Episode 38
Chapter 38
Shareholder
"I'm sorry I kept you waiting."
Umupo na 'ko sa upuan na naka-reserve sa harap ni Niall. I saw him smile at me before shaking his head. "It's okay, Hya." I smiled at him too.
"May ano kasi... may pesteng narumihan 'yung suit ko kaya... inayos ko muna." I drank at the wine glass before me and he just nodded.
"How's your first day of work?" tanong niya. Wala pa naman ang pagkain namin kaya magke-kwentuhan muna kami.
"It's okay, I guess. Nakakapagod siyempre. I'm not that good in business. Siguro kung field work pa about my degree, baka nag-enjoy pa 'ko."
Totoo naman. Napipilitan lang naman akong mag-handle ng business namin dahil bukod sa ang kinuha kong course ay Chemical Engineering, hindi rin naman ako nag-e-enjoy.
"Do you need some help?" tanong niya habang hinahanda na ng waiter ang pagkain namin sa mesa. While our food was being served, I can't help but look at the table near us where Valentine and Dhara sat. I heard my heart crack from pain for some reason. Uminom na lang ulit ako ng wine bago humarap kay Niall.
"No, I'm good. Ikaw? You're tired. After this ay uwi na tayo?" I asked him and he nodded. Baka may jet lag pa siya kagaya ng akin noong nakaraang linggo.He even insisted that he's going to drive me home. I agreed because I also have no car with me.
Nagsimula na kaming kumain at nagulat ako nang biglang may pumasok sa restaurant na kakilala ko. It was Bri! Nakita ko ang paglakad niya patungo sa lamesa nila Val at Dhara. Napakunot na lang ang noo ko sa pagtataka.
Wouldn't it be awkward to sit in the table of your ex? With his new boyfriend? Pinalis ko na lang ang pag-iisip na 'yun kasi dapat ay wala naman akong paki. The hell I care about their relationship.
Niall and I talked more about business and some stuff. He also said that he missed me while I'm in the Philippines and he's in the US. Napatawa pa 'ko sa ilan niyang sinasabi kaya tumingin ako sa paligid dahil baka pinagtitinginan na kami kasi ang ingay namin.
And there I saw him. He was staring darkly like a hawk at me with his dark brown eyes. Bakit dito na naman siya nakatingin samantalang nag-uusap lang si Dhara at Bri sa gilid niya? Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong wine nang inikot niya ang mata niya na parang nagmamaldita bago inalis ang tingin.
"Are you okay?" Niall asked and I nodded before drinking a glass of water. Did he just... rolled his eyes at me? Napakagulo mo talaga, Valentine.
"CR lang ako tapos tayo na?" I asked Niall before standing up and fixing my suit.
"Tayo na?" tanong niya nang may pagkamangha pero alam ko naman na ang ibig sabihin niya ay aalis na kami. Lumipat na naman ang tingin ko kay Val na ngayo'y nakakunot na ang noo habang tinitingnan kami. I rolled my eyes at him before smiling sweetly at Niall.
"Oo, tayo na." Umalis na 'ko agad dun bago pa 'ko matawa sa sarili kong kalokohan. At ano na namang tingin 'yung binigay ni Val? Parang galit, ah.
I looked at myself in the mirror of the restroom. Inalala ko ang mukha ko dati na parang wala pang problema sa mundo. I suddenly got sad. I miss the old me. 'Yung masiyahing Hyacinth bago pa mamatay ang mga magulang ko. It seems like my life turned black and grey, the moment they are killed. I'm just living for compliance since then. Not because I wanted it.
I sighed heavily before putting my red Matte lipstick on my lips. When I am finally satisfied by my look, I took the exit to the bathroom.
Palabas pa lang ako ng pinto ng Girl's CR nang nagulat na lang ako dahil napatama ako sa matigas na dibdib ng kung sino.
"Hey!" naiinis kong sambit. Ang sakit ng noo ko! Sino ba 'tong paharang-harang na 'to? My line of thoughts ended when I suddenly heard a familiar voice.
"Hey..." he said with his baritone voice. I swallowed hardly when his fragrant perfume suddenly attacked my senses.
"Alis, lalabas ako," sabi ko na hindi pinapahalata kung gaano ako kakabado ngayon.
Parang kanina lang ay si Dhara ang kasama niya, ah! At saka sabi ko ay ayaw ko na siyang makita! Bakit pa ba siya nandito?
Nagulat ako nang mas lalo pa siyang lumapit at pumasok na sa girl's CR. "W-what are you doing..." I nervously asked. He entered the girl's bathroom and locked the door behind him.
