Chapter 6: Witness
Chapter 6:
Ilang araw ang lumipas at sa wakas ay naghilom na rin ang tungkol sa issue ko. Edi tuluyan nang namayapa ang buhay ko. May bagong issue na kasing pinagkaka-interes-an ang mga tao kaya gano'n.
Humingi na rin ng sorry sa akin ang mga kasamahan ko sa teatro kaya smooth na ang lahat. Wala na rin akong balita kay Glen matapos noong huli ko siyang makita sa labas ng campus. Isa pa, busy rin kaming lahat sa paparating na mid term.
Si Ms. Belendes naman ay naging closed professor ko. Mabait naman kasi siya kahit minsan may pagka-weirdo sa mga matalinhagang sinasabi.
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Wala naman kasi akong klase kaya napag-isipan kong maglakad-lakad. Hindi naman masyadong mainit ang panahon, medyo malamig din ang hangin pero naka-jacket na itim pa rin ako.
At dahil gusto kong mapag-isa ay naisipan kong dumiretso sa isang mini-garden. May isang puno kasi roon kung saan pwedeng pagtambayan. Isa pa, iilan lang ang taong pumupunta sa lugar kasi—
"Damn it, Angel!"
Halos mapaigtad ako sa sobrang gulat nang marinig ang boses na iyon. Napahinto ako sa paglalakad at agad na hinanap ang pinanggalingan.
Pero agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang pamilyar na lalaki sa aking unahan.
Si Glen!
May kasama siyang maputing babae na hanggang leeg ang kulot at krema na buhok. Pero napanganga ako nang bigla niyang hilain ang babae at isinandal ito sa puno. Inilapit niya ang kanyang mukha at saka pinagitnaan ng dalawang kamay ang babae.
Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nag-aalab na tingin ni Glen sa babaeng gulat at iyak naman ang mababakas. Pulang-pula ang buong mukha ni Glen at nagsisilabasan pa ang litid ng ugat sa katawan na tila galit na galit.
Ang babae naman ay umiiyak habang pilit inilalayo ang lalaki sa kanya.
"Please, Glen. Lumayo ka sa 'kin!" umiiyak na anas ng babae.
"No, Angel. You have to understand that you don't deserve him! He's an idiot! Niloloko ka na't lahat ay nagpapakatanga ka pa rin?"
"Because I love him, Glen! I love him so much!"
"But he doesn't love you! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"
Sinampal ng babaeng si Angel ang pisngi ni Glen. Natigilan ang isa dahil doon. Pati ako ay napanganga sa nasaksihan.
What... the... heck?
Nanginginig na dinuro ni Angel si Glen. "W-Wala kang karapatang sabihin 'yan. M-Mahal niya ako. Get it? Mahal niya ako at mahal ko rin siya!"
"So what about me? What am I to you, Angel?"
Napatitig ako kay Glen dahil doon. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at sakit na hindi ko maintindihan habang matiim ang titig sa kausap.
Anak ka ng pusang pating. Anong nangyayari?
Lumingon ako kay Angel. Miski siya ay napatitig kay Glen at hindi ko mapangalanan ang emosyon sa kanyang namamagang mata.
Maya-maya pa ay nagsalita siya.
"W-Why are you like that, Glen? You are my friend so—"
"I am not your friend, Angel! I am your lover! I love you more than Haven could give you!"
Doon na ako napatakip ng bibig at saka napasinghap sa gulat dahil sa nalaman.
Dahil doon ay napalingon silang dalawa sa gawi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata naming tatlo nang magkatinginan. Naitulak pa ni Angel si Glen bago ito muling tumingin sa akin na may gulat sa mukha. Maya-maya lang ay agad siyang kumaripas ng takbo palayo.
Tinawag pa siya ni Glen ngunit hindi na ito muling huminto at lumingon.
