Episode 39
Episode 39
Be happy
"Ano?! Nagkita kayo ni Val? Anong ginawa mo? Marupok ka pa naman! Jusmiyo, Hyacinth Elara!"
Maingay na boses na naman ni Sangre ang sumalubong sa'kin nang bisitahin niya ako sa office. Naka-leave pa rin kasi siya samantalang si Portia ay nagbabalak daw na mag-bakasyon sa Korea. Kasama ng mga 'asawa' niya na Koreano na hindi naman siya kilala.
"Oo. Ano ba'ng aasahan mong gagawin ko? E'di malamang pinalayo ko." I rolled my eyes but she just raised her right brow as if she's doubting my answer.
"Talaga? Pinalayo? I doubt that." She sipped on her coffee. "Baka pinalayo mo nga pero marupok ka kaya lumalapit ka pa rin. Tss, galawan ko rin 'yan, Hya. Wala kang maloloko rito." She smirked at me.
"Pinalayo ko naman! Saka... hindi naman daw sila ni Dhara... Malay ko ba!" naiinis ko nang sigaw at tinawanan niya lang ako.
"Mana ka talaga sa'kin. Sobrang rupok mo." Tumawa na naman siya. "Ano? Hinalikan mo? Kasi miss mo? Kingina ka talaga, Hya!" Tawa na naman siya ng tawa kaya umiwas na lang ako ng tingin.
Naalala ko na naman 'yung nangyari kahapon na shareholder's meeting sa kompanya nila Val. I sighed heavily.
ValCyrus: Don't avoid me, Elara. I still have this.
Kumunot ang noo ko dahil sa reply ni Val. Hindi ko maintindihan sa tao na 'to kung ano ba'ng gusto niya. Gusto niya bang... magkabalikan kami o gusto niyang gumanti kasi pinakulong namin ang mga magulang niya?
Maybe it's the latter. Yes, the first option is too good to be true. I massaged my temple as my head started to ache. It was 2 PM when I decided to prepare for a meeting in the De Dios.
I retouched my make-up and told my driver that we'll go to De Dios Engineering. Mamayang gabi sana kami ni Niall maghahanap ng kotse pero parang masisira na naman ang plano dahil dito.
We stopped at a high-rise black glass building. I checked my phone for the time and it was already 2:50 PM. How would I know that there will be traffic on our way, right?
Dinala ako ng isang sekretarya sa meeting room kung saan gaganapin ang pagpupulong. Sumakay na 'ko ng elevator at buti na lang ay hindi siksikan kaya nakarating pa rin ako sa meeting on time.
When I entered the meeting room, it was as if my world stopped when I saw Valentine, sitting like a King on the chair at the end of the table.
Hindi naman ako late kaya yumuko na lang ako bago umupo sa upuang malayo kay Val. I can feel his stares but I disregarded it. Hyacinth, nandito ka para sa meeting, okay? Hindi para kay Val.
"You're late Ms. Villaflor." I looked at Valentine with widened eyes before sitting properly.
"No, I'm not... Mr. De Dios," depensa ko kahit nahihiya na dahil pinagtitinginan ako. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago tumingin sa presenter sa harap at sinabing simulan na ang meeting.
I roamed my eyes around the meeting room and it looked really modernized! Hindi mo aakalaing napaahon ulit ni Val ang kompanya nila no'ng mga panahong pinakulong ang mga magulang niya.
I suddenly felt sad for him. Siguro naman ay masaya na siya ngayon at ako naman ay namumuhay na ng payapa. Hindi na ulit namin kailangan ang isa't-isa. We can live... on our own.
Binaling ko ang tingin ko kay Val at nagulat ako nang nakatingin din pala siya sa'kin. Napaayos siya bigla ng upo at umiwas ng tingin. I just smirked before mouthing something.
"Why are you staring?" I mouthed with no sound and I saw him furrow his eyebrows. Bigla niyang nilabas ang phone niya at may ni-type na kung ano. Agad kong tiningnan ang akin at nakitang typing siya sa DM's sa Instagram!