"V-val... bawal ka rito saka... lalabas na 'ko—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang wala na 'kong maatrasan at nasa likod ko na ang countertop ng CR. "V-val..." nanghihina kong sabi.
He looked at me with serious eyes before speaking. "Can we talk now?" tanong niya kagaya noong nakaraan kaya tinulak ko siya sa inis kahit nanghihina ako sa titig niya.
"H-hindi! Alis nga!" tulak ko ulit sa kanya pero hindi siya nagpatinag at nilagay ang dalawang matigas na braso sa gilid ko. "We should talk," napapaos niyang sabi bago lumunok nang mariin.
"Hinihintay ako ni... Niall..." nanghihina kong sabi. Parang nalalasing ako sa mga mata niya at hindi na 'ko makatingin ng maayos. I lowered my gaze and saw his moist lips. I want to... kiss it. Pero... alam kong hindi pwede. Hindi ako pwedeng magpahuli ulit sa kanya.
"Who's that boy, Elara? Kayo na? I heard earlier," he whispered and I saw how his jaw clenched tightly again. Napapikit na lang ako dahil sa pagbilis na naman ng tibok ng puso ko.
Napaka-chismoso mo kasi, Val. Ang dami mong naririnig.
"Eh ano naman sa'yo kung kami na? Huh?" Tinulak-tulak ko siya pero nagulat ako nang mas nilapit niya pa ang mukha niya. "Anong ginagawa m-mo?" Mas lumapit pa siya at tinitigan ang mga labi ko. I unconsciously licked my lower lip and I saw how his stare darkened more.
"I'm jealous, baby..." and he sealed my lips with a kiss. Kusang napapikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pamilyar na hawak niya sa bewang ko. Para akong nalalasing at nawawala sa ulirat.
"V-val..." I whispered.
He's still kissing me softly before he became aggressive because of my call like it was his trigger. He parted my lips and his hold on my waist tightened more. Mas diniin ko ang sarili ko sa kanya at ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko.
Inupo niya ako sa countertop kaya napahawak ang dalawa kong kamay sa balikat niya. He kissed me more and his hands were now travelling around my body. Yumuko ako para umiwas sa halik at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Fuck..." mahinang mura niya bago lumayo sa'kin.
"Bakit mo ba 'ko p-pinapahirapan, Val?" I asked and tears flowed again down my cheeks. Mabilis pa rin ang hininga ko dahil sa paghahalikan namin at hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yun!
Tiningnan ko siya sa mga mata at mukhang gulat din siya dahil sa bigla naming paghahalikan. Yumuko na lang ako bago umiyak ulit dahil ang sakit na naman ng puso ko sa lahat ng 'to.
Alam niya naman 'yun eh. Na isang halik niya lang. Isang tawag niya lang. Isang yakap niya lang, rurupok na agad ako na parang walang nangyari. And I can't believe myself that I gave in to temptation like I'm the still old Hyacinth Elara Villaflor that he once loved. Kung pwede lang sana ibalik ang panahon kung saan ayos pa ang lahat ay ginawa ko na.
"I'm sorry, Elara..." mahina niyang sambit. He caressed my face while I'm still sitting between him on the countertop. Iniwas ko ang mukha ko.
"Please... pagod na 'ko, Val..." nanghihina kong sabi.
"I missed you, Elara. Don't tell me to avoid you... because I can never do that. I left you once and I'm regretting that stupid decision. All my life." I saw his bloodshot eyes that was staring at me intently. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari lahat ng 'to?
I got out from his hold and fixed my suit. Umalis ako sa pagkakaupo sa countertop at inayos ang lipstick ko na kumalat. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko.
"I'm... sorry..." bulong niya kaya nginitian ko na lang siya.
"I should be the one to say sorry. Kung hindi mo kayang lubayan ako, ako na lang ang iiwas. Sa susunod ay aalis na lang ako 'pag nandiyan ka. I'm tired of this, Val. Balikan mo na si Dhara," malamig kong sabi bago buksan na ang pinto at bumalik na sa upuan namin ni Niall.
"What took you so long in the CR?" He smiled at me before standing up. Nasasaktan ako habang tinitingnan ang ngiti niya. Para ko siyang niloloko. Parang ginagamit ko lang si Niall para mawala 'yung sakit. Panakip-butas, kumbaga.
Nakita kong bumalik na rin si Val sa lamesa nila at tinanong siya ni Bri kung saan siya galing. Pinamulahan agad ako ng pisngi. I ignored them and continued walking towards the parking lot where Niall's car was located.
"Hindi ba magpapahinga ka muna bukas? Sure kang sasamahan mo 'ko sa pagbili ng kotse? Pwede namang sa susunod na 'yun, eh." Umiling si Niall at sinabing ayos lang daw. I have no choice but to nod too.
