Episode 25
Episode 25
Congratulations
"Are you sure about this? I mean... I also want this... but if you're uncomfortable, then—"
Valentine couldn't continue what he was about to say when I shushed him with my point finger. "Ayaw mo?" I said while pouting like I was disappointed with him but I just find him cute.
I held his hands tightly, reassuring him that my feeling for him were real.
That it was all real.
Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko kaya napadausdos ako sa matigas niyang dibdib. His manly scent quickly attacked my senses that made me a bit intoxicated.
"I love you," he whispered huskily before enveloping me on a tighter hug. I smiled softly while hugging him too like we'll disappear from each other's sights if we'll loosen a bit.
The night ended with both love and affection in our eyes like we're the happiest humans alive. Who wouldn't be happy when you're together with someone you love, right?
"Thank you for guiding me, Mom. Thank you for showing me the right way, Dad. I love the both of you kung gaano ko naging kamahal si Valentine over time," I whispered to the wind bago ako natulog na.
We started early the next day dahil last day na namin sa Baler. Gusto raw nilang mag-ikot sa mga tourist spots around the vicinity.
"Tentenententen Happy Birthday to you! You belong to the zoo! Like a monkey, like a donkey, the gorilla is Sky!" Pang-aasar ni Portia kay Sky habang kinakantahan namin si Val dahil birthday niya ngayon.
I smiled at them because they even sweetly prepared a cake and small feast before we will go to our next destination.
"Wish muna bago hipan! Hilig niyo talaga mag blowjo—" Sinabunutan agad ni Shreya si Sangre para pigilan ang mahalay nitong bunganga.
Ngumiti ako kay Val so he can say his wish. He just stared at me intently before catching my hand from below the table at tinaas ito para ipakita sa mga kaibigan ko.
"My wish is already granted," 'Yun lang ang sinabi niya pero bigla nalang napatahimik ang mga kaibigan ko. Kita mo ang pagkagulat at mangha sa mga mukha nila. Ako rin hanggang ngayon gulat pa rin eh.
"Am I dreaming?" Shreya even slapped her cheeks lightly to check if she was still half asleep. "Halika, ako sasampal sa'yo, Shrey," Sangre grinned at her.
"Totoo na talaga? Bakit? Pa'no? Kelan? Taena ka, Hyacinth! Mapaglihim!" Skyler said with wide opened eyes before rubbing his chest like he was really hurt from my betrayal. Parang tanga na naman.
"Congrats!" Si Luna ang unang bumati pati si Cedi na nakipag-fist bump kay Val. "Galing mo, bro. Sana ako rin, ganyan katapang," bulong ni Cedi kay Val pero narinig ko 'yun kaya napahalakhak ako.
Saka palang bumalik ang ulirat nang mga kaibigan ko nang sabihin ng driver na pwede na raw sumakay sa van dahil malamig na ang aircon.
"Hya! Akala ko lulubog na 'yung ship ko! Proud tita here!" Pang-aasar ni Portia habang yinuyugyog ang balikat ko. Kelan ba titino ang mga kaibigan ko?
We went to different tourist spots like the Baler Church and Baler Hanging Bridge. Todo naman ang picture nilang lahat lalo na si Shreya because she loves taking pictures. Kaya nga Visual Journalism ang kinuha niya even if their family can afford Business Administration.
"Say kimchi!" Si Portia naman ang nag-pi-picture ngayon. "Oh my god, Portia! 'Wag mong hawakan 'yung lens!" Paalala ni Shreya but Portia just smirked. "Hana! Dul! Set!" Sabay click niya ng camera at sabay-sabay kaming nag-pose.
Pagkapunta namin sa bridge ay panay pa rin ang harutan ng mga kaibigan ko lalo na si Sangre na sigaw ng sigaw. "Walang forever!" Sigaw niya dahil nasa mataas kami na hanging bridge.
"P're! 'Di ka maririnig no'n! Nasa America na eh! Magkalayong agwat, gagawin ang lahat—" pagkanta ni Sky para asarin si Sangre kaya napatawa nalang kami nang muntik na siyang itulak no'n sa gilid.
We were just watching my friends happily like we're contented with each other. Val and me. Nakasandal lang ang mga braso namin sa gilid ng bridge habang magkahawak ang mga kamay.