ValCyrus: what r u saying?
Elaracinth: Why are you staring at me?
Inangat ko ang tingin at nakitang nakatitig lang siya sa phone niya. He smirked then raised his glance that met mine. CEO ba talaga 'to? Ba't hindi nakikinig sa meeting?
Parang ako nakikinig eh noh.
ValCyrus: I can stare at you all day, babe.
Inangat ko ang tingin ko at nakitang naka-ngisi pa rin si Val sa'kin kaya inirapan ko na lang siya at umiwas ng tingin. I put my phone back at my purse again before listening to the one speaking.
"Do you have any questi—" hindi natuloy ng presenter ang sasabihin nang biglang may tumunog na phone. I roamed my eyes around the meeting hall but everyone's looking at me.
"Miss Villaflor, I think that's yours," sabi ng isang businessman na parang ka-edaran lang namin. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"M-mine?" I asked before checking my purse and I saw that it was really my phone that was ringing! Pinamulahan agad ako ng pisngi at nilamon ng hiya nang makita ko na tumatawag si Niall! Hindi ko kasi nasabi sa kanya na may meeting ako.
In-end call ko ang tawag at agad tinago sa bag ko. "I'm sorry for that... I'm really sorry for the disturbance." Yumuko ako at tumango naman ang karamihan bago dumapo ang tingin ko kay Val na nakataas ang kilay.
"What?" I mouthed him but he shook his head and avoided my gaze.
I almost saw him roll his eyes at me. Huminga ako ng malalim bago nag-sorry ulit sa naabala kong meeting. Gosh, Hyacinth! Nakakahiya ka talaga!
The meeting ended and I quickly arranged my things to go out now. Gusto ko mang makipag-usap pa sa ibang businessmen para sa ikakabuti ng kompanya namin, ayo'ko nang makita si Val! I should be the one avoiding him!
"In every meeting, each phone should be on silent. Better yet, turn it off so that no one can disturb." Narinig kong magsalita sa Val habang nakatingin sa'kin kaya inirapan ko siya. Hindi ko naman alam na tatawag si Niall! Ano bang problema niya sa'kin?!
I excused myself on the meeting and got out of the room. When I finally got out, I felt free! It was so suffocating in there! Sumakay ako ng elevator at nagulat ako nang pagkaharap ko ay nakita kong pasakay rin si Val!
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil dalawa lang kami sa loob ng elevator. I am suddenly remembering the moment where we got stuck on the elevator of the mall. Nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
"W-what are you doing?" I asked and he just looked at me as if he expected me to say that. "You're afraid... of tight spaces..." he said so I averted my gaze before removing my hands from him.
"A lot has changed for four years, Val. I overcame my fear of tight spaces. Wala na..." pahiwatig ko na parang may iba pang gustong sabihin pero tinikom ko na lang ang bibig.
Awkward silence filled us while I saw how the elevator was slowly going down, floor by floor. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Who called you earlier?"
I looked at him with widened eyes before averting my gaze. "Bakit?" I asked. "I'm just asking," he said with his still low voice. "Si Niall lang..." sabi ko at binalot na naman kami ng katahimikan. Buti na lang ay nagsalita siya ulit. Hindi ko nga lang inaasahan na 'yun ang tatanungin niya.
"He's not your boyfriend, right?" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bakit niya 'ko tinatanong? "Why are you curious?" He gulped before replying.
"Do you really need to ask on why I'm asking? You know that I just want to know more about you. Alam kong ikaw pa rin naman ang Elara na nakilala ko simula bata palang tayo." Tumitig siya sa'kin at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Circumstances made you stronger but you're still my baby."
Umiwas ako ng tingin. "No, I'm not yours. Don't objectify me. Hiwalay na tayo, Val. Sa susunod ay si Tita na ang sasama sa shareholder's meeting. Sabi ko ay iiwas na 'ko..." Nilingon ko siya kahit nararamdaman kong parang kakawala na ang puso ko sa kaba.
He looked at me with an amusement in his eyes before speaking. "We didn't break up." Nagulat naman ako.
