Episode 27

Episode 27

Sister


"Ano? Kumusta na kayo niyang jowabells mo?"

We were walking down the hallway in Engineering Building while eating freshly cooked isaw from Mang Larry's. Kanina pa tanong ng tanong si Simon tungkol kay Val.

"Ayos naman..." I trailed off before remembering the hot moment we've shared two weeks ago. Since then, hindi na kami masyadong nakakapagkita pa dahil sa rami rin ng mga pinapagawa sa course namin.

"Oh ba't ayos lang? Nag... ano na ba kayo?" Pabulong na tanong ni Simon kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Walang ganu'n! Wala pa nga kaming isang buwan!"

"Oh tingin-tingin mo riyan? Gusto mo?" Inasar niya 'ko na parang bibigyan ng isaw. "Luh, asa ka," Bawi niya rin agad kaya tinarayan ko nalang siya.

We went to our last class for the day and Val texted me that he will pick me up from school. Alam kong busy siya this past few weeks dahil napagkwentuhan namin noong nakaraan na sinisimulan na siyang pag-handle-in ng kompanya nila.

"Dati sabi mo, ayaw mo mag-civil engineer?"

I asked him two weeks ago when we were in his condo. Medyo awkward pa rin sa pagitan namin dahil sa nangyari kanina pero ayos naman na ngayon. His head was lying on my lap while I was brushing his hair above the sofa.

"Hmm?" He sleepily answered kaya tinawanan ko nalang siya.

"Sabi ko... Gusto mo ba talaga 'yung course mo na Civil Eng?" I said while still brushing his hair. Kinunot niya naman ang noo niya habang nakapikit pa rin bago ako hinagkan at siniksik ang ulo niya sa tiyan ko.

"Ayoko. But it's okay. As long as I can give you a better future with this job." He gave me a small smile and reassured me with a tighter hug. I continued brushing his hair.

Pagkatapos ng klase namin sa SocSci, agad akong nagligpit ng gamit dahil sabi niya'y malapit na raw siya. Kanina pa siya nag-text nung nasa klase palang ako kaya baka nandiyan na 'yun.

From: Boyfriend ko

Just waiting for you babe

Napangiti na lang ako. "Oy! Puro lande! Gora na, hinihintay ka na ng kupido!" sabi ni Simon habang nagliligpit din ng gamit kaya tinawanan ko nalang siya. Ang saya-saya ko! Gan'to pala kasaya magkaro'n ng jowa!

"Sana all!" pahabol ni Simon bago kumaway at nauna na akong lumakad papunta sa parking lot. Alam ko na kung saan siya madalas nag-pa-park kaya ro'n na 'ko dumiretso.

Aayain niya kaya ako ng date ngayon? Matagal-tagal na rin kasi nung last na kain namin sa labas. Almost two weeks na rin at isang linggo nalang ay first monthsary na namin. Ano kaya ireregalo ko sa kanya?

Napahinto muna ako sa paglalakad nang biglang nag-vibrate ang phone ko. I smiled while thinking that it was my boyfriend who was calling me but it was from Tita Elly!

"Hello?" I answered the phone.

[Hya. Gising na ang Tito mo! If you want to visit him, then you can just go to the hospital.] Nagulat naman ako but I just pursed my lips to listen to Tita Elly's explanation first.

"Ano na pong kalagayan niya as of now?" I asked while walking. Natatanaw ko na si Val na nakasandal sa kotse niya. Our eyes met so I smiled and gave him a wave.

[Chine-check pa ng doctor ang status niya but I'm sure that he's fine. Ingat ka!] Then she ended the call. Maybe because she's going to inform her kumares or Rylie, my cousin.

Sinalubong ako ni Val ng ngiti pero nang makita niya na nakakunot ang noo ko dahil sa tawag ni Tita kanina, nakita kong pumungay ang mga mata niya. "What's wrong?" he asked before enveloping me into a tight hug.

"Si Tito kasi... gising na..." I said bago niyakap din siya ng mahigpit at amoy na amoy ko pa ang pabango niya. "Ang bango mo..." I said before kissing his cheeks. "I miss you." Tumawa naman siya kaya hinalikan nalang din ako ng mabilis.

"So we're going to head to the hospital?" he asked. Binuksan niya pa ang pintuan ng front seat para sa'kin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Ayos lang ba? Baka pagod ka na?" Umiling siya at hinalikan lang ako sa noo. "It's okay. Bibisitahin natin ang Tito mo."

Mabilis lang ang biyahe namin papuntang hospital dahil wala masyadong traffic. Habang nagpa-park na siya ng kotse ay saka ko lang naalala na kung sasama siya ay kailangan ko na siyang ipakilala kanila Tita.

"Val, ipapakilala na kita ki'la Tita?" I asked him and he just looked at me. Dalawang beses siyang napakurap bago lumunok kaya napatawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Kinakabahan ka? Para ka namang mamamanhikan eh sasabihin ko lang naman na boyfriend na kita." I smiled at him but he just averted my teasing gaze. "Tss, ikaw bahala," he said before smiling too.

Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa ward ni Tito. For some reason, I felt scared too by the fact that I will introduce Val as my boyfriend. Hindi kaya masyado pang shocked si Tita sa mga nangyayari at wala pa sa tamang hulog ang lahat?

"Ikaw magbukas," utos ko kay Val bago siya binigyan nang mapang-asar na tingin. His eyes darkened a bit before I saw his jaw clenching tightly. He's so cute when he looked like that.

Nang binuksan niya ang pinto ay bumungad sa'min si Tita na nakatingin lang kay Tito habang hawak ang kamay nito. Nakayuko siya na parang nagdadasal habang si Tito naman ay nakangiti sa kanya. Even though he cannot move properly, you can clearly see joy in his eyes.

"Tita... Tito..." I greeted them. I feel like tearing up when I saw my Tito almost smiled at me but he can't control his body well for now.

Lumapit si Tita sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Sabi sa'yo eh. Tiwala lang talaga, hija." I felt tears streaming down my cheeks bago ako lumapit kay Tito at binitawan muna ang kamay ni Val. Lumingon ako sa kanya and he just gave me a smile before nodding.

Lumapit ako kay Tito and held his hand tightly. After a month of being in comatose, sa wakas ay gising na siya. Kita pa rin ang mga sugat niya at may benda pa rin ang iba't-ibang parte ng katawan pero nagagawa niya pa ring ngumiti.

I cried in front of him with no sound. Naaawa ako sa kalagayan niya. Bakit ba kami kailangan pang makaranas ng ganito? Kung ga'no ako kasaya kanina, ganun naman ako nalulungkot ngayon.

Is it a requirement that whenever you're happy, there is always sadness trailing next to it?

Naramdaman ko ang marahang pagpatong ng kamay sa balikat ko and I clearly knew who that is. Nilingon ko siya at pumantay siya sa upo ko kaharap si Tito para palisin ang mga luha ko.

"Hya... Upo muna kayo..." Si Tita ang nagsabi kaya tumayo muna ako bago hinalikan si Tito Randy sa noo. He doesn't deserve this misery. All he ever did was to protect and care for me. Him and Tita Elly. Hindi dapat sila ang nakakaranas ng ganito.

Umupo muna kami ni Val sa malapit na couch. I was still shivering from crying earlier but Valentine helped me calm down by holding my hand. "Drink this first," sabi niya sabay abot ng mineral water kaya kinuha ko iyon.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Val at doon nagpahinahon. I am really thankful that I have him beside me. Kung mawawala siya sa tabi ko ay baka hindi ko na kayanin ang lahat.

"U-uh..." Pag-uumpisa ni Tita Elly but she can't seem to find the right words while looking at us cuddling. Napangiti naman ako nang mapagdesisyunan ko na na ipakikilala ko na si Val.

"Tita... Tito..." I looked at Tito Randy who was also staring at me and Val. "Boyfriend ko nga po pala," Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil kahit kakaiyak ko lang kanina, nando'n pa rin ang saya na sa wakas ay napakilala ko na si Val.

"Nice to meet you po," Val politely said the reason why I held his hand. Naramdaman ko ang panlalamig nito. I squeezed it while holding tightly.

Tita Elly can't seem to find the words that were stuck at the end of her tongue. "Uh... Kelan... K-kelan ka pa nagka-boyfriend? Parang si Sky Quillito lang naman ang kaibigan mong lalaki, Hya."

Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Tita. Tumingin ako kay Val at nakitang medyo napanguso siya dahil sa sinabi ni Tita. "Hindi, Tita. Thesis partner ko kasi si Val dati... tapos... alam niyo na," I shyly smiled.

"Hindi sa pang-uusisa hijo ah, pero hindi kasi talaga kita naaalalang kasama ng pamangkin ko. Parang mas okay pa si Sky," Tumawa si Tita kaya sinamaan ko siya ng tingin. Naramdaman ko naman ang pagpiglas ni Val sa kamay naming magkahawak. Mas hinigpitan ko pa ang hawak doon.

"I never liked Sky more than a friend Tita. Alam mo naman 'yun. And Valentine here is my boyfriend," mahinahon kong sabi bago lumingon kay Val na nakakunot ang noo. "I love him, Tita. Kaya ko siya sinagot."

Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata ni Val bago ito pumungay at nawala na ang pagkakunot ng noo. He pursed his lips into a thin line kaya napangiti nalang ako sa reaksyon niya.

"Ikaw bahala... By the way, what's your full name, hijo? You seemed familiar kasi eh," Nakangiting sambit ni Tita na parang tanggap na kaming dalawa.

"Valentine Cyrus De Dios po," Val said with his ever low-baritone voice.

Nginitian ko lamang siya bago humarap kay Tita. Nagulat naman ako nang makita na parang namutla si Tita dahil sa sinabi ni Val. "P-pardon? De... D-Dios?" Nag-aalangang tanong niya.

I shifted my weight on my seat before Val and I both nodded. "What's wrong, Tita?" She looked bothered and uneasy before glancing at his husband, who was just lying on the bed while watching us.

"N-nothing..." She gave us a small smile before staring again at Val.

