The Day Before You
ALEXIS' POV
"Ahh... hmm... please. More..."
Tila ba kinurot ang buo kong mukha sa pagdududa sa tunog na nanggaling sa kung saan. Sa isip-isip ko, paanong magkakaroon ng ingay kung ang aga-aga pa lang at Linggo ngayon. Ilang dekada pa ang hihintayin para matutong gumising para sa pagsimba ang mga kaibigan ko. Tingin ko nga, isang tapak lang nila sa sementadong hagdan papasok ng simbahan, makakaramdam na kaagad sila ng pitik ni Satanas 'e.
Dumampot na lang ako ng unan sa kung saan at itinapal sa tenga ko sa pag-asang mawawala ang ingay. Pabalik na sana ako sa kaninang panaginip ko kung saan may magandang babae ang nagyayaya sa'kin makipag-date nang mas lumakas ang ingay. Punyeta naman!
"Harder... ahh... harder, please..."
What the fuck?
Dali-dali na lang akong napaupo mula sa pagkakahiga at naitapon ko na lang ang unang kaninang nakatakip sa tenga ko. May suspetya kong in-obserbahan ang buong kwarto, nakikiramdam at nagmamasid kung saan maaaring nanggagaling ang iskandalosong ungol na 'yon. Dapat talaga mag-request na kami sa administration na ipa-soundproof ang bawat pader ng mga kwarto namin 'e. Hindi naman sa nagmamalinis ako pero at least, kapag gagawa ako ng hindi disente, sinisigurado kong walang ibang maaabala.
Wearing the most fitting expression that I could wear to show my dismay, I pushed my blanket aside and stood up to follow the sounds. Habang patagal nang patagal, mas lumalakas. Nice, mayroon na talagang mapapatulog sa labas si Kia kapag nagkataon. Pagbukas ko ng pinto, unang nilagapakan ng mga mata ko si Collen na may hawak-hawak ang cellphone. "Bakit ka rito nanonood sa labas ng kwarto ko?"
"Bahay mo ba 'to para magreklamo?" balik niyang tanong sa'kin. Aba't! 'E bakit ka ma-attitude, ha?!
"Ang sarap..."
"By the gods, Collen, is that yours?" gulat kong tanong sa kanya nang mapagtantong sa cellphone niya nagmumula ang mga nakakapangilabot na ungol ng babae na sumira sa tulog ko. Minsan na nga lang makabawi ng tulog, saka pa masisira nang dahil sa kalibugan ng kaibigan ko. "Are you seriously watching porn in front of my room?!" I can't believe that of all place, dito pa. Dito pa niya naisipang manood!
"What? It's not—"
"Mukha ba akong tanga, Lee? Nakarinig na ako ng ungol ng babae. Sana naman sa banyo o sa kwarto mo na lang 'yan pinagpatuloy, ano?" sermon ko sa kanya. Kalaki-laking tao, may buhok na sa lahat ng parte ng katawan at hindi pa alam kung saan dapat ginagawa ang mga dapat tinatago sa publiko. Dios mio. Napapa-sign of the cross na lang talaga ako 'e.
Akmang papasok na sana ako ulit sa kwarto ko para matulog nang hatakin ng intsik na 'to ang buhok ko. "At bakit ka pa babalik diyan? Tutulungan mo pa kami magluto!" Nagtataka ko naman siyang tingnan dahil anong oras pa lang at paniguradong pagbaba naman namin ay may inihain na sina Kia, Courtney, at Thelina. Leave the cooking to the women. Para namang may pag-asa kami magluto ng edible na pagkain. Omelette nga kailangan pa naming pagtulung-tulungan 'e!
"Mukha ka ngang tanga, Samonte na mukhang sayote. Nakalimutan mo na ba? Tayo ang naka-duty ngayon sa pagluluto dahil ikaw at ang matalik mong kumpare na si Nathan ay na-late ng uwi n'ong nakaraan. At ito..." Iniharap niya sa akin ang cellphone niya at halos mapapikit ako dahil balak pa yata niya i-share ang blessings sa monitor niya. Kaso, imbes na milagro, kawali't kaserola ang nakita ko. He's watching a cooking show?
I looked at him in confusion. "Tayo ang magluluto? Kahit sina Spade?"
Mabilis na lumipad ang palad niya sa noo ko. "Malamang! Kailan pa na-exempt si king sa duty? Para namang may kawala siya kina Kia. Outside our house is a huge forest and Kia has her bow and arrows! You'll be like a boar being hunted by a huntress in the jungle!"
