Episode 45
Episode 45
Valentine's Gift
"I... I'm pregnant..." salubong ko kanila Sangre at Luna na agad nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko.
Sangre almost spilled her tea while Luna's mouth draped open. I shyly smiled before sitting on the chair in front of them.
I saw Sangre staring at me in shock. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya na hindi maipinta ang mukha. She seemed so speechless before screeching that made me terrified.
"Kingina mo ka!" Muntik niya nang hilahin 'yung buhok ko kung hindi lang hinampas ni Luna 'yung kamay niya. Kung nandito siguro si Portia ay sinampal niya pa si Sangre.
"Mag-ingat sa buntis. Marupok. Handle with care," sabi ni Luna bago tumingin sa'kin. Kinindatan niya 'ko at ngumiti. "Congrats, Hya..." she said with an overwhelmed voice.
"I... I don't know what to say..." bulong ko. Pero sumigaw na naman si Sangre na parang batang nagngangawa.
"Haliparot ka, Hya huhu. Naunahan mo pa 'ko!"
Parang nanggigil siya sa'kin na gusto niya 'kong tirisin kaya tinawanan ko na lang siya. "Pero congrats, bes. Lakas ng sperm ni Fafi Val. Tuwid at matulin!" Tumawa siya nang pagkalakas-lakas kaya muntik na kaming sawayin sa café. Lumingon ako kay Luna na biglang nagsalita.
"Ano nang balak mo? Birthday mo na sa Tuesday 'di ba?"
Mas lalo akong napaisip dahil dun. Pa'no kung... doon ko na lang kaya mismo sabihin kay Val? Ayos lang naman siguro 'yun 'no?
"Gan'to na lang, Hya. Sabihin mo, sa ngalan ng ama, ng anak nating dalawa—" Hindi niya pa tapos ang sasabihin niya ay tinawanan na siya ni Luna kaya napatawa na lang din ako.
Uminom ako ng kape at hindi ko alam ang mararamdaman. Gusto kong umiyak sa saya. Seeing my friends being happy for me because of this, made this heart full. This is the very first time that I ever felt complete. Hindi ko alam. Basta't sobrang saya ko ngayon. I could jump for joy if it isn't for the baby.
Ano kaya ang gender niya? What shall we call him or her? Ano kayang pakiramdam na tawagin ka'ng 'Mama'?
Maybe it's fulfilling. Maybe it's the best thing that every mother ever had. It's the greatest gift. The greatest blessing in my life. Sa dinami-rami ng mga taong umalis sa buhay ko, napalitan ng saya noong nalaman ko na buntis ako.
"Hya, nako sinasabi ko sa'yo, ha. 'Wag ka magiging nega muna, okay? 'Yung mag-o-overthink ka na 'baka 'di ako pakasalan ni Val' or 'baka anak niya lang 'yung gusto niya sa'min'. 'Wag mo isipin 'yung mga gano'n kasi mahal ka no'n ni Val, okay? 'Pag ikaw na-stress dahil diyan, ako sasabunot sa'yo." Tinapat pa ni Sangre ang tindor sa gawi ko.
Tumango na lang ako nang paulit-ulit.
I never intended to do that anyways. I am completely satisfied and contented with my life these days and I wish for nothing more but peace of mind. And of course, to be with Val.
A lot of things had happened, but he's still the greatest plot twist in this world full of sharp arrows and thorns.
Sinabi nila na magpahinga na raw muna ako kaya ni-contact ko na agad si Val para masundo na 'ko. Wala pang isang oras, natanaw ko na agad siya papasok ng café.
Matangkad siya kaya kitang-kita ang presensiya niya sa pagpasok palang. His beauty is really a head-turner.
He was dashing with his t-shirt in his favorite color, partnered with maong pants and formal shoes. May nakasabit pa na silver necklace sa leeg niya. I noticed that it's the one that I gave him on our first monthsarry before.
"Gwapo, Hya. Nakakainis ka. When kaya?" singit na naman ni Sangre kaya tinawanan ko na rin siya.
