Chapter 5: President Kisser

Chapter 5:

Pagdating ng lunes ay tamad na tamad akong kumilos. Matapos ang nangyari noong Aquaintance party ay parang ayoko na lang pumasok sa school. Paano ba naman kasi, trending ngayon sa fb ang picture tungkol sa ginawa kong kalokohan kay Glen.

Kapag nababasa ko ang ilang mga comments ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Ang daming pinagtatawanan ako. Ang iba ay nam-bash, ang iba naman ay concern sa akin. Sa madaling salita, nagkaroon ng munting riot sa social media tungkol sa 'kin.

Nakatanggap din ako ng malupit na sermon mula sa dalawang kaibigan ko. Binatukan pa ako ni Sena nang dumalaw siya rito sa bahay kahapon.

Well, sino ba naman kasing kaibigan ang matutuwa kung ginawa mo ang isang bagay na makapagpahamak sa iyo?

"Hoy, may pasok ka ba? Maligo ka na! Anong oras na, oh?"

Napatakip ako ng mukha saka padapang humarap sa gilid ng kama. Kitang inaantok pa ako, istorbo naman itong kapatid ko.

"Ano ba? Bumangon ka na diyan! Mali-late ako sa iyo, e!"

Inalog-alog niya ang aking braso kaya naman ay nainis ako.

"Mamaya na! Mauna ka na lang maligo kung nagmamadali ka!" sagot ko sabay takip ng unan sa mukha.

"Hindi pwede! May tatapusin pa ako kaya mauna ka na maligo para 'di tayo magkasabay mamaya!" Muli niyang inalog-alog ang aking balikat.

"Aish! Oo na, oo na! Ano ba iyan!"

Padabog akong tumayo at dumiretso sa C.R. Umagang-umaga iniinis ako ng kapatid ko. Ako kasi laging nauunang maligo kasi ako ang mas maaga ang pasok. Pero ngayong tinatamad talaga ako ay 'di pa rin ako maka-excused kasi C.R ang pinag-aagawan. Sana lahat 'di ba pinag-aagawan?

At dahil ayoko ngang pumasok ay sobrang bagal kong kumilos. Iyong tipong pati pagsuot ng sapatos ay sobrang bagal. For sure late na ako sa unang subject. Mabuti na lang at wala kaming activities ngayon kaya ayos lang ma-late.

Pero kakabahan ako kapag may surprised quiz.

Pagdating sa campus ay sinuot ko ang aking itim na jacket saka mask. Adidas ang tatak nito na siyang paborito ko. Sa sitwasyon ko ngayon, kailangan kong itago ang aking sarili para iwas kahihiyan ng buong campus.

Pagdating sa hallway sinadya kong iyuko ang aking ulo. Mabuti na lang at iilan lang ang mga estudyanteng nakatambay kaya ligtas pa ako. Binilisan ko rin ang aking mga hakbang papunta sa classroom.

Pagdating doon ay wala pa ay ang aming susunod professor kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero hindi agad ako nakaligtas nang bigla akong dumugin ng mga kaklase kong uhaw sa tsismis.

"Uy, Sunny! Totoo bang crush mo si Glen?"

"Grabe ka, gurl! Ang lakas ng loob mong umamin sa kanya sa harap ng maraming tao. Sana ol!"

"Hindi lang iyon, hinalikan pa!"

"Ay kabog!"

"Ibang klase ka, mhie! First time in history 'atang mangyari iyon, ah!"

"Umamin na, hinalikan pa!"

"Sa gwapong presidente pa! Jackpot!"

"How to be you, Sunny? Penge naman ng tibay ng loob diyan!"

Halos sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nila. Saktong pag-upo ko mismo sa desk ay pinalibutan agad ako. Jusmiyo marimar! Sabi na, e. Ultimate famous na ako.

"Tell me, Sunny-sis, how does it feel being kissed by the president?" nakangising tanong ng katabi kong si Paula.

"Gaga, siya ang humalik, hindi ang presidente!"

Pinalo ni Saira, ang babaeng maingay sa klase, ng pamaypay sa balikat si Paula na siyang ikinasama ng mukha nito.

"It is still a kiss, duh?" Umirap lang ang isa.

"'Wag niyo muna ako usisain, please? Wala naman tayo sa news report para interviewhin ako tungkol sa ginawa ko. Pero kung gusto niyo talagang i-broadcast, 'wag kayo mag-alala, gagawa ako ng press release," sabi ko saka sinuot ang hood ng jacket.

Hiyang-hiya na nga ako sa nangyari, aba, pinagpiyestahan pa ako ng mga kaklase ko. Pakiramdam ko tuloy nangangamatis na ang buong mukha ko sa sobrang pula.

Bagay nga maging reporter at writer itong mga kaklase ko. Tsismis on the go agad, e.

