Prologue
Prologue
"Amoy U.S. ka na talaga, Hya! Musta naman dun? May nang-aaway ba sa'yo? Dalhin mo rito para masampal ko!"
Portia was continuously blabbering while I just drank my shot of alcohol. I am not a heavy drinker and my maximum number of shots is five. Ugh, I hate it.
"Ayos lang naman. Saka wala namang nakikipag-away. Kayo lang naman maiingay sa buhay ko," asik ko bago uminom ulit ng Cuervo.
"Hoy! Hinay-hinay lang baka mamatay ka nang maaga niyan! Para kang broken-hearted ah—" Sangre stopped spitting nonsense when Portia whispered to her something that I could clearly hear despite the loud music of the club.
"Broken nga 'yan, gaga. 'Di maka-move-on, eh apat na taon na."
Sinamaan ko sila ng tingin kasi rinig na rinig ko 'yung bulong niya pero nginitian niya lang ako. I just rolled my eyes at her. Napansin ko naman si Luna sa tabi ko nang pinigilan niya 'kong uminom.
"Kakabalik mo lang. Enjoy muna, Hyacinth. 'Wag mo na isipin 'yung kung ano man 'yun. Malapit na birthday mo, oh! Anong balak?" she softly asked me.
Kung si Portia at Sangre ay sobrang ingay, si Luna naman ang taga-balance ng grupo. Hindi naman siya sobrang tahimik. But she chooses her words very carefully. She's so pure that me and the gang wanted to protect her at all costs.
"Tinanong din 'yan ni Sky. Ewan ko. Gusto ko lang kayong kasama sa birthday ko. Wala naman nang iba." I smiled at her and drank my shot again.
I remembered my birthday again and smiled bitterly at it. Bakit sa lahat-lahat pa ng araw ay sa parehas na araw akong pinanganak sa Valentine's Day? Why am I born on the same freaking date where my parents... got killed?
Nahihilo akong tumayo at nagpaalam muna sa mga kaibigan ko dahil gusto ko munang sumayaw sa dancefloor. Ever since college, I have always loved dancing like a mad woman on dancefloor of clubs. Kahit hindi ako magaling sumayaw.
Gusto ko nang magpakasaya dahil next week ay magsisimula na ang trabaho ko sa kompanya. I have no time to waste. I felt someone from behind but I didn't care. Umiwas na lang ako dahil ayo'ko nang may kasayaw ngayon.
Sumayaw ulit ako nang medyo nakalayo sa sumasayaw sa likod ko kanina pero nagulat ako nang makaramdam ako ng mainit na paghinga sa may pisngi ko. Goosebumps then went down my spine when I heard a familiar whisper.
"You really came back..." he said with his ever-low voice that I had once loved. It's so ironic that i hated even his voice now.
Dahil sa simpleng presensiya niya ay biglang bumalik ang mga ala-ala ko noong gabing 'yun. When I was just sixteen years old and it was Valentine's Day, my birthday. The same day that my parents got killed.
"Happy sixteenth, Hyacinth!" sigaw ni Mommy sabay paputok ng confetti.
Si Daddy naman ay may hawak pa'ng red velvet cake na pinaghirapan pa nilang i-bake kahapon. They loved me so much that they're willing to spend the day with me even with all their work from our company.
Matapos ang maliit naming pagsasalo ay dumiretso na ako sa school sakay ng sasakyan namin dahil baka ma-late pa ko.
I checked my phone that continuously beeped on my pocket. My feed is flooded with birthday greetings and some were posts about Valentine's Day. I put my phone down and glanced at the car window only to witness vendors selling heart-shaped balloons and bouquets of flowers.
"Ano kayang regalo sa'kin ng mga crush ko?" bulong ko at nakita ko pang lumingon sa'kin ang driver namin. I made a peace sign.
Napahagikhik ako sa naisip. Dulot talaga 'to ng patuloy kong pagsama kay Portia at Sangre eh. Lagi ko na tuloy napapansin kapag may gwapo.
Nakarating na kami sa school at sinalubong ako nila Sangre, Portia at Luna sa gate. Nakita kong may mga dala pa silang mga paper bags na may laman sigurong regalo para sa'kin.
"Hyacinth!" masayang sigaw ni Sangre na parang hindi ako sinabunutan kahapon dahil nakatulog ako sa room.
"Saeng-il chukkahae!" sabi ni Portia sabay bigay sa'kin ng regalo. Inasar ko pa si Portia na puro siya Korean eh hindi niya naman makakausap 'yun pero minura niya lang ako. Nagulat na lang ako nang may humila ng buhok ko.
"Sangre!" saway ko pero tinawanan niya lang ako bago lumayo at biglang binato ang regalo niya na para siyang naglalaro ng basketball.
