A Chance To Change
A Chance To Change
"SASAGUTIN mo na talaga si Austin?" Tumango ako habang nagsusuklay.
"Seryoso ka ba, Ylla?! Playboy 'yon ta's sasagutin mo? Are you really out of your mind?!" Mira sighed heavily as she fanned herself.
Ilang beses na akong pinagsabihan ng mga tao sa paligid ko na 'wag ko raw sagutin si Austin. They said he's not good for me, kasi playboy siya. Marami pa naman din daw akong manliligaw na pwedeng sagutin at bakit siya pa raw.
Para sa akin, kaya pang magbago ng isang tao. So I gave him a chance. Napatunayan niya naman iyon habang nililigawan niya ako ng ilang buwan. Hindi na siya nagba-bar para makakita ng mga babae, kasama niya na ako palagi sa library, at tumaas din kahit papaano grades niya. See? Nagbabago rin talaga ang mga kagaya niyang play boy.
And I find myself falling for him too. Not just by his looks but also his personality. I don't know how or when. Nagulat nalang ako sa sarili ko na ngumingiti habang tinitignan siya everytime he's serious on his papers, eating or even when he's waiting for me! I can't lie to myself na hindi ko siya gusto! Lalong gugulo lang utak ko. Kaya napag-desisyunan kong sasagutin na siya mamaya, sakto sa date namin.
"Kalma ka lang, Mira." I gave her an assuring smile. Tumango siya at umupo na sa kama ko.
I looked at myself at the mirror. Our date will be memorable so I picked a red fitted off-shoulder dress. Kitang-kita ang curves ng katawan ko sa damit na ito. Nakalugay ang kulot kong buhok na abot hanggang sa beywang. Naka-red lipstick ako para bagay sa dress ko. And I also wore my 3-inches stillettos.
"Ang ganda mo talaga, Ylla... " She sighed. "Wala na talaga akong magagawa sa desisyon mo. I hope Austin is the one for you." Yinakap niya ako nang mahigpit patalikod. My heart melts for her support.
"Thank you, Mira. Tiwala ako sa sarili ko na hindi ako sasaktan ni Austin." Kinalas na namin ang yakapan saka kinuha ko ang gold purse ko.
"Sabay na tayo bumaba?" Tumango ako.
I locked my condo unit and we took an elevator down to the basement parking. Nagkanya-kanya na kaming sakay sa sarili naming sasakyan at nag-drive na paalis.
As soon as I arrived at the restaurant, I saw him sitting on a table near the window. Austin is sporting on a brown vintage button-down shirt and black slacks paired with an Italian shoes. He's with his usual messy hair look. His chiseled jaw is prominent on this side. My heart beat raced wildly when his chinky eyes locked in mine and his natural plump red lips curved into a boyish smile.
My breathing hitched by the sight of him. He's so freaking handsome!
I inhaled a large amount of air. Kalma, self. Magiging boyfriend mo na ito.
Binilisan ko lalo ang paglalakad ko papuntang table namin. I kissed his cheek as a sign of greeting.
"Good evening. Did I made you wait?"
"Nope. Kadarating ko lang din." He pulled out a chair for me. How gentleman! See? He changed! Kung noon ay padarag siya, ngayon ang gentle niya.
I smiled at him and sat down. Umupo na rin siya sa harap ko.
"You look gorgeous today! Ang ibig kong sabihin ay maganda ka talaga pero lalo kang gumanda ngayon!" I blushed on his compliment. Pinisil ko ang hita ko sa sobrang kilig ngayon. The effect of this man!
"A-Ah... Thank you," I stuttered a bit. Nakakahiya! Hindi ito ang unang date namin, pero kinakabahan talaga ako!
"So... What do you want for dinner?" Kinuha ko ang menu at tinignan ang mga dish.
"Crispy Pork Binagoongan nalang akin." Ipinikit ko ang aking mata para damahin ang lamig ng hangin. The night breeze of Tagaytay is so refreshing. Mali ata ang damit na sinuot ko ngayon kasi expose ang skin ko rito. I also didn't brought a jacket with me!
Austin raised his hand to call a waiter. Sinabi niya order ko pati kanya.
"Anything else, Ma'am, Sir?"
"I'd like to have a mango shake for the drink..." The waiter listed down my add-on.
"How about you, Sir?"
"Coke nalang."
Tumango na ang waiter at kinuha na ang menu namin. We just need to wait for our food.
