Episode 36
Episode 36
Prohibited
"Thank you for choosing our airline, Ma'am. Enjoy your stay!"
Masiglang akong binati ng Flight Attendant kaya nginitian ko na lang siya bago naglakad papuntang airport.
Halos wala pa rin palang nagbago sa Pinas kahit apat na taon na 'kong walang bisita. Hindi na kami nagsabay ni Niall ng flight kahit gusto niyang sumama dahil may biglang emergency na iniutos sa kanya ang Mommy niya.
I wore my aviators before walking down the aisle towards the arrival area. Naghintay pa 'ko sandali para sa maleta ko bago naglakad papuntang labas. When the automatic double doors opened, I immediately saw my friends who have a large banner.
"Pakibalik na po 'yung aso namin!"
That's what's written on their board! Wala si Shreya at Sky dahil nasa America pa rin sila pero kitang-kita ko na ang mapang-asar na mga tingin ni Portia at Sangre habang si Luna ay nakangiti lang.
"Hyasintas!" malakas na sigaw ni Portia kaya tinakpan ni Sangre 'yung bibig niya kasi naglingunan 'yung mga katabi nila. Napatakip ako ng mukha ko dahil sa kahihiyan bago naglakad palapit sa kanila.
"Hya! Na-miss kita!" Agad na nagtakbuhan si Portia at Sangre palapit sa'kin at dahan-dahan ding naglakad palapit si Luna.
They embraced me tight to the point that I can't breathe anymore. Narinig ko ang paghikbi ni Portia at umiiyak nga siya! "Why are you crying?" I asked. She lifted her head before wiping her tears.
"Amoy America ka na, Hya. Ibalik niyo 'yung kaibigan namin!" malakas na naman niyang sigaw na mukhang nag-e-eskandalo. I smiled and tears formed at the corner of my eyes. I really missed them.
"Hoy bruha! Naaalala mo pa ba kami?! Ba't ang tagal mong bumalik? Ang daya! Sila Sky at Shreya kasama mo dun tapos kami... ano?!" Sinabunutan ni Sangre nang marahan ang dulo ng buhok ko bago ako yakapin din ng mahigpit.
Humiwalay si Sangre sa yakap at nakita ko naman si Luna na nakangiti lang sa'min na parang tuwang-tuwa sa nakikita niya. "I miss you, Luna," I softly said to her and she hugged me.
After our long emotional session since we just see each other at least twice a year, we've gone to the car of Sangre.
"How's the life of being a manager, Porsh? Ang lakas mo talaga!" I laughed. "You wanted to be manager of artists so that you can see handsome men! Sayang degree mo, gaga!" I jokingly said because I knew that she never really wanted Architecture but for somewhat reason, she still pursued her real dream.
"Tangeks bawal ko jowain mga mina-manage ko. Saka..." she trailed off. "Nevermind. Arat inom tayo? Dating gawi?" she cheerfully asked. Sabi ko ay sa susunod na lang dahil ang sakit pa ng ulo ko sa jet lag at naintindihan naman nila.
"Hoy, Hya! Bibisita ulit kami bukas, ah! Ipapaalala lang namin sa'yo na buhay pa rin kami. Baka puro si... sino ulit 'yung nilalandi niya ngayon?" Sangre asked Portia. "Si Niall." They laughed so contagiously that I just laughed with them. Wala talaga silang magawang matino sa buhay.
Sumakay kami sa dalang kotse ni Sangre. Balita ko ay ngayon na lang ulit ang leave niya dahil bumalik ako pero kailangan niya nang magtrabaho ulit pagkatapos ng isang buwan.
"Take care!" paalam ko sa kanila at niyakap pa 'ko ni Luna bago umalis. Nakita kong umalis na ang sasakyan nila kaya dali-dali na rin akong pumasok sa mansyon.
Tita Elly told me that they are just at the office for work and Rylie already had her own condo. Mas lalo namang napalago ni Tita ang kompanya namin pero matanda na siya kaya kailangan ko na talagang umagapay.
I fixed my bags at my old room and I saw that nothing changed. The nostalgic feels came back again. I missed the times that I am young and just carefree. Mas marami na talagang responsibilidad habang tumatanda.
Hindi ko na muna inayos ang mga maleta ko dahil napapagod na 'ko. Nakatulog agad ako sa k'warto.
Before I knew it, I was dreaming again of the past.
"Miss Hyacinth, tapos na po." Dumilat ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
I was busy fixing my black ball gown while staring at the mirror in the vanity table in front of me. A make-up artist approached me to fix my black glittering smoked eyes. She put some red lipstick on my lips and fixed my blush-on to highlight my angelic features.
