Episode 44
Episode 44
Pregnant
"Good morning, babe. Wake up, I cooked you breakfast."
I groaned when I heard Valentine's whisper. It has been almost two weeks since we lived together. "Inaantok... pa 'ko..." I said like a whisper.
Kung pwede lang na araw-araw ay gan'to ka-gwapo ang haharap sa'kin, hindi na 'ko magsasawang gumising kada-umaga.
I gave him a small smile. "Good morning." I kissed him and he kissed me back with a smile. I am still sore from last night. We made love endlessly again. I stood up and he supported me like I'm an injured person. I saw him smirk.
Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta na 'ko sa mesa para kumain. He cooked bacon, ham and egg for our breakfast. "Hindi ba masyadong mamantika 'to? How about our diet?" I pouted but he just furrowed his eyebrows.
"What diet? You shouldn't diet. You're thin enough." Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko sa sinabi niyang payat ako, o ano. Pero hindi ko naman maiwasan ang kumain ng kaunti. Nasanay lang siguro.
"What are we going to do for today?" It's a Saturday and I have no work every weekends. Actually, marami akong pending projects pero hindi ko kailangang pumasok sa trabaho.
"I don't know. Do you want to date at the mall? Kagaya noong college." I smiled at him and suddenly reminisced the days when we were just nothing but 'thesis partners' who flirts with each other.
"Or... Church na lang muna tayo bago mag-ikot sa mall. G?" aya ko sabay ngiti. Para na talaga kaming mag-jowa ngayon. May pa-date-date pa na nalalaman, parang mga teenagers.
I wore a white sleeveless sheath dress with a black and gold platform shoe. Nakita ko namang naka-long sleeves na gray si Valentine. Its sleeves are rolled up on his elbows that emphasized his masculinity.
"Ang gwapo, babe." Niyakap ko siya. Minsan parang gusto ko na lang siyang halikan kaso baka asarin niya na naman ako na mahal na mahal ko siya. Totoo naman, tss.
Nang makarating na kami sa isang Christian Church sa mall, agad kaming nakahanap ng upuan sa cinema kung saan 'yun ginaganap. Matagal ang naging preaching pero masaya naman at nakaka-relate talaga kami. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagsimba pero madalas akong nagdadasal sa Maykapal.
Siya na lang talaga ang pang-kakapitan ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.
Some businessmen even approached us and we talked to them too. Nang makita kaming magkasama ay marami pa ang nagulat. But I'm not ashamed of this relationship. I don't care about their opinions.
Only our feelings for each other matters.
"Let's go?" Val held my hand and we walked away out of the cinema. I was in all smiles while we were window shopping for a lot of things. Ang dami na naming napaplano na kung ano-ano agad.
"When we get married, anong gusto mong type ng bahay?" he asked me while we were waiting in the line because I just bought a new pair of sandals.
"Type kita," pang-aasar ko kay Val at niyakap siya kaya umiling siya habang nakangiti. Nag-isip-isip naman ako dahil sa sinabi niya.
I smiled. "Hmm... Gusto ko 'yung kasya lang sa pamilya natin. Hindi sobrang laki, hindi sobrang liit."
I remembered how our big mansion looked too lonely for me even when my parents were still alive. Gano'n din ang bahay nila Tita Elly. Masyadong malaki para sa isang pamilya.
I don't want my children to feel that they're lonely. I wanted them to experience having a complete family with a humble abode. I wanted them to experience the best. Kagaya ng pinangarap kong pamilya na maagang binawi sa'kin.
Valentine smiled at me too and we went to different clothing shops. Hinihintay niya lang ako habang nagsusukat-sukat at sasabihin niya kung maganda ba o hindi pero puro ang sinasabi niya lang naman, "You look good, baby." Napapairap na lang ako.
Hindi ko lang alam kung bakit parang bigla akong tumaba. Hindi naman ako malakas kumain, ah? Kailangan ko na talagang mag-workout ulit.