"Hya, regalo ko, oh! Catch!" sabi ni Sangre sabay bato ng regalo niya. Muntik ko pang hindi masalo. Peste talaga 'tong mga kaibigan ko.
Nagbigay rin si Luna ng kanya at masaya kaming pumasok sa school. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang ngumiti dahil marami-rami rin ang bumabati sa'kin. Kung tutuusin ay medyo mayaman na ang estado namin dahil pinapatakbo nila Mommy ang isa sa pinakasikat na Engineering Firm sa bansa.
They were both Civil Engineers. That's why I really admire them.
"Hya!" masayang sigaw ni Shreya at Sky na naghintay pa sa harap ng room namin kahit hindi sila rito nag-aaral. I smiled because I missed this twins. The Quillito twins had been my friends ever since we were little kids.
"Panget, maligayang birthday sa'yo. Mabuhay ka pang mahaba nawa. Amen!" pang-aasar ni Sky habang nakangiti at nakalabas ang malalalalim na dimple. Gwapo si Sky sa totoo lang. Kung hindi ko siya naging kaibigan ay baka nagustuhan ko siya. Pero no thanks.
Hindi ako magkakagusto sa kaibigan.
"Sizzy! Happy bornday! But, ugh! You are so tagal to become 18. I want you to drink na, eh," maarteng sambit ni Shreya kaya binatukan siya ng kambal niyang si Sky. Nag-bangayan na naman sila kagaya ng lagi nilang ginagawa kaya natawa na lang kami.
"Thank you! Pasok na kami! Libre ko kayo bukas. Fam muna kami ngayong gabi!" Nagpaalam na 'ko sa kanila.
My day was a blast! I had received a lot of flowers from guys—my crushes—and some gifts from my classmates. Classes went fast and I quickly went home so that I can celebrate my special day with my family.
Pagkapasok ko palang ng mansyon ay nakita ko na ang mga handa at ang decoration sa paligid. It has a red and gold theme that perfectly matches this Valentine's Day.
Sabi ng mga maids ay nasa taas pa raw sila Daddy kaya ako na lang ang sumundo sa kanila para makakain na kami. I brought two party hats and giggled while imagining them wearing it.
Nakita kong nakabukas nang bahagya ang pinto ng office nila sa second floor kaya sumilip muna ako at balak sana silang gulatin. Pero ako pa 'ata ang nagulat nang marinig ko ang mga sigawan nila mula sa maliit na siwang ng pinto.
"Haylor, what will we do?! Hindi natin pwedeng hayaan lang sila sa mga gusto nila! Pinagbigyan na natin sila dati. At m-muntik..." Hindi na natuloy ni Mom ang sasabihin niya dahil naiyak na siya.
Hinihilot ni Dad ang sentido niya na parang naguguluhan na sa mga pangyayari.
What are they talking about? Simula noong na-aksidente ako last year, lagi na silang na-mo-mroblema sa kung ano. Pero hindi nila sinasabi sa'kin. They said that it will only stir up my lost memories.
I lost my childhood memories because of a car crash. That's... what they said.
"Cynthia, you know we cannot risk this, right? Ayo'ko nang mapahamak ang anak natin sa pangalawang pagkakataon! Hindi pa nga siya nakaka-recover ay gan'to na naman ang nangyayari. We cannot risk her safety!"
Naguguluhan man ay dahan-dahan akong pumasok papasok sa pinto para pigilan na ang sigawan ng mga magulang ko. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang nila ang pag-aaway nila dahil birthday ko naman ngayon?
"Mom... D-dad... Bakit po kayo... nag-aaway?" Napalunok ako at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. My parents were shocked at my presence that they quickly ran to me when they saw me crying.
"'Wag na kayo mag-away, p-please?" Niyakap lang ako ni Mom at naiyak siya. Naramdaman ko tuloy ang lungkot niya kaya kusa nang tumulo rin ang mga luha ko.
"We're not fighting, anak. Halika na nga bumaba na tayo at ma-celebrate na natin ang birthday ng maganda nating dalaga."
Pilit na ngumiti na lang si Dad at inaya na kaming bumaba. Pero hindi pa kami nakakababa ay napahinto kami sa aming narinig.
"Ahhh!" Kasabay ng mga sigaw ng mga katulong sa baba ay malakas na pagputok ng tatlong baril kaya agad akong napatakip ng tenga ko.
Napahawak din ako sa ulo ko nang sumakit ito mula sa biglang pagbalik ng mga malabong alaala. May baril... May... dugo... ano 'yun? Bakit may baril... akong naaalala?
My Dad quickly ran through the door to lock it while Mom embraced me while still shivering from sudden fear. I felt Mom's grip tightened when we heard another gun shot from the first floor.
"H-haylor... Ano nang gagawin natin...?" nanghihinang tanong ni Mommy habang nakatingin kay Daddy.