"Are you happy?" Tanong ni Val kaya mabilis akong tumango nang nakangiti. "Sobra. Happy birthday, Val." I smiled and even winked at him so he laughed. Ang gwapo niya tumawa.
"Come here," He opened his arms for a hug kaya dali-dali akong lumapit sa kanya para hagkan siya. Hindi ko alam kung bakit pero kahit unang araw palang namin bilang mag-kasintahan ay kumportable na agad ako sa kanya. Maybe that's what love really means.
Pagkatapos ng ilang picture pa, bumalik na kami sa resort para mag-ayos ng gamit dahil kailangan na rin naming umuwi ngayong gabi. Sa Monday ay may pasok na naman at bukas ay Sunday na.
Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay nagkwentuhan lang kami saglit habang nagkakape. It is unusual that we gather to drink coffee rather than beer.
"Hya, stay strong, ah! 'Wag kayo maghihiwalay kung hindi aagawin ko siya sa'yo!" sabi ni Sangre kaya tinarayan ko siya. Sinabunutan niya naman ang dulo ng buhok ko.
"Hyacinth, I'm happy for you. Na napakawalan mo na 'yung sarili mo from your past. I mean, hindi pa buong-buo but at least there's progress. I'm proud," Luna genuinely smiled kaya nginitian ko rin siya.
This is the vacation that cleared up my mind and rested my caged soul from the nightmares of the past. Buti nalang ay sumama ako sa kanila dahil alam kong pagbalik ko sa Maynila, kailangan ko na naman asikasuhin ang maraming bagay.
Our trip back to Manila was about five hours only because we traveled at night so there's no heavy traffic. Buti nalang at Sabado kami umalis dahil kung Linggo ay magsasabay-sabay ang uwian ng mga tao mula sa NLEX.
Nakatulog ako habang yakap ako ni Val. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang buhok ko. Ang swerte ko sa boyfriend ko. I can finally boast my relationship with him! May label na kami!
Since sa Trinoma kami nagkita-kita last time, dun din kami bumaba dahil dala-dala nila ang kotse nila pauwi. We've said our farewells dahil 1 A.M na rin at antok pa rin lahat. Sumabay nalang ako kay Val pauwi.
"Baby, we're here," paggising sa'kin ni Val kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko mula sa sandaling pagkatulog.
Hindi ko alam na naka-idlip na pala ako habang hinahatid niya ako sa'min. I am staying at the mansion again for the mean time.
Still sleepy, tinanggal ko ang seatbelt sa katawan ko para makalabas na. Agad namang lumabas si Val para pagbuksan ako ng pinto kahit 'di naman na kailangan. "Thank you," I smiled at him.
Lumabas na ako at kinuha ang mga gamit ko sa backseat. Inaantok na 'ko at gusto ko nang ipagpatuloy pa ang tulog ko kaya magpapaalam na agad ako kay Val.
"Val... Una na 'ko. Inaantok na 'ko eh," I kissed him on the cheek like we're long-time girlfriend and boyfriend with our comfortable attitude towards each other.
Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang palapulsuhan ko kaya hindi ako nakaalis agad. Marahan niya akong sinandal sa kotse bago lumapit ng sobrang lapit sa'kin.
"Val..." He looked at me with his dark brown hooded eyes as if I were the most precious gem that he has. "Ganun na lang 'yun, Elara? A kiss on the cheek for our first day? Really?" May halong pagtatampo ang boses niya kaya napatawa nalang ako.
Tinago ko ang kaba ko habang kinakawit ang dalawa kong kamay sa batok niya para mapalapit pa siya for a kiss. Ang lakas din ng loob kong mag-initiate ng first move eh wala pa nga akong na-experience nag anito. This is my first time.
"Valentine..." I sexily said trying to attract him. Nakita kong biglang napawi ang marahan niyang tingin at napalitan ng madilim na titig. He looked down on my lips at ganon din ako sa kanya.
The next thing I knew, he held my nape to seal me in a passionate kiss.
He was kissing me slowly na parang masasaktan ako kung masyado niyang mamadaliin ang mga pangyayari. I closed my eyes while tightening my grip at the back of his neck.
Mas lalo niya pa akong napasandal sa kotse nang subukan kong diinan ang paghalik sa kanya. I opened my mouth for him to enter even though I don't know how it works. Pero bigla siyang tumigil kahit para na akong lasing at hindi ko na alam ang nangyayari.