We entered a fancy restaurant. Kinuha ko na ang menu dahil parang nagugutom ako bigla. Pero nang makita ko ang mga putahe, parang biglang umikot ang sikmura ko.
Napatayo ako. "W-wait..." Tumakbo ako papuntang CR at hindi na hinintay si Val. Para akong nasusuka na ewan. I think this is really because of the oily food that I ate earlier as my breakfast. Hindi ko alam kung bakit.
Naramdaman ko lang na parang nasusuka ako pero wala naman talagang lumabas. Nahihilo akong lumabas ng cubicle at naghugas ng kamay. Nang makalabas na 'ko ng girl's CR, nakita ko agad si Val na naghihintay.
"Are you okay?" he asked me, still concerned. I shook my head but I held it tightly as I felt the world spinning. "Ang sakit ng ulo ko..." Umiling ako bago humawak sa braso ni Val at iginiya niya ulit ako sa table namin.
"Are you sick? Uuwi na ba tayo?" Umiling ako at tumingin ulit sa menu. Medyo ayos na ngayon. Siguro nauumay lang ako kanina kaya para akong nasusuka.
Kumain muna kami ng tanghalian at pagkatapos noon ay umuwi na rin. Sabi ko kay Val ay ayos pa rin naman ang lagay ko pero ayaw niyang makinig. 'Pag 'di pa raw kami umuwi ay baka madala niya 'ko sa hospital nang wala sa oras.
"Are you sure you're alright?" Nag-aalala niya pa ring tanong nang makarating na kami sa elevator ng condo niya.
"Oo nga," sabi ko na medyo naiirita na dahil paulit-ulit na siya. Paulit-ulit ko ring sinasabing okay lang ako pero 'di naman siya naniniwala. Nakakairita na.
Nang makauwi sa condo niya ay parang pagod na pagod ako sa lahat ng bagay. Sumandal ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko. Pero hindi ako makatulog kaya naligo na lang muna ako.
I was taking a bath when Val suddenly entered the bathroom!
"Ano ba, Val! Alis nga!" naiirita kong sabi sa kanya kaya kinunutan niya 'ko ng noo. Wala na siyang damit sa buong katawan niya kaya umiwas ako ng tingin kahit hindi naman 'yun ang first time ko.
"What do you m—" Kumuha ako ng towel at binato sa kanya. "Mamaya ka na! Naliligo pa 'ko!" sigaw ko sa kanya.
I throwed the towel to him and he got it with furrowed eyebrows. "Akala ko ba sabay tayo..." he pouted and I just throwed him an irritated glance. "Ayo'ko! Mamaya ka na!" Parang kumukulo ang dugo ko sa kanya sa hindi malamang dahilan.
Bakit ba 'ko gan'to? Parang kanina ay masaya pa 'ko tapos ngayon ay galit na galit naman. Bumagsak ang malalapad niyang balikat dahil sa sinabi ko at umalis na nga.
Nang tumama na sa balat ko ang tubig, napapaisip na lang ako kung bakit ko siya pinaalis. Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Baka magkakaro'n ako? Mood swings? But I never had mood swings even when I had no menstruations.
Lumabas na 'ko ng CR na naka-tuwalya lang at nakita ko si Val na nakaupo sa kama. He was just staring at me intently.
"Tapos na 'ko... Ikaw na..." He nodded without replying anything. Nilagpasan niya lang ako at pumunta na sa CR nang tahimik.
Galit ba siya? Bakit ba kasi ako ganito ka-moody ngayon?
Nagbihis lang ako nang mahabang t-shirt niya at maikling shorts sa loob bago tinuyo ang buhok sa blower. We haven't even got dinner yet. Maybe I should cook something.
Pagkatapos kong magbihis ay gano'n nga ang ginawa ko. Naisipan kong magluto ng baked salmon dahil parang nag-c-crave ako ng gano'ng lasa. I immediately smiled when I smelled its aroma.