"D-dad?" tawag ko sa kanya na ngayo'y parang may hinahalungkat na papeles mula sa mesa niya. Nang mahanap niya na ang kailangan niya ay nilingon niya kami ni Mom nang may bakas ng takot sa mga mata.
"Hyacinth, anak. Listen. I know that you are a strong girl. But you first need to hide in that cabinet, okay? Remember that Mommy loves you." Mom kissed my forehead then pushed me to a cabinet. Parang ngayon ko lang nalaman na may cabinet pala rito. Like it was made for emergency purposes.
May narinig na naman kaming putok ng baril sa baba kaya mas lalo akong nagmadali sa pagpunta sa cabinet. Nanginginig akong tumungtong dito. Nakatulala lang ako sa mga mata ni Mom dahil hindi ko sila maintindihan.
Naguguluhan ako! Ano na bang nangyayari? Papatayin na ba kami?!
"M-mom... What is happening...?"
She shook her head and decided to not say anything to me. Instead, she just hugged me tight like I would slip apart if she loosens it. Pilit niya akong hiniwalay sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mga mata nang mariin.
"Hyacinth... we love you, okay? We will do everything for you, honey."
Hinalikan niya ang noo ko sabay tulak sa'kin papasok sa cabinet na hindi mo mapapansin na nakalagay doon kung hindi mo titingnang mabuti.
"Sandali! Mom, Dad! Magtago na lang tayo! Samahan niyo ko... P-please..."
Pinunasan ko ang patuloy na pagbagsak ng luha ko kasi kahit hindi ko naiintindihan kung bakit at anong dahilan ng mga pagputok, nararamdaman kong may masamang mangyayari ngayong gabi.
"Natatakot ako..." I said while embracing myself to stop my shoulders from shaking. My psychiatrist told me that whenever I'm afraid, I should do the Butterfly Hug Method to calm down. Pero parang hindi ko kayang kumalma ngayon.
"Don't be, Hyacinth. 'Wag kang matatakot at tandaan mo na we're always here for you, okay? No matter what it takes." Hinagkan ako nang mahigpit ng aking mga magulang na parang walang bukas.
Na parang ito na ang huling pagsasama namin.
Hindi ko yata kakayanin 'pag pati mga magulang ko ay nawala sa'kin. They were the only memories that was clearly retained from my lost memories. Hindi ko kakayanin kung ang tanging memoryang naaalala ko ay maglalaho sa gabing ito.
Gustuhin ko mang yakapin pa sila sa huling sandali ay biglang may kumatok nang malakas sa pinto. Sabay-sabay kaming napakalas sa pagkakayakap at tuluyan na nilang sinara ang cabinet na pinagtataguan ko.
Pumunta sila sa may lamesa at pinagmasdan ko sila mula sa maliit na butas dito. They hugged each other tightly and said some words that I couldn't hear. For the last moment, I saw my Mom tilted her head to glance at me. She gave me a smile that said 'everything will be okay.'
Tumulo na naman ang luha ko nang makita ko ang malulungkot na mata ni Mommy. I don't want to see them cry. It was like a punishment for me. They have been so good all my life.
Bakit ba lagi na lang kaming pinaglalaruan ng tadhana? Bakit laging nasa bingit kami ng kapahamakan? Ano ba'ng ginawa ko? Ng pamilya ko?! Do we even deserve this misery?
I cried silently while my palm was covering my mouth to stop making a sound. I almost shouted when the door suddenly went down, and five armed men entered the office room.
The five black-suited men with guns on their hands positioned themselves near my parents while pointing the gun at them. After they barged in, two people with extravagant clothes entered the room with a demonic smile.
"Wow! What a happy family! Happy birthday to your—Oh! Where's your little girl?" maarteng sambit ng babae sabay baling sa lalaking katabi niya.
Nahihinuha kong magkasing-edad lang sila nila Mom and Dad. They were wearing suits and shiny dresses that's why I think that they were also from wealthy families. When I saw their faces, my head suddenly throbbed. They seemed familiar.
Mula sa maliit na butas, nakita kong may tinawagan ang lalaki na sinasabing halughugin ang buong bahay at hanapin ako. Agad akong kinilabutan nang marinig ko ang malalim na boses nito.
"Valerie! Ano ba'ng kailangan niyo sa'min?!" matapang na sigaw ni Mom kahit bakas na rito ang takot. Nginitian siya ng babae nang nakakatakot habang dahan-dahang naglakad papunta sa pwesto nila.
"Oh, shut up, Cynthia... Like mother like daughter... Foolish! Alam niyo naman ang kailangan namin diba?"
"Sign the papers, give us the project, and we'll leave," malamig at walang emosyong sambit ng lalaki.