Muling kaming nagkatinginan ni Glen. Pero sa pagkakataong ito ay halos manindig ang mga balahibo ko nang makita ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Kumabog nang husto ang dibdib ko. Agad rin akong pinagpawisan nang malamig.
Homaygulay! Anong ginawa ko? B-Bakit ganyan siya makatingin?
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig para sana magpaliwanag pero hindi ko na nagawa nang bigla siyang naglakad papunta sa akin.
Doon na ako nataranta kaya dala ng takot ay agad akong kumaripas ng takbo palayo sa lugar. Halos madapa-dapa pa ako sa sobrang bilis ng takbo. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero hingal na hingal akong huminto sa isang poste.
Habol-hininga akong napaupo sa gilid ng poste sabay hawak sa aking naghuhuramentadong dibdib para pakalmahin. Muli kong nilingon ang aking likuran kung nasundan ba ako ni Glen.
Nang masiguro kong wala siya ay doon na ako nakahinga nang maluwag.
Hutek, pakiramdam ko ay hinabol ako ng ilang mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pawis na pawis din ako at nanunuyo ang lalamunan.
Agad kong kinuha ang mineral water sa bag saka ininom ito. Langya, ano ba kasing mayro'n? Ano 'yong nasaksihan ko? Bakit may iyakan at sigawan sila? Saka bakit naman kasi sa dami ng pwedeng masaksihan ay iyon pa? Sila pa? Si Glen pa na siyang ginawan ko ng kalokohan noon?
Homaygoodness! Pakiramdam ko tuloy nagmukha akong stalker at tsismosa kanina. Pero hindi naman ako stalker, e. Tsismosa lang!
Pero wait, tama ba ang naririnig ko? Si Glen? May gustong isang babae? At umamin pa siya! Pero ang babae naman ay patay na patay sa ibang lalaki. Ano iyon? May love triangle na nagaganap?
Napahawak ako bigla sa aking pisngi sa realisasyon.
Hala ka! Ang president council ay in love sa isang babaeng may mahal nang iba! Pero wait, ano namang problema kung may ganoong problema sila? Labas na ako roon saka buhay nila 'yon so—
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay rumehistro naman ang pangalan ni Paula, ang seatmate ko.
Napakunot ang noo ko. Anong mayro'n at napatawag siya?
Sinagot ko na lang tawag, baka importante, e.
"H-Hello?"
"Hey, Sunny-sis. Where are you?"
"Bakit?"
"Ms. Belendes were looking for you. Pinapapunta ka niya sa Council office. "
Napakunot ako ng noo. "A-Ano? Bakit daw ako pinapapunta?"
"I don't know. Baka naman may kasalanan ka?"
"Wala, ah!"
"Okay fine. Basta, pumunta ka roon. Kanina pa naghihintay sa iyo si Ms. Belendes."
"Uy teka—"
Ibinaba na niya ang tawag. Napatitig na lang ako sa cellphone.
Bakit naman ako pinapatawag ni Ms. Belendes? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang kasalanan. Hindi rin naman ako bumagsak sa kanya. Wala rin kaming usapang magkikita ngayon kaya bakit?
Dala ng kuryusidad ay pumunta ako sa office na sinasabi. Medyo malayo ang nilakad ko kaya lalo akong hiningal. Putek, nakakatamad na maglakad.
Pagdating sa harapan ng office ay huminga ako nang malalim. Kabado ako ngayon sa hindi malamang dahilan. Wala naman siguro akong kasalanan para i-punishment, 'di ba? Saka bakit sa lahat naman ng office ay dito pa sa Council office?
Napakagat-labi na lang ako. Pinunasan ko muna ang lahat ng pawis ko. Inayos ko rin ang aking buhok saka ang jacket na suot. Naglagay rin ako ng pabango para hindi maamoy ang nangangamoy putok kong kili-kili. Aba, nakakahiya namang makita nila akong mukhang bruha, 'di ba?
