manang." sabi ko kay Manang na ikinangiti niya rin.
Mga ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan ni Zennea tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa napagpasyahan niya ng umuwi sa kadahilanang mag-gagabi na.
Ilang oras akong tumambay sa sala habang nakatulala. Iyon lang naman ang lagi kong ginagawa sa bahay na 'to. Pero mukha talaga akong eng-eng dito kung pagmamasdan mo.
Magmumukha akong naengkanto ni Annabelle. Hehe.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking Cellphone sa aking tabi kaya agad ko ito kinuha't binasa ang kapapasok lang na mensahe.
—
From: Bff na Patay Gutom
Today, 3:25pm
Nga pala, nakalikutan kong sabihin. Magdala ka ng damit na kakasya sa loob ng labing apat na araw.
—
Tinitigan ko ng ilang minuto ang mensahe ng may sunod-sunod na pumasok ulit na panibago't siyang ikinakunot ng aking noo.
—
Today, 3:26pm
Maghanda ka ng snacks ah? Hehe.
Today, 3:26pm
Magdala ka rin swimsuit. Hihi. Time mo na para humarot. Walang halong charot. ;)
—
Napailing-iling na lang ako sa kalokohan ng babaeng yun.
Siya nga pala, ang babaeng kausap ko kanina ay si Zennea Dela Mercedez. 17 years old din katulad ko. May kaya lang sila sa buhay, kumbaga nasa gitna, medyo mahirap at mayaman, pero kahit ganon ang estado niya sa buhay ay tanggap ko parin siya bilang isa sa mga kaibigan ko.
---
I woke up early to do my morning routine. After that, I walk down through the stairs and strides my way towards the kitchen.
When I step my foot in the kitchen, I saw my Dad sipping some coffee while reading a newspaper. I interrupted him before he took some sip on the cup of coffee.
"Good Morning." I greeted him. He didn't threw a stare at me.
He didn't pay any of his attention as if pretending that he hasn't heard of my greet. He stills continue with what his doing that sent painful waves into my heart.
I flinched with his usually greeting, which is silence. Totally ignoring my whole existence.
I was hurt. I admit.
Dumiretso nalang ako sa ref at kumuha ng gatas, pagkalagay ko sa baso ng gatas ay agad ko itong ininom.
"Dad, aalis po kami bukas nila Danica." Sabi ko habang nakatitig sa kaniya na humihigop parin ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
Tumingin siya sa akin ng sandali bago magsalita.
"Then leave. I don't know you anyway. Who are you, again?"
Hindi na ako nagulat nung sinabi niya yun.
Pano ba naman kasi, lagi na siyang ganyan simula noong mamatay si mommy mula sa isang hindi inaasahang trahedya.
It's been 12 years already since that tragedy happened that ruin my fathers trust for me. That tradegy that become my nightmare.
5 years old ako ng mangyari ang trahedya na naging dahilan upang sisihin ako ni Dad kung bakit namatay si Mommy.
Pinilit ko si Mommy upang lumabas ng bahay para matupad ang aking nais.
Noong mga panahon na iyon ay nais ko lamang muling masilayan ang labas ng aming tahanan. Nais ko lamang libutin ang paligid ng kinatitirikan ng aming magarbong mansyon na ilang buwan kong naging kulungan.
Hindi ko man lang inalintana ang panganib na nagbabadya na sa aming pamilya na sumira. Hindi ko man lang naisa-puso ang paulit-ulit na babala ng aking Ama, na ang labas ng aming tirahan ay isang delekadong kapaligiran para sa aming mayayaman.
Ipinilit ko parin sa Aking Ina na lumabas. Upang makapaglaro ng malaya. Makain ang naising kainin. Lasapin ang pagiging malaya na nagudyok sa aming kalaban upang kumilos ng naayon sa kanilang plano. Planong sumira sa aking kainosentehan at kamangmangan.
Nasa Parke kami ng tanghaling iyon. Mataas ang tirik ng araw. Ang init na tumatama sa aking balat ay hindi na inalintana upang maisakatiparan ang nais na paglalaro. Kasabay rin nito ang mainit na simoy ng hangin na siyang dumadampi sa aking katawan. Tagaktak ang pawis habang nagsasaya. Pilit na isinasawalang bahala ang pawis na nagpapalagkit sa aking pakiramdam.
Mas pinili ni Mommy na manatili sa isang tabi habang pinapanood ang aking pagliliwaliw.
Nakikinita ko pa ang kaniyang masayang pagngiti tuwing napapasulyap ako sa kaniya. Kapag ganon ay akin rin siyang malugod na ginagantihan ng malapad na pagngiti.
Hanggang sa may natanaw akong mga kalalakihan na patungo sa likod ng aking Ina. Balot ang kanilang mga mukha ng itim na tela. Itinatago ang kanilang mukha at ibinabalandra ang kanilang mga mata.
Hindi ko pinansin ang aking napansin at muling itinuloy ang paglalaro. Ibinabaling sa iba ang atensyon. Pilit isinasawalang bahala ang mga napansin. Isinasawapang kibo ang panganib.
Ngunit iyon na pala ang aking pagkakamali. Naging mangmang ako. Nagkamali ako sa pambabaliwala. Iyon na pala ang huling ngiti na makikita mula sa labi ng aking Ina.
Doon nagsimula ang tuluyan ng pambabaliwala ng aking Ama. Isinasawalang kibo ang aking presensya. Mas malala sa nakaraan niyang ginagawa noong nabubuhay pa ang aking Ina.
Noon, minsan niya na lang ako kausapin, pero ngayon hindi na gaano. Kung kakausapin naman niya ako minsan pabalang pa o masasakit na salita ang mga sinasabi niya.
I can't take this anymore, pero kailangan kong tiisin. Kasi someday, He will realize na hindi ko ginusto na mawala si mommy.
I miss my family. I don't know what to do. Ginagawa ko naman ang lahat, kaso binabaliwala lang niya.
Hindi ko alam kung ilang oras akong tumalala sa pwestong iyon. Hawak-hawak pa rin ang baso ng gatas na wala ng laman. Paglingon ko sa pwesto ng aking Ama'y agad akong nadismaya. Nakaalis na siya. Sinamantala niya siguro ang ilang oras kong pagtanga roon upang iwasan na makita ang aking pagmumukha. Hindi nito siguro makaya ang aking walang kwentang presensya.
Pagkatapos kong hugasan ang basong ginamit ko ay agad naghanda para sa aking makakain ngayong umagahan. Pagkatapos noon ay agad na akong umakyat upang ihanda ang mga kakaylanganin gamit para sa nasabing Outing na aming gagawin magbabarkada.
Magaayos na lang siguro ako ng mga dadalhin paran hindi na hassle bukas.
---
Edited. Though, hindi ako sigurado sa mga typos. Ang sakit na kasi ng mata ko. Hindi tuloy ako makatutok masyado sa page-edit.
Tsaka hello po kay DanayaKing kasi napansin mo po yung nakatago sa bangang gawa ko. Hihi. Super thank you po.
Thank you rin sa mga magbabasa, kung meron.
Pronounciation of Names:
Chantalle- Shantal
Zennea- Zeneya
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top