"Malapit ka na rin, Gre. Law of Attraction lang." She rolled her eyes at me then talked to Luna. "Eh ikaw? Ano nang balak mo sa buhay, Luna? Habang buhay ka nang mag-ta-trabaho, gano'n?"
Umiling si Luna at binigyan siya ng maliit na ngiti. "Baka 'di talaga para sa'kin 'yang love-love na 'yan, Gre. Support ko na lang kayo."
Hindi ko na sila inabala pa nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses sa tabi ko. I could even smell his manly scent from here. Sobrang turn-on talaga sa mga lalaki kapag mabango.
"Elara..." he whispered before lowering his head and kissing my cheeks. Tumayo ulit siya ng maayos at inakbayan ako. Nginitian niya lang sina Sangre at Luna.
I quickly glanced at his direction and smiled at him.
"Let's go?" he said in a soft manner while I nodded. Tinulungan niya pa 'kong tumayo.
"Una na kami," paalam ko kanila Sangre at kumaway lang sila.
"Edi kayo na may forever! Nyeee sana all!" pang-aasar na naman ni Sangre kaya sinimangutan ko na lang siya. Naglakad na kami paalis.
I felt Valentine's hand firming my waist while we were now walking towards his car. "So... what happened?" he started the conversation.
"Wala... some chika lang gano'n..." nahihiya kong sambit kasi baka masabi ko bigla na buntis na 'ko. Napangiti na lang siya sa sinabi ko.
"And? Did you enjoyed it, hmm?" he said while smiling. I just stared at his smiling lips for long. Something tugged within my heart because of his smile.
His smile looked like he's contented with everything we have now. What will his reaction be when he knew that we'll have a child? I bet that it's priceless. I can't wait to see this stoic cold man's reaction. I really love him.
"Oo naman. Uwi na tayo." Niyakap ko rin siya sa gilid bago niya 'ko pinagbuksan ng pintuan. He's really a gentleman. Even before. Pero sa'kin lang. Kaya mas nakakakilig.
Time passed by fast and we were sleeping together but my mind was continuously running endlessly with unspoken thoughts. Magkayakap kami sa isa't-isa sa ilalim ng kumot habang malamig ang aircon.
I never thought before that hugging and cuddling with someone could be this wholesome. Just a simple show of affection but the impact... it was so satisfying.
"Val... are you still awake?" I whispered and I could feel his hot breath on my skin. He didn't bulge so I think he's already asleep.
I raised my index finger then traced his perfectly-sculpted face. Starting from his thick eyebrows down to his closed brown orbs then to his pointy nose and pouty lips. I stared at him then.
I really love this man.
He was with me during my ups and downs. Kahit na mas matagal pa kaming naghiwalay kaysa noong naging kami, maybe our love and bond is that strong. Na kahit ga'no pa kahirap ang sitwasyon, kung gugustuhin namin ay magiging kami ulit.
I'm not just proud of myself for choosing the right man but I'm also proud of him. Like me, he... passed through it all. With braveness. Nawalan din siya ng pamilya. His brother—Cyrus—even died. Napapikit ako at hindi na lang inisip 'yun.
Napaisip na lang ako kung kelan ko kaya makakausap ang mga magulang niya. Pwede kayang bukas?
"Mahal na mahal kita, Val. You were like the cupid. Like really. But you're selfish so you chose to hit yourself with the arrow instead of another man for me. Para sa'yo lang ako mahuhulog. And..." I breathed when a tear of joy fell from my eye.
"You succeeded. Kasi sobrang baliw at rupok ko pagdating sa'yo. Ibang klase ka."
Tumawa pa 'ko nang mahina at naramdaman kong humigpit ang yakap niya. Lumapit ako sa kanya at akmang hahalikan ang pisngi niya nang bigla siyang dumilat. Nanlaki ang mga mata ko pero 'di siya lumayo.