Hinatid niya na 'ko pauwi at nagpaalam ako bago pumasok na sa mansyon. Dito pa rin ako nakatira dahil alam kong hindi lumipat si Val ng condo. He's still living in Darling Heights where my old condo was located. I just sighed heavily.
Paano ako makaka-move-on nito kung lagi lang siyang nasa paligid ko?
I took a cold shower to cool myself down. It's my first day of work and I got so exhausted after it. Idagdag pa ang kabobohan kong paghalik kanina kay Val.
I unconsciously touched my lips before remembering our steamy kiss earlier. Aminin ko man o hindi, I missed his lips. I missed his kisses and hugs. I missed everything about him. Pero alam kong hindi na mababalik 'yun. Bukod sa hindi na papayag si Tita Elly kung magiging kami ulit, hindi rin ako payag na maging kabit. Wala akong balak sirain ang kung ano mang relasyon nil ani Dhara.
Nagulat ako nang mag-vibrate bigla ang phone ko sa side table ko. Nakita ko ang notification sa Instagram at gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong nag-DM si Val!
ValCyrus: I'm sorry about earlier... And what are you talking about Dhara?
Kumunot naman ang noo ko bago nagsimulang mag-type ng reply. Kingina mo, self. Kakasabi mo lang sa sarili mo na ikaw na iiwas. Nakakahiyang karupukan naman 'to.
Binura ko ang ni-ta-type ko at humiga na lang sa kama. Nag-vibrate ulit ang phone ko at nakita kong may panibagong text na naman si Val.
ValCyrus: I saw you typing. You're still awake, huh?
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. I have no choice but to reply to his message.
Elaracinth: Si Dhara. You're cheating on her. You kissed me while you're still together. Cool. Ginawa mo pa 'kong kabit.
I rolled my eyes while typing that reply. Siguro gano'n din siya habang kami pa, huh? Ang galing-galing talaga, Valentine. Napaikot mo lang pala ako.
ValCyrus: tf r u saying??
Elaracinth: tss, don't chat me again. Good night.
Binaba ko na ang phone ko at pinatay na rin ang mga ilaw. Pa'no naman ako makakatulog nito habang iniisip 'yung mga nangyari kanina? Peste naman. Nagulat ako nang umilaw ulit ang phone ko at nakita kong may reply si Val.
ValCyrus: If you're thinking that Dhara and I have a relationship then hell no. Hindi naging kami. I can't explain it thru chat but I cancelled our engagement. I'm sorry that... I hid this from you. That we were engaged. I never intended to marry her anyways so I thought that it was fine. If you only trusted me before, I could make us work. I'm sorry.
Umikot na naman ang mga mata ko at kusang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang sunod niyang reply.
ValCyrus: It's you. Only you. Kahit anong mangyari.
ValCyrus: Good night, Elara.
Binagsak ko ang phone ko sa dibdib ko at huminga nang malalim. I can feel my heart beating loudly inside my chest. So hindi talaga sila ni Dhara? Eh bakit magkasama pa rin sila? How about Bri and Dhara? What happened to them?
What happened to me?
Sinabunutan ko ang sarili ko sa pagkainis dahil ang bilis na naman ng tibok ng puso ko dahil lang sa sinabi ni Val. Only him can make me feel like this. Naalala ko na naman ang halik niya kanina. Napapikit na lang ako ng mariin.
The next day, I wore a grey formal bodycon with pencil ruffle dress while going to the office. May meeting ako with the Engineers of Cort'z Heights na alam kong business ng mga Cortez. Business nila Bri.
Tita told me to bring my secretary next to me to jot down the minutes of the meeting. I brought Leah with me. We walked to the meeting hall on the topmost floor.
I saw businessmen and engineers when I entered the meeting hall. I was shocked when I saw Bri and Dhara, sitting on the other side of the table. Mukhang hindi pa rin nila ako nakikita.
"Ma'am... uhm... ayos lang po ba kung... tatawagan ko na lang po si Alice... na mag-accompany sa inyo kasi... masakit po 'yung tiyan ko eh, hehe," nahihiyang tugon ni Leah kaya muntik na 'kong matawa sa kanya. Tumingin ulit ako sa gawi nila Bri at nakita kong nakatingin na sa banda namin si Bri. Si Dhara naman ay nakikipag-usap lang sa businessman na katabi niya.
Even though that's not professional, I still nodded to her since it's also her first time. Sabi kong sa susunod ay dapat hindi na mauulit 'yun. She nodded while sweat was trickling down her forehead.
Nakipagkamayan ako sa businessmen at nakita ko si Bri na parang nakatingin sa may bandang pinto kung saan lumabas si Leah kanina.
