Episode 30

Episode 30

Re-assure


"Susunduin kita mamaya? I'll just call you."

Valentine kissed my forehead before going to his car and driving away. Nakalipas na naman ang isang linggo mula nang napagkamalan kong nanloloko siya. I just frowned while remembering that incident.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit at paano nagawa 'yun ni Dhara. Hindi naman siya gano'n dati...

I'm heading to the mall because my friends wanted to meet up with me. Halos ngayon nalang ulit kami magkikita pagkatapos ng ilang linggo at puro chat lang kami noong nakaraan. All of us were busy.

Si Sangre ay noong nakaraan pang gustong uminom para may mahanap naman daw siyang lalaki but because all of us were busy, lahat 'yun ay drawing lang.

We agreed to meet up in a café in BGC even though it's far. They said na kulang nalang ay isuka nila ang Quezon City kaya gusto naman nilang mag-aliw.

Valentine drove me here kahit sabi kong ayos lang naman kahit hindi. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang nangyari noong nakaraan.

Tama ba na lagi nalang akong naniniwala kahit nasasaktan na ako?

I love him that's why I'll trust him. He's the only one that I can rely on because everyone is busy with their own lives. While Portia has Sangre, Sky has Shreya and Luna has Cedi, naiiwan akong mag-isa sa'ming magkakaibigan. If Valentine's not here, then I have no one.

I shook my head to erase my doubts about him. He had already cleared up the issue even though I still haven't talked to Dhara. Hindi ko pa siya nakikitang pumapasok sa mga klaseng parehas kami kaya hindi ko siya mahagilap.

I just sighed heavily before walking again towards our meet-up café.

Patuloy na nag-v-vibrate ang phone ko sa sunod-sunod nilang mga text kaya huminto muna ako saglit para basahin 'yun. I went to the CR of the mall so I could fix myself before meeting my friends.

Portia: Gagi! Napakatagal niyo naman! Dalawa pa lang kami ni Luna rito!

Sangre: Sino ba naman kasing tanga mag-aaya sa BGC eh ang lalayo natin! Grr gigil niyo si ako!

Sky: OTW NA 'KO!

Shreya: Wait, I'm rlly rlly sorry. Smth came up at pinapatawag ako ni Dad. I'm really sorry. Babawi ako.

Portia: Kanina ka pa on the way Sky! Tanga ka ba? Kanina pa kami naghihintay dito! Ang tagal niyoooo!

Sky: On the way to the CR HAHAHA

Portia: Bilis naman! Naiinip na 'ko! Mahalaga oras ko!

Hya: Isang kanta na lang nandiyan na 'ko.

Sangre: Sandali puta naman! Pressure cooker ka Portia ah! Bagal umandar ng bus eh! Sasabunutan kitang bruha ka pagdating ko.

Luna: Ba't hindi ka gumamit ng kotse mo?

Sangre: Wala akong pang-gas WAHAHA hindi ako iniwan ng pera ni Mama.

Binaba ko muna ang phone ko para mag-ayos sandali. Ilang araw rin kasi akong walang tulog dahil sa hindi magkanda-ubos na requirements na binibigay sa'min.

I fixed my hair and applied a little blush-on and lip tint. I smiled in front of the mirror before getting my bag again to go now. Sa tingin ko ay sisigawan na naman ako ni Portia pagdating.

Lalabas na sana ako nang magulat ako kung sino ang pumasok sa loob ng CR. Mukhang nagulat din siya sa presensya ko. 

She was wearing a beige off-shoulder cropped top with mom jeans. May suot pa siyang black na choker at naka-black Forever 21 boots pa. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan pumorma.

"H-hya..." Dhara whispered while stuttering.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Mukhang ma-le-late ako sa meet-up namin ng kaibigan ko dahil kay Dhara. We need to freaking talk! 'Pag pinatagal pa 'to ay baka biglang masabunutan ko na siya sa inis.

"We should talk," Mariin kong sabi habang nakatingin ng mariin sa kanya.

Kita ko ang pagka-alarma sa mga mata niya bago dahan-dahang tumango. Nauna ako palabas ng CR at dumiretso nalang ako sa pinakamalapit na restaurant. Sasabihan ko nalang sila Portia mamaya.

Umupo na ako sa isang bakanteng mesa at ganu'n din si Dhara na mukhang kinakabahan. Tinaasan ko lang siya ng kilay before I called the waiter for food.

"Anong order mo?" Mataray na tanong ko sa kanya. She was about to say something but I cut her. "Bawal ang boyfriend ko, ah." I rolled my eyes at her kaya napatikom nalang siya ng bibig.

