Episode 28

Episode 28

Happy


"Nakakainis ka talaga! Bakit mo pa kailangang gawin 'yun?"

I angrily looked at Val who was smirking right now while holding my hand. We're about to enter the cinema pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakakainis niyang ginawa kanina.

"You don't like that? Ibig sabihin lang naman no'n ay hindi tayo magkapatid. Tss..." He scoffed the reason why I glared at him.

"'Wag mo na uulitin 'yun ah. Nakakahiya talaga!" Hinampas ko na naman siya sa braso niya pero napatawa lang siya bago ako akbayan at dumiretso na kami sa loob ng sinehan.

We're about to watch an action movie since we don't like romance stuffs. Hindi ko rin alam pero nandidiri ako sa mga puro kalandian na movies.

Hindi gaanong puno ang loob ng sinehan because maybe everyone was preparing for December. Hindi ko nga alam kung paano pa naming nasingit na mag-date ni Val eh parehas kaming Engineering at maraming ginagawa.

Sa likod kami umupo dahil mas maganda nga naman ang view sa likod. At saka mas secluded dun. Ayoko nang may katabi na maiingay na mga high school.

Nang makaupo na kami ay nagsimula nang mag-umpisa ang mga commercials bago ang palabas. Kahit hindi pa nagsisimula ay kumakain na agad ako ng popcorn.

Napatigil nalang ako sa pagsubo when Val stopped my hand midways. "Babe, hindi pa simula. Baka maubos mo agad," He pouted that's why I frowned at him and have no choice but to surrender. Oo nga naman, baka maubos agad 'yung popcorn.

The lights inside the cinema dimmed meaning that the show had already started. Agad akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko na ang lamig.

I looked at Val who was intently watching the action scene from the movie. Nakahalukipkip lang siya habang nanonood ng seryoso. I can't help but smile teasingly. Kinikilig ako.

Ang gwapo ng boyfriend ko.

His brown eyes sparkled in the midst of the dark cinema and from my view, I could see his perfectly defined jaw clenching. Parang sa panaginip lang nangyayari pero boyfriend ko na!

"Stop staring," malamig niyang sambit kaya napatawa nalang ako. "What's funny?" Umiling lang ako bago sumandal at naramdaman ulit ang lamig.

Pa'no kaya kung sabihin ko sa kanyang yakapin niya ako para mawala 'yung lamig? Hindi naman sa hinaharot ko siya ah, pero... parang ganun na nga. Sabagay ilang araw rin kaming walang time sa isa't-isa.

"Ang lamig..." mahina kong bulong pero sinigurado kong maririnig niya pero hindi siya lumingon.

"Sabi ko... ang lamig..." bulong ko ulit. I saw him smirk pero hindi pa rin ako tintingnan kaya hinarap ko na siya. Nakakairita 'yung ngumingiti siya pero hindi niya 'ko pinapansin.

"Val... ang lamig..." sabi ko sabay lapit sa kanya at hahawakan ko na sana ang kamay niya pero iniwas niya 'yun nang tumatawa. "Hmm... what?" Pa-inosente niyang tanong habang nakatingin pa rin sa movie.

"Edi 'wag!" Naiirita kong sabi bago lumayo sa kanya. Lilipat na sana ako ng upuan pero hinigit niya ako kaya napaupo ako sa hita niya.

"Val!" Mahina kong sigaw at buti nalang ay barilan ang scene kaya hindi kami masyadong pansin.

"Where will you go then? Hmm?" He said as I felt his hot breath on my neck. Pinalupot niya ang kamay sa bewang ko habang nakayakap sa'kin mula sa likod kaya hindi ko naiwasang mamula.

"Ano... uhm... lilipat lang ng upuan..." bulong ko nahihiya na sa posisyon namin because he started kissing the part below my ears softly.

"And... why would you go somewhere else?" he seductively said kaya parang mas lalo akong nanghihina.

Buti na lang at nasa pinakalikod kami kaya halos wala kaming kasama sa row dahil ang harot harot ni Val! Kanina pa siya!

"'Di ba ayaw mo sa'kin? Ayaw mo 'kong yakapin 'di ba? E 'di 'wag!" Umalis ako kaya patawa niya na lang akong pinakawalan. 

