A DAY WITH HIM
Tahimik akong nagmamasid sa nakakahangang tanawin sa akong harapan. Tanawing bibihirang matagpuan sa lungsod na aking pinagmulan.
Habang dinadama ang banayad na paghampas ng hangin sa aking balat, kasabay rin nito ang malayang pagsabay sa daloy ng hangin ang aking mahabang itim na itim na buhok.
Pinagsawa ko ang aking mata sa ganda ng tanawing nakalantad sa aking paningin.
Nasa tabi ako ng bangin, pinapakiramdaman ang kalayaang ipinapahatid ng aking kapaligiran. Ang bawat berdeng kulay na nakapalibot sa aking paligid ang siyang naghahatid ng mabining kapayapaan sa aking kaloob-looban. Ang simoy ng tubig dagat na aking sinasamyo ay nagdudulot ng pagtigil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Ang kapaligiran na tahimik kong pinagmamasdam ay siyang nagpapakalma sa emosyon ko'ng kanina pa nagkakagulo.
Ang paghahalo ng kulay ng dagat at ng kulay na inililikha ng papalubog na araw ay ang siyang labis na nagpaganda sa kapaligiran. Kagandahang bibihirang matanaw sa kung saan. Kagandahang bibihira lang ang magkaroon ng tsansang pagmasdan. Kagandahang iilan lamang ang nakakatuklas.
Ngunit nasira ang kapayapaang ito ng may maramdaman ako'ng tao na siyang dahan-dahang ng lumalapit sa aking kinalulugaran, taong nagpabalik ng mga problemang saglit kong iniwasan. Taong nagdudulot ng sakit na ilang beses ko ng nadarama mula sa iba't-ibang tao na aking pinapahalagahan.
Tumigil siya sa aking tabi na may sapat na distansya. Distansyang nagpapalala ng sakit na aking ilang beses ng tiniis.
Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ang naudlot na pagtanaw sa paligid. Dinig ko pa ang malakas nitong pagbuntong hininga na tila may malalim na dinadamang problema.
Hindi na ako nakatiis sa katahimikan mula ng siya'y dumating kung kaya't umusal na ako ng salita na siyang ikinasulyap niya sa akin saglit.
"Bakit mo ako iniiwasan? Akala ko ba Mahal mo ako? Bakit parang napadaka-dali sa inyong sabihin ang salitang iyon ngunit makaraan lamang ng ilang minuto o araw ay iiwasan niyo ako na tila ba wala kayong iniusal na ganoong salita?" Mahinahon kong saad sa kaniya. Hindi ko pa rin siya nililingon sa aking gilid pagkat nakakaramdam pa rin ako ng sakit na pilit sumisiksik sa aking kaibuturan. Idinaan ko na lamang ito sa pagbuntong hininga kasabay ng mahinang pagiling.
"I'm just scared." Halos pabulong niya ng anas ngunit hindi ito nakatakas sa aking malinaw na pandinig.
Nilingon ko siya saglit bago magtanong muli, "Scared of what?"
"Of everything. So many 'What If' that run through my head. What if you still have feelings for your Ex? What if some people might be a hindrance for us? What if they seperate us? I'm just scared that maybe one day, I'll loss you." Mahina niya pa ring saad ngunit tila may mikropono siyang dala kung kaya't dinig na dinig ko.
Humarap ako sa kaniya upang hawakan siya sa balikat at dahan-dahang dahang ipinihit paharap sa akin. Iniaangat ko ang aking mga kamay upang ihaplos ng dahan-dahan sa kaniyang mga pisngi. Inihawak niya naman ang kaniyang mga kamay upang mas idiin ang aking mga palad. Idinidiin ang aking mga palad sa pisngi upang damhin ang pagkakalapat nito.
"Pero bakit kaylangan mong umiwas? Pwede mo naman akong kausapin. Handa naman kitang piakinggan sa bawat hinaing mo." Mahina kong saad sa kaniya. Yumuko siya ng kaunti upang hapikan ang tungki ng aking ilong. "Alam mo bang ang sakit-sakit kapag iniiwasan mo ako? Ang sakit kapag hindi mo ako pinapansin na para akong isang hangin sa harapan mo. Ang sakit kapag binabaliwala mo ako. Ang sakit kapag sinusubukan kong salubungin ang mata mo pero mas iniiwas mo ito."
"I'm sorry."
Mahina na lang akong napabuntong hininga ng iniiwas niya na naman ang kaniyang tingin.
"Basta huwag mo ng uulitin. Hmm?" Mahinahon ko ng saad sabay dampi ng mabining halik sa kaniyang labi. Nang dahil doon ay nagawa na niyang ibaling ang kaniyang tingin sa aking mata.
"I'll try. I love you." Mga salitang lubos ng nagpahinahon sa akin kasabay ng kapaligirang siyang saksi sa pagsisimula ng aming pagiibigan na sinalungat ng iba't-ibang problema.
---
Sorry, Guys. Inaayos ko pa kasi yung ibang Chapter. Napapangitan kasi ako. Hehe.
P. S. Please bear with my grammar. Huhu.
Thank you pala sa mga magbabasa. LABYU, GUYS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top