Aish. Malas naman 'o! If Spade's no exception, then I don't have a reason to refuse the duty. Kung pwede lang sana magdala ng katulong dito sa headquarters 'e. I followed Collen down to the kitchen with a heavy heart, realizing that it's actually three in the afternoon and not in the morning. I've been sleeping for half a day and the girls are about to go back from their girls' day.
I was welcomed by the boys in the kitchen with a flying spatula which I immediately dodged. "Good lord," nabulalas ko na lang. It will be a miracle if we don't turn this house upside down before the girls come back.
"Gising na ang prinsesa!" hiyaw ni Marc na kakatapos lang maghugas ng kawali at nanggigigil na winisikan pa ako ng tubig. Parang bata talaga 'to! Hindi ko naman kasalanan na late akong nagising. Ang sarap-sarap matulog 'e.
Papunta na ako sa may sink para maghugas ng kamay nang nanlolokong hinablot ni Ed ang pisngi ko at ang bewang ko. "What the—" I wasn't able to make out of my words. He swiftly closed our distance and put his lips near to mine. Kaunting piglas at madidisgrasya ang lucious lips ko.
"Do you need a kiss next time, sleeping beauty?" he jokingly said which made the others laugh and tease me more. Sa hiya ko, tinapakan ko na lang ang paa niya at tinulak siya nang doon mapunta ang atensyon niya. Ni hindi naman makitaan ang inis ang mukha nito at parang nang-aasar pa siyang lumayo.
Ako na lang ba matino sa aming mga lalaki?!
Nandidiri akong tumulong sa paghiwa ng pipino sa tabi ni Spade na 'di rin maiwasan ang pagngisi nang makita akong dumikit sa kanya. Lord! Lamunin niyo na po ang mga taong 'to at ipadala sa ikalaliman ng lupa! Maalala ko lang ang mga labi ni Ed na papalapit sa akin kanina, may kung anong lamig na kaagad akong naramdaman sa likod ko. Isinantabi ko na lang 'yon at sinimulang maghiwa.
"Hoy, Nathan. Anong gagawin mo diyan sa karne?"
"Ilalagay ko na sa kaserola. Bakit?"
"Pinakuluan mo ba 'yan?"
"Hindi. Kailangan ba 'yon?"
"Hangal. Tabi nga diyan."
Naiiling kong pinanood na tinulak ni Collen si Nathan palayo at nagsimulang gawin ang pagpapakulo habang pinepwesto nang maayos ang phone niya sa tabi kung saan mapapanood niya ang susunod na gagawin sa pagluluto. Napabuntong-hininga na lang ako. Sana lang may improvement na ang luto namin. Kami rin ang kakain nito sa huli 'e. Kapag may natira, kami rin ang kakain.
"Ang bilis ng bakasyon 'no? Bukas pasukan na naman. Last year na!" masayang banggit ni Marc na nagsusukat ng tubig para sa sinaing. May pagamit-gamit pa ng pinky finger ang loko 'e hindi naman siya marunong. Sus.
Pero, oo nga. Pasukan na pala bukas. Ang bilis. Sooner or later, we have to move out of this academy and choose a university where we'll take our undergraduate studies. Sa isang iglap, parang lumubog ang tiyan ko. Hindi ko maisip na magkakahiwalay na kami balang araw. Medyo malayo pa kung bibilangin ang mga araw pero hindi mo rin naman mamamalayan ang takbo ng oras. Malabo namang magkasama-sama pa kami kahit may mga libreng oras kami dahil magkakaiba ang gusto naming tahaking propesyon balang araw. Si Spade, gustong mag-aral tungkol sa mga batas at regulasyon. Si Collen balak magdoktor. Si Courtney, ngayon pa lang pati master's pinag-iisipan na. Si Marc naman gustong mag-enroll sa isang sports university. E ako?
Grabe. Parang ngayon ko lang naramdaman na ako na lang yata ang wala plano sa buhay pagtapos ng taon na 'to. Lahat sila may mga ideya na kung ano ang kukunin nila sa kolehiyo pero ako? Wala pa rin. Ekis. Blangko. Madilim ang kinabukasan. I might spend the whole year thinking endlessly of what I will do once my senior high school life is done. I've been so busy living the present that I forgot that I have to shape my future.
"Galing ako sa admissions kanina. I heard we're getting a female transferee that has been kicked out of a school because she smashed her classmate's face to the ground. Na-ospital pero hindi naman nagsampa ng kaso dahil mayaman ang pamilya." Napaangat naman ang ulo ko sa nakwento ni Edward.
