Episode 05
Episode 05
Lunch
"Huy! Kanina ka pa tulala r'yan."
Nagulat ako sa biglang pagyugyog ni Simon sa balikat ko. Nakatingin lang kasi ako sa field ng Sunken Garden at may malalim na iniisip.
"Huh?" Nilingon ko ang kaibigan ko pero kinunutan niya lang ako ng noo na parang nagtataka sa pagiging lutang ko.
"Huh? How you like that." Sumayaw pa siya gamit ang kanyang kamay lang. We were sitting on some big roots of a tree here in front of the Sunken Garden.
"Nagagaya ka na kay Portia. Puro ka K-Pop."
"Wow, judgemental. Gusto mo ng gyera?" Tumawa pa siya dahil sa reaksyon ko kaya napairap na lang ako bago tumingin sa malayo. Nakalimutan ko na tuloy ang iniisip ko dahil sa pangungulit nitong si Simon.
Naalala ko na naman kasi 'yung reply ni Valentine sa IG story ko na pic namin ni Sky noong Sabado. Nagtataka pa rin ako kung bakit pa niya kailangan mag-chat sa'kin.
Elaracinth: ha nungginagawamu
Umupo ako sa kama habang hinihintay na mag-reply siya. It was just unusual that he approached me through chat when in fact, we just met for our thesis earlier!
ValCyrus: wala.
Elaracinth: luH ano nga?
Elaracinth: saka pa'no mo nga pala nahanap 'tong account q??
Hindi siya nag-reply after kaya imbis na hintayin ko pa ang sagot niya ay ni-stalk ko na lang muna siya sa IG niya. Hindi ko alam kung paano niya nahanap 'to pero may kutob na talaga ako na pinamigay 'to ng isa sa mga kaibigan ko.
I saw his display picture wherein he's in a black polo shirt while holding a shot glass on his hand. Nakasandal siya sa railings at hindi nakatingin sa camera na mistulang stolen ang pagkakakuha rito. I think it was taken in a bar or something because the background was a bit dim. I saw his number of followers and only gasped that he was only following 5 accounts including mine.
ValCyrus
15 posts – 21K followers – 5 following
Wala siyang nakalagay na bio at naka-private ang account niya kaya hindi ko rin makita ang posts niya. Nag-send ako ng follow request at saka ko lang nakita na kasama pala si Dhara sa fino-follow niya.
Gano'n ba sila ka-close ng girlfriend ng tropa niya para i-follow niya rin 'to? Well, sabagay. Ako nga ni-f-follow niya eh. Pero bakit? Dahil thesis partners kami? So weird.
Pinagkibit-balikat ko na lang ang tanong sa utak ko dahil wala naman ako sa posisyon mang-usisa. Pagka-pindot ko ng follow request ay nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa tawag kaya nabagsak ko ito sa mukha ko.
"Argh! Ang sakit!" Naaasar akong namilipit sa sakit at tinakpan ng unan ang mukha ko.
Pakiramdam ko ay namanhid ang buong mukha ko nang bumagsak ang phone ko sa mukha ko habang nakahiga. Punyemas! Ang laki no'n! Para akong binagsakan ng bato!
Sa tingin ko ay nagdudugo na ang ilong ko at nabali na. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa vanity table ko na malapit lang sa kama ko.
Namumula ang ilong ko at ang hapdi 'pag hinahawakan. Buti na lang ay walang pasok bukas dahil Linggo kaya siguro naman ay magaling na 'to sa Lunes.
I massaged the bridge of my nose to stop it from being painful but it won't stop aching. Nagpasya akong mahiga na lang ulit pero patagilid muna. Sinilip ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumawag kanina at laking gulat ko nang makitang si Val pala 'yon.
"Ba't naman siya tatawag?" I-cha-chat ko na sana siya nang nauna siya sa'kin.
ValCyrus: Sorry napindot.
Napanguso na lang ako sa reply niya. Anong napindot? Ibig bang sabihin ay kanina pa siya nakatingin sa pangalan ko sa contacts niya kaya napatawag siya bigla? Hindi naman na uso 'yung ganyang palusot Valentine De Dios.
Elaracinth: ge sabi mo eh hahaha
ValCyrus: it was really an accident. Pinakialaman kasi ni Dhara ang phone ko kanina kaya hindi rin ako nakapag-reply sa'yo.