Nang masiguro kong okay na ako ay muli akong huminga nang malalim saka hinawakan ang doorknob. Pero nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Nahihiya kasi akong pumasok baka may something sa loob.
Napagdesisyunan ko na lang muna na idikit ang aking tainga sa pinto at nagbabakasakaling may marinig na boses mula sa loob. Aba, kailangan kong makasigurong safe ako 'pag pumasok, ano?
Pero langya, wala naman akong marinig kahit isa. Sound proof ba itong office na ito? Halos idikit ko na lahat ng buto sa pisngi ko wala pa rin akong marinig—
"Ay pusang gala!"
Muntik na akong madapa sa sahig nang biglang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at napahawak ako sa doorknob kaya naagapan.
Hutek. Sino ba kasi itong—
Natigilan ako nang makita ang pagmumukha ng terror professor namin sa Knowledge Management na si Sir Mark. Nakahawak siya sa kabilang doorknob habang kunot ang noong nakatingin sa akin. Kumintab naman mula sa ilaw ang kanyang ulo na wala nang buhok sa bandang noo.
Nanlaki ang mga mata ko.
"What are you doing?" masungit na tanong nito.
Napalunok ako at agad na tumayo ng tuwid sabay yuko. "A-Ah, g-good afternoon po, sir."
Hilaw akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko namumula na ang buong pisngi ko ngayon. Putek, nakakahiya! Baka kung ano isipin niya. Kung bakit naman kasi idini—
Natigilan ako nang makita ko si Ms. Belendes na nakatayo sa harapan ng mga taong nakaupo sa pahabang mesa. Sa kanyang likuran ay may isang white board na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan.
May mga mahigit sampung katao rin ang nakaupo sa mga upuan na siyang nakatingin na sa akin ngayon.
Hala, anong mayro'n? May meeting bang nagaganap?
"Oh, Sunny, there you are!"
Napalingon ako kay Ms. Belendes nang lumapit siya sa kinaroroonan ko dala ang isang malaking ngiti sa labi.
"G-Good afternoon, miss," nahihiyang bati ko.
"I'm glad you came! Tamang-tama lang ang dating mo!" Muli siyang ngumiti at napapalakpak sa akin saka nilingon si Sir Mark. "I'm sorry, Mr. Mark. Pinapunta ko siya ngayon dito. You may go now. Sorry again."
Yumuko nang bahagya si Ms. Belendes dito at agad akong hinila papunta sa harapan ng maraming tao na siyang ikinagulat at ipinagtaka ko.
"Miss, bakit po—"
"Who is she, Ms. Belendes?"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isa siyang babaeng chubby pero maganda na nakasalamin habang nakatingin sa amin. Pero gayon na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko nang mapadpad ang mata ko sa lalaking katabi nito.
Homaygulay! Si Glen!
Nakaupo siya sa pinakadulong upuan habang may gulat at pagtatakang nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Kumabog din nang mabilis ang aking puso.
Anak ka ng pitong pating! Anong ginagawa niya rito?!
Agad kong tiningnan si Ms. Belendes.
Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.
"Listen up, everyone. I have to tell you something, especially you, Glen and Sunny." Ngumiti siya nang matamis sa akin bago muling humarap sa iba. Pero muli rin siyang tumingin sa akin.
"But first of all, let me introduce to you the SSC President, Mr. Glen Felipe. Glen, meet Sunny."
Hindi ako tumingin kay Glen. Bagkus ay kumunot lang ang noo ko. "Miss, hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Anong ginagawa ko rito?"
"Oh, I forgot to tell you the reason." Napahawak siya sa kanyang bibig saka natawa. "You are here because we need you."
"N-Need po? Saan?"
"For this upcoming events. And Glen," muling lumingon si Ms. Belendes kay Glen na ngayon ay nakakunot ang noo.
Pero ang kanyang huling sinabi ang siyang nagpagimbal sa buong pagkatao ko.
"Sunny is here to replace Alex. She will be your temporary assistant for a month."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top