"Yes, we did! Why are you even talking to me? 'Wag na tayo mag-usap." Umiwas ako ng tingin at buti na lang ay nasa ground floor na ang elevator. I was ready to march outside when I heard him speak again.
"Do you have plans for tonight?" he asked with a hopeful voice. I heard my heart breaking into pieces because of the tone of his voice. "Yes. I'll be with Niall." Totoo naman dahil bibili kami ng kotse. Pero mukhang wala ako sa mood ngayon.
Humakbang na 'ko palabas at naramdaman kong sumunod naman siya sa'kin. "Then... how about tomorrow?" he asked, still asking for a chance. Naramdaman ko ang luha sa gilid ng mata ko. 'Wag ka marupok...
"I have plans for tomorrow," sabi ko kahit wala naman. Nakita ko siyang yumuko bago inangat ang tingin at tumango na lang.
"See you around then, Elara. Be safe," he said before walking towards the exit and leaving me in front of the elevator. Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko. Gusto kong um-oo na ayaw ko rin. Ayo'ko nang sumugal. Natatakot na 'ko.
It was as if the world didn't want us to have a happily ever after. And it was painful. Masakit na mahiwalay sa taong gusto mo dahil lang sa sitwasyon ng pamilya niyo.
Hindi natuloy ang pagbili namin ni Niall ng kotse dahil pagod ako nang gabing 'yun. I'm tired physically, emotionally, and mentally. Everything's starting to be exhausting.
"Oh, Hya? Ano nang gagawin mo ngayon? Nako please, 'wag ako. Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Sangre asked me so I turned back to reality.
"'Yung totoo? Hindi ko na rin alam. Basta ayo'ko nang... masaktan ulit. I'm tired of being in pain all my life. Kung tatanggapin ko man si Val ulit, gusto ko ay 'yung buo na 'ko. At hindi ko alam kung kelan 'yun..." she sighed at my answer.
"Hindi ka naman masaya," banat niya bago uminom ulit ng kape kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Pero real talk. Gawin mo na lang kung sa'n ka masaya. Buti ka pa nga binabalikan eh." Tumawa siya ng mapait at nakita ko ang bahagyang pagkalungkot ng mga mata niya.
My talk with Sangre ended just like that and since hindi kami natuloy sa pagbili ni Niall kahapon ng kotse, ngayon kami bibili. Hinintay ko munang matapos ang office hours bago ko siya kontaktin.
"Hya, let's go?" he asked me when I saw him waiting at the lobby. Nginitian ko siya at naisip kung ano pa bang meron kami ngayon. Baka isipin niya na pinapaasa ko siya. Ang hirap naman ng sitwasyon ko.
We arrived at a car selling building and chose a Ducati brand for my new car. Mas maalam si Niall sa mga kotse kaya siya na ang pinapili ko at 'yun nga ang napili niya.
"For newlyweds po, Ma'am?" nakangiting tanong sa'min ng nag-g-guide sa mga kotse kaya kumunot ang noo ko bago nagsalita.
"No."
"Yes."
Sabay naming sabi ni Niall kaya kinunutan ko siya ng noo pero nginitian niya lang ako. Umiling na lang ako sa kanya at tumawa sa kalokohan niya.
Nagpasalamat na kami sa nag-a-assist at sinabing maghintay muna dahil may kukunin nang form para sa pipirmahan at babayaran. Nagulat ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa likod.
"Bro, bibilhin ko na 'to. I'll use this for a race on Saturday. Val, are you going?" narinig ko ang boses na parang si Mac na kaibigan ni Val. Lumingon ako at nakita ko silang apat kasama si Bri at Jovy. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang pag-uusap namin kahapon.
"Oy, Mac. Pahiram ng kotse mo sa Sabado. Nagsasayang ka na naman ng perang, depungal ka eh." I heard Jovy said that's why Bri laughed. "Pahiramin mo na si only girl. Baka umiyak," pang-aasar ni Bri kay Jovy kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"I don't know if I'm going, Mac. Wala akong gana," narinig kong sabi ni Val at nagulat ako nang magtama ang tingin namin. Mukhang nagulat din siya na nandito ako dahil nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya.