When she was already satisfied with my look, she smiled at me and gestured that I can go now. I faced the mirror to scan myself for the last time before going out of the room.
Pagkalabas ko palang ng pinto, nagulat na 'ko nang makaramdam na 'ko ng halik sa pisngi ko. Nanlalaki ang mga mata, hinarap ko si Cyrus na nakangiti sa'kin ngayon.
"You ready?" masigla niyang tanong. Tinitigan ko lang siya bago unti-unting tumango. It was our engagement party.
He was wearing black tuxedo and slacks that fit his body perfectly. It emphasized his masculinity even if he was just eighteen years old. Nakahawak lang ako sa braso niya habang pababa kami ng hagdan dalawa.
"Hya! Cy! Come here, let me introduce you to the Ayala's." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Ayala? Parang narinig ko na ang apelyidong 'yun.
I maintained my smile even when I'm not enjoying the event. Who would enjoy a party where you will be introduced as an engaged woman to someone you see as a friend, right?
"This is my daughter, Hyacinth Elara. And this is my soon-to-be son-in-law, Vladimir Cyrus," pagpapakilala sa'min ni Mommy. I smiled shyly to the guests when one man caught my eye. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.
He was also conversing with the other guests. A small smile was seen playing on his lips. He was also wearing a fitted tuxedo that matched his ruthless aura even if he was just sixteen. Magkasing-tangkad na kasi sila ni Vladimir.
Hindi ako nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mommy at nakatingin lang kay Val mula sa malayo. I saw him laugh a bit by a joke of his company. Napangiti na lang ako ng mapait. Buti pa siya... mukhang hindi apektado.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso niya na parang kaedaran lang din namin na babae. She was the same girl that Cyrus and I saw when we went to an ice cream shop in the mall!
I saw how he looked at the girl softly and whispered something to her. I saw how the girl named Dhara giggled at what Val said. Tinitigan ko lang sila at hindi ko matago ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
I wiped the corner of my eyes when I heard Vlad's whisper. "Are you alright?" he asked and I just nodded. I should be alright. Makakalimutan ko rin naman 'to. Bata pa kami at pwede pa naman mawala 'yung pagkagusto ko kay Val.
Nakatingin pa rin ako kay Dhara at Val nang biglang magtama ang tingin namin ni Val. His always dark hooded brown eyes stared at me intently. Napalunok na lang ako bago umiwas ng tingin. Hindi ko talaga kaya ang mga titig niya. Kahit dati pa.
Pinakilala pa kami sa iba't-ibang mga bisita sa loob ng party. Maraming mga influential na pamilya ang mga nakilala namin. Nakita ko pa ang mga magulang ni Shreya at Sky pero wala sila. Baka hindi pinayagang pumunta.
Nagpaalam akong pupunta muna sa CR kaya sinamahan at hinintay ako sa labas ni Vlad. Ramdam ko na ang pangangalay ng binti ko kasi kanina pa kami nakatayo. We even took a lot of picture-taking moments.
I washed my hands after I peed and got shocked when I saw Dhara washing her hands beside me. Gulat man, I still focused on washing my hands, rather than paying attention to her.
Tiningnan ko siya ng palihim sa salaming nasa harap namin. Mas maliit siya kumpara sa'kin at mukha siyang tahimik lang na mabait. Ganyan ba talaga ang mga nagugustuhan mo, Valentine? Kailangan ko bang maging sobrang hinhin para magustuhan mo rin ako?
I was about to go out when she suddenly spoke. "Congrats to your engagement..." she softly said. I rolled my eyes as I'm not facing her before flashing a fake smile as I confront her. "Thank you," pagpapasalamat ko.
"By the way... Can we be friends? I mean, mapapangasawa mo rin kasi in the future ang kapatid ni Val at... gusto ko si Val kaya pwede mo ba 'kong tulungan sa kanya?" she said with pouty lips and pleading eyes.
I rolled my eyes and cursed inside my mind. Anong tulong? User-friendly bitch?
"I'm sorry but I'm quite busy... Sorry talaga. If you'll excuse me," mahinahon kong sabi sa kanya. Nairita kasi ako sa pagpapatulong niya. Hindi pa ba sila close ni Val para magpatulong pa siya sa ibang tao? Ang kapal ng mukha magpatulong eh hindi naman kami magkaibigan.
