Episode 01

Episode 01

Partner


"Promise me, Hyacinth. Promise me that you will always be happy."

He smiled bitterly as I felt his hand brushing my face to wipe my overflowing tears. His touch could awaken a thousand of senses on my body. I cried louder when his hand suddenly dropped and I saw him smiling while closing his eyes.

"Don't leave me! Please! 'Wag!" malakas kong sigaw kasabay nang pagmulat ng mga mata ko. Pawisan ako nang nagising dahil sa bangungot na naman ng nakaraan. Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko sa gilid.

Dahan-dahan ko itong kinuha nang may nanginginig na kamay. Tumutulo pa rin ang luha ko dahil sa panaginip ko. Lagi na lang ako nakakapanaginip ng taong 'di ko naman kilala. When I lost my memories when I was fifteen years old, came these nightmares that haunted me every night. Lagi na lang akong nagigising sa gitna ng gabi.

"Who would call me?" nagtataka kong tanong dahil Unknown Number ang nakalagay doon.

Kumunot ang noo ko at nairita bigla. "Ugh! Bwisit naman! Sinong tatawag nang ganito kaaga?" Dala ng pagkawala ng antok ko ay kinuha ko na ang phone ko mula sa side table ko na kanina pa nag-aalburuto.

I glanced at the digital clock on my desk and it was just 2:14 A.M.! Kung hindi 'to mga kaibigan ko na loko-loko, sino naman tatawag sa'kin nang ganitong oras?

In-end call ko na lang ang tawag dahil hindi naman ako sumasagot ng Unknown Numbers. Wala akong paki sa kanila. Matutulog na 'ko. Ilang araw na 'kong 'di na naman nakakatulog ng maayos dahil sa mga panaginip ko. 

I was about to sleep again when my phone made another irritating sound. Naiirita akong napabaling sa phone ko at kung pwede ko lang 'to basagin ngayon ay nagawa ko na. I have no choice but to answer the call.

Kapag ito prank na naman ng mga kaibigan ko, sasapakin ko na talaga sila.

Lumingon-lingon pa ako sa paligid ng madilim na k'warto dahil madaling-araw pa lang naman. Tinatakot ko lang 'yung sarili ko. Kagaya no'ng sa mga nakakatakot na palabas na kapag ikaw na 'yung sunod na tinawagan, ikaw na 'yung sunod na papatayin. Scary, Hyacinth. Tama na.

Sinagot ko 'yung tawag pero walang nagsalita sa kabilang linya at ang tangi ko lang narinig ay tawanan. Bwisit! Sinasabi ko na nga ba eh!

"Hello? Sino ba 'to—" Before I could even ask it, someone from the other line responded.

[Shhh. Kakantahan kita.] Malamig ang boses ng lalaki.

I was shocked because of the unfamiliar voice. I thought it was my friends who called me this morning! Sino naman 'to?

Kumunot ang noo ko at napaiwas ng tingin dahil sa tunog ng boses niya. Bakit parang... ang sarap pakinggan... Muntik ko nang masampal ang sarili ko dahil sa naisip ko.

Kilabutan ka nga, Hyacinth! 'Di mo nga kilala 'yan!

Naghintay ako nang ilan pang segundo pero wala namang nagsasalita. I got irritated so I shouted to the other side of the call. "Walang kwenta! Kung prank call 'to ibababa ko—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang kumanta nga ang lalaki. Hindi ko nga lang inaasahan na ganun ang kakantahin niya.

[Fancy! You!]

I was about to say something but I heard some giggles then the line ended. Napabagsak ang phone sa kamay ko at nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan. Ano... 'yun...?

Nang mahimasmasan ay nagngitngit agad ako sa galit dahil nasira ang tulog ko sa kung anong kanta! Ano ba 'yung kantang 'yun? Nakakairita siya! Sinira niya 'yung tulog ko! Sinubukan kong tawagan ulit ang unknown number na 'yun pero unattended na. Binato ko na lang ang phone ko sa dulo ng kama dahil sa inis.

"Peste naman! Nasira pa tulog ko!"

Pinilit ko na lang alisin sa isip ko 'yun at baka prank call na naman. Buti na lang ay pagod ako kaya nabawi ko agad ang tulog.

"Hija, gumising na raw ho kayo sabi ng Tita niyo. Baka ma-late raw po kayo sa pasok niyo," panggigising sa akin ng isang kasambahay. Nilingon ko iyon at tama nga ang hinala ko. Si Manang Fely iyon.

