Espesyal Na Okasyon


Ikalabing tatlo...Ikalabing apat..Ikalabing Lima..

ganyan karami ang nakolekto ko na tansan ngayong pasko, pagkatapos ko itong bilangin ay ibebenta ko ito sa junk shop at ibibigay ang pera kay tatay upang may pangkain kami kahit na kaunti lamang at hindi na lang palaging tubig at asin.

Ako si Gabriel pitong taong gulang na bata.. ang nais ko lang naman sa pasko ay magkaroon kami ng handaan at ligtas naming sasalubungin ang espesyal na araw para kay kristo..hindi ako nakapagaaral isa lamang akong batang kalye dahil wala kaming sapat na pera upang matustosan ng tatay ko.. isa lamang mangangalakal din ang tatay ko at minsan ay wala ng naiiwang pera saamin dahil ibinabagi niya ito sa kapwa namin mangangalakal lalo na kapag may emergency na pangyayari.

wala namang labag sa kalooban ko iyon.. dahil basta't nakakakain kami sa pang araw araw at hindi kami nagugutuman ay mabuti lamang na ibahagi sa iba ang pera.. sabi nga nila ''sharing is caring''. hindi lamang iyan, tinuruan din ako ng tatay ko kung paano maging mabuting bata kahit wala akong pinagaralan at matutong rumespeto sa lahat ng tao dahil katulad ni jesus ay nagsagawa parin siyang mabuti sa kanyang kapwa kahit na hindi tama ang sinusukli sa kanyang kabaitan..

Ng maibigay ko ang pera kay tatay ay hindi ko nakita ang saya sa kanyang muka bagkus y nagpasalamat siya saakin ngunit siya ay malungkot, ng tinanong ko si tatay kung bakit siya ay malungkot ay sinabi niya saakin na kakailanganin niyang gamitin ang pera para sa kanyang kaibigan dahil nagkasakit daw ang nanay nito at nangangailangan sila ng malaking pera pampahospital.. dahil hindi kayang matiis ni tatay ang kaniyang kaibigan ay naisip niya na ibigay na lamang ang pera at humingi siya ng tawad saakin.

Sinabi ko kay tatay na huwag siyang humingi ng tawad saakin dahil nangangailangan ng tulong ang tao at para maipandagdag ang pera sa kanilang gastusin sa hospital..sinabi saakin ni tatay na wala na kaming ipanghahanda mamayang gabi ng kapaskuhan dahil ibibigay na niya ang pera sa kanyang kaibigan..

sinabi ko kay tatay na hindi naman mahalaga kung may handaan kami o wala dahil ang importante ay magkasama kami sa araw ng pasko at ligtas naming sasalubungin ito..dadating din ang panahon na mas marami kaming handa at makakaraos kami sa hirap ng buhay basta't magtiwala lamang sa diyos ama.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top