Habang naghahalo ako ng ingredients ay naramdaman ko ang presensya ni Val sa likod ko kaya parang nairita na naman ako. Amoy bagong ligo siya. Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko. Siniksik niya pa ang ulo niya sa leeg ko.
"You smell good." Napairap ako.
"Nagluluto ako. Alis nga!" Ramdam kong parang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Gusto ko siyang sapakin at sabunutan sa hindi malamang dahilan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Nagulat ako nang inumpisahan niya akong halikan sa kung saan-saan.
"Val! Nagluluto ako!" Tinatanggal ko ang pagkakayakap niya pero parang nanghihina rin ako sa mga halik niya. "Val..."
"Elara..." bulong niya. Hindi ko alam ang mararamdaman. Kanina ay galit pa 'ko sa kanya. Mas diniin ko ang katawan ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niya 'kong binuhat mula sa likod at inupo sa counter top. "Val!" I shouted at him. Nang magkatapat na kami, I saw how his eyes almost turned dark. He lowered his head and kissed me hungrily.
"Is it... the time of the month?" tanong niya sa marahang boses na parang takot na takot sa magiging reklamo ko.
"Hindi... Hindi pa 'ko nagkakaro'n." Napairap ako.
Tinitigan niya 'ko. "May problema ba tayo?" he asked. He put his two muscular arms beside me and locked me while I lowered my head because of shame.
"Wala naman..." I said with a small voice.
He lifted my chin up and I saw his brown hooded eyes staring at my soul. "Then why... Have I done something wrong...?" he asked with a soothing voice then held my hand tightly. He caressed it but I shook my head. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa'kin.
"Maybe I just needed some... rest." I stared at him too even if I'll almost melt with his stares.
Matagal bago siya bumuntong-hininga at tumango. He kissed me again before I got down from the countertop. Pinatay ko na ang kalan na nagluluto ng Salmon. Gusto ko pa naman kumain.
"Can you... cook that for me...?" tanong ko kay Val kahit nahihiya na 'ko dahil sa pagiging magulo ko kanina. Ang gulo-gulo ng mood mo, Hyacinth Elara!
Tumango siya at binigyan ako ng maliit na ngiti. "Watch Netflix at the living room first, okay? Get yourself some rest." I smiled at him. Parang nawala naman ang galit ko ngayon at huminahon na 'ko. What the hell, lang talaga.
I opened a comedy show but I ended up crying for an unknown reason. Nasa kalagitnaan na 'ko nang maramdaman kong umupo si Val sa tabi ko. I felt him hug me from the side while I continue wiping my tears.
"Our food is ready— Bakit ka umiiyak?"
Umiling ako. "Hindi... ko rin alam..." nanghihina kong sabi. Tumayo ako at pinatay na ang TV dahil nagugutom na 'ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina sa resto.
Nang makita ko ang nakahandang baked Salmon sa mesa at iba pang leafy vegetables, parang bigla akong ginanahan! Gutom na gutom na talaga ako!
Usually ay hinahainan ko pa si Val pero hindi ko alam at gutom na gutom talaga ako ngayon! Parang kanina lang ay sinabi kong tumataba na ata ako ah! Control yourself, Hyacinth!
I started eating the food and Valentine looked shocked when he just sat in front of me. Napatawa na lang siya dahil sa pagkain ko. "You didn't even wait for me. Are you that hungry, baby?" he asked and I rolled my eyes before eating again.
Habang kain ako nang kain ay naramdaman kong nakatitig lang si Val sa harap ko. Nagtataka na siguro siya kung bakit ang dami kong kumain at para akong nagmamadali.
"Inaantok ka na ba?" He shook his head at my question. "Kumain ka lang..." marahan niyang sabi kaya tumango ako. Tumaas ang kilay niya na parang may naiisip na.
Naka-ilang balik 'ata ako ng kanin bago ako tuluyang ma-satisfy sa nakain ko. Busog na busog ako! Parang sasabog 'yung tiyan ko sa kabusugan!