"Now you said it. Meron ka pang 'ang lamig' but you just really craved for my hugs. I love you," sambit niya at hinalikan ako sa noo bago kami umayos nang upo at nanood ulit ng movie.

Pagkatapos ng movie ay umuwi na kaming dalawa ni Val at dahil same condo lang naman kami ay hinatid niya na ako sa labas ng unit ko. Sa taas lang naman siya kaya ayos lang.

"Good night." He kissed my forehead before bidding his goodbye.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan si Val habang naglalakad palayo. I am really thankful that I have him as my boyfriend. Sana ay magtagal kaming dalawa.

Weeks passed fastly at malapit na ang Lantern Parade sa UP. Mas naging hectic pa ang schedule nang lahat at hindi na nagbigay nang break dahil malapit naman na ang Christmas break.

"Malapit na Christmas break! Panahon kung saan lahat ng jowa nagiging malamig at naghihiwalay!"

Sangre stretched her arms and back habang nag-jo-jogging kaming magkakaibigan sa oval sa UP. Halos ngayon nalang ulit ako nakapag-exercise dahil sa rami ng school works!

"Oo nga lahat na nag-be-break. Oh, Sky! 'Wag kang umiyak, p're! Hindi ikaw pinapatamaan ko ah pero... parang ganun na nga!" Tawa nang tawa si Portia kaya sinamaan siya ng tingin ni Sky.

"Pwede ka na mamatay," malamig na sabi ni Sky kaya napatawa na lang kaming lahat. Kaya pala ilag siya sa gala lately at puro inom, nag-break pala sila ng jowa-jowaan niya!

"Oh ano, Hya? Don't tell me that you and Val are going to break up sooner or later? Nako! I'm really telling you sis. Don't, okay?" Banta sa'kin ni Shreya kaya inirapan ko siya.

Last week me and Val just celebrated our first monthsary. Pagkatapos kasi naming manood ng sine ay kinabukasan nun ay monthsary namin at siya naman ang nagsabi na pumunta nalang daw kami sa archery training center nila.

"Happy 1st monthsary!" I happily greeted him.

He gave me fresh bouquet of roses before kissing me on the cheeks. Sinundo niya pa ako mula sa condo ko and it's not actually a big deal dahil sa taas lang naman siya nakatira but I still find it sweet.

"Happy 1st," he greeted with a smile too before kissing my forehead.

He intertwined our hands before smiling at me. Sumakay na kami nang elevator at saka dumiretso sa parking lot para sa kotse niya. Nakita ko sa backseat na may dala ulit siyang dalawang specialized bow.

"Marami ka bang pang panang ganyan sa inyo?" tanong ko at tumango naman siya. "I have a collection of those," he said before starting the engine of the car at didiretso na kami sa training center nila.

Pagkapasok ko sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko na naman maiwasang mamangha on how it looked too high-tech. Of course! The Lavigne's were the ones that owned this business!

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng training center at nagulat ako nang makasalubong pa namin si Jovy at Bri!

"Wow! Kay tamis naman pala pareng Val! I hope oil!" Bri said while teasing us as if he hasn't got Dhara. Wait... parang hindi ko nakikita si Dhara lately.

"Shut your mouth, Bri. Hindi ka ba napapagod na puro kalokohan lang nilalabas niyan?" masungit na sabi ni Jovy bago kami tanguan at lagpasan. Hinabol naman ni Bri si Jovy bago nagpaalam na rin.

We were immediately redirected to the archery room because like the last time, Valentine rented the whole archery training center from Mac.

We spent almost the whole day while practicing on shooting the arrows properly. And luckily, gumagaling ako! The next trials ay puro maayos na ang shots ko kaya napapatawa ako at inaasar pa si Val na malapit ko na siyang matalo. He just pinched my cheeks.

Nagpahinga muna ako dahil hindi sanay ang muscles ko sa ganung galawan. Feeling ko talaga ay sobrang sakit ng braso ko bukas kasi ang sakit hawakan nung pana!

Naupo muna ako sa couch na malapit habang umiinom nang malamig na tubig. Pinagpapawisan na ako at buti nalang at may duffel bag na dala si Val kaya nilagay ko dun kanina ang sports bra ko.

