Episode 07

Episode 07

Miss me?


"There are two choices to stop being anxious about your fears. It's either you face it or you avoid it."

I am carefully listening on how the psychiatrist advises me about my panic attack that happened last Saturday. I went directly to her to consult about my trauma.

"Pero Doc, hindi po ba nakakasama kapag pinilit kong i-overcome 'yung fear ko sa tight spaces kung hindi ko pa kaya?" tanong ko.

Until now, my memories are clear on what happened that night. The night where I was helplessly stuck on a cabinet while witnessing my parents' death. She smiled softly at me.

"Yes, masama 'yun kung pipilitin mo, Ms. Villaflor. There is always a time for everything naman. Kung sa tingin mo ay handa ka na, then that's great! Kailangan mo lang kumalma dahil baka mas malala pa sa pagkakakapos ng hininga ang maranasan mo if you will not learn how to overcome your fears."

Tumango-tango ako kay Doktora habang nagsasabi pa siya ng ibang mga kailangan kong tandaan tungkol sa trauma ko. Hindi ko tuloy maiwasan maalala kung paano ako napahinahon ni Val noong na-stuck kami sa elevator.

"It's gonna be all right, Elara."

I looked straight to his dark brown orbs who was staring directly at my soul. His eyes that could give a variety of emotions can make my heart go wild and calm at the same time.

He was still slowly caressing my back to comfort me when we were interrupted by the sudden revival of lights. Lumiwanag na ulit ang buong paligid at hindi ko na lang maiwasang mapangiti dahil sa wakas ay makakalabas na kami rito.

Kasabay nang pagbukas ng ilaw ay pagsulyap ko ulit kay Val na ngayo'y nakayakap pa rin sa'kin. Biglang parang nanghina ang tuhod ko mula sa pagkakaupo sa hindi malamang dahilan.

Masyado pala kaming magkalapit!

Umusog na ako nang kaunti dahil naiilang na ako sa pwesto namin. He might think that I'm taking advantage of the situation. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina talaga ang tuhod ko kaya muntik na akong matumba.

"Be careful," he said while supporting my weight by holding firmly on my waist. I felt an electric bolt flowing through my veins when his hand touched my skin.

Dahan-dahan niya akong tinayo at pati rin siya ay tinulungan ko na rin. Sabay kaming nagpagpag nang maalikabok naming mga damit at napatawa na lang ako nang bigla siyang bumahing.

"Bless you, Val." Tinawanan ko siya pero pinanliitan niya lang ako ng mata bago ginulo ang buhok ko. I was shocked by his sudden move that when he removed his hand, I was still fazed.

Nag-aayos na kami ng itsura namin dahil bukas naman na ang ilaw at nasisigurado kong makakaalis na kami rito. Rinig na rin ang malalakas na bulungan mula sa kabilang parte ng pinto.

The metal double doors of the elevator slowly opened and the workers are in front of us. Some people were also murmuring something while concern was etched on their faces. I just gave them a small smile.

"Ma'am, Sir, sorry po talaga sa abala. Hindi po namin alam kung bakit biglang huminto ito. Sa totoo nga lang po, ito lang ang nawalan ng kuryente sa buong mall." Napayuko na lang at napahawak sa batok ang isang kasing edad lang namin na worker.

"How can that be possible?" malumanay pero may diin na sabi ni Val. Nakita ko pang medyo natakot ang mga manggagawa sa bahid ng galit sa boses niya kaya hinawakan ko ang braso ni Val para huminahon siya.

He glanced at me for a moment before changing his expression into a soft one. Nginitian ko na lang siya at sabay kaming bumaling sa mga manggagawa.

"Okay lang po, Kuya. Hindi naman po kayo ang may kasalanan. Sa susunod na lang po ay i-check ninyong mabuti ang controls niyo at baka mapahamak pa ang mga namamasyal dito." I heard them sigh so I just laughed a little.

"Sorry po talaga. Meron po kasing babae kanina na pumasok sa Electronics tapos pinapasok naman po siya dahil may authorization ID siya. Pagkatapos po noon ay bigla na lang naputol ang connection ng kuryente sa elevator na sinasakyan niyo, ma'am. Sorry po."

My jaw dropped at his explanation of the incident. What the hell? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana at saktong alam rin ng babaeng 'yun na may takot ako sa masisikip na lugar?

Hindi ko naman masisisi ang mga workers kaya sinabi ko sa kanilang ayos lang. Na sa susunod ay higpitan na lang nila ang security roon. Wala naman na kaming magagawa pa.

"Salamat po sa pag-intindi, ma'am." Binigyan ako ng malaking ngiti ng isang medyo batang worker kaya nginitian ko na lang din siya. But I was surprised when Val's hand snaked around my waist as if his territory has been entered without his permission.

