Episode 06

Episode 06

Elevator


"S-sige lang. Ikaw... bahala." I avoided his gaze.

Nauutal kong tugon sa sinabi ni Valentine kanina na sasama siya sa pagkain namin ng lunch ni Simon. Nakita kong kinuha niya na rin ang bag niya para makaalis na kami pero bigla kong nakita si Dhara. Mariin siyang nakatitig kay Val.

"Dhara! Sama ka na rin sa'min!" anyaya ko sa kanya. Nahihiya kasi ako na sasama pa sa'min si Val. Sa tingin ko ay close naman sila ni Dhara kaya inaasahan kong gusto niya rin.

She looked flabbergasted when I called her name that she quickly shook her head. I pouted. Nakalimutan ko na mahiyain nga pala 'tong si Dhara.

"Bilis na, tatlo naman kami eh. Ako lang isang babae 'pag di ka sumama," I pleaded to her and put my hands like that of a prayer. Pero nagulat ako nang biglang kinurot ni Simon ang bewang ko. Binalingan ko siya gamit ang iritadong tingin.

"Girl, ako rin. Magka-uri tayo, bhie," bulong niya kaya inirapan ko na lang siya at inaya ulit na sumama si Dhara. Mabuti at pumayag din siya kalaunan.

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa Bahay ng Alumni para mag-lunch sa Chocolate Kiss Café o mas kilala bilang Choc Kiss. Sikat 'to rito sa mga Iskolar dahil masasarap naman talaga ang benta nila.

Humanap na kami ng upuan at ako na lang ang kumuha ng order nila. Kanina pa kasi nag-a-alburuto si Simon at gutom na gutom na raw siya.

"Chix in a Basket ako, girl. Bilisan mo ha! Nagrereklamo na mga bulate sa tiyan ko."

Tinanong ko naman ang order ni Dhara na Kiss Club daw o tatlong sandwiches na may iba't-ibang palaman. Paalis na sana ako nang may humawak sa braso. I shifted my gaze to Valentine who was clinging onto me.

"Samahan na kita," sabi niya at walang paalam na tumayo. Kumunot ang noo ko at hinayaan na lang siya bago maglakad patungo sa mini counter nila.

Usually ay may waiter naman na pumupunta sa bawat table pero dahil gutom na talaga si Simon, minamadali niya na 'ko sa mismong counter. Nakakahiya tuloy.

Agad naman kaming sinalubong ng isang waiter saka kami nag-order. Habang hinihintay ang order, hindi na muna kami nakabalik sa table namin. Tahimik lang kaming dalawa na nakatingin sa menu at parang iwas sa isa't-isa.

"Did you come home safely last time?" pagbasag ni Val sa katahimikan. Binaba ko ang menu na hawak ko at saka dahan-dahang bumaling sa kanya. I nodded. "Ikaw... ba?" nag-aalinlangang tanong ko pa sa kanya.

I know it was only casual to greet each other like this but I don't know why it turned out awkward. Mukhang maayos naman ang pag-uusap namin noong nakaraang Sabado. Agad nanlaki ang mata ko nang maalala ko na ni-follow niya pala 'ko sa lahat ng accounts ko!

"Uh... Val... Bakit mo nga pala ni-follow lahat ng accounts ko? Saka... bakit mo pa kailangang itanong kay Shreya? You can directly ask it to me though." Umiwas ako ng tingin. He was about to say something but I cut him off.

"And one more thing... Hindi mo pa in-a-accept ang follow request ko sa IG."

Kinuha ko ang phone ko para buksan ang Instagram at nakita kong hindi pa rin niya in-a-accept ang follow request ko sa account niya. Baka hindi niya lang napansin dahil sa rami ng followers niya. Hinarap ko sa kanya ang phone ko para ipakita ang profile niya kaya mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bulsa niya.

"Wait," he muttered. Akala ko naman ay makikita ko na rin sa wakas ang private account niya pero tumagal na ng limang minuto ay wala pa ring notification. Nakita ko naman siya na may seryosong kinakalikot sa phone niya.

Sumilip ako roon at nakita kong nag-d-delete siya ng posts!

"Hoy! Ba't ka nag-de-delete ng posts mo?!" mahina kong sigaw sa kanya kaya muntik niya nang mahulog ang phone niya sa gulat.

"N-nothing." May pinindot siya roon saka nag-notify sa'kin na maaari ko nang makita ang laman ng account niya pero laking gulat ko naman nang limang posts na lang ang natira.

"Anong mga binura mo?" Isa-isa kong ni-scroll ang pictures na naka-post sa account niya.