Nang maka-order na ay hindi na ako nagpaligoy pa.

"May gusto ka ba kay Valentine?" Seryoso kong tanong sa kanya habang nakataas ang kilay. She alarmingly looked at me with wide eyes.

"W-wala..." Mahina niyang bulong. Pinanliitan ko siya ng mata para suriin kung totoo ba. Bakit parang nagsisinungaling lang siya? "Edi... Bakit mo ginawa 'yun?" Mataray ko ulit na tanong sa kanya.

Nakita ko ang paglunok niya. "I... I just wanted to know if... you trust Valentine. Para kasing nagustuhan mo lang din siya dahil gusto ka ni—" I stopped her.

"Pa'no mo naman nasabi 'yan? So wait..." I halted. "You did that because you doubt of my intentions for Valentine? Anong paki mo? Anong... Bakit ka nakikialam sa relasyon namin?!" Medyo napataas ang boses ko doon kaya naglingunan ang ibang mga tao sa gawi namin. Hindi ako nagpapigil.

"Alam mo bang muntik mo na akong mapaniwala? Alam mo bang nag-away pa kami dahil dun? Gusto mo ba talagang maghiwalay kami kasi hindi mo ako mapagkakatiwalaan o dahil gusto mong maangkin mo siya?!"

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata kaya pinunasan niya ito. "Don't you dare to fucking cry at me. 'Wag kang pa-victim. Nakakasuka ka. Hindi ganyan pagkakakilala ko sa'yo."

Tumayo na ako at hindi na hinintay na makasagot pa siya. Her presence disgusts me. I stormed out of the restaurant kahit 'di pa dumadating ang orders. Bahala siya magbayad ng mga in-order ko.

Dire-diretso lang ang lakad ko sa kung saan pero naramdaman kong bumagsak ang mga luha sa mata ko. Bigla akong nanghina at parang bigla akong babagsak.

Umupo muna ako sa isang bench sa gitna ng mismong hall ng mall. Nakapaikot ang mga upuan dun at wala naman masyadong tao kaya walang makakapansin sa'kin.

Nanghihina kong pinunasan ang mga luha ko. They were falling relentlessly like there's no tomorrow. My heart hurt by the sight of Dhara earlier but it even cracked into pieces nang marinig ko ang sinabi niya.

Na nagustuhan ko lang si Val dahil gusto niya ako.

Gano'n nga ba ang ginawa ko? Na simula noong nagsabi siya na gusto niya ako ay parang na-pressure ako para sagutin siya?

Pero hindi... Alam kong dati pa lang... Simula bata pa lang kami... I know that I liked him even before. Based from my memories. We really need to find time to talk about the past. There's no running away anymore.

Tumayo na ako at ni-chat na ang mga kaibigan ko na malapit na 'ko. I need to tell them about this. They deserve to know everything. Baka sila pa ang makatulong sa'kin.

While walking towards the said café, nagulat ako nang may makabangga akong babae. "Oh my God! Where the hell is your mind?! OMG! My bag!" Maarteng sabi noon.

Nalaglag ang bag niya at agad naman siyang tinulungan ng mga dala niyang bodyguard. "I'm sorry, ma'am! I'm sorry, 'di ko sinasadya!" I told her while continuously apologizing. Nang makatayo na kami ay saka ko palang siya nakita ng buo.

She was wearing a red long sleeve wrapped body con with cream-colored stilettos. She looked like somewhere near the age of my Tita Elly but because of her amazing fashion style, nagmukha siyang bata!

"I'm really sorry, Ma'am," Sabi ko but she just lashed out at me.

"Ugh! Nakakainis naman! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" She looked at me with fiery eyes bago nanlaki ang mga mata nang mamukhaan niya ako. Kuryoso ko siyang tinitigan bago natanto na parang may kahawig siya!

I know her! Sa'n ko nga ba siya nakita?

Tinitigan ko pa siya before she suddenly scoffed. "Let's go, Manuel. Naiirita lang ako rito," she flipped her hair before gracing her exit in the scene. Napatutop ko ang aking bibig nang sumagot ang bodyguard.

"Yes, Mrs. De Dios." Sinundan ko ng tingin ang babaeng... Mrs. De Dios? 

Nanlalaki ang mga mata, naalala ko na kung saan ko siya nakita! She was in my dream! She's the mother of Vladimir and Valentine!

Tulala at lutang pa rin sa mga nangyari kanina, I opened the glass door of the café where we agreed to meet up. Para akong zombie na naglalakad dahil bukod sa pakikipag-away ko kay Dhara, nakita ko rin ang nanay ni Val!