"Let's go, Elara..." Bumulong siya sa tenga ko kaya parang biglang nagtaasan ang balahibo ko sa gulat. On my peripheral vision, I noticed that we were too close to each other. Hindi naman ako makaiwas dahil mahigpit ang pagkakayapos niya sa bewang ko.

I just nodded at him and to the workers before we both walked away from the cursed elevator.

Napagdesisyunan namin na 'wag na lang muna pag-usapan ang thesis ngayon dahil bukod sa gagabihin na kami sa pag-uwi, medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa iba't-ibang emosyon na naramdaman ko kanina.

"Are you sure that you can drive home?" Val asked me this for a million of times now. Hindi siya mapakali kanina pa at gusto niya akong ihatid sa bahay para raw hindi siya mag-alala.

"I'm not a kid, Valentine. I can handle myself naman. Saka..." I gulped before continuing. "Thank you nga pala sa kanina. I mean doon sa loob ng elevator. For comforting me... I owe you a lot..."

Nilingon niya ako dahil nakarating na kami sa harap ng kotse ko. For the nth time today, he stared at me again and I was shocked when he smiled.

"If you're thankful... have lunch with me." I raised my right eyebrow but he just smirked. "Okay. Una na 'ko, ah." I smiled at him again.

Binuksan ko na ang kotse ko at pumasok na sa driver seat. Nagpaalam na ako sa kanya at nakita ko pang hinintay niya lang makaalis ang kotse ko bago siya dumiretso sa kanya.

Pagkarating sa bahay ay agad akong napahiga sa kama ko dahil sa pagod. Sobrang stressful ng araw na ito sa'kin. Mula palang sa tambak na workloads galing sa school ay nadagdagan pa ng panic attack ko kanina sa pagka-stuck namin sa elevator.

"Sige salamat po, Doc. I'll just consult you na lang po 'pag may improvement na sa case ko." I gave her a sweet smile before going out of her clinic.

Marami pa siyang binigay na advises at reseta sa mga kakailanganin kong dalhin araw-araw in case mangyari ulit ang hindi inaasahang pagka-atake ng trauma ko.

Dumiretso na lang muna ako sa SM North para kumain dahil lunch time na rin naman. Balak ko sanang i-chat ang tropa para makagala naman kami saka maikwento ko sa kanila 'yung nangyari kahapon. Linggo naman ngayon kaya sure na walang pasok 'yang mga 'yan.

Hya: wuzzup mga kaigan

Portia: mga mandirigma ahu ahu HAHAHAHA

Sangre: Ano na naman kailangan mo Hya? Sumusulpot ka lang 'pag tapos na date niyo ng tHesIs pArtnEr mO eh #peykprend #friendshipover

Hya: apaka-arte mo

Shreya: Hey! I want to gala! Let's go out naman! Lagi na lang ako nasa bahay!!!

Sky: Sama ako!

Hya: Puntahan niyo 'ko sa SM north

Portia: kami pa mag-a-adjust sa'yo???

Sangre: ge libre nung nag-aya ah ehem Shreya

Luna: oks lang ba isama ko si Ced?

Portia: AY OO NAMAN ISAMA MO SI FAFA CEDI PARA MAY GWAPO NAMAN! NAUURAT NA KO KAY SKY EH!

Sky: kfine hahahatdog.

Nag-kita-kita kami sa Max's dahil masyadong maarte si Shreya at kumain na raw kami sa lahat ng fastfood chain 'wag lang sa Mang Inasal. Ang sarap-sarap kaya roon.

"Panget!" sigaw ng kung sino kaya napalingon agad ako.

Nakita kong sabay-sabay na naglalakad si Sky, Shreya, Luna at Cedi papunta sa direksyon ko. Nakita kong nakangiti nang nakakaloko si Sky dahil lumingon ako no'ng sinabi niyang pangit. Sasapakin ko na talaga 'to.

Nang makalapit na sila ay umakbay agad sa'kin si Sky kaya sinapak ko siya sa tagiliran. "Aray! Para saan 'yun?" Nakangiwi siya pero may tawa pa rin sa mukha dahil kitang-kita ang malalalim niyang dimples.

"Pangit mo! Alis nga!" Umalis ako sa pagkaka-akbay niya at saka ko naman nakita si Portia at Sangre na magkasama.

"What's up mga pokpok!" Nag-apir pa si Portia at Sky na parang mga bata na matagal hindi nagkita. "Let's eat first. Gutom na ako," singit ni Shreya.

"Ah, gusto ko 'yan. Kainan." Si Sangre talaga 'yung bawat salitang bibitawan niya, kailangan may dalawang meaning. Sumbong ko kaya 'to sa Mama niya?

