Chapter 7: The warning

Chapter 7:

"Sunny will replace Alex. She will be your temporary assistant for a month."

Tila nabingi ako sa sinabing iyon ni Ms. Belendes. Ilang segundo bago mag-process sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya. Pati ang mga ibang taong naririto ay nagbulungan.

Wat da pak? Temporary assistant?

Para saan?

Nalilitong tiningan ko siya. "Miss, ano pong temporary assistant?"

"Temporary assistant. Meaning, ikaw ang magiging kasama ni Glen sa lahat ng mga gagawin niya rito sa school and other events."

"P-Po?" Napakurap ako sa kanyang sinabi saka agad na napalingon kay Glen na may nalilitong tingin sa amin.

"You heard it, Sunny. Magiging parte ka na sa mga plano namin for this year."

"E-Eh? B-Bakit po ako?" nalilitong tanong ko sabay turo sa sarili. "H-Hindi po ako magaling at matalino sa mga ganito. Saka isa pa po, hindi naman ako kabilang sa council."

Parang tanga 'ata 'tong si Ms. Belendes. 'Di niya 'ata alam na sa teatro lang ako magaling. Gusto niya 'ata akong patawanin, e.

Humarap sa akin si Ms. Belendes saka hinawakan ako sa balikat sabay bumuntong-hininga.

"Sunny, I know this is a sudden but please give it a try."

"Pero, miss, hindi ko po alam kung anong ginagawa rito. Isa pa, ayaw ko pong mapabilang sa mga governments and council chuchu kaya iba na lang po ang piliin ninyo kasi hindi po ako nababagay sa mga ganito—"

"Shh!" Kumumpas si Ms. Belendes upang patahimikin ako. "Before you conclude, just let me explain to you the things that we are going to do. Para naman maliwanagan ka."

Hinila niya ako paupo sa tabi ni Glen na siyang ikinagulat ko.

"Miss—"

"Just sit there and listen to me, okay?"

"Pero—"

Wala na akong nagawa nang muli siyang bumalik sa harapan at nagpaliwanag. Ako naman ay hindi na mapakali sa kinauupuan. Pati ang tibok ng puso ko ay unti-unting umuusbong.

Langya, sino ba namang hindi kakabahan kung katabi ko lang naman si Glen na siyang nabiktima ng halik noon at tinakbuhan ko kanina lang?

Hutek. Pakiramdam ko tuloy ay masyadong mainit ang lugar kahit naka-aircon naman. Kahit hindi ako tumingin ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Glen sa tabi ko. Pinagpawisan tuloy ako nang malamig. Pati paglunok ng laway at paghinga ay nahirapan ako. Ang awkward ng sitwasyon ko, jusko.

Parang gusto ko na lang tuloy tumakbo ngayon palabas ng silid. Anong malay ko na bigla akong jumbagin ng lalaking ito dahil sa pang-iistorbo ko ng drama scene niya kanina? Karma na ba ito dahil sa pagtakas ko kanina?

"What a great coincidence."

Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Nasa harapan pa rin ang tingin niya pero ang kanyang daliri ay naglalaro sa mesa. Maya-maya pa ay nilingon niya ako na siyang muntik ko nang ikinagulat.

"The last time you did to me was a kiss, and now, after you heard our conversation earlier, you'll become my temporary assistant? Funny." Binigyan niya ako ng nang-uuyam na ngisi.

Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig at hindi ko alam ang sasabihin ko! Pusang gala!

Sabi na, e. Hinding-hindi niya talaga ako makakalimutan! Well, sino bang makakalimot sa nag-iisang babaeng tinaguriang girl kisser ng presidente? Nakakahiya talaga! Nakakahiya! Parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig ngayon.

Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang makamandag niyang tingin. Gusto kong magsalita pero na-blangko ang utak ko. Nyeta, mababaliw 'ata ako.

Mabuti na lang at nagsimulang dumaldal si Ms. Belendes kaya napunta na sa kanya ang atensyon naming lahat. Pero kung sila ay may naiintindihan sa mga sinasabi ni Ms. Belendes, ako naman ay wala kahit isa. Sabog at lutang ang utak ko. Ang naintindihan ko lang ay ang salitang charity and foundation. Wala akong ibang iniisip kundi ang mag-isip ng paraan kung paano ako makakaalis sa sitwasyon ko ngayon at kung paano ako makakalayo mula kay Glen.

