Episode 02
Episode 02
See you again
"Hya! Why the hell are you sad? Like, hello? That's Valentine freaking De Dios!"
Shreya stated in a matter-of-fact tone. She looked at me with hawking eyes before rolling it and sipping on her juice. "Bakit sino ba siya? Hindi ko nga siya kilala eh," depensa ko.
Kanina pa kasi nila ako inaaway kasi ang sama ko raw kay Val nila. Inaaway nila ako dahil hindi na lang daw ako magpasalamat sa grasya at naka-partner ako ng isang gwapo.
Gwapong tunog kupido na mukhang walang ma-i-aambag sa thesis namin.
"Ano ka ba, girl! Matagal na naming pinag-uusapan 'yung Hell's Angels 'di ba? Remember them?" Tumango ako kay Portia. "He's the one missing earlier! The leader!" Napaisip ako. So...? Ano namang paki ko kung leader siya ng kung ano man 'yan?
Bakit ba pinipilit nila na dapat ay masaya ako na may partner ako na gwapo? Ok, I admit it. I'm super attracted to handsome men like them but they can't blame me if I'm being cautious of my surroundings. Mostly when his name resembled my cursed date that reminds me of my tragic past.
"Alam niyo... wala naman kasi akong paki kung sino man siya. Kung leader ba siya ng grupong pasikat o ano. As long as makakatulong naman siya sa thesis namin, edi good." I sipped on my iced tea.
"Ok fine. Kung diyan ka masaya. Pst, Sangre!" sitsit ni Portia bago ngumiti kasama si Shreya. They grinned so I don't know if something mischievous was playing on their head.
"Shrey, diba may number ka no'n? Hya, text mo na bilis!" Pumalakpak pa si Portia.
They kept on babbling about Valentine and how I should text him for the first time. Parang sila pa nga 'yung excited eh. 'Di na tuloy kami nakakain dahil puro kalandian lang 'yung inatupag nila.
"Hya? May number ka na pala ni Val? Speed lang?" sambit ni Sangre habang patuloy na nag-ta-type sa phone ko.
Ipinag-kibit-balikat ko na lang ang sinabi niya dahil hindi ko pa nga nakikita at nakikilala 'yung Valentine na 'yun eh. It was super impossible for me to have his number.
"Ano ba! Ang arte niyo naman! Bakit may pa-text text pa kayo r'yan?" nakataas na kilay kong tanong. Kung kanina ay pinag-uusapan lang namin, ngayon, kinuha na nila ang phone ko para ma-text ko na raw ang partner ko. In which, I don't care.
"Shut up, Hya. Sasabunutan kita!" Sangre hissed before looking back at the phone and giggled.
Talaga 'tong si Sangre ang lakas ng loob mag-cut at tumambay dito sa UP eh ang layo-layo ng UST. For all we know, she's just roaming around here to hunt. Mang-hunt ng gwapo.
Pati sila Shreya at Sky ay narito rin kahit sa Ateneo pa ang campus nila! Ang hilig nilang pumunta rito tapos bubulabugin kami. Nakakairita!
Inabot nila ulit sa'kin 'yung phone ko na parang may nakakatuwa silang ni-type ro'n. 'Wag lang talaga nilang ma-send 'yang kalokohan nila, kun'di friendship over na kaming lahat. I glanced at my phone and almost got choked by my own food, when I read the draft that they planned to send to Valentine.
To Valentine De Dios: (Draft)
Hi! Ako nga pala thesis partner mo... pero pwede na rin hebembehey ehe<333
"Tang—" Hinampas ko nang malakas 'yung balikat ni Sangre dahil sa kalokohan niya.
Tinawanan nila 'ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Ano bang klaseng text 'yun? Baka isipin pa no'ng thesis partner ko na hayok na hayok ako sa kanya. Bakit ba mga abnormal 'tong mga naging kaibigan ko?
"Awit, ang haharot niyo," singit ni Sky kahit kanina pa siya ngingiti-ngiti sa phone niya. Wala naman siyang girlfriend pero mahilig siyang makipag-flirt sa kung sino-sino. Flirt lang. Walang label. Takot kasi sa commitment, tsk.
Nagulat na lang ako nang hinablot na naman ni Portia ngayon ang phone ko para may maglagay na namang kalokohang text message. Pinagtawanan na naman nila 'yun ng basahin bago ibigay sa'kin.
To: Valentine De Dios (Draft)
May thesis proposal na 'ko. Reply "I do, love" for more inquiries.
Pinanlisikan ko ng mata si Sangre, Portia at Shreya na tawa na naman nang tawa. I am really irritated by what they're doing. Walang hiya talaga sila. Wala nang nagawang normal.
"Ano ba? Lakas ng sapak niyo sa utak eh, 'no? Ang aga-aga, parang mga naka-droga. Luna, ikaw na nga lang 'yung mag-compose ng message." Inabot ko kay Luna 'yung phone ko na ngayong naguguluhan. "Anong gagawin ko rito? Makakain ba 'to?"