We ordered a whole chicken meal partnered with sizzling tofu and Sinigang. Nag-order pa sila ng Halu-Halo para sa panghimagas mamaya. 15 minutes pa raw bago dumating ang pagkain kaya nagkwentuhan na lang muna kami.

"O, Cedi. Buti naman napasama ka ngayon," bati ko sa lalaking kaibigan ni Luna.

Ang alam ko ay bestfriends na sila since pagkabata kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay mag-a-announce sila na in-a-relationship na sila. Besides, gwapo naman si Ced. Hindi siya masyadong maputi pero lalaking-lalaki na Pinoy ang datingan.

"I filed a leave sa part time job ko," sabi niya nang may seryoso at malalim na tono.

Hindi namin maiwasang tumahimik dahil seryoso talaga siya magsalita. Matagal na namin siyang kilala at hindi pa namin siya nakikitang ngumiti. Unless 'pag kasama niya si Luna.

Tumikhim si Sangre para mawala ang bigat sa paligid kaya binaling na lang namin ang atensyon sa kanya. Napangiwi ako nang bigla niya akong ituro.

"May i-k-kwento raw si Hya," sabi niya sabay tawa nang malakas.

Sinabi ko na kasi sa kanya kagabi ang nangyari sa'min ni Val sa elevator. Hindi na kasi ako mapakali na wala akong masasabihan. Bukod sa siya lang ang available, alam ko namang mapagkakatiwalaan 'yan kahit maingay.

I sighed. "Kahapon na stuck kami ni Valentine sa elevator," panimula ko.

Pagkasabi ko palang noon ay agad nang nanlaki ang mata ni Shreya at Portia habang si Sky at Luna naman ay biglang tumawa. Hindi nakalipas ang ilang segundo ay tumatawa na silang lahat sa sinabi ko na parang nang-aasar. Ano na naman ba 'yun?

"Ba't kayo tumatawa?" nakakunot-noo kong tanong.

"So, what happened, sis? Baka naman may nangyari nang himala? Joke. Continue." Sinamaan ko muna si Shreya ng tingin bago nagsalita muli.

Kwinento ko naman sa kanila kung paano ako nagkaroon ulit ng panic attack kahapon dahil sa trauma ko. Alam naman nila ang dahilan noon kaya hindi ko na kwinento ulit.

Nakita ko kung paano napalitan ng pag-aalala ang mga mukha ng kaibigan ko samantalang si Sangre ay inom lang ng inom ng tubig na parang walang paki. Nasabi ko na kasi sa kanya lahat kagabi.

"E'di anong ginawa ni Val?" Hindi ko alam kung malisyoso o nag-aalala ba ang tanong ni Portia pero sinagot ko na rin. "Uh, he comforted me. You know. No'ng umiyak ako... H-he... he hugged me. Pero wala namang malisya."

"Walang malisya? Final answer?" mapang-usisang tanong ni Portia kaya sinabunutan siya ni Sangre habang si Sky naman ay tawa nang tawa. "Sumalangit nawa ang maharot mong kaluluwa." I was staring at them before rolling my eyes. Hindi 'ata nila kayang mabuhay na seryoso lang.

Dumating na rin ang pagkain kaya napatigil na kami sa pag-k-kwentuhan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si Luna. "Hya... Ni-try mo na bang magtanong kay Dhara, your friend, about what happened?"

Nagtataka naman akong nilingon siya na ngayo'y nakatingin sa gawi namin. Naka-akbay lang sa kanya si Cedi habang nakikinig din sa usapan. "Huh? Anong namang kinalaman ni Dhara?"

"I don't know... She's Dhara Rigelline Ayala, apo ng tagapagmana ng Ayala Malls. Malay mo may alam siya sa incident." Tumango-tango na lang ako.

Hindi ko alam na may-ari pala ng malls sila Dhara. Maybe I should ask her then. Baka nga nakaabot na rin sa kanila ang issue tungkol sa biglaang pagka-stuck ng elevator na hindi naman madalas nangyayari.

Pagkatapos naming mag-usap-usap at magkamustahan ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Mag-sho-shopping pa raw si Portia at Shreya kaya isasama na rin nila si Sky. Si Sangre naman ay biglang may kailangang puntahan. Sabay na rin umalis si Luna at Cedi.

Pagka-uwi ko ay agad akong nakaidlip at hindi ko namalayang 8 PM na pala nang pagkagising ko. Buhat siguro ng pagod sa buong araw. Hindi ko pa nakakausap si Valentine tungkol sa kailan ulit kami magkikita para sa thesis namin.

I looked at the cute pink calendar on my table and its already July. Sa October pa naman ang defense ng thesis namin pero ipapasa na ang first draft sa August. We need to finish it as soon as possible.