I stopped cutting and straightened my back to sink his story in. "Wouldn't she be a headache for us? Baka first day pa lang, kailangan na natin siyang ikompronta." Of course, this school is a haven of Blacksheep and rebels. That's already a given. It's one of the primary reasons why this school exists. However, it's our last year. Couldn't it be a bit peaceful and smooth? Matapos ang ilang taong pagsisilbi bilang miyembro ng HEAD, pagod na rin akong magparusa ng mga estudyante. Ang mahirap ay kung makatagpo pa ng mga kaaway ang transferee na 'yon. Baka hindi na siya makakapagtapos pa. Diploma lang ang ligtas na paraan para makalabas dito.
"You know the rules. We can either dispose of her or torture her into a behave little rabbit," the king reminded, not unwavering from cutting the carrots and cabbages. Somehow, it made me feel bad to hear him put it that way.
Being a king or queen in this campus has its perks, yes. But they also have cons attached. We're living in the most comfortable unit the academy could offer. However, the work required to compensate for it is not that comfortable, if you ask me. When we started, it's not easy to punish a fellow classmate that could keep a grudge for years. The most unforgettable ones are the most complicated cases we've encountered. The more horrible the students are, the more terrifying we should be. The administration doesn't tolerate the offenses the students committed in their previous schools. They use it against them and iron them. They became rebellious, yet tamable. It's like keeping an aggressive dog locked in a cage.
That's how the whole studentry is. That's what we all are.
Walang gana kong tinapos ang naka-assign sa'king trabaho habang tumatakbo sa utak ko ang mga 'yon. "Nga pala, nasaan si Skyzzer?" usisa ko nang magkaroon ako ng panahong magpahinga sa may counter.
"Kakaalis lang kanina. Ginamit ang pass niya dahil pinatawag daw siya ng pinsan niya sa ancestral house nila." Well, I couldn't care less. Sanchez is being called occasionally by his cousin every year. I don't know what it's all about and he seems pretty tight about it as well so we never really get to ask. All we're certain of is that he's a huge ball of joy.
While indulging my spare moments before I serve the front lines and with that, I mean the stove, I noticed the new set of flowers on a vase nearby. Since it's the first thing you'll see when you come into the house, there's no excuse for you not to remember its image. I swear they are roses yesterday, but now, they're amaranthus.
Hindi naman siguro nagtatransfrom ang mga rosas into amaranthus, 'di ba?
"Oh, they came from the bouquet Spade got," Marc answered the million-dollar question in my head. Perhaps, I've been eyeing it too much that he noticed my wonder about it. Even so, his answer only engrossed my mind more. Did Spade get a bouquet?
Malisyoso akong lumapit kay Spade na mabilis inilayo ang tingin nang madakuan ko siya. "Galing ka bang kasal, king? Paano ka nagkaroon ng bouquet?" He uncomfortably moved his chopping board away from me, creating a distance. That's why it only tickles my curiosity more about how he got it. He's not the type to accept anything unless he has to. And of all things that he could accept, a bouquet? Really?
"Fuck off, Samonte."
Hindi naman ako nagpatalo at sumunod pa rin ako sa kinatatayuan niya. "Dali na, Spade. Saan mo nga nakuha 'yun? Sa babae ba? Sino? 'Yung brunette ba nung isang linggo? O 'yung may natural wavy hair na taga-Reighzine?" Kalabog ng kutsilyo sa tadtaran naman ang tinugon niya sa'kin. Agad na napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa aming dalawa. Bahagyang napaurong na rin ako kasi mahirap na at baka bigla na lang magwasiwas na kutsilyo 'to.
"First of all, it's not from a girl. Not exactly," he trailed off.
Not exactly? So... bakla? Tomboy? Hindi man lang linawin, nako.
Tila mga tsismoso namang napabitaw sa kani-kanilang hawak-hawak ang mga loko at pasimpleng lumapit para marinig ang mga sasabihin ni Spade. Kung hindi pa pala ako magtatanong, hindi rin aalamin ng mga 'to. Mga kailangan pa ng alay.
He then glanced at me with uncertainty, his eyes unable to communicate with mine. "Napadaan ako sa isang kasalang bayan tapos... ayan. Na... Nasalo ko."
"Ha?" Sabay-sabay na humaba ang mga leeg at tenga namin dulot ng mahinang pagbanggit niya sa mga huling salita ng pangungusap. Ano raw? Dahil dito, hindi na namin natiis na magsilapagan ng siko sa counter na pinagtatrabahuhan niya at abangan ang pag-ulit niya. King watched us with irritation, knowingly that we won't stop until he tells it all.
"I caught it accidentally!" he exclaimed and he stormed off. Hinawi niya kami sa daan at dali-daling nagtungo sa pinto para lumabas. Dinabugan pa nga kami 'e. Hindi namin alam pero imbes na manginig sa takot na nainis namin siya, unti-unting nagsilayan ang mga ngiti namin nang maisip na mayroon na kaming maipang-aasar sa kanya.
