Episode 08

Episode 08

Sick


"Puro ka na lang Val," Sangre stated like she was ready to throw tantrums on me again.

I just rolled my eyes at her. It was almost two weeks since the last time I saw them at the mall after the elevator incident.

"Malamang! Kailangan na naming magmadali para tapusin 'yung first draft ng thesis. Pasahan na next week." Medyo napalakas pa ang boses ko habang nagpapaliwanag sa kanila.

"Maybe, we should just get a boyfriend. Look oh, Hya is already turning her back against us." sabi ni Shreya kaya napairap nalang ulit ako sa kawalan. "Wow! Parang hindi niyo 'ko tinutulak noong una, ah!" naaasar ko nang sabi.

"Joke lang naman, bebs. Ito naman, galit agad." Hinawakan ni Portia ang braso ko at sumandal sa'kin kaya inirapan ko na lang siya.

"Uminom na lang tayo ngayong gabi. My treat." I said before giving out a small smile. Nagtilian naman sila sa tuwa at sabi pa ni Portia ay sa wakas makakakita ulit siya ng gwapo.

"Ginagawa niyo nang tubig ang alak," Luna stated. She was really the mom of the group. She never agreed to us drinking but she still stayed with us so that she can take care of us when we're drunk.

"Inumin sa reception ni Sky, empi," singit ni Portia kaya napatawa na lang kami. "Tapos pangalan ng magiging anak niya, Ginnie para 'yung nickname Gin." Tumawa siya nang malakas.

Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng maisusuot. I told them that we will meet-up in Venice later at 10 PM. Since its just 4 PM in the afternoon, I decided to jog around the neighborhood as I've neglected my physical fitness for the past two weeks.

I wore my black sports bra and black stretchable leggings partnered with my black rubber shoes. I tied my hair into a tight ponytail so it won't fall loose when I started to run. I stretched and warmed up a little before deciding to stroll around our neighborhood.

The cold breeze of the wind was aiming directly at my face that made my head a lot cooler. I really love working out to inhale fresh air even just for a bit and exhale all my problems away.

Sa buong dalawang linggo pagkatapos naming ma-stuck ni Valentine ay halos magkasama kami. I don't know if he was just overprotective of me after he has seen my breakdown or it's about the thesis that we're about to pass next week.

Simula nung tumawag siya sa'kin dalawang linggo na ang nakakalipas, lagi na siyang tumatabi sa'kin tuwing may klase kami sa Biochem.

"Ano girl? Tabi na naman kayo ni Val? Hustisya naman sa'ming taga-sana all lang!" Simon sighed heavily.

Tinawanan ko siya dahil kahit pati siya ay nag-i-inarte na rin sa inaakto ko nitong mga nakaraang linggo. He was always accusing me that I choose Val over my friends, which was clearly not the case.

"Ano ka ba, Mon? Isang class ko lang naman kaklase si Val tapos the rest eh tayo naman na magkasama. Yie!" pang-aasar ko sa kanya pero tinarayan niya lang ako. Kapag nakahanap raw siya ng jowa niya ay hindi niya ako papansinin.

"Elara..." Nag-uusap pa kami ni Simon nang makarinig ako ng malalim na baritonong boses sa likod ko na nagpataas ng mga balahibo ko. Nilingon ko mula sa kanan ko si Val na ngayo'y parang inip na inip na ang itsura. Kanina pa ba siya nakatayo riyan?

"Bakit?" He just shook his head before sitting next to me.

He was on my left side while no one was on my right. Sabi kasi ni Simon ay ayaw niya raw masaksihan ang paglalandian naming dalawa ni Val kahit wala naman talagang nangyayari na gano'n.

Nilibot ko ang mata ko at parang hindi ko rin nakikita si Dhara nitong nakaraan. Madalas siyang wala sa klase kaya hindi ko rin napapansin ang presensiya niya.

Nilingon ko si Val na ngayo'y may kinakalikot sa phone niya. Balak ko sana siyang tanungin kung nasaan si Dhara dahil baka alam niya pero bigla na lang akong nagulat nang lumingon siya.

His always serious face that could make my heart beat wildly was staring at me right now. There's something about his stare that I can't pinpoint. There's something...