He stared at me darkly pero hindi pa rin lumalayo sa posisyon namin. I could feel his heartbeat dahil magkadikit kami ngayon na parang magkayakap lang.
"How the f*ck did you learn that, Elara?" Medyo galit na saad ni Val kaya pinangunutan ko siya ng noo. Anong sinasabi niya?
"What are you saying?" I questioned him but I just saw his jaw clenched before looking away. "The kiss. When did you learn to kiss like that?" Mahinahon niya nang sabi ngayon.
"Huh? Hindi nga 'ko marunong!" Hinampas ko ang braso niya para mapalayo siya sa'kin pero nilipat niya ang hawak sa bewang ko.
"But you opened your mouth so I could enter my tongu—" Hindi niya na naman natuloy ang sasabihin niya when I suddenly scoffed. Anong problema ng kupido na 'to?
"Ikaw nga halik ng halik bigla tapos sisisihin mo 'ko kung may natututunan ako? Sige nga bilangin mo kung ilang beses na tayo naghalikan kahit wala pang tayo? Hmm?" Panghahamon ko sa kanya pero hindi siya sumagot at siniil nalang ulit ako sa halik para mapatahimik.
Tumugon ako sa kung paano siya humalik na parang sanay na siya rito. Nagtaka naman ako. So, nagka-girlfriend na siya dati? O kaya naman hindi na siya... virgin?
Humiwalay ako sa halik dahil sa pagkainis sa naisip ko.
"Baby... why?" Nagtataka niyang tanong at mapupungay pa rin ang mga mata dahil sa halikan namin kanina. Parang nairita lang ako sa kanya lalo. Ganito rin ba siya sa babae niya dati?
"Tinanong mo 'ko kanina kung pa'no ako natutong humalik. Ikaw? Bakit ka ganyan humalik? May nakahalikan ka na ba dati?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. He looked shocked at my question kaya napaiwas siya ng tingin.
"Si Bri may kasalanan," Mahina niyang sabi kaya naman natulak ko na siya sa inis. Nanisi pa nga!
Mabilis kong kinuha 'yung gamit ko bago naglakad papasok sa gate ng mansyon. Pero mabilis niyang nahagilap ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. "Bitaw, Val," I calmly said.
"No. I'm sorry. I'm at fault. I'm sorry, baby. Ikaw lang naman ang mahal ko," He told me pero kinalas ko pa rin ang kamay niya. Inaantok na 'ko at wala na akong panahon makipag-lokohan sa kanya. Bukas nalang kami mag-uusap.
"Bukas nalang tayo mag-usap, Val. 'Pag ngayon tayo nag-usap baka bukas hiwalay na tayo," sabi ko kahit hindi ko naman talaga gagawin 'yun. Hindi naman ako ganun kababaw.
Labag man sa loob, dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko kaya nakapasok na ako sa loob ng mansyon. Hindi ko na siya nilingon pero alam kong nandon pa rin siya.
Sinara ko na ang gate at nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. I saw his text not just a second ago.
From: Boyfriend ko
Day one, I love you. I'm sorry. Bukas nalang tayo mag-usap. You're tired now and I understand. Dream of me tonight, baby.
Napairap naman ako sa pagbasa sa text niya pero hindi ko rin maitago na bigla akong napangiti dahil do'n. Bakit nga ba ako magdududa sa kanya eh ang tagal niya nga akong hinintay?
Hindi ko na naabutan pa si Tita Elly sa loob ng mansyon pati na rin si Rylie. The maids told me that they came earlier to get some things for my Tito in the hospital. Medyo umaayos na ang lagay nito pero hindi pa rin nagigising.
After a took a half bath and did my skin care, I quickly fell off to sleep because I was too tired from the trip. Nag-text pa ulit si Val kanina na nakauwi na raw siya pero hindi ko nalang siya pinansin. Inaantok na 'ko.
I just smiled while remembering our first kiss as a couple. Hindi ko alam kung bakit ako nainis kanina pero ngayon ay masaya pa rin ako sa lahat ng nangyayari. I wish for happiness like this forever.
"Happy fifteenth! Happy Valentine's Day!"