We tried to visualize what could've happened for him to get it until we laugh over and over. Sa kasalang bayan pa talaga siya nakasalo ng bouquet. I'm already wiping my tears of joy from laughing when Castillo pointed out a superstition in regard to catching a wedding bouquet.
"Tingin ko siya ang unang ikakasal sa'tin."
"Ba't mo naman nasabi?" Ed questioned with an unremovable smile after we joke around what happened to our mighty serious leader. It's not every day you can tease him, you know. Spade's always so intense. I mean, he can hang out with us and have fun with us, but you can't really see him going all out.
Napag-usapan na rin namin dati nung high school kami na baka bakla siya at nahihiya lang siyang umamin sa'min dahil puro kami lalaki kaso hindi 'e. The guy's as sinful as we are too. He's as hotblooded as we are too. Then, we thought he could be suffering from a particular disorder. We even seduced the nurse from the infirmary just to have a spare moment to check his medical history but nothing.
"'Di ba ang sabi ng mga matatanda, kapag nakasalo ka ng bouquet, ikaw ang susunod na ikakasal?"
Halos magkibit-balikat naman kami roon. Ni wala ngang girlfriend si Spade, mauuna pa kayang mag-asawa? Si Ed siguro, pwede. He has already planned most of his life while we're in high school. At isa pa, hindi naman siguro siya magkakaroon ng problema sa babae. Kami pa bang magkakaibigan? Kaya kung magpupustahan kami ngayon, aabutan ko pa ng sampung libo 'tong si Jonathan. Ekis 'yang teorya niya na si Spade mauuna sa'ming magpakasal.
Pagkatakip sa niluluto, palakad-lakad na nilalaro ni Collen ang sandok na siyang mabilis na sinita ni Marc dahil nahihilo raw siya. "Sorry. I just remembered that sketch, you know? The reason why we're never entering king's room again?" It made us rummage through our memories to recall what he's pertaining to until as if a lightbulb switched on beside us, we stared at each other in surprise.
"Well, Vantress is not exactly the type to show off his art skills, but that's a child. Sinasabi mo bang pedophile ang pinuno natin, intsik?" naaalibadbarang tanong ko sa kanya na ikinairap niya.
May isang beses na sinubukan naming mangialam sa kwarto ni Spade. At oo, pinagsisihan naman naming malala dahil ilang araw din kaming nag-student assistant bilang parusa sa ginawa namin. We don't really intend to impose. Gusto lang naming malaman kung may tinatago ba siya sa'min na hindi niya lang sinasabi dahil nahihiya siya. Katulad nga ng nabanggit ko, pinaghinalaan namin siyang bakla at para sa ikakapayapa ng mga utak at katawan namin, sinakto naming hanggang pang-gabi ang klase niya.
Napapamewang sa kabilang banda si Marc. "Or a childhood sweetheart?"
We nodded in amusement to Marc's guess that we also filled the kitchen with 'ooohh' sounds. That would be interesting if the reason why Spade's not enjoying his bachelor days to the fullest is that he's in love with a girl he met in the past. It will make sense as to why he keeps a sketchbook full of her images and why he's pretty picky to women that will approach him. I don't take our leader for a sentimental guy.
Nagsibalikan na rin kami sa trabaho nang makatanggap ng mensahe si Collen galing kay Kia na pauwi na sila. Gayunpaman, hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa batang babae na 'yon.
"Don't ever touch my stuff again!"
He's furious that day no matter how we think how hilarious we did was. He held the sketchbook to his chest as if it's some national treasure that cannot be touched by anyone else except him, the keeper of it. We're quite close with Spade since we pretty much grew up together from high school, yet I never heard him mention a girl's name except for his mother, sisters, and aunts. If she's a childhood sweetheart, why does he have to be that protective for a sketch? Doesn't he have any picture with her?
That girl is special, I can feel it. Why else would he keep the bouquet if he can give it away or return it? My mom owns a flower business and she gave me a little lesson about her babies. Amaranthus symbolizes constant, unchangeable, and immortal love.
I'm not really into superstition pero kung si Spade nga ang unang ikakasal sa'ming mga HEAD, sana d'on sa babaeng 'yon na lagi niyang ginuguhit. Sana balang araw, makilala na rin namin siya at sana makasama rin namin siya at walang sawang ipapaalala sa kanya na maswerte siyang si Spade William Vantress ang napangasawa niya.
There's only one year left for us to spend together. I'm not sure of what to do yet, but my first wish is that once we graduate, I hope I can meet the future Mrs. Vantress.
...at sana pala marunong siyang magluto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top