Anong malay ko kung may gagawin siyang masama sa akin pagkatapos nito? At iyon ang kailangan kong maagapan. Aba, mahal ko pa ang buhay ko, ano?

Isa pa, kanina pa ako nati-tense at hindi makahinga nang maayos dahil sa katabi kong grabe ang karisma. Amoy na amoy ko rin mula rito ang pabango niya. Nahiya rin tuloy akong kumilos. Miski daliri ko ay pinigil kong igalaw. Gano'n ka-intense ang tensyong bumabalot sa akin ngayon.

"So, Sunny, is it okay with you?"

"Huh?"

Napaangat ako ng tingin kay Ms. Belendes na may gulat sa mukha.

"I said is it okay with you?" muling tanong niya. Dahil doon ay napatingin din sa akin ang mga tao na nag-aabang din ng sagot ko.

Napalunok ako. Walangya, anong pinagsasabi niya? Hindi ko alam kung para saan ang tinatanong niya. Putek, kung bakit naman kasi hindi ako nakikinig kaya ayan tuloy wala akong alam.

Jusme, kasalanan ito ni Glen, e. Nasa kanya ang buong atensyon ko. Siya ang umuukupa ng buong brain cells ko! Kaloka!

"Sunny? Are you listening to me?"

"H-Ha?" Muli akong napalingon kay Ms. Belendes na ngayon ay nag-aabang din ng sasabihin ko. Kaya naman ay hilaw akong tumawa saka palihim na sinulyapan si Glen na ngayon ay nakatungo lang sa papel na kanyang hawak.

Napalunok na lang ako bago muling bumaling kay Ms. Belendes saka pumeke ng ngiti sa labi na tila naiintindihan ang sinasabi niya.

"A-Ahm, hehe... It's fine with me, miss. Okay na okay po sa akin!" Lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko para 'di mahalatang peke iyon.

Dahil doon ay napangiti nang malawak si Ms. Belendes na tila nanalo sa loto. Napansin ko pa ang biglang paglingon sa akin ni Glen na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ang iba naman ay napatango lang.

"Great! So it's settled, then. You are now officially working with Glen as an assistant for a month." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ms. Belendes. "Everyone, you may now leave. Meeting adjourned."

Wat da pak? Official Assistant? Iyon ang ibig niyang sabihin kanina sa tanong?!

Magsasalita ulit sana ako nang biglang nagsitayuan ang mga tao saka isa-isang lumapit kay Ms. Belendes at nagpaalam bago ito isa-isang nagsilabasan. Ako naman ay naiwan dito sa kinauupuan habang nakatulala at gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

Anak ka ng pusang pating! Bakit nagkagano'n?

"Hey, Sunny. I'm glad you accepted our offer," nakangiting saad ni Ms. Belendes nang makalapit sa kinauupuan ko.

Agad akong napatayo saka nilapitan siya. "Miss, nagkakamali po kayo ng inakala—"

"And oh, before I forgot. Glen, I'll leave Sunny to you. Ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanya sa mga gagawin ninyong dalawa," saad niya kay Glen na ngayon ay tumayo rin sa gilid ko habang inaayos ang mga gamit.

Napakagat-labi ako saka muling nagsalita. "Miss, hindi po gano'n ang ibig kong—"

"And one more thing, guys, 'wag muna kayong umalis. Explain mo muna ngayon, Glen, ang tungkol sa gaganapin ngayong sabado. I'll go first. Take care, bye!"

"Miss, sandali lang po—"

Hinabol ko si Ms. Belendes sa pintuan pero wala na akong nagawa nang tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Napakagat-labi na lang ako saka napapikit nang mariin.

Jusme, anong katangahan naman kasi ang pinagsasabi ko kanina? Parang gusto ko tuloy tuktukan ang aking sarili. Pinahamak ko lang naman ang sarili ko.

Nakakaloka! Kung bakit kasi hindi ako nakikinig sa usapan! Kung bakit kasi sagot lang ako nang sagot kahit walang alam kaya ito tuloy napala ko! Anak naman ng mariposa, oh!