Bumuntong-hininga na lang ako. I give up. My head already aches because of my friends. Idagdag pa na kailangan talagang may ma-send akong matinong message sa partner ko.
Luna composed a message for before handing it to me like it wasn't a big deal. Bumagsak ang balikat ko at tiningnan siya sa malulungkot na mga mata. "Ba't naman gan'to, Luna?" She smiled before looking away.
To: Valentine De Dios (Draft)
Nak, tita mu i2,,, muzta na kyo dyn? i2 bago roaming # k,,, may padala aq dyn sa inU:))
Buhat nang pagkainis, binaybay ko na lang ang labas ng kinakainan namin ng lunch at dumiretso sa isa sa may bench sa Oval para kumalma. Narinig ko pa 'yung tawanan nila nang makitang nag-walk-out na 'ko ro'n.
While walking, I suddenly realized something. Why would they make the first message look like it's a big deal? Noong nalaman ko nga ang name ng partner ko ay nawalan na 'ko agad ng gana eh. Bakit parang 'di nila alam na ayaw ko sa mga may kinalaman sa Valentine's Day? It seemed that they were ignoring my trauma for some reason.
Or maybe they just wanted me to enjoy life. Or overcome my fears. I don't know, honestly. Sinukbit ko na lang ang tote bag ko sa balikat ko at naglakad na papuntang English Literature class ko.
Last class ko na ngayon ang Eng Lit kaya umuwi na rin ako kaagad. Buti na lang ay hindi pa rush hour dahil commute ako ngayon. Pinapaayos ko pa kasi ang kotse ko.
I went directly to my room as I was so stressed of all the requirements that I'm about to pass. Una, ay 'yung drawing namin sa Engineering subject ko. Hindi nga ako magaling sa arts kaya hindi ako nag-Civil Engineering kagaya ng mga magulang ko, eh.
Pangalawa, ay 'yung project namin involving animals! Nagpapa-disect pa sa'min ng patay na hayop. At ang huli, thesis na ipapasa sa last sem sa Bio Chem.
I lied down on my pink sheet-covered queen-sized bed to take a nap for a bit. This day has been tiring and stressful. I miss the days when I was just a child that have no problems. Stress-free childhood.
'Yung tipong hindi mo kailangan sumubsob sa pag-aaral dahil na-cu-curve naman ng grades. 'Yung tipong makakatulog ka nang matagal ng hapon. 'Yung mga panahong may magulang pa 'ko.
"I miss my parents..." bulong ko kahit alam kong wala namang makakarinig sa'kin.
Pinikit ko na lang muna ang mata ko para makapagpahinga na. Tuyot na nga love life ko tapos stressed pa 'ko sa pag-aaral. Wala na talaga 'kong pag-asa.
Pagkatapos kong magpahinga ng saglit ay kinuha ko ang phone ko sa side table at binalak na mag-text kay Valentine. Ayoko muna siyang tawaging Val dahil hindi naman kami close.
To: Valentine De Dios
Hi, this is Hyacinth, your thesis partner in Bio Chem. Care to meet-up para mapag-usapan na 'yun at matapos na? Message me na lang :))
Binaba ko ang phone ko at saka tumayo na. Wala akong matatapos kung hihilata lang ako buong maghapon. Minutes passed there were still no Valentine responding. Really?
I just rolled my eyes and took a bath. After going out from the shower and doing my skincare routine, I glanced at my phone and there was still no response. I just decided to do my projects to reduce my stress.
I took a photo of my Engineering sketches as I felt proud about my achievements. I posted it on my IG to boast on my friends. Pero ako pa 'ata ang nairita dahil sa mga comments nila.
itshreya: it's the baliko lines for me
_sangreee: mas magaling pa mag-drawing sa'yo kapatid ko
portia_sm: da't sa'kin mo nlng 'yan pinagawa zer
skysquillito: @lunazyair eto fine arts oh sa kanya mo pagawa
L.zyair: @sky_quillito kfine...
Huminga ako nang malalim para 'di ko mamura ang mga kaibigan ko sa mga comments nila. Tiningnan ko ulit ang gawa ko. Maganda naman, ah? Basher lang talaga 'tong mga 'to.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-scroll sa IG Feed ko nang biglang may notification na nag-pop-up sa taas ng phone ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.
Nag-reply na si Val! Pero agad akong napangiwi dahil sa reply niya sa text ko. I pouted then dropped my phone on my bed.
From: Valentine
I know.
Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Ang tipid naman mag-type. Parang may bayad per letter. At saka I know? Anong 'I know'? Alam niya na ako ang thesis partner niya o alam niya na number ko 'to? Napahawak ako sa bibig ko sa gulat nang may naalala ko.
Siya ba 'yun? 'Yung tumawag sa'kin noong nakaraan? Siya nga! Siya 'ata! Shit!
Tiningnan ko ang number niya at tama nga ako! Maraming missed calls ang number niya sa phone ko kaya ako nairita noong umagang 'yun! Pero bakit siya tatawag? At kilala niya na ako? Saan niya nakuha ang number ko?