"A-alam mo ba kung nasa'n si Dhara?" Muntik ko nang masampal ang sarili ko dahil nautal ako sa harap niya. He didn't answer my question and instead he just stared at me intently.

"Why are you asking about her?" seryoso niyang tanong.

"Malamang kaibigan ko siya." I laughed and even slightly punched him on his biceps like we're best friends. Napangiwi ako pagkatapos dahil ako pa 'ata ang nasaktan sa tigas ng braso niya.

"Can we stop talking about Dhara and your friends? Let's talk about Valentine De Dios and Hyacinth Villaflor. I wanted to know more about you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at umiwas kaagad ng tingin. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong may maliit na siyang ngiti.

I smiled too then we talked more about random things. Sa totoo lang ay hindi ko na alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. It seemed like I was just in a dream. That I will soon wake up into reality that I'm all alone. That Valentine is just... my thesis partner.

Ganoon ang sitwasyon namin sa nakalipas na dalawang linggo. Madalas kaming nagkikita tuwing Sabado para tapusin ang thesis namin. Malaki ang naitulong niya. Siya ang nag-isip ng Research Questions at Hypothesis. Siya na rin ang gumawa at nagkalap ng Methodolgy. Ako naman sa Introduction at RRL.

Hingal na hingal ako nang tumigil sa tapat ng playground. Ang playground na paborito kong lugar o masasabing paborito kong iyakan.

Kung kanina ay nawala na ng pansamantala ang stress ko ay parang bigla naman akong nalungkot ngayon. Lagi talagang naghahalo-halo ang emosyon ko kapag may naaalala ako tungkol sa magulang ko.

Sa pagiging busy ko sa pag-aaral ay nakalimutan ko na sila. Sinunod ko lang naman ang payo ni Simon na maging masaya naman kahit sandali at 'wag isara ang pinto papasok sa buhay ko.

Umiling-iling ako ng maraming beses at pinunasan ang nangingilid kong luha. This is not the right time to miss you again, Mom and Dad. I hope you can be happy that I'm trying to be happy right now. For the least of time, I wanted to enjoy my life too.

Bumalik na ako sa mansyon para makaligo muna. Almost two hours din akong nag-jog kaya pagod na pagod talaga ako. I almost slept while wallowing inside the bathtub. Masyado akong napagod sa pagtakbo kaya nakatulog na ako.

Pagkatapos kong maligo ng halos dalawang oras dahil nakatulog nga ako ay nagbihis na ako. I have a warm beige skin tone so I prefer wearing anything soft yellow or peach. Mas bagay kasi ito sa'kin.

I chose a white halter crop top that can be tied at the back of my neck. I partnered it with a high-waisted jeans and black ankle boots. I stared at the mirror to scan myself and just noticed that there's something missing.

My heart gemstone necklace.

Hinanap ko agad ang aking kwintas sa bathroom. I don't remove it from my neck unless I'm taking a bath. Napahinga ako nang maluwag nang mahanap ko itong nakapatong sa lababo.

I wore it and I must say that it perfectly fits my outfit for the night. Pinagmasdan ko ito ng mabuti bago ngumiti. This will be the only living memory of my parents.

Saktong 9:30 PM na nang matapos akong maghanda. Natagalan ako sa pag-me-make-up at pag-aayos ng buhok. I put my hair into a high ponytail and curled the ends of it to look chic.

I got my purse and told the maids to tell my aunt that I will be late for the night. Madalas kasi ay 3 or 4 AM na kami natatapos 'pag may inuman kaming gan'to.

Dire-diretso ang pagmamaneho ko papuntang Venice habang nakangiti sa excitement. Halos isang buwan din akong hindi nakainom dahil sa tambak na requirements para sa month na ito.

Nakita ko agad ang kotse ng mga kaibigan ko sa parking kaya alam kong nandoon na silang lahat. Nag-text pa kanina si Shreya na magpapa-reserve na raw siya ng couch. Akala ko nga ay VIP ang kukunin niya pero mas gusto niya raw 'yung malapit sa dancefloor.

"Panget! Nandito kami!" Sky shouted at me then waved his hand. I rolled my eyes but he just laughed harder instead.