Nagpalit muna ako sa CR ng itim na sports bra at naghilamos ng mukha. Kinuha ko sa bulsa ko ang dapat ireregalo ko sa kanya. Ibibigay ko nalang 'to mamaya.

Pagkalabas ko ng CR ay nagpapana pa rin siya kaya napangiti ako. He really loved bows and arrows like a cupid and in fact it matched his name! Valentine! Sino nga bang mag-aakala na ang dati kong kinaiinisang pangalan ay boyfriend ko na ngayon?

I took a picture of him sideways while holding a bow before firing its arrows. He looked hot with small beads of sweat trickling down his forehead and nape. Habang umiigting ang panga at kitang-kita ang hubog ng katawan kasabay ng paghila ng metal string ng bow.

I posted it on my IG and mentioned him on it.

Elaracinth Ang galing naman tumira nito. Happy 1st with @ValCyrus

Pagka-pindot ko ng post ay ibababa ko muna sana ang phone ko para tingnan ulit si Val pero sunod-sunod ito na nag-beep at nakita kong nag-comment agad ang mga kaibigan ko!

_sangreee: weyt free data. SINO NAGTIRAHAN???

portia_sm: ang baboy ni Hya mag-caption susumbong kita kay Tita Elly!

itshreya: OMGGG YOU TWO ARE SO CUTE! ANG GALING KO TALAGA MAG-PAIR!

skysquillito: kfine naul?!?

L.zyair: Congratsss! Ingatz!

Napaikot ang mga mata ko sa comment nila at ginawa na nga nilang chatbox ang comment section ng post ko. Tanging ang comment lang ni Shreya at Luna ang ni-heart ko bago ko binaba ang phone ko at nakita kong nagliligpit na si Val ng gamit.

"Tapos ka na?" I asked him and he just nodded.

Inayos ko nalang din ang gamit ko. Kanina ay nagpa-reserve na raw siya sa isang restaurant kaya siguro ay doon nalang kami kakain ng tanghalian. Besides, nag-kape lang ako kaninang umaga. Nagugutom na rin ako.

"Let's go?" He asked before getting my hand and smiling at me. I wish for simple happiness like this forever.

Dumiretso kami sa isang Italian restaurant. Maganda at romantic ang ambiance ng place na parang pinaghandaan talaga ni Val na dalhin ako rito.

"Nag-effort ka pa talaga. Crush mo talaga ako eh noh?" Pang-aasar ko sa kanya the reason why he just rolled his eyes. Napatawa nalang ako sa reaksyon niya.

Pagkaupo namin ay nakita kong meron na agad mga pagkain at may lumapit pa na nagbigay ng cake. May nakalagay dun na "Happy 1st monthsary, ValCinth." Tinawanan at inasar ko siya dahil ang jeje niya kaya sinimangutan niya lang ako.

We laughed and talked about almost everything while our hands intertwined above the table. Saka ko lang naalala na may ibibigay nga pala ako sa kanya.

"Val..." I called him kaya inangat niya ang tingin sa'kin. "May ano... ibibigay sana... ako..." I awkwardly smiled at him bago ilabas ang regalo na nasa side bag ko.

Tumayo ako at tinago sa likod ko 'yung regalo ko bago ko ito binuksan sa harap niya. "What is this?" Unti-unti niya iyong binuksan at ganun nalang ang gulat niya nang makita niya ang laman nito.

It was a silver necklace na pina-customize ko pa dahil may nakalawit siya na bow and arrow sa baba na nakapalupot sa letrang 'V'. He smiled at me. "Thank you for this, Elara," Ngumiti ako sa kanya pero ganun nalang ang gulat ko nang may kunin siya sa leeg ko.

"You still wear this?" Kuha niya sa heart gemstone necklace na nakasabit sa leeg ko. Ever since I knew that It came from him from the past ay hindi ko na 'to tinanggal sa pagkakasuot sa'kin.

"Yes..." mahina kong sagot bago ito binawi at bumalik sa upuan ko. As much as I don't want to mention this now, mostly that it is our first monthsary, I can't help but be curious at why people are hiding my memories. Walang pumipilit sa'kin na makaalala and they won't even give me a hint about it!