Mabuti na lang ay hindi na nila ako kinulit matapos noon. Nahalata 'ata nilang hindi ako ready para magsalita.  Edi payapa ang buong oras ko. Mabuti na lang din at walang basher sa block mates ko.

Pagdating ng lunch break ay agad akong tinawagan ni Sena na pumunta sa canteen. At dahil trending ako hanggang ngayon ay balot ako ng hoodie ng jacket saka mask. Tiniis ko na rin ang sobrang nakakairita at mainit na panahon.

Ang ending? Basang-basa ako ng pawis pagdating sa canteen. Ngayon ay sigurado akong nangangamoy putok na naman ako. Paborito talaga ako ng putok, ano?

"Oh, kumusta na si president kisser?" nakangising bungad ni Sanchai pagkaupo ko.

"Sunny pangalan ko, hindi president kisser."

"Iyan na ang second name mo. Sunny the President Kisser Bernard. Ang galing ko mag-imbento, 'di ba?"

"Demonyo ka."

"LMAO." Humagalpak lang ng tawa si Sena. Ako naman ay sumimangot.

Demonyo talaga itong mga kaibigan ko. Imbis na kampihan ako, aba, nakiuso pa sa mga hashtag na ginagamit tungkol sa akin ng mga tao. Hayop.

"At dahil ultimate famous ang ating president kisser, naka-magnet na agad sa 'yo ang mga mata ng mga tao," dagdag ni Sanchai sabay hagikhik.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya naman ay inilibot ko ang aking paningin. At putek, tama nga siya! Pinagtitinginan nga ako ng mga tao! Pinagtsismisan pa! Aba matindi.

Nakamask na ako't lahat nakilala pa rin. Napakagat-labi na lang ako saka napayuko.

***

Lumipas ang buong hapon at puro panunukso at pang-aasar ang inabot ko sa mga kaklase ko. Tsismis naman ang kumumpleto noon mula sa mga schoolmates ko. Mabuti na lang at walang nam-bully sa akin kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Pero kapag naaalala ko ang nangyari ay 'di ko maiwasang mahiya at kabahan. Sana lang talaga ay 'di na muling magtatagpo ang mga landas namin ni Glen dahil kung hindi baka mabaliw na ako.

Tinignan ko ang oras. Alas kuwatro na pala ng hapon. Nasa labas na ako ng Campus at pauwi na sa bahay pero 'di ko pa feel umuwi kaya naman ay napag-isipan kong kumain muna ng kwek kwek sa gilid ng kalsada. Marami kasing street vendors dito sa gilid ng University.

Si Sena at Sanchai naman ay hanggang 6pm pa ang klase kaya nauna na ako.

Habang kumakain ay dinukot ko ang bulsa kung may barya pa ba pamasahe. Mahirap na baka ma-shortage ako ngayon dahil sa ten pesos na kwek kwek. Mabuti na lang at may tirang bente pa ako kaya pwede pa ko dumagdag ng fish ball. 9 pesos lang naman kasi pamasahe ko.

Pero natigilan ako nang may mamataang tao. Nakasuot ito ng blue shirt at jeans habang naglalakad papunta sa direksyon ko. May hawak din siyang cellphone habang nagtitipa  rito. Ang kanyang noo ay kunot na kunot na tila naiinis sa ka-chat.

Pero gayon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto ang mukha niya. Anak ka ng pusang pating!

Si Glen! Hutek!

Nanlaki ang mga mata ko. Pati buong sistema ko ay nagkarambola. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para ma-confirm kung siya nga ba pero walangya! Siya nga!

At papunta siya mismo sa direksyon ko!

Nataranta ako bigla. 'Di ko alam ang gagawin ko. Napakalapit na niya sa kinaroroonan ko at delikado kapag nag-angat siya ng tingin! Huli ako!

Hindi na ako nakapag-isip ng tama kaya naman ay dali-dali kong kinuha ang fish ball at naglakad papalayo sa lugar. Sobrang bilis pa ng mga hakbang ko na konting-konti na lang ay madadapa na ako.

Homaygoodness! Sana naman ay 'di ako napansin ni Glen. Magiging katapusan na ng buhay ko iyon.

Bakit naman kasi sa lahat ng lugar ay doon ko pa siya makikita? Bakit siya naglalakad roon? Panira naman ng kwek kwek at fish ball moments, oh!

Tiningnan kong muli ang aking likuran. Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang wala na siya at ang presensya niya.

Hays... Muntik na ako roon. Napahawak na lang ako sa aking dibdib at saka kinalma ang sarili bago napagdesisyunang umuwi.

Mahirap na baka muli ko na namang makita si Glen. 'Di ko pa naman alam kung anong i-a-approach ko sa kanya. Baka mamaya niyan sigawan ako no'n or worst ipahiya tulad ng ginawa niya sa isang babae dati. Dare lang naman kasi 'yong ginawa ko, e. Sineryoso naman ng iba. Sabagay wala naman silang alam sa totoong rason.