I offered to wash dishes since I didn't cook but he insisted. Dumiretso na lang ako sa k'warto namin para mag-tooth brush. I kept on playing on my head, my reaction earlier. Bakit ba sobrang moody ko 'ata?
Kinaumagahan, binati ako nang pagduduwal. Parang gusto kong ilabas ang lahat ng kinain ko kagabi. I immediately went to the bathroom. Napaupo ako sa sahig dahil sa pamimilipit ng tiyan.
Tumutulo ang luha ko habang sinusuka ang pagkain ko kagabi. Naiiyak na 'ko sa sakit. Nang medyo huminahon, narinig ko naman ang sigaw ni Val at binuksan ang pintuan.
"Elara!"
He immediately kneeled beside me. Sinikop niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at hindi alam ang gagawin. "Are you sick? Gusto mo ba'ng pumunta tayo sa ospital?" I heard worry and concern in his voice. Umiling ako at nagsuka ulit.
Parang gusto kong isuka lahat ng laman-loob ko. Hindi ko man gustong isipin kung tama ba ang hinala ko pero... buntis ba 'ko?
That's the only rational explanation for this. Isang linggo na 'kong 'di nagkakaro'n base sa schedule ko. We're doing unprotected sex. Being pregnant is not impossible.
Pagkatapos kong sumuka ay napasandal na lang ako sa pader ng wall habang si Val ay nakaluhod pa rin sa harap ko na parang 'di alam ang gagawin.
"I should... meet my friends first." Since wala namang pasok, gusto kong tanungin muna sila tungkol dito. I don't know what to feel by the time that I get to confirm that I'm pregnant.
Hindi ko alam kung paano ko napapayag si Valentine pero hinatid niya na lang ako sa malapit na coffee shop kung saan kami nagbalak magkita-kitang magkakaibigan. Medyo nahihilo pa rin ako mula sa pagduduwal kanina pero kaya ko pa naman.
"Call me when something happens, okay?" He kissed my forehead and bade his farewell. Hindi pa nakalipas ang ilang minuto, nakita ko na agad si Sangre at Luna na papunta sa'kin. Kakaalis lang kasi ni Portia.
"May nang-away ba sa'yo? Sino, Hya? Sasabunutan ko!" nag-eeskandalong bati ni Sangre kaya napairap ako sa kanya. Tinawanan siya ni Luna bago sila nag-order at umupo na kasama ko.
"Anong meron?" Luna asked. I swallowed first before answering.
"Nagsusuka kasi ako kahapon at kaninang umaga—" Sangre cut me.
"Baka buntis ka! Jusmiyo marimar, Hyacinth Elara Villaflor!" Napatakip pa siya sa bibig niya. I shushed her with my index finger. Napaka-ingay niya!
Napaisip tuloy ako dahil sa sinabi niya. Gano'n ba talaga? 'Pag nagsusuka, buntis agad? Bakit parang 'di naman 'yun ang unang naisip ni Val?
"Hindi ko alam..." Tiningnan nila ako nang may mapanghusgang tingin. Parang sa mga tingin nila, ang bobo ko dahil ang dali lang naman kumuha ng pregnancy test.
Tumayo si Luna at walang paalam na lumabas. Nakakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Sa'n pupunta 'yun?" I asked.
"Sa puso ni Cedi. Char lang," Sangre goofly said before sipping on her tea.
Bumalik si Luna na may hawak na maliit na paper bag sa kamay. Agad namilog ang mga mata ko nang makita kong galing 'yun sa isang pharmacy.
"Try it. Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo 'yang PT na 'yan." Tumango na lang ako sa kanila bago dumiretso sa CR at ni-try ang binigay ni Luna.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang resulta. Tears started forming at the corner of my eyes and a warm hand caressed my heart. I can't believe it. Hindi ko mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko. All this time, I thought that I was just undergoing moody swings.
"Two lines... I'm... pregnant..." bulong ko sa sarili ko at hindi na napigilan ang pag-iyak.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM44
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top