Si Manang Fely na lang at ako ang natira sa trahedya ng pagpatay sa mga magulang ko limang taon na ang nakakaraan. I don't know how we survived that incident but I'm now 21 and I'm currently living at my aunt's house.

"Eh! Manang naman eh! 5 minutes pa po!" hirit ko sa kanya bago tumalikod sa kama at tinakpan ang tainga ko ng unan. Ganito kami araw-araw, sapilitang paggising.

"Mahigpit pong ipinagbilin nina Mam at Ser na gisingin na raw ho kayo." Sabay yugyog ulit sa balikat ko.

"Opo, eto na po, gigising na." Tamad akong tumayo at naghanda na lang dahil wala naman na akong choice. I heard the slow slamming of the door so I just decided to sit on my bed. I yawned then remembered the incident from last night. 'Yung may tumawag sa'kin. Winaglit ko na lang 'yun sa isipan ko.

Nagsuklay muna ako at naghanap ng masusuot sa walking closet ko para sa araw na ito. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin.

Mom, Dad. I know that you are in a peaceful place now ,and look at me. I've grown up to be a fine young lady.

Nginitian ko na lang ang sarili ko pero natapos ang pag-iisip ko sa nakaraan nang tumunog ang phone ko dahil sa tawag. Dahil na naman sa tawag! 'Pag nakilala ko talaga 'yung tumawag sa'kin kagabi... Nako talaga.

Nakita ko sa caller ID na si Sangre 'yung tumatawag kaya hinanda ko na ang sarili ko dahil sasakit na naman ang tenga ko sa lakas ng boses niya.

[Hyacinth Elara Villaflor! Anong oras mo balak bumangon?! Ha!]

"Can't you lower down your voice a bit? Nabibingi na 'ko, Gre!" sigaw ko rin sa kaniya. 

Silang tatlo 'yung malalakas 'yung boses sa tropa eh; Sangre, Portia at Shreya. 'Pag nagsama-sama na sila, ihanda mo na ang eardrums mo.

[Sunduin ka na namin, Hya. Malapit na kami. Maligo ka na.] Narinig ko ang boses ni Luna.

Luna is really the soft type. Para siyang anghel na napasa sa'ming mga demonyo. Kung papipiliin ako kung sino sa kanila ang ililigtas ko 'pag nagka-zombie apocalypse, siya na lang. Para may pag-asa pa rin 'yung mundo.

Tiningnan ko ang orasan at 7:30 AM na pala! My first class starts at 8:30! Malayo pa ang UPD rito!

Binaba ko na ang tawag pagkatapos no'n dahil baka sigawan na naman nila ako. Napairap na lang ako sa hangin bago nagmadaling maligo.

I don't have plans to dress up so I after I had a shower, I went to the dining room. Naabutan ko pa sina Tita Elly at Tito Randy rito na nag-aagahan kaya pinuntahan ko sila para magpaalam na papasok na 'ko sa University.

"Hyacinth, eat first, hija! Masamang umalis nang walang laman ang tiyan!" bilin sa akin ni Tita na patuloy na nag-s-scroll sa kanyang laptop habang umiinom ng kape.

"Sa Univ na lang po ako kakain. Ma-l-late na rin po kasi ako. Nandyan na po 'yung mga kaibigan ko para sunduin ako. Bye po!" Hinalikan ko ang pisngi nila. "By the way, nasaan po si Rylie? Hindi na naman po ba umuwi?" tanong ko sa kanila kung nasa'n ang pinsan ko.

"Aba! Hindi ko alam sa batang yun, nagpariwara na! Hindi na lang gumaya sa iyo!" Tumawa ako bago sila tanguan at umalis na rin para salubungin ang mga kaibigan ko sa labas.

Ever since my parents died from that tragic event, Tita Elly owned me like her daughter. She's my Mom's sister. Buti na lang at mabait sila kaya sila ang tinuturing kong mga magulang ngayon. Sa mansyon nila ako naninirahan dahil nasunog na rin ang dati naming bahay.

"Ang kupad mo, Hya! Late na tayo!" sigaw ni Sangre na ngayo'y nasa driver's seat na. She is riding her beige Avanza today. We're of legal age already that's why we can already drive our own cars.

I entered the shotgun seat of the car before she drove it. Naabutan ko pang nakikinig si Portia ng K-Pop niya habang kumakanta at sumasayaw pa sa back seat. Magkatabi sila ni Luna na parang rinding-rindi na rin pero nananahimik na lang.