He kissed my forehead. "I'm awake. Ang ingay mo kasi. Love you." Tumawa pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
He slowly caressed my hair and embraced me tighter. Pinapangarap ko lang 'to dati. Ang mayakap ang taong mamahalin ko habang-buhay. And now, the mighty Valentine Cyrus De Dios in front of me. I could never be this grateful with my life.
Kinabukasan, kailangan kong pumasok sa office pero parang naduduwal na naman ako. Sobrang groggy ko kahit nasa sasakyan pa lang kami ni Val. Parang 'di ko kakayaning magtrabaho ngayong araw.
"Elara... Are you sure you're okay? This is the second day for fuck's sake," nag-aalala na niyang sabi kaya parang mas nahilo ako at namutla. I think I'm going to throw up again!
"Val! Val! Stop the car, please!" sabi ko kahit nasa kalagitnaan kami ng highway. Hinampas ko pa ang braso niya dahil hindi ko na kaya ang pagsusuka.
He accelerated the speed of the car then found a good spot to park. Madamo sa lugar na 'yun. Pagkarinig ko pa lang ng pagka-park niya, hindi na 'ko naghintay pa at agad-agad na lumabas.
Naiiyak akong nasuka dahil parang umiikot ang sikmura ko. I wanted to throw up all of my organs! Sobrang nakakaduwal!
I felt Val beside me when he held my hair then caressed my back. Lumingon ako at nakita kong nakakunot ang noo niya habang seryoso ang tingin sa'kin. Nang matapos na 'ko sa pagsusuka, inabutan niya 'ko ng tissue para mapunas ang bibig ko. Nanghihina na ako. Kung hindi niya 'ko inalalayan ay baka 'di na 'ko nakatayo.
After a few minutes, he's still silent as if analyzing me. Valentine is intelligent. I know that he knows that I'm pregnant based on his confused looks. Obvious naman kasi.
"Did you... took a pregnancy test...?" mabagal niyang tanong kaya tinitigan ko rin siya. Ayo'ko na itago lalo na kung halatang-halata na. Mukhang 'di na 'to makakapag-hintay bukas.
"Y-yes..."
"And? What's the result?" he said with furrowed eyebrows before holding my hand. Nasa labas pa rin kami dahil baka masuka ako sa amoy ng suka kung papasok agad kami sa kotse.
"Ano pa ba..." Tumawa ako at umiwas ng tingin. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"What is it, Elara? Gusto kong marinig mula sa'yo..." He neared me then held the both of my waist. Parang sasabog ang puso ko sa kaba dahil sobrang lapit niya. Napalunok pa 'ko.
"T-two... two lines... I'm pregnant, Val." Umiwas ulit ako ng tingin pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
He hugged me tight with his arms wrapped around my body like I'm a fragile glass, if loosen would shatter. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko nang hindi magsalita si Val at siniksik lang ang ulo niya sa balikat ko.
"V-val... Galit ka ba?" Hindi ko kasi alam kung anong reaksyon niya. Wala naman siyang sinasabi. Then I felt small drops of liquid on my shirt on my shoulder. Gulat akong napahiwalay sa yakap niya at tiningnan siya!
He... cried?
"I love you..." He kissed my forehead many times. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"I would never be angry at you, baby. Thank you... for bearing our child. Fucking shit. Sobrang saya ko ngayon. Can we marry each other today?" Tuloy-tuloy niyang sabi kaya napatawa na lang ako.
Tumaas ang isang kilay ko. "Pa'no kung 'di mo anak 'to?" pang-aasar ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"No, I'm sure of it. I really aimed for it, Elara. Akin 'yan."
Agad akong pinagmulahan dahil sa sinabi niya. Napakapasmado ng bibig! I pouted at him before kissing his cheeks. "Ang kalat," bulong ko bago siya yakapin at sabay kaming tawa-iyak ngayon.
"I love you. I love you. I love you," patuloy niyang bulong habang yakap ako kaya napangiti na lang ako.
This may not be the happiest moment of my life but I surely know that I will treasure this memory for the rest of my days.