Kinakabahan ako ngayon. How can I answer him? Sana magkaroon talaga ng perfect timing mamaya!
"Hey..." Napatingin ako kay Austin.
"Yes?"
"You're unusually quiet today. Is there something bothering you?"
I can hear my freaking heart beat right now! And I bet my face is as red as a tomato! Ngayon lang ako nagkaganito sa harap niya!
"Nothing..." I half-smiled. "Giniginaw lang ako ngayon." Umakto pa akong nangingig sa lamig.
"Gan'on ba? Sorry kung dito tayo sa Tagaytay ngayon." Kinuha niya ang jacket sa likod niya. "Here's my jacket. Suotin mo muna 'yan."
I smiled. Kinuha ko ang jacket at pinatong sa balikat ko. Uminit na ang pakiramdam ko ngayon.
"Okay na. Thank you..."
An awkward silence filled in the atmosphere. Tanging mga tunog lang ng kubyertos, pagluluto, at pag-uusap ang maririnig dito sa restaurant. Si Austin ay nakatitig lang sa'kin. Pasulyap-sulyap ako sa phone ko para hindi mailang lalo.
"So..." He broke the silence after twenty seconds. "Kamusta ang lakad niyo ni Mira n'ong Monday?"
"Masaya! Ang dami naming biniling damit," I said in a calm voice. "Ano palang nangyari kay James kahapon? Bakit umiyak?"
"Ayon, nireject. Kawawa." He then chuckled manly.
The way he laughs, makes my heart soft. He's so freaking cute! Ganito ba talaga na ako ka-inlove sa lalaking ito?
Our conversation was interrupted by the waiter. He placed down our meals infront of us. Ang amoy ng ulam ay nagpapatakam sa'kin. Dagdag pa ang ganda ng pagkakaayos nito!
We talked casually over dinner, catching up things we did last week. Nawala na rin ang kaba sa dibdib ko. Kaunti lang.
Tumahimik na ang table namin. Pumapasok pa rin ang hangin mula sa labas. I drank my mango shake as I cleared my throat. Maybe this is the right time to tell him my answer.
"Austinー" A ring from his phone interuppted my words.
"Excuse me..." Kinuha niya ang phone niya at tinanggap ang tawag.
Yumuko nalang ako sa lamesa. Nakakahiya! But maybe, hindi ito ang right time para sagutin siya.
"Yes, Ma... Nasa Tagaytay po kami ni Ylla... Opo... Goodnight!" Binaba niya na ang phone niya saka hinarap ako.
"Si Mama 'yon. Hinahanap ako," he said cutely. Nginitian ko nalang siya.
We finished our food in a minute. He even insisted to pay for our dinner. Siya ang nag-invite but still, nakakahiya!
Austin held my waist gently as we walked out from the restaurant. We were silent upon going to the parking area.
I gathered myself and prayed for the Saints to help on answering Austin. Tumigil ako para harapin siya. Napansin naman niya ako kaya tumigil din siya.
He successfully searched my eyes. "May sasabihin ka ba?" Austin gently caressed my cheek. Dinama ko naman ang init ng kamay niya sa pisnge ko.
"Yes..."
Kumunot noo niya. "Anong yes?"
"Sinasagot na kita... Y-yes..." Onti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Talaga?!" ulit niya. I nodded shyly. My heart is beating so fast right now!
"Sa'yo na ako..."
"Holy shit!" I squeeled when he carried me in a bridal way! "Girlfriend ko na ito!"
Kumapit ako nang mabuti kay Austin, takot na mahulog. I can see people turning their heads in our direction. Some were clapping and cheering for us! We got the attention of many! Nakakahiya!
"Sobrang saya ko, Ylla!" Nilapit niya ang mukha niya sa akin. I know he wants a kiss, but I feel like its too early for us to do that, so I just let his lips land on my cheek. A ghost of emotion passed in his eyes. Sadness? Anger? I don't know. Nginitian ko nalang siya.
Ibinaba niya na ako at yinakap nang mabuti. "Thank you for giving me a chance, Ylla..."
Kinalas na niya ang yakap niya sa akin at hawak kamay kaming pumunta sa kotse ko.
"Wait. How about your car?" I asked, still holding his hand.
"Bumuntot ka nalang sa kotse ko. Sasamahan kita hanggang sa condo mo. 'Pag naka-park ka na saka ako aalis." I nodded. He kissed me on my forehead before he let me go inside my car.