"Fancy! Youuu!" sigaw niya sabay parang naka-rock n' roll na sign sa kamay. Medyo pamilyar 'yung kanta pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.

"Hindi ka ba nagsasawa r'yan? Hindi mo rin naman naiintindihan," sabi ko pagkaayos ko ng seatbelt.

Tiningnan ko ang rearview mirror at nakitang magkasalubong na ngayon ang kilay ni Portia dahil sa pang-iinsulto ko sa mga Koreano niya.

"Ulol. Kaya nga may translation eh! Bitter ka lang kasi wala kang jowa. Walang nagpapasaya sa'yo," sabi niya sa akin sabay irap ng mata.

"Anong connect?" natatawa kong tugon at sinamaan niya 'ko ng tingin. "Wala. Parang kayo. Walang koneksyon." Binato ko siya ng hawak kong car pillow. "Ikaw lang naman mahilig mag-jowa rito! 'Wag mo 'kong idamay sa ganyan mo!" Sinamaan niya ulit ako ng tingin bago bumalik sa pakikinig.

Isa siya sa literal na halimbawa ng mga nilamon ng sistema. Tumatawa si Sangre at Luna dahil sa mga kagagahan ni Portia kaya mas lalo pang nanlisik ang mga mata nito sa'min.

"Di ka naman kilala niyan. Pa'no mo nasabing mahal mo?" pang-aasar ni Sangre.

"Ikaw nga kilala tapos di ka pa rin mahal eh," bato pabalik ni Portia bago siya nagsuot muli ng headphones niya.

"Tang Ina ka talaga. Hilig mong mambara. Sabunutan kita, eh!" Inabot ni Sangre ang kamay niya sa likod habang ang isa ay nag-d-drive kaya napatawa na lang kami sa kanilang dalawa.

I looked at the window before checking my phone for some notifications on my social media accounts. Bumili si Luna ng agahan sa Starbucks saglit bago kami dumiretso sa UPD.

Nang makarating ay bumaba naman na kami agad-agad dahil 15 minutes na lang ay start na ng klase. Buti na lang walang traffic kanina. Hinatid na rin kami ni Sangre sa mga buildings namin.

Nasa Third year college na kami. Ako, si Portia at Luna lang ang nag-aaral sa UP. Si Sangre ay sa UST under Culinary. Ang kambal na Quillito naman na sina Shreya at Sky ay sa Ateneo.

"Hala, ang gwapo!" Nagulat ako dahil sa biglang pagtili ni Sangre. Umirap ako sa kanya at tiningnan na rin sa kung saan ba siya nakatingin. I saw a group of two boys and a girl. Isa lang ang babae at pare-parehas silang mukhang maangas tingnan. I scoffed.

Ang pasikat.

Sigurado ako na isa na naman 'yan sa fraternity rito sa UP. Maraming ganyan dito kasama na ang ibang org na nagpapagulo lang ng tahimik na buhay ng mga estudyante. Pero hindi ko rin naman sigurado. Baka magkakaibigan lang sila at hindi naman nananakit.

Masyadong agaw-pansin 'yung paglalakad nila kaya umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero pamilyar sila dahil lagi silang tinitilian ng mga kaibigan ko.

"Puso ko! Ah! Tiningnan ako nila Mac at Bri!" tili na naman ni Sangre. Nakakahiya talagang kasama 'to. Buti na lang si Portia ay nakikinig pa rin sa K-Pop niya kaya hindi siya sumama sa pag-h-hunt nitong si Sangre.

"Ang harot mo, Gre. Pumasok ka na! Ang layo pa ng school mo rito oh!" pagalit ko sa kanya kaya sumimangot siya.

"Una na 'ko, ah. Ay wait! Portia! Itigil mo nga muna 'yan!" Tinanggal ni Sangre ang earphones ni Portia kaya sinamaan siya ng tingin. "Bakit wala si Val? Doon sa Hell's Angels?"

What? Hell's Angels? Ba't ang corny naman? May mga ganyan pa pala ngayon?

Nagkibit-balikat na lang ang mga kasama ko bago pumunta sa sari-sarili naming klase. Nakita ko agad si Dhara sa unang klase namin sa Bio Chem. Engineering din kasi ang kinuha niya. We became friends for some reason.

"Dhara!" sigaw ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa bandang likod. Kung tahimik na si Luna sa grupo namin, mas tahimik si Dhara. Bihira ko lang siyang nakitang magsalita talaga. 