My brows met when he mentioned Dhara on his reply. Close talaga sila, 'no? Siguro magkakasama silang magkakaibigan ngayon at sinama ni Bri ang girlfriend niya. I was about to type my reply when my mouth dropped at what he next said.
ValCyrus: btw, Shreya Quillito gave me your account.
Pahabol niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napaupo na lang bigla. Sinasabi ko na nga ba, eh! Kabigan ko na naman ang dahilan kung bakit alam ni Val 'tong account ko!
Imbis na mag-reply ay ni-chat ko ang mga kaibigan ko dahil nangingialam na naman sila. No'ng nakaraan ay kung ano-ano 'yung mga trip nilang ipag-se-send kay Val tapos ngayon nagpapamigay na sila ng private info ko.
Nagulat na lang ako nang habang nagtitipa ako ay biglang nag-vibrate na naman ang phone ko ng sunod-sunod. Tiningnan ko ito at napasinghap nalang ako sa natanggap ko.
Valentine Cyrus De Dios sent you a friend request on Facebook.
Val_DeDios followed you on Twitter.
VC De Dios followed you on Tiktok.
Literal na napa-face palm na lang ako dahil sa tingin ko ay binigay na ng mga kaibigan ko lahat ng accounts ko. Magugulat na lang ako kung isang araw ay susunduin na ako ni Val sa labas dahil alam na rin niya pati ang address ko!
Hya: hOY gagoooo asdfjkgkl
Hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay nag-reply na ng sunod-sunod ang mga kaibigan ko sa GC namin.
Sangre: palitan na kaya natin GC name? yan naman palaging salubong niyo eh
Portia: gegege ano ba yun sez
Luna: HAHAHAHA bakit hya
Shreya: I muted this GC but it's still vibrating. Baka may curse na kayo sa phone ko. I'm having a beauty rest here ugh
Hya: hoy Shreya napaka mo talagaaaa bakit mo binigay kay Val lahat ng account ko huhu nakakairita kaaaa :<<
Nanggagalaiti akong nag-type pa ng kasunod at sana nararamdaman man lang nila ang pagkairita ko pero iba pa na naman ang natanggap kong reponse sa kanila.
Sangre: OMG NINANG AKO!
Portia: ValCinth iz realll!! Gagawa na 'ko fan's club!
Imbis na sagutin nila ang tanong ko sa kabaliwan ni Shreya nang pagpapamigay ng accounts ko ay inaasar na naman ako nila Sangre at Portia. I closed my eyes to suppress my irritation but my phone vibrated again because of their chats.
Shreya: you know, sis... this is your first love life, ryt? just be happy bish. btw, binigay ko rin kay fafa Val pati email mo. I'm rlly genius smh
Sky: HAHAHA KAPATID KO YAN
Portia: weird flex but ok
Pinatay ko ang phone ko dahil sumasakit lang ang ulo ko sa mga kaibigan ko. Parang kanina lang ay masaya pa akong kasama ko sila sa Snacks and Ladder pero nagsisisi na ako na nakipagkaibigan ako sa mga takas sa mental.
"O, tulaley ka na naman, girl!" sigaw ni Simon sa akin kaya hinarap ko agad siya.
Sa totoo lang ay hindi ako ganoong natutuwa. Siguro may naramdaman ako noong una na kakaiba noong nakita ko si Val. Siyempre, gwapo siya. Pero sa totoo lang... natatakot ako. Natatakot ako na mapalapit sa isang taong magpapaalala sa'kin ng mapait na nakaraan. I have been forgetful these days that I forgot my purpose in this life.
To mourn until my parents got the justice that they deserved.
Mahirap sa totoo lang. Gustuhin ko mang maging masaya pero sa bawat basa ko ng pangalan ni Valentine ay naalala ko ang magulang ko. Parang paulit-ulit nito na pinapaalala sa'kin na ulila na ako ngayon.
"Mon, anong gagawin mo kung natatakot ka sa isang bagay?" Dahan-dahan ko siyang hinarap
"Ano na naman ba 'yan? Ang hilig mo mag-overthink, 'no? Gaga."
"Wala lang. Natatakot pa rin kasi ako na mapalapit sa mga taong may kinalaman sa araw ng pagkamatay nila Mom and Dad. Parang bigla na lang bumabalik 'yung gabing 'yun. Lalo na ngayong pati mga kaibigan ko na ang nagtutulak sa'kin," paliwanag ko sa kanya pero nakakunot lang ang noo niya habang pinapakinggan ako.