Unang-una ay 'yung graduation pic niya noong high school. Apat sila roon at may isang lalaki siyang katabi na hindi ko kilala. Siguro kapatid niya lang.

Ni-zoom ko ang grad pic niya sa mukha ng parents niya at parang pamilyar sila. Hindi ko alam kung saan ko sila nakita pero pamilyar talaga eh.

Next picture niya ay noong nakapasa siya sa UP. Ang iba naman ay picture lang nilang magkakasama na Hell's Angels. Nakita ko pa ang mga comments ni Bri at Mac na patuloy na inaasar si Val.

Bri_Yvan: hey fancy boy! Drunk call pa more!

Mac_quintosche: so annoying u look like sht

Natawa ako nang bahagya pero biglang napawi ang ngiti ko nang ang huling picture ay stolen ng isang babae na nakatalikod. Nakaharap ito sa isang mansyon. Mahaba ang buhok nito na nakatirintas hindi kagaya sa'kin na shoulder length lang.

"Oh, shit. I forgot," bulong niya. Kinuha niya ulit ang phone niya at ni-delete 'yung babaeng tinitingnan ko. "Oy! Ba't ka ba nag-d-delete? Jowa mo? Jowa? Hidden girlfriend? Takot na takot ah!" pang-uusisa ko pero nilalayo niya lang ang phone niya.

"You can say that." He grinned. I was about to say something but our order was quickly served. Bumalik na kami sa table namin.

Naabutan ko pa'ng nakasimangot si Simon. Kanina pa pa-buka-buka ang bibig niya na parang may sinasabi na walang salita. Muntik ko na siyang sapakin nang maintindihan ko ang pinaparating niya.

"Harot mo," bukambibig niya.

Pagkarating ng order namin ay nagkainan na agad kami ng pagkain dahil 12 PM na. Ang tagal kasi mag-dismiss ni Prof kanina eh. Bago kami maghiwa-hiwalay ay sinabi pa sa'kin ni Val na magkita na lang daw kami sa Saturday sa UP Town Center para sa thesis namin.

Nakauwi naman din ako agad nang maayos sa mansyon dahil last class ko na ang Bio Chem kanina. Balak ko pa nga sanang gumawa ng projects pero napapagod na ako. Kaya pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ulit ang IG ko.

Tiningnan ko ulit ang profile ni Val at ni-heart lahat ng posts niya nang maalala ko ang babaeng nakatalikod na may mahabang buhok. Based from what I saw, she looked like she was just twelve years old or something. Nakatulog na lang ako sa kaiisip dito.

"I love you Mom. I love you, Dad."

I kissed them both on their forehead as I also lied in between their dead bodies. Wala na ang mga magulang ko. Nawala sila sa mismong kaarawan ko.

Lumalakas na ang amoy ng sunog na sa tingin ko ay nanggagaling sa kitchen sa baba. Kumakapal na rin ang usok na nalalanghap namin dito sa loob ng office ng parents ko.

Mamamatay na ba talaga ako?

Hindi na ako nag-abala pang tumakbo dahil desidido na ako na sasamahan ko na lang sila Mom and Dad. This is also a tough decision but I have no direction anymore. My life's useless. Now that my parents were killed before my eyes.

The moment I closed my orbs, tears started to fall to my cheeks. There was a brief moment of silence and the smoke around me is continuously getting thicker by the minute.

Napa-ubo pa ako at nahihilo na rin ako nang biglang may narinig akong mabibilis na hakbang papasok sa k'wartong ito. Hindi ko na sana aabalahin pang tingnan kung sino 'yun pero nagulat ako nang maramdaman kong para akong lumlutang sa ere.

The person carefully carried me in a bridal style as if I was fragile glass that could easily break. Dahan-dahan pero mabilis niya akong dinala sa baba at nakapikit pa rin ang mata ko kaya hindi ko pa siya nakikita.

I felt the coldness of the night breeze because I think that we're already outside our house. Tagos ang tigas ng sahig sa aking likod kaya bigla akong napamulat.

Nasa labas na ako ng bahay at narito sa harap ko ang isang lalaki na naka-itim na hoodie at naka-itim na mask. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa dilim pero alam kong mariin ang titig niya sa'kin.

"S-sino ka?" Gumaralgal pa ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kanina.

Nagulat ako nang marahang hinaplos ang pisngi ko. I felt a strange sense of comfortability in his presence. It seemed like I'm safe because of his stares. Hindi ko kilala kung sino siya kaya ako kinabahan pero biglang nagtindigan ang mga balahibo ko nang bigla niya akong hinalikan sa noo.