Thinking about it, parang naiirita na naman ako sa paglilihim nilang lahat. But I chose to calm down first. This is not the right time, Hyacinth.

"Do you remember me now?" Malalim na tugon at seryoso niyang tanong. I gulped before answering. "Oo."

I saw how his lips twitched and saw his eyes darkened a bit. "Ako ang nagbigay niyan," sabi niya at tumango ako.

"Alam ko, Val. I've been dreaming of you and Cyrus for a while now but... let's not talk about that now. Sa susunod nalang. I want to enjoy this moment with you," sabi ko kahit sabik na sabik na rin ako sa mga sagot.

He stared at me for a minute or two before sighing heavily. "Whatever you're comfortable. Just remember that I love you, Elara. Please trust me always." He smiled. Tumango naman ako at binigyan din siya ng maliit na ngiti.

The day ended like that and of course he payed the bill even if I insist that we can do it half-half.

"'Di ba monthsary niyo nung nakaraan?" 

Napabalik ako sa reyalidad nang magtanong si Sangre tungkol sa'ming dalawa ni Val. Tumango nalang ako.

"Balita ko walang nagtatagal na isang taon na mag-jowa eh. Kaya... goodluck pokpok!" Patuloy niya pa kaya inirapan ko nalang siya.

Pare-parehas kaming maraming ginagawa kaya naman pagkauwing-pagkauwi ko sa condo ay bumagsak agad ako sa kama. Hindi naman na ako kailangang sunduin ni Val dahil nag-jogging lang naman kami.

I took a quick shower so I can rest now. Running and exercising really freshens me up. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko hindi kagaya nung nakaraan na sobrang sakit na ng likod ko kakaharap sa aral the whole day.

Agad akong nakatulog at noon ko nalang nalaman na napaniginipan ko na naman ang magkapatid na si Valentine at Vladimir.

"Cyrus... Hindi eh... Hindi kita gusto... S-sorry..."

I looked at his brown orbs na ngayo'y parang naguguluhan na sa mga nangyayari. "A-ano ulit? Parang... hindi ko narinig ng m-maayos," He said with sadness in his tone even though he heard me properly.

Mariin akong napapikit. Hindi ko gustong gawin sa kanya 'to dahil siya talaga ang una kong nagustuhan pero hindi na ngayon. I liked his brother Valentine for some reason. Hindi ko alam kung bakit.

"S-sorry..." I apologized again for hurting his feelings.

Ayoko nang paasahin pa siya. He confessed to me on my 15th birthday and it was now 2 months after that. Simula nun ay lagi na niya akong nilalapitan at sinasabihan ng matatamis na salita. I can't deny it but I also loved him before. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit si Val ang pinipili ko.

Kung bakit si Val pa... Hindi niya na kasi ako pinansin masyado pagkatapos nang makita niyang pag-amin ng kapatid niya. It seemed like he gave way for his brother.

"Sino... sino ang gusto mo? Si Sky ba? Si Cedi? Sino Hyacinth... para hindi naman ako magmumukhang tanga rito kasi akala ko gusto mo 'ko. 'Yun pala nagbibigay ka lang ng motibo..." Malungkot niyang sinabi.

I can't see him being sad. He's always the cheerful one. The bright and all-smiley boy that always make you happy. Hindi ko kinakaya na ako ang dahilan kung bakit siya malungkot ngayon.

"Si Val... ba?" Tanong niya na medyo may bakas na ng lungkot sa mga mata.

Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Val mula sa kusina dahil nasa sala kami ngayon ng mansyon nila. Sinundan ko ng tingin si Val na hindi man lang pumukol ng tingin sa'kin.

"Hya... bakit? Bakit kapatid ko pa?" He asked while almost tearing up. I'm sorry Vladimir. I didn't mean to hurt you. Or any of you two. Pinunasan ko ang takas na luha sa mga mata ko.

"S-sorry... I... I didn't mean it..." I said while shivering because of crying. He wiped the sides of my eyes that was full of tears.

Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan sa mata.

"Don't be... d-don't be sorry... I hope you'll be happy with him now," he gave me a sad smile before leaving the scene while leaving me crying.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM28

Haneehany


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top