Chapter 1: New classes
Chapter 1:
Tumunog ang isang bell na siyang ikinalaki ng mata ko.
Oh my goodness! Late na ako!
Kaya naman ay tinakbo ko na ang daan papunta sa building namin para sa unang subject ko ngayong 1st semester ng taon. I am a fourth year college student and I just transfered here in Aguinaldo University pero heto na naman ako, mali-late na naman.
Jusmeyo marimar naman, oh! Tuwing first day of the school year lagi na lang akong late sa klase. Mula noon hanggang ngayon ganito ang nangyayari. Mukhang malas 'ata ako lagi sa ganitong mga unang taon ng klase.
Buti sana kung kabisado ko na ang building dito kaso hindi, e. Kaya naman ay muli kong tiningnan ang mapa na hawak ko habang tumatakbo ng mabilis.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo, muntik pa nga akong makabangga ng ibang estudyante. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko.
Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas nahanap ko na rin ang room ko! Nasa third floor ito ng Comm building, syempre, Communication ang course na kinuha ko, e.
Buti na lang din at saktong wala pa ang professor namin nang makapasok ako kaya nakahinga ako nang maluwag. Dali-dali akong umupo sa dulong bahagi ng silid kung saan iyon na lang ang bakante.
Napapaypay pa ako sa sarili ko pagkaupo kahit may aircon naman. Ikaw ba naman tumakbo ng ilang minuto sinong 'di papawisan? Nako po! Nakalimutan ko pa namang maglagay ng tawas kanina dahil nga sa pagmamadali.
Lagot! Baka mangamoy putok ako! Napalunok na lang ako at pasimpleng pinagmasdan ang mga ka-blockmates ko. Busy silang lahat kakatsismis sa isa't isa kaya naman pasimple kong inamoy ang aking kili-kili.
Pero halos mapangiwi ako nang maamoy ang sarili. Jusmiyo marimar! Nangangamoy putok ako! Nyeta! Nakakahiya kapag naamoy ito ng mga kaklase ko!
Napakagat-labi na lang ako at pasimpleng inurong ang desk ko palayo sa katabi kong babae na ngayon ay natutulog. Buti na lang at may dala akong jacket kaya naman ay sinuot ko iyon para pagtakpan ang nangangamoy putok kong kili-kili.
Savior talaga ang jacket ko sa oras ng pangangailangan. Kaya lagi ko itong dala-dala sa bag incase of emergency like this.
Oh jacket na aking hero, mahal na mahal kita!
Natawa na lang ako sa sariling iniisip. Unang araw ko pa lang nababaliw na naman ako.
Maya-maya lang din ay dumating na rin sa wakas ang professor namin. Isa siyang babae na maganda at mistisa. Siya raw si Ms. Belendes. Nasa mid-30's pa lang siya pero nakakainggit ang hitsura na akala mo artista. Mula sa buhok na kulay pula at hanggang balikat ang haba, pati na sa pormahan nitong dinaig pa ang isang model. Agaw-pansin din ang singkit na mata nito. Pati ang kanyang tindig ay pak na pak!
Hindi na ako magtataka kung bakit maraming mga lalaki sa paligid ang titig na titig sa kanya. Pati nga ako naging girl crush siya. Hay buhay.
Kaya ayun, nagkaroon na ng Q and A portion sa buong oras ng klase. Mostly ay puro mga lalaki ang nagtatanong. Bukas pa naman din magsisimula ang unang lesson, e. Pero nag-enjoy naman ako sa talambuhay ni Ms. Belendes.
Pagkatapos ng klase ay saktong tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang chat ni Sena, ang aking bestfriend mula senior high school. Pinapapunta niya ako sa canteen. Hinihintay raw nila ako sa labas. At aba! Pinapamadali pa ako!
Hinayupak naman, oh. Di ko alam kung saan ang canteen dito. Kaya naman ay nagtanong-tanong na lang ako sa mga estudyanteng nakikita ko.
Makalipas lang ang ilang minuto ay sa wakas! Narating ko na ang canteen na sinasabi nila. Jusme, nasa kabilang building pala ito na dadaan pa sa initan bago marating. Talagang pinapahirapan ako ng mga baliw kong kaibigan, ah.
Ang init pa naman ng panahon tapos naka-jacket pa ako dahil nga nangangamoy putok ako. Nyetang buhay, oh. Kailangan kong magtiis ng isang araw sa jacket.
"Ang tagal mo naman, Sunny." Iyan ang unang salitang bumungad sa akin mula kay Sena nang makarating ako sa labas ng canteen.
Nakabusangot na ngayon ang kanyang mukha na halatang naiinip na.
"Wow, pasensya na, ah? Bago lang kasi ako rito sa eskuwelahan ninyo," sarkastikong saad ko sa pabirong paraan. Ngumiwi lang siya sa akin sabay irap.
"Hay naku, gutom na ako kaya arat na!" saad ni Sanchai, ang isa pa naming kaibigan na isang chubby girl. Agad niya kaming hinila ni Sena sa magkabilang kamay papasok ng canteen.