Dumiretso na ulit ako sa labas at nagulat ako nang bigla kaming nagkabungguan ni Valentine. Muntik na 'kong mabagsak kung hindi niya hinawakan ang likod ko para masalo ako.
"Be careful, Elara," sabi niya sa malalim na boses. Tinulungan niya 'kong umangat at hindi ko magawang tumingin sa kanya ng maayos.
Napalunok ako nang mariin bago tumayo ng maayos. I fixed my stance. "Thank you..." I averted my gaze and nodded as a sign of my exit. But before I could even go far from them, I heard Dhara's giggles while talking to Val. My heart hurt because they are smiling and I'm here, being stuck in an engagement! Before I knew it, my tears were falling relentlessly.
Naramdaman ko ang sunod sunod na pagbagsak ng luha ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ba iniiyakan ko na naman siya?! Napapagod na 'ko kakaiyak! When will you be strong for once, Hyacinth? Porke't may kasama lang siyang iba ay iiyak ka na?
I wiped my tears by the back of my palm when I saw someone stood in front of me. His height was towering over me and even with a blurry eyesight due to tears, I know that it was him.
"Gusto mo bang umalis muna tayo rito, Hya?" I nodded at Cyrus and he wiped my tears before smiling at me. "Don't cry, okay?" Hindi ko siya sinagot at nagpahila na lang sa kanya habang papunta kami sa labas ng venue.
Lumingon pa 'ko at nakita ko si Val na nakatitig lang sa'ming dalawa ni Cyrus. I saw him clenching his jaw even from a distance. Umiwas ako ng tingin dahil hindi na 'ko mahuhulog sa kanya ulit. I should accept my fate now. There's no turning back.
"Let's go..." sambit ni Cyrus kaya tumango ako bago sumakay sa kotse na i-da-drive niya.
I was panting hardly when I woke up from a long dream of the past. I was on our engagement party that time and I just felt tears flowing down my cheeks. Ano na bang nangyayari sa mga alaala ko? Nagkakagulo na silang lahat.
I wiped my tears and remembered the pain that I felt as the small Hyacinth. Simula dati palang ay iyak na 'ko ng iyak kay Val dahil si Dhara ang lagi niyang kasama. When will you learn, Hya? And why did I even befriended her when I lost my memories?
I smiled bitterly and remembered that maybe they're happily married now with their kids. Besides, it has been four years ever since I had flown to New York for my treatments.
Masakit pa rin ang ulo ko pero kailangan kong magpatuloy para sa araw. I spent my day only lurking around the mansion. Masakit pa kasi ang ulo ko dahil sa jet lag kaya hindi muna ako umaalis-alis.
Lumipas ang dalawang araw at mag-gagabi na nang magising ako. Nagulat ako nang maraming chats agad ang na-receive ko mula sa mga kaibigan ko. I was about to open them when my phone suddenly rang because of Niall's call.
"Hey, what's up?" I greeted. He laughed a little before responding.
[Nothing. Have you arrived safely? I was worried that I couldn't accompany you for your first flight to the Philippines after four years.]
"Yeah, I guess I'm fine," sagot ko habang naghahanap ng masusuot sa cabinet ko.
"My friends and I are going out for clubbing tonight. Baka hindi ko masagot ang tawag mo if ever," paliwanag ko. Baka kasi mag-alala siya na hindi ko masagot ang phone ko eh maingay pa naman sa mga bar.
[No. It's okay. You should enjoy, Hya. Just call me when you're done. Malapit na rin akong sumunod diyan sa Pinas. Maybe next week or I don't know. I'm just finishing my tasks for the month.]
"That's great. So... talk to you later? Maghahanda pa 'ko." Nagpaalam na 'ko sa kanya at gano'n din siya. Nang binaba ko ang phone ay napaisip ako kung bakit kahit isang beses ay hindi pa kami nagkita ni Cyrus kahit no'ng mga panahong... kami pa ni Val?
I shook my head to erase those thoughts before taking a bath. I rubbed my body thoroughly and cleanly washed myself. It was so refreshing since I didn't took a bath for about a day because of my flight!
I chose a black glittering halter dress with a hole that showed a little of my cleavage. Tinali ko ang strap sa may batok ko bago inayos ang damit. It fitted me perfectly. I curled the ends of my hair to look chic before applying some dark make-up.
May jet lag pa rin ako pero hindi na gano'n kalala. Masyadong nakakayamot mag-stay sa mansyon na walang tao. Mamaya pa raw uuwi sila Tita Elly kaya hindi na talaga ako mapakali na mag-isa lang ako.