Habang pinag-iisipan ko naman kung paano namin tatapusin ni Valentine ang data na ilalagay sa thesis namin, doon ko naman siya hindi nakita buong linggo. Hindi siya sumulpot sa Bio Chem class noong Monday. Friday na ngayon at hindi naman siya nag-text kung magkikita ba kami bukas.

"O, girl? Buong araw ka na yatang nakasulyap d'yan sa phone mo? Sino hinihintay mo mag-text?" singit ni Simon.

Nilingon ko siya na ngayo'y nag-t-try ng iba't ibang lipstick dito sa UPTC. Nagpasama siya dahil may sale raw na ginaganap at wala naman akong ginagawa kaya sumama na lang din ako.

"Wala, si Val lang. Hindi pa rin siya sumasagot sa texts ko."

Pagkasabi ko no'n ay biglang lumampas ang lipstick sa labi ni Simon na ngayo'y natatawa na. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Sure ka bang ikaw 'yan, Hya? Parang ang Hya na kilala ko ay hindi possessive? Lalo na kung hindi naman jowa? And as far as I remembered... galit ka sa pangalan niya?" Pinagpatuloy niya na ulit ang paglilipstick niya.

"Tanga. About sa thesis 'tong tinext ko. Ang issue mo talaga." I rolled my eyes at his remark. "'Ge, sabi mo eh. Support lang here."

I went home after being with Simon. As usual, my evening ritual would be taking a bath after I went from school. I did my skincare before jumping to my cushion bed.

Balak ko sanang sa kama na lang gumawa ng assignments kaya kinuha ko ang laptop ko saka pinatong ito sa aking hita. Nasa kalahati na ako nang ni-t-type ko nang biglang mag-vibrate ang phone na katabi ko lang naman.

Hindi ko muna ito kinuha dahil baka notif lang sa IG ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-ta-type pero nag-vibrate ulit kaya kinuha ko na lang. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang notification sa screen.

ValCyrus replied to your IG Story

The moment I've read that notification, it's as if my heart was set into a marathon with its fast beating. I also felt butterflies on my stomach for some unknown reason.

Agad-agad kong binuksan ang phone ko dahil sa pag-reply sa'kin ni Val sa IG Story ko. Naalala kong ang ni-post ko pala ay ang picture naming dalawa ni Simon kanina sa mall dahil nag-ikot-ikot rin kami.

ValCyrus: What are u doing?

Ano ba dapat ni-r-reply sa mga ganito? Hindi ko alam kung sasabihin ko bang nag-aaral ako o sasabihin kong wala naman akong ginagawa.

Elaracinth: wala naman y?

ValCyrus: miss me? I've been gone for the whole week.

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa text niya. Ano bang sinasabi niya riyan? Hindi naman talaga kami nagkikita eh kaya bakit ko siya ma-mi-miss? Nag-text lang naman ako kanina tungkol sa... sa thesis namin.

Elaracinth: bat naman kita mamimiss? funny ka sa part na eon HAHA

ValCyrus: really?

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawag sa FaceTime. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya bigla kong nabitawan ang phone ko sa pagkataranta. Bakit ba siya biglang tumatawag?!

Mabilis kong sinuklay ang buhok ko at kinagat-kagat ang labi para pumula nang kaunti. Sinigurado ko ring wala akong dumi sa mukha bago sinagot ang tawag niya.

Ilan pang minuto bago ko nakita ang mukha niya na ngayo'y nakahiga sa kanyang kama. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang wala siyang pang-itaas at kitang-kita ang malapad niyang dibdib.

"Ano ba, Val?! Magdamit ka nga!" I half-heartedly said while closing my eyes. Gusto ko man na pumikit para hindi siya masilipan ay tinatraydor ako ng malilikot kong mga mata.

[You're cute, Elara.] He said on the other line while letting out a faint laugh.

Naka-t-shirt na siya ngayon kaya medyo kumalma na ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ba'ng nangyayari sa'kin pero tinitigan ko lang si Val. Parang ang tagal ko siyang hindi nakita. Ang gwapo niya.

[What's with the stare?] Umiling-iling na lang ako dahil baka isipin niya na pinagpapantasyahan ko siya.

I'm just amazed at his looks when he looked like he just got up from a deep sleep. He resembled a god from the Mt. Olympus who just got a phone and Face Timed with me.

Nag-usap kami ng kung anong bagay-bagay at tumagal din iyon ng isang oras. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang kausap ko siya. Hindi ko alam kung kailan niya binaba ang tawag pero nahihiya ako sa sarili ko kasi parang ang bastos no'n.

I just saw his text in the morning and I can't help but smile.

From: Valentine

Save me a seat next to yours on Monday.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM07

Haneehany

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top