Nag-usap at nagkamustahan lang kami pagkatapos nu'n. Nawala na ang tense sa aura at kalungkutan hindi kagaya kanina. Umuwi na si Val after at hinatid ko nalang siya sa labas.

Sa mismong ward na ako natulog para bantayan si Tito while Tita went to the company to check some things. Sabi niya naman ay babalik siya agad at may aasikasuhin lang. I just texted my friends to inform them about my Tito's current condition.

Hya: Gising na si Tito:>>

Sangre: Lakas talaga ni Tito! Sabi na eh! Punta kami riyan bukas ah!

Portia: OMO! Jinja? Omggg!! Yehey!

Nag-usap pa kaming tatlo tungkol sa kung anu-anong bagay sa GC at iinform nalang nila ang mga Quillito pati na rin si Luna. True enough, they really visited the next day. I just texted Val na magkita nalang kami sa susunod. It is now my time for my friends and family.

"Tito! Omg! Gising ka na po!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Portia bago muntik nang madulas dahil tumakbo siya papunta kay Tito. "Kalmahan mo lang, boba. Kakagising lang ni Tito pero mabibingi naman siya sa sigaw mo," singit ni Sangre.

Luna moved closer to me before giving me a hug. "Ayos ka na?" Tanong niya kaya tumango ako. Ngumiti lang siya bago sinundan si Portia para kumustahin si Tito.

"I've brought fruits!" Si Shreya. "Ako, flowers! Wala ka pala Shrey, eh!" pang-aasar ni Sky na kambal niya. Sinamaan siya ng tingin ni Shreya before almost shouting.

Pagkatapos ng maikling pagkakamustahan ay sinabi nilang nagugutom na raw sila. Mukhang nagpaparinig sila kay Tita kaya napatawa si Tita bago kami binigyan ng five-thousand to treat ourselves a nice meal.

Napailing nalang ako dahil sanay naman na ako sa kanila. Lagi naman silang feeling anak at pamangkin sa kahit sinong magulang namin. "Ipang-timezone nalang natin 'to!" Panloloko ni Sky the reason why Shreya pinched his waist. "Don't fool around. Naiirita na 'ko sa'yo. You're like a freaking kid!"

Kumain nga kami sa restaurant na gusto nila at nagkwentuhan ng kung anu-anong mga bagay. Pagkatapos ng kung anu-anong kalokohan nila ay umuwi na rin naman agad dahil pare-parehas kaming maraming ginagawa.

A week have passed and it's already December. Every university is busy with their own Christmas events. Sangre will be in charge as one of the head cook in a small restaurant during Paskuhan in UST. Shreya is the photographer in the Christmas Bazaar in Ateneo while Sky... I don't know about him.

Kami naman nila Portia at Luna ay pare-parehas na busy sa finals na isasabay pa sa Lantern Parade na malapit na rin. Lalo na si Luna na Fine Arts ang course. Grabe ang pressure sa kanila during Christmas Season in UP!

Bihira nalang kami magkita ni Val lately kaya nang magka-time ulit kami magkasama ay napagdesisyunan naming manood ng sine.

"How's school?" He asked before hugging me tightly and kissing my forehead.

"Barely living," I laughed. It's true! Hindi na ako makatulog ng sapat dahil sa rami ng kailangang tapusin! "Don't overwork yourself, baby." Ngumiti nalang ako sa kanya bago kumalas sa yakap at hinawakan ang kamay niya.

While buying a popcorn for the action movie we're about to watch, nakangiti lang ako habang nagviview ng in-archive ni Val na mga photos sa Instagram niya.

"Ang cute ko rito! Kailan mo 'ko pinicture-an nito?" I asked him while pointing at the picture where I am laughing like a little kid. "Ewan." He boredly answered kaya sinamaan ko siya nang tingin.

Nang time na namin para bumili ng popcorn ay napaawang nalang bibig ko sa gulat dahil sa sinabi ng cashier.

"Ang sweet niyo naman po sa kapatid niyo, Kuya." He was referring to me and Val kasi nakaakbay si Val sa'kin, the reason why I looked small. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking cashier kaya napaiwas nalang ito ng tingin.

"Yeah..." Valentine replied, the reason why I scoffed in disbelief before going away from him.

"Bitiwan mo 'ko!" Piglas ko kasi nakaakbay pa rin siya sa'kin. Anong 'yeah'? So gusto niya magkapatid kami ganu'n? Ngayon na nga lang ulit kami mag-de-date tapos aasarin niya pa 'ko ng ganito!

"Yeah, thanks that we're sweet but she's not my sister."

Then Val lowered his head before planting a sensual kiss on my lips. Hinawakan niya ang bewang ko para mapalalim 'yun at ako naman ay gulat na gulat dahil sa ginawa niya.

Nakadilat pa rin ako sa gulat at hiyang-hiya na dahil sa mga tao sa paligid. Tinulak ko siya at hinampas sa dibdib. "Nakakainis ka talaga!" I pouted and covered my face in shame. He just laughed.

"Hindi kami makapatid. Do siblings kiss like that?" He said before smirking and holding my hand so we'll enter the Cinema. Oh my goodness Valentine. Ikaw ata ikamamatay nitong puso ko.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM27

Haneehany

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top