Pagkatapos no'n, sabi ni Val na 'wag daw muna akong pumasok sa office. Pero hindi ako pumayag. Bukas naman ay a-absent ako at saka hindi pa naman malaki ang tiyan ko para mag-file ng leave. Wala siyang nagawa sa reklamo ko kaya sinamahan niya na lang ako sa office.
He was with me the whole day! Para siyang batang kanina pa nakayakap sa ina niyang nagtatrabaho! Paikot-ikot lang din siya sa office ko at tinitingnan ang mga gamit dun. Kinuha niya ang laptop niya sa kotse at doon na lang din nagtrabaho para sabay kami.
I checked our GC and they said that they wanted to drink for my birthday tomorrow! Alam na rin nila Portia, Shreya at Sky na buntis ako. Surprised but expected na raw naman na nila 'yun. Marupok daw kasi ako.
Hya: bubu ba kayo? Buntis tas iinom? Baka paglabas nito sabihin "mami, tagay!" HAHAHA
Sangre: Alam mo Hya, hindi ko alam ba't kita naging kaibigan
Portia: Seym tots, xia lng buang d2,,,
Hya: wAw kahiya
Luna: Pero 'wag na lang tayo uminom sa club? Pwede naman 'yun eh. Saka i-su-surprise mo pa si Val sa pregnancy mo 'di ba?
I smirked at Luna's message then lifted my head to glance at Val's direction. I saw him stared at me when I giggled. "Sino 'yan?" tanong niya kaya umiling ako. "Tropa lang," natatawa kong sabi kaya tumango siya at bumalik sa pagtatrabaho.
Hya: Actually... alam na niya hehe
Shreya: omg huhu so bobo
Sky: wala ka kwenta balik ka na nga sa tiyan ni Tita Cynthia jk HAHAHA
Sangre: HAHAHAHAH SIRAULO KA SKY
Portia: HAHAHDSDDSXSFGCBSXND
Sangre: si Portia 'pag tumawa, parang asong nauulol HAHAHA
Luna: So walang inom bukas pero club? Kelan niyo nga pala kakausapin sila Tita Elly about diyan? Saka what about sa parents ni Val?
Sky: Kaya na nila 'yan, Luna. Sila na mamomroblema niyan. Nakagawa nga ng bata eh sus
Umirap ako at nakipag-usap pa sa kanila bago nagtrabaho ulit. Sabay kaming umuwi ni Val at nag-usap na kung kelan namin bibisitahin ang parents niya sa kulungan. Of course, we still wanted them to know that we'll get married and will have a child. Form of respect na lang.
Kinabukasan, binungad ako ng halik sa pisngi ulit ni Val pagkagising ko. He was smiling when I woke up.
"Good morning, birthday girl." He kissed me on the forehead before pulling me up to sit. "Val! Inaantok pa 'ko!" naiinis kong sigaw bago humiga ulit at nagtalukbong ng kumot.
"That's sad. I even prepared something for you. Sige, 'wag na lang."
Narinig kong humakbang na siya paalis kaya naiirita kong tinanggal ang kumot at umupo. Akala ko ay umalis na talaga siya pero nakasandal lang siya sa pinto habang nakahalukipkip na tumitingin sa'kin. He was even smirking.
"I knew that you love me. Get up, baby. It's time for breakfast." Lumabas na siya ng pinto kaya napairap na lang ako bago ngumiti. Tiningnan ko ang tiyan ko at hinimas ito.
"Ginawan tayo ng breakfast ni Daddy, baby. Gutom ka na ba?" kausap ko sa anak kong nasa tiyan ko bago humagikhik at tumayo. Naghilamos muna ako bago dumiretso sa dining.
Nakita kong naka-apron si Val habang may hawak na cake. Tumawa ako sa itsura niya pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Lumapit siya sa'kin habang hawak pa rin ang cake.
"Happy birthday." He urged me to blow the candles. Hinipan ko na 'yun at nag-wish na ng tahimik.
Happiness like this forever.