"Hya, let's go? Para mabayaran na at makapag-dinner na tayo," sulpot ni Niall sa gilid ko.
Parang automatic na ang paglingon ko para makita ang reaksyon ni Val pero nakita kong nakatitig lang siya gamit ang malungkot na mata bago umiwas ng tingin. I felt my heart crash into pieces when I saw how his brown eyes got sad.
Tumango ako kay Niall at binayaran na nga namin ang bagong Ducati ko. Nag-dinner kami sa isang high-end restaurant at nagkwentuhan pero parang wala ako sa ulirat dahil sa pagkakakita ko kay Val kanina.
"Are you sure you're okay? You've been spacing out a lot these days," nag-aalalang tanong ni Niall habang kumakain kami at tinitigan ko lang siya. Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa.
"Do you still like me? As a woman and not as a friend, Niall?" I asked him and he looked unprepared with the sudden question.
"Alam mo naman ang sagot diyan, Hya..." sabi niya bago uminom ng wine kaya napabuntong-hininga ako.
"But you know my case. Why would you still like me?" tanong ko pero nginitian niya lang ako nang bahagya.
"That's simple. You have all it takes to be loved. Matatag ka and you fought about almost everything by yourself. And I admire you for that." He sighed before continuing.
"But when you're weak or when you feel that the world is against you, I want to protect you. I suddenly have the urge to hug you and say that I'm just here. Pero alam ko naman na iba ang gusto mong pumrotekta sa'yo. Kung paano mo 'ko tingnan noong una tayong magkakilala gano'n pa rin naman ngayon. You still looked at me as your friend." He smiled a bit at me.
Yumuko ako at naramdaman kong tumulo ang luha ko. Maybe I'm just protecting myself again from pain. Sa totoo lang ay pwede naman ulit kami ni Val kasi mga magulang naman namin ang nag-away. Pero siyempre, masakit pa rin sa part ko ang... pagkawala nila Mommy and Daddy...
"I'm sorry, Niall. I'm sorry that I'm just seeing you as a friend. Kung ikaw lang sana ang nauna ay hindi ko na minahal si Val..." He shook his head about my answer.
"Don't be sorry that you don't like me. That's not your fault."
Tumingin ako sa kanya at napayuko na lang pagkatapos. We really can't teach our hearts on who we'll love. Even if it's toxic and seemed impossible. Even when you don't want to love that person, ganu'n pa rin. And I'm truly regretting that I somehow used him as my rebound. I shouldn't have done that.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing ayos lang daw at naiintindihan niya. I still feel sorry, though. Pero buti na lang ay nasabi ko sa kanya agad para hindi na siya mas lalo pang masaktan sa susunod.
I sighed heavily when I entered the mansion wherein no one's in it. Minsan ko na lang talaga nakakasabay sila Tita dahil madalas silang out of town nila Tito o kaya nama'y natutulog sa condo ni Rylie. I now felt like I'm really alone in this big house.
Pagkatapos kong maligo ay natulog agad ako at napaniginipan ang karugtong ng panaginip ko noong nakaraan.
"Let's go..." sambit ni Cyrus kaya tumango ako bago sumakay sa kotse na i-d-drive niya. Niyaya niya akong umalis sa engagement party namin dahil nakita kong magkasama si Val at Dhara. It still fucking hurts.
"Where will we go?" I asked him as I fasten my seatbelt. Tinitigan niya lang ako bago ngumiti nang bahagya at halikan ako sa pisngi. I was shocked by his sudden move that I blushed.
"To a place where you can be at peace. I want you to be happy, Hyacinth. Can you promise me that?" Vladimir Cyrus asked me and I just nodded in confusion. Pinaandar niya na ang sasakyan at tuluyan na nga kaming umalis doon.
"Don't cry again, okay?" he said with a soft smile while driving the car. Tumango naman ako na naguguluhan pa rin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM39
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top