He looked like we're on the same age. Kinilala ko ulit kung sino siya pero hindi ko talaga siya kilala. Sino ba siya? Did we somehow met before I lost my memories months ago?

"T-tell me your name. Please..."

Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil kahit nawalan na ako ng pag-asa ay niligtas niya ako sa nag-aapoy naming mansyon. He slowly shook his head before holding my hand tight. He spoke with a baritone voice before running away from my place.

"Please be safe, Elara."

Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa panaginip ko. Hinihingal at sobrang bilis ng tibok ng puso ko pagka-upo ko sa kama. Inabot ko ang lamp shade na nasa side table ko pero mabilis akong napa-aray sa sakit ng ulo ko.

What was that? Is he the one who saved me?

Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng malinaw na panaginip mula sa pangyayari five years ago. Na-trauma ako after no'n kaya hindi ko naaalala ang specific details. Nawalan na nga ako ng alaala bago pa mangyari 'yun dahil sa aksidente tapos mas lumabo pa dahil sa trahedya ng pagkamatay ng mga magulang ko.

I got water from the fridge before inhaling deeply. Huminahon na ako nang kaunti pero palaisipan pa rin para sa'kin kung sino ang nagligtas sa'kin no'ng gabing 'yun. How can I be saved by someone whom I barely know? Or maybe I really knew him but can't remember him because of the accident?

I kept myself busy for the next few days so that I won't be able to remember that dream. Sumasakit kasi ang ulo ko sa tuwing iniisip ko 'yun.

Dumating ang Sabado at kailangan na naming mag-meet-up ni Val sa UPTC para sa thesis namin. Napag-desisyunan namin na sa Seattle's Best na lang mag-usap para cozy at mas focused ang environment.

Nakarating ako sa UP town nang eksaktong 1 PM dahil galing pa akong klase ko sa SocSci. Ang tagal mag-dismiss ng Prof namin kaya naman na-late ako.

Kung minamalas ka nga naman ay under maintenance ang escalator malapit sa Seattle's Best kaya wala akong choice kung hindi mag-elevator. Nag-aalangan pa nga ako no'ng una pero late na rin ako kaya hindi na 'ko dapat mag-inarte.

Dalawang floor lang naman ang loob ng UP Town mall at hindi ko alam kung bakit under maintenance pa ang isang escalator. Ayo'ko pa naman sa elevator dahil closed space.

Ever since my parents died from an unfortunate event, I've been experiencing panic and anxiety attacks whenever I'm going to closed spaces. Hindi mo pa siya masasabing claustrophobia dahil kaya ko namang mag-drive ng isang sasakyan na nakasara ang bintana. Sadyang kinakabahan lang talaga ako.

Tumunog ang elevator at kasabay no'n ay ang pagbukas nito. Hahakbang na sana ako papasok nang mapahinto ako dahil sa titig ng isang lalaking hindi ko inaakalang makakasabay ko rito.

He was wearing a black button-down polo and black maong with black sneakers. Nakasuot rin siya ng silver necklace at nakasabit ang bag niya sa isang balikat niya kagaya ng lagi niyang porma. His perfect brown eyes landed on mine and I just stared at his whole being.

How can someone be so handsome without effortlessly trying?

Ito na naman ako sa pamumuri kay Val. Bakit ba lagi kong napapansin na gwapo siya? Bakit kailangan ko pang purihin? Am I slowly... being attracted to him? To his beauty? Umiling na lang ako sa naiisip.

Dahan-dahan akong pumasok at nginitian siya nang bahagya para mawala ang awkwardness. I giggled at the thought that we're both late for our scheduled meet-up. Nakalimutan ko na hindi nga rin pala 'to dumarating on-time.

Nakatikom lang ang bibig ko buong pag-akyat ng elevator. Natatakot akong gumawa ng kahit anong tunog. While I was looking up front, I could sense from my peripheral vision that he was staring at my side.

Nakakailang ang mariin niyang mga titig kaya nilingon ko na siya. Hindi niya inalis ang tingin niya kaya mas lalo akong nahiya sa sarili ko. May dumi ba ako sa mukha?

Magsasalita na sana ako pero biglang nag-patay-sindi ang ilaw sa elevator. Akala ko ay normal lang iyon kaya hindi ko na pinansin pero nang biglang may dumagundong na mabigat na bagay ay napakapit ako sa railings at pumikit ng mariin.