Nakita ko silang anim na pare-parehong umiinom. May nakaakbay pa kay Sangre na panibago niya sigurong boy toy. Si Portia naman ay may nilalandi ring lalaki sa tabi niya.

"Ano ba?! 'Wag nga kayong maglampungan sa harapan ko!" sigaw ni Luna kaya nagulat kaming lahat. Bihira lang magalit si Luna kaya tawa kami ng tawa kasi mukhang natakot si Sangre saka 'yung kasama niyang lalaki. Umalis tuloy sila.

Tumatawa pa rin ako hanggang sa makaupo sa tabi ni Luna. Kanina ko pa siya nakikitang isa-isang nilalagok ang shots ng Bacardi. Hindi pa naman mataas ang alcohol tolerance nito kagaya ko. Mahihirapan kaming iuwi 'to mamaya.

"Uy, Luna. Anong problema mo, sis?" I asked while slightly hitting her shoulder with mine. Uminom ulit siya ng isang shot imbis na sagutin ang tanong ko kaya tinanong ko na si Shreya na nasa gilid ko rin.

"Anong nangyari?" She just shrugged her shoulder and mouthed 'I don't know either' before going to the dance floor. Napaka-walang kwenta.

"Luna... Sabihin mo naman. Hindi ka naman ganiyan," bulong ko sa kanya na mukhang narinig ni Sky kaya umiling-iling nalang siya na parang sinasabi sa'king hayaan ko muna.

"P-parents..." mahinang sambit ni Luna kaya napatahimik na lang kaming lahat. Kahit si Portia ay biglang napatingin sa gawi namin.

Alam namin kung gaano ka-strikto ang parents niya. Maraming bawal sa pamilya nila lalo na't pamilya sila ng lawyers at si Luna lang ang nag-Fine Arts. We were the only friends that were allowed to go near her because all of our families are a bit... above middle class.

Gaya ng sabi ni Sky, hinayaan na lang muna namin si Luna lalo na't parang wala talaga siyang balak sabihin ang problema niya sa magulang niya.

Kaunti lang ang mga iniinom kong shots at hindi hard liquor dahil hindi ko kakayanin. Madali akong malasing at baka magpakahirap pa 'yung mga kaibigan ko na mag-uwi sa'kin.

Nang pang-limang shot ko na at medyo mahilo-hilo na ako ay nagkaro'n na ako ng lakas ng loob na sumayaw sa dance floor. Si Luna na lang at Sky ang natira sa couch dahil hindi naman sila mahilig sumayaw.

Pa-gewang-gewang pa ang lakad ko papuntang dance floor. When I arrived at the center, I danced with the neon lights and the loud music. I even banged my head to the beat as I was enjoying this stress-free moment.

I jumped with the banging music and raised my hands up high as if I was reaching for the stars. I'm so drunk right now to dance recklessly like this. Siguradong kapag naalala ko 'to bukas ay mahihiya na naman ako sa mga pinaggagawa ko.

Naramdaman kong may sumasayaw sa likod ko kaya mas lalo akong napaindak. Kinilabutan pa 'ko nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga.

While someone was dancing behind me, memories suddenly flash backed of the moment Valentine and I shared at the bar last time. When he danced behind me while I disgust his presence so much that time.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napaalis sa dance floor nang maalala ko sa Val. Tama ba na parang na-g-guilty ako na may kasayaw akong ibang lalaki kahit thesis partner ko lang naman siya?

I just drank with Luna and Sky on the couch. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong bagay like school stuffs and life.

Si Shreya at Portia na lang ang nakabalik sa couch dahil may sinamahan na raw palabas si Sangre. Gano'n naman siya lagi kaya nasanay na rin kami na papalit-palit ang boy toy niya.

Inalalayan pa namin si Luna sa paglakad dahil sobrang lasing na niya. Kanina nga ay nagsuka pa siya sa gulong ng mga Quillito dahil sa pagkalasing. Napamura pa si Sky dahil sa ginawa niya.

"Puta, Luna! Mamamatay ka na ba?" Hinahagod niya ang likod ni Luna pero kanina pa siya tawa nang tawa kaya binatukan siya ng kambal niyang si Shreya.