"So you two are here." I shaked hands with them. I faked a smile at Dhara. Naalala kong Engineering nga rin pala siya kaya baka'y Engineer siya sa project ng mga Cortez.
"Sino 'yung kasama mo kanina, Hya? 'Yung babae?" Bri asked. Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? Interested?" I saw him change into a serious face that's why I sat properly. "That's my secretary. Why?" Umiling na lang siya pagkatapos at nag-call na ng attention para sa simula ng meeting.
Alice, another colleague, filled in the position of Leah as my secretary for the day. The meeting lasted for I think two hours that it was almost lunch time when we finished. It's all about the construction of the condo units of Cort'z Heights. Ito kasi ang kinuha nilang Engineering company para mag-design and construct ng condo units nila. I wonder why Bri haven't suggested De Dios Engineering when it was Valentine's company.
Nang matapos ang meeting, nakipag-usap pa sa'kin ang ibang engineer at businessmen na hindi ko naman kilala at nag-ayang mag-dinner minsan. Ang sabi ko lang ay kung may free time. That's true. I have a lot of things in my plate so better luck next time.
Nang makapasok na 'ko sa office ay nagpahinga muna ako sandali at sumandal sa swivel chair. I'm tired and hungry. Baka maaga na 'kong sunduin nito ni St. Peter.
I called Leah through the intercom and told her to bring my lunch inside my office. Nagpa-order pa siya sa canteen namin kaya tumagal pa ng 30 minutes. I was browsing through my Instagram when I saw that Val has an IG story.
I unfollowed him but he still follows me for some reason. Ni-stalk ko siya at nakita kong nadagdagan lang naman ng ibang pictures ang mga ni-post niya.
I saw his graduation picture with his friends. He also had a picture while in a bar, still wearing his favorite black shirt. Ang display picture niya ngayon ay naka-hard hat siya habang nakaupo sa isang office table. It looked like it was his office and the window behind him can see through the whole city, like mine.
Ang gwapo pa rin. Walang kupas.
Umiling na lang ako dahil na naman sa mga naisip ko. Buti na lang ay no'ng kumatok na si Leah para dalhin ang pagkain ko ay naalis na agad 'yun sa isip ko.
"Good afternoon, Ma'am. I'm sorry for earlier. That won't happen again, po. Enjoy your meal po!" Inayos niya ang pagkain sa may coffee table sa loob ng office ko at tumango ako bago umupo ro'n.
"What's my remaining schedule for today?" I asked her. "Shareholder's meeting na lang po sa De Dios Engineering by 3 PM, ma'am and you're done for today." She smiled sweetly at me.
"Can you tell them that I can't attend that meeting later? Si Tita Elly na raw kasi ang a-attend. Thanks!" Tumango siya at umalis na rin pagkatapos.
I enjoyed my lunch fast because I still have a lot of paper works to do. I wanted to finish this today. Baka magkatambak-tambak na kasi 'pag may dumagdag pang bago.
Busog akong umupo ulit sa swivel chair at biglang tumunog ang intercom ko. Tawag 'yun ni Leah kaya sinagot ko agad.
[Ma'am... I'm sorry po but when I told the secretary of the CEO of De Dios Engineering that you won't attend... Hindi po pumayag. The acting CEO of the company raw po ang kailangan um-attend.]
Kumunot naman ang noo ko. "Is that even possible? Pakisabi na hindi ako pwede ngayon and hindi pa naman talaga ako ang CEO. Please tell them that Ellythia Gustavo will be the one to attend. Thanks."
Parang nag-init ang ulo ko dahil doon ah! I cut the line and sighed heavily. Masyado na 'kong maraming stress sa buhay. Ayo'ko nang dumagdag pa 'to. Nagulat ako nang tumunog ulit ang intercom at tumatawag ulit si Leah.
[Ma'am sorry po talaga. Pero CEO na raw po ang nagsabi na kayo raw po ang kailangan pumunta sa meeting, ma'am. Sabi po ni Mr. De Dios ay may company car na lang daw po ang susundo sa inyo. Sorry po talaga, ma'am.] Binaba ko ang tawag pagkatapos ng tawag at huminga ng malalim.
"What the fuck..." mahina kong bulong. Anong pauso na naman 'to? At saka sinong nagsabi? CEO? Si Val?! Hindi ba sabi ko sa kanya ay ayo'ko nang magkita pa kami?
Nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa Instagram at nakita kong may chat na naman si Val! Binuksan ko 'yun nang nakakunot ang noo at nakita kong ni-picturan niya ang heart gemstone necklace ko!
ValCyrus: Don't avoid me, Elara. I still have this.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM38
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top