"I didn't expect you would easily accept her offer."

Napalingon ako kay Glen dahil doon. Nakatayo siya ngayon habang nakasandal sa mesa. Ang kanyang mga kamay ay nakahalukipkip sa dibdib habang matiim na nakatingin sa akin.

Napalunok ako nang magtama ang aming paningin. Ayaw ko mang aminin pero talagang nakakapanindig-balahibo ang kanyang mga tingin sa akin. Pakiramdam ko ay hinuhukay nito ang buong pagkatao ko.

Wala nang reaksyon sa kanyang mukha ngayon pero alam kong deep inside ay nakakubli ang inis nito sa akin. Aba, anong malay ko kung may lihim na inis siyang nararamdaman ngayon dahil sa pang-iistorbo ko sa drama moments nila ng Angel niya kanina?

"I expect you would decline her offer but I was wrong."

Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin habang nasa bulsa ang dalawang kamay kaya naman ay bahagya akong napaatras at napalunok.

"I-Iyong kanina, m-mali iyon. H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin sa tanong ni Ms. Belendes!" kinakabahang sabi ko habang ang puso ko at kamay ko ay 'di na mapirmi.

Huminto naman siya sa aking harapan saka tinitigan ako. Homaygulay! Nakakatunaw ang kanyang mata.

"Then what is it?"

Napakurap ako at napatingin sa kanya. "Huh?"

"It is very clear that you accepted the offer to be my assistant for a month. Unless you are not listening—"

"N-Nakikinig ako, ah!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Ahuh?"

Napalunok ako. "O-Oo nga!" Umiwas ako ng tingin.

Nakakaloka siya, ah. Ang hirap magsinungaling kapag nakatingin sa kanyang nakakatunaw na mata. Hutek naman.

"Okay. I'll pretend to believe in you."

Muli siyang tumalikod sa akin saka nilapitan ang mga gamit.

Ako naman ay nanlaki ang mga mata saka napalunok sa sinabi niya kanina.

Walangjo! Sabi na, e. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ko! Masyado bang halata na nagsisinungaling ako? Pero theatre actress ako ng school kaya bakit nagkaganun?

"You."

Muli akong napalingon sa kanya nang tawagin niya ako. Naglakad siya papunta sa akin dala ang mga gamit. Tiningnan niya ako sa mata na walang reaksyon kaya nailang ulit ako.

"As my assistant for a month, you have to read all of this." Napalingon ako sa papel na bigla niyang ibinigay sa akin. "It's a must."

Nagtatakang nilingon ko lang siya. "Para saan ito?"

"You'll know if you read that," sagot niya na tila ito ang pinakabobong tanong sa buong mundo.

Napasimangot na lang ako sa kanya. Ang sungit, ah. Hay nako, bakit ko pa ba kasi tinanong iyon, e, obvious naman, 'di ba?

"I have to go now. Make sure you will read all of that so you won't act stupidly." Tinalikuran niya ako habang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Anak ka ng—!

"Hoy grabe ka naman mak—"

"And one more thing," muli siyang humarap sa akin na may bored expression pa rin. "Do not leak any information or the things you heard and witnessed earlier. Once you do, I'll make sure to make your life a living hell."

Binigyan niya ako ng nagbabantang tingin. Ako naman ay nanlaki ang mga mata saka napanganga sa sinabi niya. Wat da pak? Tama bang dinig ko? T-Talaga bang pinagbabantaan niya ako?

"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan?" natitigilang tanong ko kahit alam kong tungkol kay Angel at sa kanya ang tinutukoy niya.

"Don't act as if you heard nothing, dummy. I said it very clear. The things I have with Angel is very confidential and private. So if I wear you, I would zip my mouth for my own safety." 

Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. A-Anong—

"P-Pinagbabantaan mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango lang siya. "Yes, so be careful. I would give no exemption to you even though you have a huge crush on me, president kisser."

Tuluyan na siyang umalis pagkatapos noon. Ako naman ay naiwang tulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Homaygoodness!

P-President kisser? S-So alam niya ang tawag sa akin? N-Nakilala niya ako?

S-So, hindi niya nga makalimutan ang ginawang paghalik ko noon!

Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

Wat da pak talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top