Salubong sa'kin ni Vladimir habang may hawak na palumpon ng mga bulaklak. It is my birthday that was on the same day as Valentine's Day. I am so happy!
Ilang taon na rin ang nakalipas magmula nang mag-stay ako sa mansyon ng mga De Dios at mas lalo ko pang naging ka-close si Vlad.
"Thank you, Cyrus!" I said with a big smile bago kunin ang bulaklak na binigay niya. They were Hyacinth flowers. Like my name.
Nginitian niya lang ako ng matamis. We're currently at the playground in their community dahil dito kami madalas mamalagi simula bata pa lang.
But I just can't seem to be really happy because I'm looking for someone for some reason. Hindi ko alam kung bakit. Maybe it's because we've also been friends after some time.
"Hyacinth..." Mahinang bulong ni Vladimir habang nakaupo kami sa swings. Napabalik ako sa reyalidad at saka siya nilingon para ngumiti. "Why?"
"May sasabihin sana ako, since you're already fifteen." Seryoso niya nang saad ngayon. Napangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Huh? Hindi ko gets.
"Go lang. Ano ba 'yun?" Tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo. Pero ganun nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko when one man caught my eye.
His almost six feet height and head-turner looks, outstands in the midst of this busy community. Nakasandal lang siya sa may slide na nasa likod ni Vladimir pero medyo malayo sa'min.
"Hyacinth, are you listening?" Tanong ni Vladimir kaya mabilis ulit akong tumingin sa kanya. "A-ano nga ulit?" Kahit anong pilit kong 'wag ilihis ang tingin ko kay Val na nakatingin sa direksyon namin, malikot pa rin ang mata ko papunta sa kanya.
He was wearing an all-black fashion for men as it is his favorite color. Hindi ko nga alam diyan dahil kung gaano kapuno ng pagmamahal 'yung pangalan niya, ganun naman siya ka-cold.
"I said I like you, Hyacinth. I want to court you. Can you let me?" Nagulat ako sa sinabi ni Vlad kaya dali-dali akong napatingin sa gawi niya. "W-what... what are you saying, Cyrus?"
Napakunot naman ang noo niya bago nagpatuloy. "I like you. Dati pa. But I know that you are too young that time at mas matanda ako sa'yo ng dalawang taon. But I hope that you can still give me a chance now that you're 15 years old already."
Oh my gosh! What he's saying is not sinking in my mind right now! Is this even real? I've dreamt of this scenario for a long time now pero bakit... bakit parang hindi ako masaya?
I glanced again at Valentine's direction but he now turned away from the playground. I could feel his cold atmosphere creeping into my nerves with his stares earlier. But in his eyes, I could see a mix of sadness and anger. It was both evident for some reason.
"Ah... Ano kasi, Cyrus... Pag-iisipan ko pa. Kailangan ko na yatang bumalik sa mansyon," Pagpapaalam ko sabay dala ng bouquet ng hyacinth flowers na binigay niya sa'kin.
I'm sorry Vladimir. But I think I'm now falling with your brother.
Hinabol ko ang direksyon kung saan bumalik si Val. Naabutan ko siya sa bakuran nila at nag-pa-practice na naman ng Archery. "Val!" I called him kaya agad naman siyang lumingon.
"Val! Bakit ka umalis kanina? Hindi mo man lang ako babatiin?" Tanong ko sa kanya na may halong pagtatampo. We've been friends for a while now. Hindi ko lang alam kung gano'n din ang tingin niya sa'kin.
"You were with my brother. I don't want to ruin your dreamed moment," paliwanag niya habang inaayos na ang bows at arrows niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Dreamed moment?" I asked and he just nodded before getting something in his pocket. It was a long box with an expensive brand of jewelry. Nagulat naman ako nang inabot niya sa'kin 'to.
"Ano 'to?" I asked while still examining it. Is it a jewelry perhaps? "A necklace. Open it later."
Bigla niyang niligpit na ulit ang bow at arrows niya kaya dapat susundan ko siya pero huminto siya sa paglalakad at hinarap ako nang may malungkot na tingin. "Bakit ganyan ka makatingin?"
He sighed heavily before continuing and looking at me in the eyes.
"You like Vladimir and he likes you too. Congratulations, bagay kayo. I hope you're happy now. Happy birthday, Elara." That's what he last said before I woke up from that dream of the past.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM25
HaneeHany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top