Sinabay ko na si Portia pahatid sa bahay nila dahil kaya ko pa naman mag-drive. Si Shreya at Sky nalang ang maghahatid kay Luna. "Hyacinth, totohanin mo nga ako." She hiccupped before continuing. "Kayo na ba ni Val?" she asked while her eyes were still closed because of headache.

Napahinga na lang ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi. I... I'll try my best to avoid him."

She nodded multiple of times even if half of it meant disagreement. I am so sure that if she was sober, she will just tease me to death.

Pagkatapos kong maihatid si Portia sa bahay nila ay dumiretso na ako sa mansyon. I surveyed the whole village because it is now peaceful and quiet as if no one's living here. Besides, it's already 4 AM.

Dahan-dahan akong pumasok sa gate na ngayo'y binabantayan ng isang security guard. Tinanguan niya lang ako dahil sanay naman na siyang nakikita akong umaga na dumadating. Lalo na no'ng Senior High palang kami.

Bumagsak agad ako sa kama dahil sa hilo pagkapasok ko ng k'warto ko. Naka-dim na ang lights ng buong mansyon at tanging sa'kin na lang ang bukas.

"Ang sakit ng ulo ko." Parang binibiyak talaga sa sakit 'yung ulo ko lalo na no'ng napaupo ako dahil naalala kong Friday nga pala ngayon at meet-up namin ni Val sa thesis bukas.

"Ang ulyanin mo na, Hyacinth." Pagalit ko sa sarili ko habang hinahanap ang phone na nasa pouch ko kanina. Agad kong hinanap ang contact ni Valentine para sabihing hindi ako makakarating sa meet-up bukas.

To: Valentine

pass muna ako sa meet-up bukas. Sobrang sakit ng ulo ko. Send ko na lang sa'yo 'yung file via email tysm!

Naramdaman ko na talaga 'yung pag-ikot ng paningin ko kaya hindi ko na hinintay ang reply ni Val. Mabilis lang akong naghilamos at nagpalit ng satin sleepwear ko bago sumalampak sa kama para matulog.

Nagising ako sa boses ni Manang Fely. "Ma'am Hya, may naghihintay po sa inyo sa baba."

Patuloy ang pagyugyog ni Manang sa balikat ko para gisingin ako. Kanina ko pa siya naririnig pero sadyang mabigat 'yung ulo ko ngayon kaya hindi ako makalingon sa kanya.

"Ma'am, halos isang oras na po siyang naghihintay sa baba." I groaned in frustration because my head is really hurting like crazy. Hindi ko alam kung gaano ba karaming alak ang nainom ko kagabi kaya sumakit ng ganito 'yung ulo ko.

"S-sige Manang Fely, papasukin niyo na lang dito." Bago sinubsob ulit 'yung mukha ko sa unan.

Narinig kong bumukas 'yung pinto hudyat ng pag-alis ni Manang kaya binalak kong matulog muli pero hindi ko magawa. Sino namang bibisita sa'kin ngayon eh lasing kaming lahat magkakaibigan kahapon?

Hindi ko inangat ang tingin ko kahit na narinig ko na ulit ang pagbukas ng pinto dahil sa pagpasok ng bisita ko raw. Sa totoo lang ay wala akong gana na harapin ang kahit sino ngayon dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

"Elara..." mahinang bulong ng isang lalaki kaya napadilat agad ang mata ko dahil sa pamilyar niyang boses.

I felt his presence beside me when the bed slightly bounced. Umupo ako nang mabilisan at doon na lang kusang napanganga ang bibig ko sa gulat nang makita ko kung sino ang nakaupo sa tabi ko ngayon.

"V-val? Bakit ka nandito?!" sigaw ko sa kanya kaya napailing nalang siya ng ulo niya dahil sa reaksyon ko.

Pinagmulahan ako ng pisngi dahil nasa harap ko siya ngayon. Bagong gising lang ako at alam na alam ko ang itsura ko! Mabilis akong lumayo sa kanya para pumunta sa CR para maghilamos at mag-ayos. Nakakahiya! Baka may muta pa ako o kaya'y panis na laway.

I was about to enter the bathroom to fix myself when he suddenly held my hand to stop me. His grip was tight and it sent a thousand of bolts in my system. I faced him and concern was etched on his brown orbs.

"Are you still feeling... sick?"


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM08

Haneehany

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top