Para siyang nahihirapan sa i-a-advise sa'kin dahil baka masaktan lang ako sa kung ano mang isasagot niya. I took in a deep breath before staring at the large green space before us.
"Alam mo, Hya. No offense, ha? Pero sa tingin ko gusto ka lang pangitiin ng mga kaibigan mo. Napansin siguro nila na matagal ka nang na-stuck diyan sa nakaraan mo. Hindi ko man alam kung ga'no kasakit 'yang nararamdaman mo, I'm a hundred percent sure naman na hindi masisiyahan sila Tita. Hindi sila masisiyahan sa pagkukulong mo sa sarili mo. Let yourself be happy and free, at least. Five years na, beshywapp. Move on na tayo.
He patted my head so I smiled at him. I don't think I could ever get over the fact that my parents got killed on the same day as my birthday.
Sabay na kaming pumasok sa Bio Chem Class namin at napaaga pa kami ng 5 minutes. Nakita ko pa si Dhara sa bandang likod na nakangiti habang sumusulyap sa kanyang phone.
"Class, let's start." Tiningnan ko ang wristwatch ko at 2 minutes pa naman before 8 AM. Buti na lang dahil maaga akong nagising kanina kaya 'di ako na-late.
Nagsimula nang mag-discuss ang prof namin ng kung ano-ano about Chemistry. Inaamin kong parang nawala sa isip ko ang kadramahan ko kanina dahil nakinig talaga ako kay prof.
Lumipas na ang tatlumpung minuto saka ko palang napansin na wala pa pala si Valentine. Hindi ba talaga uso sa kanya ang pumasok sa class na 'to?
Nilingon ko si Simon na katabi ko para tanungin kung nakita niya si Val pero nagkibit-balikat lang siya at umiling. Hindi na muna ako nakinig sa prof namin at nilabas ang phone ko para i-text siya.
"Kunwari ka pa kanina na takot ka tapos ikaw 'tong maghahanap." Nagbigay siya ng nang-aasar na tingin kaya inirapan ko na lang siya.
Hindi ko naman talaga siya hinahanap dahil hindi naman kami gano'n ka-close. Tatanungin ko lang sana siya kung makakapasok ba siya ngayon dahil kailangan din namin ang mga info rito para sa upcoming thesis na gagawin namin.
To: Valentine
Papasok ka ba today?
Binaba ko rin naman ang phone ko pagkatapos kaso pagkaangat ko ng tingin ko, nagsalubong ang mga mata namin ni Val na nakatayo sa labas ng pinto. Our Prof even stopped talking to glance at him.
He was wearing a red printed shirt partnered with black jagger pants and Red Nike Jordan. Nakasabit ang isang strap ng kanyang Black na bag sa isang balikat at ang isa naman ay nakalaglag lang. He looked like a bad boy with class in his outfit today.
Nag-bow lang ng ulo si Val sa prof namin bilang pagpapaalam bago binalik ang titig sa'kin at lumapit sa pwesto namin. Namataan ko pang tumingin rin siya sa katabi kong si Simon.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang mahagilap ng paningin ko ang katabi kong nag-aayos ng gamit. Nilalagay niya na ito sa kaniyang bag na parang aalis na.
"Hoy, sa'n ka pupunta?" Hinawakan ko pa ang balikat niya kaya nilingon niya ako at pinangunutan ng noo.
"Lipat lang ako ng upuan, girl. Ang sama ng titig sa'kin ni fafa Val. Baka bigla akong kainin. I mean, gusto ko naman pero—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng marahan kong tinampal ang braso niya.
Tumawa siya saka nagpaalam na tatabi na lang daw siya kay Dhara na nasa likod ko lang naman. Sinundan ko ng tingin si Simon habang papaupo siya sa likod ko nang may biglang nag-ehem sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Val na seryoso pa rin ang mukha.
"Can I sit beside you?" matigas niyang tanong.
I looked at him in amazement before nodding slowly. He swiftly sat beside me. I looked at him and he seemed bothered by something. His jaw was clenching. May problema ba siya?
Umusog na lang ako sa katabi kong upuan na inuupan ni Mon kanina at pumalumbaba na. Umupo na rin naman si Val sa tabi ko at nagpatuloy na ang klase.