"Hya! Napakatagal mong bruha ka!" Sigaw ni Sangre pagkalapag ko ng bag ko.

"Sorry... Ang daming... nangyari on the way..." Nanghihina kong sabi sa kanila bago muntik nang mahulog mula sa pagkakaupo, buti nalang ay naalalayan ako ni Sky.

"Panget, ayos ka lang ba? Mukha kang bangag na manang!" He teased a bit showing his dimples but I showed no humor in my face. I feel drained for some reason.

"Hya... Anong nangyari?" Luna softly asked me because she was right next to my seat. I gathered an amount of air bago nagsalita.

"Nag-away kami ni Val noong nakaraan dahil kay Dhara..." I started. They looked shocked pero hindi muna nagsalita para patuluyin ako.

"I called Val that time tapos si Dhara ang sumagot saying that... she is Val's girlfriend and that my number wasn't registered on Val's phone. Umiyak ako no'n—" Pinuna ako ni Portia.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'min? Kelan nangyari 'yan? Nasa'n na si Dhara? Sasabunutan ko 'yun!" Napatigil siya nang hinila ni Sangre ang buhok niya.

"Tumahimik kang punyeta ka. Nakikinig ako. Go, tuloy mo, Hya."

Tumango ako. "Dumating si Val sa condo ko at sinabi niyang hindi totoo 'yun. Na magkakasama silang tatlo nun nila Mac at nagsinungaling lang si Dhara. I... believed him..." I whispered the last words.

"Bobo..." mahinang bulong ni Sky pero nag-peace sign lang. "'Ge tuloy mo lang."

"Nagkita kami ni Dhara on my way here kaya ako natagalan. Tinanong ko kung bakit niya nagawa 'yun and she just reasoned out na hindi niya ako pinagkakatiwalaan para kay Val kaya gusto niyang i-test 'yung tatag ng relationship nam—" Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin nang magsalita si Sangre.

"Ulol ba siya?!" Naiirita niyang sabi kaya nagsalita na si Luna na parang nagtitimpi na sa inis. "Pwede bang patuluyin niyo muna si Hya sa pagsasalita?" mahinahon niya pa ring sabi kahit ramdam na ang inis.

"Oo nga. Respeto naman, guys," pang-aasar pa ni Sky.

"Pagkatapos nu'n ay iniwanan ko na si Dhara sa restaurant and unluckily... nakabangga ko ang Mama ni Val while walking."

Nagtanong pa sila ng kung anu-ano bago napagdesisyunan nang magsabi ng opinyon.

"Bakit ang dali mong naniwala kay Val na hindi 'yun totoo? Alam ko namang marupok tayo pare-pareho pero parang ang bobo move naman nu'n. Parang wala pang isang araw tapos hindi naman kayo nag-usap ng maayos," paliwanag ni Portia na tinanguan ni Sangre.

"Oo nga! Kung ako 'yun magpapasuyo muna ako!" tawa niya.

"Iba kasi 'pag may tiwala ka naman na hindi niya 'yun gagawin. Na kahit masaktan ka pero alam mong itatanggi niya rin 'yun kasi hindi naman talaga 'yun mangyayari. Kasi he's too loyal and he loved you too much na hindi mo siya pagdududahan," Luna said kaya namangha ako.

Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin at nagkwento na rin kalaunan patungkol sa nalalapit na Christmas Events sa sari-sariling universities. Hindi makakadayo sa UPD ang kambal at si Sangre dahil may gagawin sila sa mismong University nila. Kami naman nila Portia at Luna ay sabay-sabay na a-attend ng Lantern Parade.

"Uy! Mag-picture kayo ng marami ah! Luna, picture-an niyo 'yung gawa ng department niyo! Kayo pa naman 'yung may pakana ng magagandang Lanterns sa UP. Excited na 'ko sa Paskuhan!" Sangre said with sparkles in her eyes. 'Yun lang naman daw ang na-e-enjoy niya sa isang school year.

Weeks passed again and it's already the Lantern Parade in UP. Assigned ang Engineering Department sa isang Scholar walk habang may hawak kaming mga banner at naka-santa claus outfits.

Wala akong Santa Claus outfit kaya nag-red na lang ako na t-shirt at Santa Hat. Kaninang umaga ay nagawa pa naming bisitahin si Luna dahil sa ginagawa nilang Lantern para sa parada mamaya. Nakita kong pinagtutulungan nila ni Cedi na ma-prepare mamaya lahat.