"Hinay-hinay lang sa paghila, Sanchy. Mahina kalaban," pabirong saad ni Sena.
"Shut up, I'm hungry."
Nagkatinginan kami bigla ni Sena saka sabay na natawa sa isa't isa.
"Mukha ka talagang pagkain, Sanchy," natatawang komento ko.
"Kaya ka lalong tumataba, e," dagdag ni Sena. "Ang siba mo talaga kumain. Imagine, kakakain mo lang ng bread roll kanina habang naghihintay tayo sa labas ng canteen tapos ngayon gutom ka pa rin? Ang totoo? Bodega ba iyang tiyan mo? Daming space, ah."
Sinulyapan kami saglit ni Sanchai habang nakanguso bago siya muling naghanap ng bakanteng table.
"Ang sama niyong dalawa sa akin, ah. Food is life kaya walang basagan ng trip. Atleast nga binibigyan ko kayo ng chocolate."
"Oo, maraming salamat sa binibigay mong chocolate na puro isang piraso ng choco stick," sagot ni Sena.
"Nagtitipid ako."
"Nagtitipid para sa mga alaga mo sa tiyan? Tapos ang daming tinapay ang nakatambak sa bag mo. Nakakahiya naman, inday."
Inismaran na lang siya ni Sanchai. Ako naman ay natawa. Lagi na lang silang ganito kapag magkasama kami. Well, totoo naman kasing madamot itong si Sanchai pagdating sa mga pagkain. Tapos ang dami niyang mga tinapay o biscuit ang nakatambak sa bag para daw pang-miryenda. Kakaiba kasi meryenda niya, tuwing isang oras.
Nang makakita ng isang mesa sa bandang gitna ay agad kaming umupo. Lagi kaming may dala-dalang baon sa bag kaya 'di na kami pumipila para bumili rito sa canteen. Parehas kasi kaming tatlo tamad bumili ng pagkain. Isa pa, mahal ang mga pagkain sa mga canteen at nagtitipid ako. 'Di naman kasi ako mayaman.
"Anong ulam ninyo, Sena, Sanchy?" tanong ko habang pinagmamasdan silang inilalabas ang kanilang baunan.
Manghihingi kasi ako. Ganito kasi lagi ang modus ko kapag gusto kong manghingi ng ulam nila. Gawain ko na ito mula noon hanggang ngayon at alam na nila ang ibig sabihin noon. Natawa ako sa naisip.
"Menudo sa 'kin. Ikaw?" tanong ni Sena.
"Penakbet."
Nanlaki ang mata niya sa tuwa. "Oh? Wow, penge ako! Masarap pa naman penakbet mo."
Tumawa lang ako. Pare-parehas talaga kami ng modus sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay mahirap ako sila naman ay puro mga jamings.
"Oh, ayan. Kuha ka lang diyan," sabi ko saka inilapit sa kanya ang baunan. Tumingin ako kay Sanchai na binubuksan ang makapal niyang baunan. Kulay pink pa ito. Girly na girly!
"Ikaw, ano ulam mo?" tanong ko.
"As usual, my all time favorite, fried chicken. Charaaan!" Sabay bukas ng kanyang baunan. Natawa na lang kami ni Sena sa ginawa niyang mannerism.
"Kahit kailan talaga puro manok ang inuulam mo. Buti 'di ka pa nagsasawa, ano?" komento ni Sena.
"Atleast iba't ibang putahe ng manok, 'di ba?" Ngumisi siya na siyang nagpalubo lalo sa pisngi niyang may dimple. Ang cute niya tuloy tingnan.
"Oo na lang." Inismaran siya ni Sena.
"Sus, dami niyo pang komento, manghihingi rin naman kayo." Kinuha niya ang isang fried chicken at sa gulat ko ay inilagay niya ito sa baunan ko.
"Oh, ayan. Sa 'yo na iyan. Sena, penge ako menudo mo. Share your foods, mga tae." Agad siyang kumuha ng ulam sa baunan ni Sena.
Ako naman ay natawa na lang ulit saka napailing nang sinamaan siya ng tingin ni Sena. Ang ayaw kasi ni Sena sa lahat ay ang magsasalita siya ng tae sa harapan ng pagkain. Nakakadiri daw isipin.
Nagsimula kaming kumain habang nagdadaldalan at nagtatawanan tungkol sa mga maliliit na bagay. At gaya ng inaasahan, hindi mawawalan ng topic ang pinakamadaldal sa aming tatlo na si Sanchai.
Itinuro na rin nila sa akin ang ibang mga impormasyon tungkol dito sa University lalong-lalo na sa mga lugar na pwede naming puntahan.
***
Pagkatapos ng klase ay sabay-sabay ulit kaming umuwing tatlo. Nag-commute lang kami kahit pa may mga kotse ang dalawa. Tamad kasi silang mag-drive. Mga tae talaga. Libreng hatid sa bahay na sana ako, e. Aba, bawas pamasahe rin iyon. Makakatipid pa sana ako kung masipag lang sana sila mag-drive. Hayop.