I texted my friends and told the driver to go to the bar where we'll meet up. Hindi ko na magamit ang kotse ko dahil luma na at ipapaayos na raw. Four years na rin kasi siyang halos hindi ginagamit. Maybe I'll just buy a new one with my savings.
Sabi ko sa driver ko ay 'wag na 'kong sunduin mamaya dahil mag-g-grab taxi na lang ako o sasabay sa mga kaibigan ko. I just don't know if I'll be wasted by then.
Pagkapasok ko palang sa loob ng club ay malakas na tugtugan ang agad ang sumalubong sa'kin.
Nostalgic feelings overwhelmed me by the way the club lights hit my face and the loud crowd of drunk people in here. Parang bumalik ako sa mga araw na college palang ako at wala pang masyadong pinoproblema.
"Hya! Hya! Dito! Hyacinthhh!" rinig na rinig ko ang sigaw ni Portia kahit may malakas nang tugtog. Napaka-lakas talaga ng boses nitong babaeng 'to. Kawawa magiging boyfriend niya 'pag nag-sigawan sila.
Dumiretso ako sa couch nila at bigla kong na-miss sina Sky at Shreya dahil naiwan sila sa States dahil sa family issue nila. Kung pwede lang sana na mabuo ulit kami ngayon.
They kissed my cheek before I sat beside Luna who was just silent. "Ano? Hindi tayo masyadong nakapag-kwentuhan last time! Nasa'n na nga pala 'yung mga pasalubong namin?" tuloy-tuloy na sabi ni Portia.
"Wala! Nasa bahay pa! Punta na lang kayo sa susunod!" sigaw ko kasi masyadong malakas ang tugtugan.
Uminom ako ng Cuervo at tinungga naman ni Portia ang Black Label. "Hoy! Baka mamatay ka ng maaga niyan, bruha! 'Yan! Harot pa more!" pananaway ni Sangre at hindi ko naman naintindihan kung anong pinag-uusapan nila kaya uminom na lang ulit ako.
We reminisced a lot of our college experiences while sitting there. Nakalimang shots na 'ko at dahil mabilis akong malasing, hilo na agad ako. This is the moment where I just want to be wild in the dance floor.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko dahil gusto ko na lang sumayaw muna kahit hindi naman ako magaling. I just want to dance all of it away. Gusto ko nang magpakasaya dahil next week ay magsisimula na ang trabaho ko sa kompanya. I have no time to waste.
I danced with my hands up in the air like when I was still in college. Naalala ko na hilig ko na ring sumayaw sa dancefloor kahit noon pa man. I felt someone from behind but I didn't care. Umiwas na lang ako dahil ayo'ko nang may kasayaw ngayon.
Sumayaw ulit ako nang medyo nakalayo sa sumasayaw sa likod ko kanina pero nagulat ako nang makaramdam ako ng mainit na paghinga sa may pisngi ko. Goosebumps then went down my spine when I heard his familiar whisper.
"You really came back..." he said with his ever-low voice that I had once loved. I now despise even his voice.
Hinarap ko siya para tingnan kung nagkamali ba 'ko nang pagkakakilala sa boses niya... pero hindi. It was him. After four freaking years, we met again. Naramdaman ko ang pagbara ng lalamunan ko na parang ayaw lumabas ng mga salita. Mas lalong lumakas ang mga tugtog.
"W-why are you here?" I nervously asked. Matagal ko nang pinagplanuhan sa utak ko ang sasabihin ko kapag nagkita kami pero ang tanga ko kasi kinakabahan pa rin ako.
"Why? Am I prohibited to go here now, Elara?" bulong niya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang tawag niya sa'kin. Elara. I missed that name for how many years.
Pero bakit? Bakit pa siya lumalapit sa'kin?! Hindi niya ba alam ang salitang... respeto?! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naaksidente at baka... baka may asawa na siya ngayon! How would I fucking know?! Ano ba'ng iniisip mo, Hya?
"I'll go now," malamig kong tugon. Ayo'ko na siyang makausap pa. Ayo'kong masangkot ulit sa gulo niya. Bumalik ako para sa kompanya at hindi para sa kanya.
Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niyang hinila ang braso ko kaya napatama ako sa dibdib niya. Agad na inatake ang ilong ko ng pamilyar niyang amoy.
"Val!" I struggled out of his hold. Nagulat na lang ako sa binulong niya at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. If he could hear my heartbeat right now, then that would be embarrassing because it was beating too damn fast.
"You're not going anywhere, baby," huli niyang sabi bago ko siya sinampal ng malakas.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM36
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top