"Good luck! Fighting!" sigaw ni Portia kay Luna dahil magkasabay kaming pumunta doon. Sila naman ang assigned para sa fireworks display sa gabi. Busy ang lahat ng students pero masaya naman.

Nagsimula ang pagtatayo ng mga booths nang tanghali pa lang at ang iba't-ibang mga club ay nag-aayos na rin ng kanila. Nilabas na ng iba't-ibang teams sa Fine Arts Department ang hinanda nilang mga ipaparada mamaya.

Everything screamed happiness and excitement while the parade is nearing. Nang pagbagsak ng 5 PM, halos pati Sunken Garden ay mapuno na dahil sa dami ng tao habang ang iba naman ay naghihintay na sa Quezon Hall Amphitheater dahil may mag-pe-perform na mga banda.

Nang medyo dumilim na ay mas lalong gumanda ang UP dahil nagsimula na ang parade sa Oval at kitang-kita mo ang galing ng mga gawa sa College of Fine Arts. Hindi nagpatalo ang College of Architecture at College of Science habang kaming Engineering... tamang pa-cute lang.

Hawak namin ang mga banner na glow in the dark. Nakita ko pa kanina si Dhara pero iniwas niya lang ang tingin niya. Magkasabay kaming dalawa ngayon ni Valentine na naglalakad.

"Are you happy?" Nakangiti niyang tanong kaya tumango ako ng paulit-ulit. Sino ba namang hindi matutuwa eh ito ang hinihintay ng bawat estudyante sa buong taon?

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang maka-dalawang ikot na sa buong Oval, napagod na 'ko. We decided to just sit on a nearby bench around Sunken Garden para magpahinga muna. This day had been exhausting!

"Tubig," I asked him dahil napapagod na ako. He gave me a bottle of water like he was my assistant kaya napangiti nalang ako.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nakita ko ang pag-se-set-up na ng fireworks display para mamaya. Nakakalat ang Archi students sa paligid ng Oval para sabay-sabay na papaputukin ang fireworks mamaya. Napangiti nalang ako.

"Ang ganda talaga, 'no?" I asked Val while I'm looking at the surroundings where the parade is still on-going. There were loud music and cheers everywhere. Everything was lively!

"Oo, maganda talaga," He said seriously kaya napabaling ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa'kin at nakangiti. Nginitian ko rin siya.

"Come here," he said before pulling me towards a hug while we were sitting in a bench.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Dhara is wrong. I have loved Valentine even before. Hindi lang dahil sa gusto niya ako. Hindi lang dahil pinangarap ko ring ma-in-love. Kung hindi dahil gusto ko talaga siya. Wala nang ibang rason pa.

"Nakapag-usap nga pala kami ni Dhara noong nakaraan..." I started.

"Hmm. Anong sabi niya?" He softly asked while we were still embracing each other. He was caressing my hair.

"She said that she doubts my love for you. Na parang hindi kita deserve. Na nagustuhan lang kita dahil gusto mo 'ko..." I explained and I saw him nod slowly.

"And... is that true?" Marahan niya pa ring tanong habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko. I am feeling sleepy. Humiwalay ako sa yakap pero hinagkan niya pa rin ako sa bewang.

"No..." I said. 

"Hmm. Are you still mad about it? I'm sorry. Gusto mo bang layuan ko na si Dhara?" He asked before sniffing my neck while still hugging me from behind.

"No..." I madly wanted to say yes! But I know that it would sound selfish. Na kailangan ay 'wag din kaming masakal sa isa't-isa. I trust him. I trust that he will not leave me for her... or anyone.

"Elara..." He whispered before kissing my cheeks. Pinaharap niya ako sa kanya and I looked at him with sleepy eyes.

"I love you. Paulit-ulit ko na 'tong sinasabi. But I just want to reassure you that my love for you is true. That no matter what happens, I will always love you. Just trust me always."

I looked at him in the eye before slowly nodding. Of course I believe you, Valentine. He interlocked our gazes too but his sight lowered to my lips. He licks his lower lip before plunging for a kiss.

He lowered his head to seal me in a passionate kiss. It was not deep nor shallow but I know that it was full of love. I know that he loves me with his kisses.

Napayakap ako sa kanya nang pinalalim niya pa ang halik namin. I angled my face to kiss him better while he parted my lips with his tongue. Nang humiwalay kami sa halikan ay para akong nalasing na hindi ko naalala na nasa Lantern Parade pala kami.

"Trust me, hm?" He whispered before kissing me again. I wish that time would stop. I wish that we could just stay here and be together in every minute of the day.

Dahil hindi ko alam na ito na pala ang huli naming masayang ala-ala. 


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM30

Haneehany

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top