Pagdating sa bahay ay naglinis ako. Sobrang kalat kasi ng bahay namin. Akala mo binagyo. Maliit lang naman. Saka tatlo lang kaming nakatira; ako, si papa at ang demonyitang kapatid ko.
Pero daig pa naming 'di naglilinis ng isang taon sa gulo ng bahay. Nagkalat ang mga damit sa upuan, ang mga pinggan sa kusina ay disaster. Ang maliit na mesa naman namin ay puno ng mga walang kwentang kagamitan. Ang dumi rin ng sahig. Isali mo pa riyan ang mga dagang kung saan-saan tumatakbo. Worst, ang lulusog pa nila! Nyeta. Ano bang ginawa ng kapatid ko kanina bago siya umalis? 'Di man lang naglinis.
Ang hirap talaga 'pag isang sangla ang bahay na tinitirhan mo. Kelan kaya kami magkakaroon ng sariling bahay?
Napabuntong-hininga na lang ako saka naghugas ng pinggan bago magsaing. Ala-sais na ng gabi pero wala pa rin ang kapatid kong gala at pasaway. Si papa naman ay mamayang alas siete pa ng gabi ang uwi.
Nagluto na rin ako ng ulam saka agad na kumain. Pagkatapos noon ay binuksan ko naman ang aking laptop at sinimulan ang aking pangalawang trabaho: ang blogging.
Kung tuwing umaga ay isa akong estudyante, tuwing gabi naman ay isa akong blogger. Kailangan ko kasi kumita ng pera para sa tuition fee ko. Di kasi kakayanin ni papa ang gastusin kahit pa nasa ibang bansa ang step-mom ko na nagtatrabaho bilang housemaid. Aba, marami kaya kaming binabayaran. Ang kapatid ko naman ay puro pasarap lang sa buhay ang alam. Sakit pa sa ulo.
Sarap sipain.
Napabuntong-hininga na lang ako at nag-concentrate sa sinusulat. Pero nabulabog ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakikipag-video call si Sena at Sanchai kaya naman ay sinagot ko ang tawag. Agad namang bumungad sa akin ang mukha ni Sena at ang tumitiling boses ni Sanchai.
"Sunnyyyyy!"
Natawa ako saka napangiti. "O, anong mayro'n at naisipan niyong mag-video call?"
"Wala lang. Na-miss ka lang namin." Humagikhik si Sanchai pagkatapos.
"Ikaw lang iyon, 'no! Busy kaya ako tapos bigla kang nang-istorbo sa akin." Umirap si Sena. Tumingin ako sa kanya.
Nakaupo siya sa kanyang kama ngayon. Basa pa ang kanyang kulot na buhok na tingin kong kagagaling lang sa C.R. ang fresh din tingnan ng mukha niya. Halatang-halata ang makapal at patusok niyang kilay na siyang nagbigay ng unang impression sa akin dati na masungit siya.
Si Sanchai naman ay nakahiga sa kanyang kama na pink na pink din ang kulay.
"Paano naging busy ang kagagaling lang sa pagligo, aber?" Pinaningkitan siya ng mata ni Sanchai.
"May gagawin ako ngayon, duh?"
Nginisihan lang siya nung isa. "Sus, palusot mo tae ka."
"Heh!"
"O, siya, anong trip mo na naman ngayon, Sanchy?" tanong ko.
Napakagat-labi siya saka ngumiti. "Busy ka ba?"
"Medyo," sagot ko.
"Blogging?" She raised her curios eyebrow. Tumango lang ako.
"Kailangan kong kumayod para sa bayan, inday," biro ko.
Natawa lang silang dalawa sa akin.
"Mamaya na muna iyan. Chillax lang muna tayo ngayon." Kumindat si Sanchai.
"O, anong gagawin natin ngayon? Magchichismisan na naman? Dami mo talagang kwento, ano?" tanong ni Sena habang sinusuklayan ng daliri ang kanyang basang buhok.
"Hindi. May naisip akong laro." Nagtaas-baba ang kilay ni Sanchai saka kami binigyan ng makahulugang tingin.
"Himala 'atang magpapalaro ka ngayon? Bago ito, ah," natatawang puna ko.
"Ganyan talaga nagagawa ng mga taong bored sa buhay," dagdag ng naiiling na si Sena.
"Iehh! Makisama na lang kayo. Maganda itong naisip ko aba kahit virtual play lang ito. 'Di dapat sinasayang!" Ngumuso siya. "Saka hindi naman ito ang unang beses na naglalaro tayo virtually. Si Sena kaya ang laging nag-iisip ng mechanics dati. Kaya dapat subukan din natin ang naisip ko, okay?"
"Oo na lang."
"So, ano namang lalaruin natin?" tanong ni Sena.
Muli niya kaming binigyan ng makahulugang ngisi sa labi.
"Ang lalaruin natin ay isang... TRUTH OR DARE... With a twist!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top