During that short moment of shock, I found my legs weakening and my heart was drumming loudly inside my chest. I feel suffocated. I need to get out! Wala pang isang minuto na kumalabog ang elevator ay biglang tuluyan nang namatay ang ilaw kaya napatili na lang ako sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko maging ang paghinga ko. 

"Elara!" sigaw ni Val sabay alalay papunta sa'kin.

No one dared to talk in between us while I was currently having my panic attacks. Nanginginig ang dalawang kamay ko at hindi ako makahinga nang maayos. Nararamdaman kong unti-unti na 'kong pinagpapawisan dahil sa kaba.

Unti-unting bumuhos ang maiinit na luha sa mukha ko at tuluyan na akong nanghina.

Memories came flashing back before my eyes on the day that my parents got killed. The memories that I had long forgotten has come back again. Noong mga panahon na nakakulong lang ako sa cabinet at walang magawa para sa kaligtasan nila.

"Elara... calm down. Breathe in. Breathe out." Tinulungan ako ni Val na kumalma pero hindi ko magawa nang maalala ko ang natatakot na mukha ng mga magulang ko bago sila barilin.

Napatakip ako ng tenga nang maalala ko na naman ang tunog ng sunod sunod na baril at ang sigaw ng mga magulang ko. I can't stop my tears that was relentlessly falling from my eyes.

"No! No! Mom! Dad! No!" I said while crying. 

Bakit ba kasi sa elevator pa ako sumakay? Hindi na nga ako sumasakay rito sa nakalipas na limang taon tapos ngayon ay gano'n ulit?

Marahan akong humikbi habang unti-unting niyayakap ang tuhod ko. This became my defense mechanism when I am afraid. I believe that by doing this, I can be shielded. When the truth is, I've just been looking strong but deep inside, I'm like a fragile glass, that was so brittle. Matagal na 'kong basag. Matagal nang hindi mabubuo pa ang puso ko. Kahit ilang beses pang subukang ayusing... It's useless. I'm useless.

Sinandal ko ang nanghihinang katawan ko sa pader ng elevator pero nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa'kin habang nakaupo ako. Ramdam ko ang mainit na katawan niya kaya napatigil ako bigla sa pag-iyak.

Nilingon ko si Valentine na ngayo'y yakap na ako nang mahigpit na parang pinoprotektahan niya ako sa kapahamakan. I don't know why he did that when we're just merely... thesis partners. He acted like he was my long-time friend.

Tuluyan nang tumigil ang pag-iyak ko dahil sa yakap niya. Naiilang ako sa mahigpit niyang yakap kaya tiningala ko na lang siya. "V-val..." I whispered.

Inangat niya ang tingin niya sa'kin at napagmasdan ko ulit ang kayumanggi niyang mga mata. "Shhh... I'm right here. No need to panic. It's all right. It's all right." Hinahagod niya pa ang likuran ko para mapakalma ako.

Bigla kong nakalimutan na na-stuck kami sa elevator at unti-unting huminahon ang nararamdaman ko dahil sa kanya. Pumikit ako at nanghihina akong sumandal sa dibdib niya habang yakap niya ako.

"Elara..." Kumalas siya sa pagkakayakap saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

He interlocked our hands and kept on muttering soft curses before looking directly to my eyes. I felt bolts running through my veins the moment our hands touched. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"When you're afraid, it's alright to cry. Basta't nandito lang ako. Hmm?" Pinisil-pisil niya pa ang kamay ko na parang sinisigurado niya sa'kin na nandiyan lang siya.

Napahigpit ako ng hawak sa kamay niya nang unti-unti na namang bumuhos ang luha sa mata ko habang tinititigan siya. I hugged him tight and he looked taken aback by my action.

"Sana nando'n ka r-rin... Para iligtas ako... That night..." My shoulder was shaking because of my overflowing tears.

Naalala ko sa kanya ang mahigpit na hawak sa'kin ng kamay noong nagligtas sa akin. Ang lalaking napaniginipan ko nung nakaraan. Alam kong hindi siya 'yun dahil ngayon palang kami nagkita pero ngayon ay mahigpit ko na lang niyakap si Val para magpasalamat. One thing that I couldn't say to my saviour before.

"V-val... T-thank you..." nanghihina kong sambit.

"Shh... It's okay..." Ginantihan niya ulit ako nang mainit na yakap kaya pakiramdam ko ay ligtas na ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako mapapahamak dahil nasa kamay na ako ng tagapagligtas ko.

"It's gonna be alright, Elara. As long as I'm here."


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM06 

Haneehany


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top