Hindi ko nililingon si Val habang nagkaklase dahil nararamdaman ko ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong meron pero ang alam ko ay maayos naman ang pakikitungo ko sa kanya noong Sabado.
Sumulat ako sa likod ng notebook ko ng maliit na note para ibigay sa kanya. Natatakot kasi akong kausapin siya at parang galit siya.
"Okay ka lang ba? Akala ko hindi ka papasok." Nilagay ko roon.
Inusog ko ang papel sa katabi ko at nilingon ko siya nang bahagya. Nginuso ko ang papel na hawak ko kaya tiningnan niya 'yun nang may nakakunot na noo. Lumingon naman ulit ako sa board.
Hindi pa nakakalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong kinalabit ako ni Val kaya nilingon ko siya. Agad ko naman binaba ang tingin ko sa papel na tinulak niya.
"Why are you not talking to me? Are you mad or something?" Basa ko sa sinulat niya. Kinunutan ko siya ng noo at binalingan pero nakaharap na siya sa board.
Galit? Bakit naman ako magagalit sa kanya? Hindi ba siya pa nga 'yung grumpy pagkapasok kanina? Sumulat ulit ako para ibigay sa kanya at nagulat ako nang bigla niyang hinalughog ang bag niya pagkabasa niya rito.
"Huh? Ba't naman ako magagalit sa'yo? I even texted you earlier"
I stared at him while he's searching for something in his bag. Then I saw that he handed his phone out of it. Agad niya itong binuksan at nanlaki ang mga mata nang nakita niya nga ang text ko ro'n.
Siguro hindi niya rin nabasa ang text ko kanina kaya napatawa na lang ako sa reaksyon niya. Pero napatigil ang pagtawa ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"I'm sorry. Hindi ko nabasa ang text mo," he whispered huskily.
I felt goosebumps at his sudden whisper and I can't explain why my crazy heart is beating lively. Parang biglang nag-init ang mukha ko dahil sa paglapit niya kaya nilingon ko siya at tinitigan sa mga mata.
His soulful dark brown eyes bore onto mine. Ang ganda nang pagkakahugis ng mga kayumanggi niyang mata pero parang biglang sumakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.
Ako na ang naunang umiwas ng tingin dahil iniinda ko pa rin ang sakit ng ulo ko mula sa pagtitig sa mga mata niya. What the hell? Bakit biglang sumasakit ang ulo ko?
"Are you okay?" bulong niya ulit sa'kin at hinawakan ako sa balikat. Narinig ko pang umubo nang bahagya si Simon sa likod ko pero hindi ko na siya pinansin.
I slowly nodded my head and after some time, I felt light-headed. I had headache episodes lately for an unknown reason. Siguro ay kailangan ko na ulit magpatingin sa psychiatrist ko.
Hindi na kami nagkausap pa ni Val pagkatapos noon. Natapos ang klase 2 hours after kaya gutom na gutom na ako.
Inayos ko na ang gamit ko dahil nagugutom na talaga ako. Kanina pa ako kinakalabit dito ni Simon sa likod. Nagugutom na raw siya at lalayasan na raw niya ang prof namin. Paulit-ulit ko namang sinasabi na maghintay lang siya.
"Lagi na lang akong naghihintay," madrama niyang sabi kaya tinawanan ko na lang siya. Nakita kong napalingon pa si Val sa gilid namin at pinanliitan kami ng mata bago supladong umiwas ng tingin. I raised my right eyebrow at his reaction.
Nakita ko na ang prof namin sa Bio Chem na naghahanda na rin sa pag-alis. I'm really hungry! Tumayo na agad ako pagkalabas ni Prof.
Kinalabit-kalabit na 'ko ni Simon na nagugutom na raw siya kaya tumango na 'ko. "Wait lang," paalam ko bago humarap kay Val na nakatitig lang sa'kin.
"Where are you going?" malalim na boses niyang tanong sa'kin. I swallowed my saliva then looked at Simon who was consistently murmuring things that I couldn't hear.
"Uh... Lunch lang kami ni Mon. Gutom na kami, eh." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang umubo nang bahagya at nagsalita gamit ang kanyang baritonong boses.
"Sama ako." Kinuha niya na ang bag niya at sumabay na sa'min sa paglabas.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM05
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top