That's my wish even though I knew that life isn't always rainbows and unicorns. Sobrang kuntento na 'ko sa buhay kong kasama siya at sa pamilyang bubuuin namin. If I could only freeze time, I would pause this moment so that we can cherish it for the rest of our lives.
We ate breakfast together and didn't go to work because I filed a birthday leave. Gusto ko rin naman i-enjoy 'tong araw na 'to, 'no? Kaya nasa bahay lang kami ni Val buong araw. Cuddling with each other while watching Netflix.
We don't need to date in malls just to know that we love each other. Base pa lang sa tinginan namin, alam mo na agad na nagmamahalan kami. I may have hated and cursed Valentine's Day many times before, but he is the game-changer. With the name Valentine, who changed my perception in it.
Nakakalungkot lang na 'di na naabutan nila Mommy na magkasama kami ni Val dahil din sa pakana ng mga magulang niya. I questioned my love for him for many years. But I guess that God really has a plan for people that are meant to be together.
Despite the challenges.
"Happy birthday, baby." He kissed my forehead again then lowered his head to kiss my tummy. Napahagikhik na lang ako.
"I have two babies now..." bulong niya bago ako hinalikan ulit sa pisngi.
"Thank you, Val. For accepting me. After everything. This is the best birthday gift for me."
"No. I should be the one to say thank you. Alam mo ang ginawa ng mga magulang ko pero... minahal mo pa rin ako. You still trusted me. I should be more grateful because I have an understanding wife like you." He hugged me again then we watched a Netflix movie.
Wife. How sweet when he called me his wife.
Nakasandal ako sa balikat niya at iniisip na ang gagawin namin mamayang gabi ng mga kaibigan ko sa club. Mukhang hindi na 'ko mapapadalas sa pag-inom at pag-c-club dahil kailangan kong alagaan ang sarili ko.
I was staring at the television when I felt Val moved. Lumingon ako sa kanya at gano'n na lang ang gulat ko nang maglabas siya ng isang singsing. Humiwalay ako sa yakap at napatakip sa bibig ko sa gulat. Tears were forming around my eyes.
"I know that... this is kind of not cool way to propose. But I wanted to marry you and be with you for the rest of my life as soon as possible. I wanted you to be... the mother of my children and my wife who'll always be there for me... through thick and thin. I... love you." Tumulo na ang luha ko.
Tumayo siya sa sofa at biglang lumuhod sa harap ko gamit ang isang tuhod. Napayakap ako nang mahigpit sa unan.
"Will you marr—" I cut him off.
"Kelan ba tayo magpapakasal?" I asked while tears still flowing down my cheeks. His smile seemed amused with my answer before lifting my hand so that he can fit the ring on my finger. I stared at it.
It was a simple but elegant ring that expressed love and class. This may not be the most beautiful ring that I've ever worn but its value is worth a million times more.
Tumayo siya kaya tumayo na rin ako at niyakap siya. Sakto na tumugtog ang isang kanta mula sa TV na pinapanooran namin. We danced to it and giggled with each other's craziness.
"The world could die
And everything may lie
Still you shan't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side."
Napangiti na lang ako nang marinig ko ang kanta ng Rivermaya na "214". Sakto pa sa araw ngayon. A lot had happened on this day. On the same date, I was born, my parents died, but I also got engaged. And ironically... to a man named Valentine.
The word that I loved the most.
Valentine.
He leaned to give me a deep kiss. I kissed him back and it was the sweetest. I wrapped my arms around him while were still swaying to the song. Patuloy na tumutugtog ang kanta at magkayakap lang kaming dalawa. Umupo muna kami pagkatapos dahil parang napagod ako roon. He held my hand so I took a picture of it to post it on my Instagram.
Pagka-pindot ko ng post ay marami agad ang nag-heart at halos sumabog na ang notification ko dahil ni-tag ko pa roon si Val. Ngumiti na lang ako nang sinandal niya ang ulo sa balikat ko at binasa ko ang caption.
"Happiest Valentine's and Birthday gift from love."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM45
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top