Papeles? Lupa? Project? Dahil lang dun ay ganito na ang mararanasan namin? Tatakutin nila kami for some properties?! They are willing to kill people because of money? Bakit hindi na lang 'yun ibigay nila Mom and Dad? Kailangan pa bang isugal ang buhay namin bago nila ibigay ang pesteng materyal na bagay na 'yan?!
"P-pipirmahan na namin pero... Please Jash umalis na kayo... Hindi namin... kasalanan ang nangyari sa kanya..." nanginginig na sambit ni Dad. Ngayon ko lang siya nakitang nagmakaawa at natakot kaya napaiyak na naman ako. I can't take this anymore.
"Ang daming arte ng pamilya niyo! I said give me the papers!" sabi ng babae sabay sampal niya nang malakas kay Mom.
Napapikit na lang ako dahil hindi ko na talaga kayang panoorin. Masyado na akong nagpapakaduwag sa pagtatago rito. Kailangan may gawin ako! Kaso... kaso...
I'm just a teenager who will also die if I go out from this cabinet.
Rinig pa rin ang malakas na hagulgol ni Mom at mahinang paghikbi ni Dad. Nang idinilat ko ang mga mata ko, nakita kong may pinipirmahan na silang papeles sa lamesa. Nang matapos ito ay binigay nila ito sa lalaki't babae sa harap nila na ngayo'y nakangiti na sa kanila.
"Thank you for cooperating, Villaflors. But remember that nothing is for free. You may have given us your project but you can never revive... him..." I shivered at their last words.
"A life is paid with another life..." Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay lumabas na sila ng k'warto pero may binilin muna sa mga armadong lalaki bago umalis.
"Finish them."
"N-no..." mahinang bulong ko. Pagkasabi nila no'n ay napatakip na lang ako ng bibig ko nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n. Yumakap na sila Mom and Dad sa isa't-isa. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko para pigilan ang mga armadong lalaki sa gagawin nila pero huli na ang lahat.
"Hyacinth..."
Two sound of the noisy bullets and silence enveloped the room. No horrifying screams. No merciless cries. Nothing. Just complete silence.
Kasabay ng tuluyang pagtahimik ng paligid ay siyang pagbagsak ng dalawang katawan sa sahig habang patuloy ang agos ng dugo sa katawan.
My parents...
I was about to go out to them but my Dad glanced at me and quickly shook his head. He smiled at me for the last time with tears overflowing before closing his eyes like it was his farewell.
Nanghihina ang tuhod akong napaupo sa kinauupuan ko habang pilit na pinapatahimik ang sarili ko mula sa pag-iyak dahil sa mapait na sinapit ng magulang ko. Bakit kailangan mangyari sa'min 'to? Kahit saang anggulo mo tingnan ay wala kaming ginawang kasalanan! Wala!
Kaya bakit?!
My birthday that was on the same day as Valentine's day was supposed to be happy. It was supposed to be full of love but suddenly changed with one flick of fate. With one snap, my parents died. With my cruel fate, my birthday was not the same anymore.
Nang maramdaman kong wala na ang mga armadong lalaki at nang marinig ko na ang tunog ng makina nila buhat ng pag-alis, nanghihina man ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko para puntahan ang mga magulang ko.
"I'm... s-sorry... I'm sorry... F-forgive me! Wala akong nagawa! Wala... w-wala..." pahina nang pahina kong sambit habang naglalakad nang dahan-dahan papunta sa dalawang katawan na nakahandusay sa malamig na sahig.
Umiyak lang ako nang umiyak habang tinitingnan ang walang buhay kong mga magulang. Kagaya ng mga luha kong hindi natatapos, hindi rin nauubos ang mga katanungan sa utak ko.
"Bakit niyo ako... iniwan? B-bakit?"
Naamoy kong parang may nasusunog sa baba pero imbis na tumakas paalis ay umupo na lang ako kasama ng mga magulang ko. It's better to die with them since my life has no direction now.
Nanghihina na ako at nararamdaman kong mawawalan na ako ng malay kaya pinikit ko na lang ang mata ko at piniling tumabi sa mga magulang ko.
"I love you, Mom. I love you, Dad." Hinalikan ko sila sa kanilang noo sabay pikit ko ng dalawang mata ko.
Akala ko ay tuluyan nang walang magliligtas sa'kin. Sa'min. Pero naramdaman kong bigla akong parang lumutang sa ere and before I knew it, I was in the arms of a man I don't know. My mind was clouded and my eyes are weak from crying but one thing is clear.
My parents died on Valentine's Day. They were killed on my very birthday. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya hahanapin ko ang dalawang taong nagpahirap sa'min.
Hinarap ko ang lalaking sumasayaw mula sa likod ko kanina at tiningnan ang makahulugan niyang mga mata. I can't read his mind. He had always been mysterious. And what I hate about him the most was his name. It was Valentine.
I can now say that I officially hate Valentine's.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACMFirstCupidsArrow
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top