May katabi siyang lalaki na naka-itim kaya kumunot ang noo ko. I think I know this guy. This is the same guy that Sangre shouted earlier! B... Bri? Bri 'ata ang pangalan niya. Umalis na rin agad ang lalaki kaya sinundan ko 'yun ng tingin.

"Boyfriend mo?" kaswal kong tanong bago binaba ang tote bag ko sa upuan katabi niya.

"Ah... O-oo," sagot niya sabay iwas ng tingin. 

My eyes widened in shock because of what she confirmed. Siya 'yung pinakamahiyain na nakilala ko kaya nagulat ako na naunahan niya pa akong magka-jowa!

Pumasok na ang Prof sa room kaya tinikom ko na agad yung bibig ko. Maraming hawak ang Prof namin na mga makakapal na papel kaya alam ko na ang ibig sabihin nito. This is the time of the year where we needed to pass mini thesis papers for our research in this subject. Lahat naman ng subject ay may thesis. Pero rito sa Bio Chem ay mas pinipili ng prof namin na may partner kami dahil sa mga gagawin pang experiment.

"Good morning, class! So today, I would like to group you into pairs para mag-prepare na sa thesis na gagawin niyo by the end of the last sem. Matagal-tagal pa but that doesn't mean that you shouldn't be pressured." Nginitian niya kami kaya napangiwi na lang kami sa sinabi niya.

Inikot ko ang paningin ko sa buong class na 'to dahil hindi ko naman kilala ang mga kaklase ko. Ayo'ko na rin kasing makipagkilala pa sa mga kaklase ko rito lalo na't 'di naman kami block sectioning dito sa UP. I don't like being attached to people.

"So, as you can see... I have here a bowl with your names on it. Bubunot ako ng 20 lucky pairs at sila ang makakasama niyo to formulate your thesis. Understood?" paliwanag ni sir.

Pinikit ko ang mata ko at hiniling na sana'y matino ang makakagrupo ko. I'm tired of freeloader people who just used my skills to benefit their grades but don't contribute anything in return.

"Okay first pair..." ani Sir. Twenty pairs lang ang tatawagin ni Sir kasi hindi naman gaanong marami ang pumapasok sa subject na 'to.

"Fourteenth pair... "

Ang tagal ko namang matawag! Pero sana hindi ako kasama sa pang-fourteenth pair kasi I hate fourteens as it is the same day as my birthday. My tragic birthday.

Nilibot ko ang paningin ko sa room. Sana talaga matino ang maka-partner ko. Si Dhara kasi may naka-partner nang babae na maaasahan eh. Sana all.

"Fourteenth pair is Valentine Cyrus De Dios and..."

Sana hindi ako! Valentine raw pangalan eh. Yuck, no thanks. Simula noong mamatay ang mga magulang ko, umiiwas na 'ko sa lahat ng may kinalaman sa Valentine's Day. That includes myself because I was born on the same day. I am detaching myself from the world.

"... and Hyacinth Elara Villaflor."

I felt like the whole room went silent when my name was called. Ako...? Sinong... sinong ka-partner ko ulit? Lumingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung ako ba talaga ang tinawag.

Bakit ako?!

"Where is Miss Villaflor and Mr. De Dios?" Tumayo agad ako pagkatawag ni Sir ng apelyido ko pero walang Valentine na sumulpot. Kumunot ang noo ko at unti-unting nairita.

"Is Mister De Dios absent today?" tanong niya habang nililibot ang paningin sa class.

Nagtanguan ang mga kaklase ko kaya parang mas lalo akong nairita sa hindi malamang dahilan. Subukan niya lang talaga mag-absent 'pag nag-m-meeting na kami. Wala pa nga pero feeling ko ay ma-h-high blood na ako dahil sa kanya!

Mukhang wala talagang darating na Valentine Cyrus De Dios kaya tinawag na ni Sir ang sunod na mga pairs bago nag-early dismissal. Ni-discuss lang niya ang topics na maaaring i-cover ng aming thesis.

"Buti ka pa si Val ang partner mo." Nakakunot noo ako nang noong bumaling kay Dhara sa gilid ko. 

Huh? Anong dapat kong ikatuwa ro'n? Bumulong na lang ako sa hangin at napairap habang iniisip kung paano ko siya sasabihan na may thesis kami.

"Pangit na nga ng pangalan, lakas pa ng loob na 'di sumipot."


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#ACM01

Haneehany

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top