Pumara ako ng jeep at saka sumakay. Sa dulo ako pumwesto para 'pag babaan na ay madali na lang lumabas. Walo lang din naman ang sakay.

Muling umandar ang jeep. Ako naman ay kinapa ang aking bulsa para kunin ang natitirang sampung piso pamasahe.

Pero napakunot ang noo ko nang wala akong makapang barya. Muli kong dinukot ang bulsa ng aking pantalon hanggang sa kasulok-sulukan nito pero wala talagang barya! Pati sa kabilang bulsa ay wala! Kinapa ko na ang bulsa sa may pwetan ko pero wala rin talaga!

Kinabahan ako bigla.

Anak ka ng demonyo! Nasaan na ang sampung piso ko?!

Sa pagkakaalam ko ay  binili ko ng fish— nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized na hindi ko pa pala nakuha ang sukli kanina sa bente!

Hutek naman! Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maiwan, 'yong sukli ko pa talaga? Kainis naman! Kasalanan ito ni Glen, e. Kung hindi ko lang siya nakita malamang nakuha ko na ang sukli!

Napakagat-labi na lang ako. 'Di ko alam ang gagawin ngayon. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako nang malamig.

Wala naman kasi akong ibang dalang pera edi wala rin akong reserba. Kaloka naman! Anong sasabihin ko sa driver nito kapag napansin niyang 'di pa ako nagbabayad?

"Looks like you are having a little problem."

Napalingon ako sa boses na nagsalita. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng professor namin sa Communication Management na si Ms. Belendes. Ang professor sikat na sikat sa mga lalaki dahil sa taglay na kagandahan nito. Nakaupo siya sa harapan ko ngayon.

Napanganga na lang ako. "M-Miss..."

"Hello, Miss Bernard." Ngumiti siya sa akin. "Are you looking for something?"

"P-Po?"

Putek. Mukha akong tanga ngayon dito na nahihiya sa professor. E, kasi naman! Alam kong mayaman itong si Ms. Belendes at laging naka-porche na sasakyan kaya nakakabiglang makita ko siyang sumasakay ng jeep sa unang pagkakataon. Hindi lang iyon, nakasabay ko pa!

Napakurap ako nang bigla siyang matawa sa reaksyon ko.

"C'mon, Ms. Bernard. I know you have a little problems so might as well tell it to me so I could help you."

Napalunok ako saka alinlangang tumawa. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na wala akong pamasahe o hindi na. Nakakahiya kaya lalo na't marami kaming kasabayan dito sa loob ng jeep.

"A-Ah wala po, miss. Ayos lang po ako." Napangiwi ako ng ngiti.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata saka tinaasan ng kilay na tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "I know there is. Don't worry, I'll help you."

Muli niya akong binigyan ng matamis na ngiti saka may hinalungkat sa kanyang michelle bag. Maya-maya lang ay nag-abot siya ng bente sa isang ale.

"Bayad po, dalawa. Student ang isa."

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Bayad na pamasahe mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "P-Po?! P-Paanong—"

"I know you lost your money by just looking at your face. You are so shocked and keep on checking your pockets. In this kind of place, alam kong walang ibang magiging problema kundi ang mawalan ng pamasahe."

Natulala na lang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong ire-react. Masyado akong nagulat at namangha sa kanyang obserbasyon. Lalo tuloy akong tinamaan ng hiya. Pakiramdam ko pulang-pula na ng buong mukha ko.

Pero gayunpaman ay masaya akong tinulungan niya ako sa problema kahit 'di ko sinabi. At malaking bagay para sa akin iyon!

"T-Thank you po, miss! Thank you po talaga! Hulog po kayo ng langit! Thank you po talaga!"

Para akong tanga ngayon na yumuyuko rito. E, sa sobrang masaya lang ako at nahihiya sa kanya. Iyong feeling na ang awkward ng atmosphere? Jusko po! Ayaw ko ng ganito! Hindi ako sanay na tinutulungan. Nakakapanibago!

"You are welcome, dear. Just don't forget your money next time. You are lucky that I am here today."

Napakagat-labi ako saka ngumiti. "Yes po. Thank you po ulit! Utang na loob ko po ito sa inyo! Thank you po talaga!"

"Oh, don't mention it." Tumawa lang siya saka umiling. "Besides, this help of mine is not free."

"P-Po?" Natigilan ako saka napatingin sa kanya.

Ano raw? Hindi free? Tama ba rinig ko?

"You know, I am a type of a person who won't help others without payback."

Napakurap ako. "W-What do you mean po?"

"Meaning to say, I need your payback when time comes."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top