Ipinag-sawalang bahala ko na lang ang mga tanong sa utak ko dahil posible nga naman. Baka na-tripan nga ng mga baliw kong kaibigan na ipamigay ang number ko. Nung highschool nga, naglagay pa sila ng papel sa bulletin board.
Hanap mo ba ay Mrs. Right? Ang babaeng magiging icing sa ibabaw ng cupcake mo? If interested, contact 0917******
Nag-away talaga kami niyan ni Sangre kasi ang dami talagang nag-text sa'kin. Tapos 'yung iba, pa ni-load-an ako para magka-text pa raw kami ng mas mahaba.
Natulog na rin ako pagkatapos kong gawin ang requirements ko at nakalimutan ko nang reply-an si Valentine dahil sa pagod. Agad bumigat ang talukip ng mata ko at nakatulog na agad.
"'Te? Ate Hyacinth! Gising na raw late ka na!" May sumampal-sampal pa sa pisngi ko at nakita ko si Rylie na ngayo'y may nakakunot na noo.
"A-anong oras na ba?" I asked while still yawning. Lumingon ako sa digital clock at para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita kung anong oras na.
It's 11 AM! Late na 'ko!
"Ba't 'di mo ako ginising?!" Humanap na lang ako ng kahit anong makuha kong damit at dumiretso na sa shower. Narinig ko pang sumigaw si Rylie mula sa labas.
"Ginigising na kita kanina pa! Ano ba naman 'yan! Ako pa nasisi!" Binagsak niya nang malakas ang pinto at narinig kong lumabas na siya ng k'warto.
Hindi ko naman masisisi si Rylie kasi alam ko namang kanina niya pa ako ginigising. Sinasadya kong 'di dumilat kasi inaantok pa 'ko pero nagulat ako na ma-l-late na pala 'ko!
Mas lalo ko pang binilisan ang pagligo at pagbihis nang maalala na ang deadline pa naman ng dimension sketches na pinaghirapan ko kagabi ay 11:30 AM. I calculated my time of arrival. Kung walang traffic ay on-time akong makakapagpasa!
I quickly drove my Black Audi towards the University of the Philippines Diliman. Buti na lang ay dumating na 'to mula sa pagpapaayos ko. It was like my car was flying with my speed. I heard loud honking of cars when I tried to go through them. I just got my window down and said 'sorry'.
Five minutes and I'm late that's why I quickly drove towards the Engineering Building. I illegally parked my car in front of the building and ran. I almost stumbled upon a rock as I almost flew inside my Prof's classroom.
Portia even saw me and greeted from the Architecture Building that was right beside ours. She is an Architecture Major because of their business. Pero ang alam ko, iba talaga ang gusto niyang kuning trabaho, eh.
Nagmamadali na ako nang tumingin ako sa wristwatch ko at two minutes na lang ay late na ako! Sa sobrang pagmamadali ko ay may mga nababangga na 'kong tao na kakaalis lang sa class.
"Excuse me. Sorry. Excuse me," paumanhin ko sa mga nababangga ko at tumatango. Tumingin ulit ako sa relo ko at nagulat ako nang may nabunggo ako na kung sino. Nahulog ang ID ko pero buti na lang ay hindi nahulog 'yung drafts ko sa Engineering.
Naiirita akong tumayo at nagpagpag. Wala na sana akong balak pansinin ang kung sino mang nakabangga sa'kin dahil nagmamadali na 'ko, nang bigla kong marinig ang pamilyar na malalim na boses.
"Elara..."
Tumaas ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko na may malalim na boses. I furrowed my eyebrows and my head suddenly hurt when I saw his brown eyes.
"Hey... Are you alright?" He even touched my shoulder. Naiinis akong umiwas sa kanya. Naramdaman ko ang titig ng ibang tao sa paligid namin kaya inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya.
"Hyacinth Elara Villaflor," malamig at may malalim na boses na sabi ng lalaking nasa harap ko.
I examined his face and he was really a beautiful man. Starting from his thin but wholesome eyebrows, sparkling brown hooded eyes, pointy nose, perfect jawline and pinkish lips. It was like he just came out from a comic book. Naputol 'yon nang may maalala ako. Bakit niya alam ang buong pangalan ko?
"Huh? Sino ka? Stalker kita?" The side of his lips rose and it formed an amused smile when he heard what I've just said. So stalker nga siya? Ang gwapo niya pa naman. Sayang.
"No. Your ID said so." He chuckled lightly.
Tumingin ako sa inabot niyang ID at agad akong ginapangan ng hiya sa katawan dahil inakusahan ko siyang stalker. I looked at my wristwatch again and I'm a minute late! May bawas na agad.
"E'di don't," paalam ko na dahil bukod sa nahihiya ako sa pag-a-assume ko ay late na 'ko! I shouldn't be late! Ano ba'ng nangyayari sa'kin?
I was about to run away from the scene but I suddenly stopped when he mumbled some words that I clearly heard but couldn't understand.
"Nice to see you again, Elara."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
#ACM02
Haneehany
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top