I'm all smiles today. Nababaliw si Mira sa pagbabago ko ngayon. As her bestfriend, kinwento ko sa kanya every detail of our most memorable date.
Totoong hinintay din ako ni Austin makapasok sa basement parking ng condo bago niya ako iwan.
Birthday ng isang kaibigan ngayon ni Austin, si Bryan. Sa Carmela's ang ganap ng birthday niya. Even though it's just a walking distance from my condo, dinala ko pa rin ang kotse ko.
"Hi! Nandito na ako sa bar, hintayin kita ditong mag-park ah? Ingat!" bilin sa'kin ni Austin. Halatang nasa bar na siya dahil maingay ang background niya.
"Okay! I'll be there in ten," sabay baba ng tawag.
I finished my smokey eye make-up before putting a matte lipstick. Inayos ko ang black top ko at high waist pants. Wala ako sa mood mag-dress ngayon. Plus, I'll just gonna greet Bryan, have two or three shots then go back to my condo. May thesis pa akong tatapusin kaya kelangan kong umuwi nang maaga.
Nasa loob palang ako ng kotse at naghahanap ng mapa-parking'an ay dinig na dinig ko na ang Trap music mula sa Carmela's.
I changed the gear into park and quickly dialed Austin's number para mahanap niya ako. Bumaba na ako para masalubong niya ako sa labas.
The cold night breeze hugged me as I walk towards the bar. Liwanag lang mula sa poste at buwan ang nagsisilbing gabay ko. Sa labas palang may nagvi-vape, mga naglalampungan, at mga nagkukwentuhan.
Austin's number kept on ringing but he's still not answering. Nang makapasok na ako sa bar, lalong lumakas ang tugtugan. Kung madilim sa labas, dumilim lalo dito.
May nakita akong mga pamilyar na mukha. May mga schoolmates ko sa EAC, mga nakatira rin sa condo, at ang ilan ay mga intern sa UMC. Some of them greeted me. Ngiti lang ang iginawad ko sa kanila.
I'm here to look for my boyfriend and to greet his friend a happy birthday.
"Ylla!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko, si Shem! He's a close friend.
"Shem! Thank God nandito ka. Nakita mo ba si Austin?" I asked.
"Nakita ko sa labas. Baket?"
"Ano... We're official na," I said, shyly. His eyes widened, a bit shock, maybe because of my revelation. It's been a month since we last talk. Kelangan ko talagang ikwento rin sa kanya ang mga nangyari.
"B-basta nasa labas 'yon. Iwan na kita!" He patted my shoulders and went to the counter.
I dialed Austin's phone again nang makalabas ako. Pinagtitinginan na ako ng ibang lalaki dito sa labas, hindi ko nalang sila pinapansin.
Paikot-ikot na ako sa tapat ng Carmela's nang makarinig ako ng familiar na ringtone ng phone. I know its Austin's! Ganiyan ang ringtone ng phone niya nang tumawag Mama niya! Nilapitan ko ang tunog nang may ngiti sa labi. Dinala ako nito sa pinaka-gilid ng building nito.
My heart beat doubled again when I finally found him. Hindi dahil sa tuwa na nand'yan siya, kun'di sa labis na kalungkutan. Parang tinutusok nang ilang beses ang puso ko. My smile slowly faded in seconds. Nanginginig kong binaba ang phone ko at tinignan siya.
"Ahh... A-Austin!" The girl tried to suppress her moan pero naririnig ko pa rin ito. Even though Austin is facing the wall, I know it's him. His body-built and his signature messy hair.
Nakakapandiring tignan at masakit. Seeing Austin making out with a random girl crushed my heart into pieces. Kahit naging kami lang kagabi, masakit pa rin. I fall for him so much pero bakit niya ako ginanito?
The girl stopped moaning. She's now throwing daggers towards me. Napatigil din sa ginagawa si Austin at hinarap ako.
His lips were red because of the heated make out session with the girl. Hickeys were visible on his neck. Ang kanyang ekspresyon ay pinaghalong galit dahil binitin ko sila at takot dahil sa nahuli ko sila.
"Ylla, let me explain..." he pleaded.
Now I get it, he tried to kiss me yesternight but I let it landed on my cheeks. And now he's kissing, no, making-out with a girl just because I didn't kiss him?!
"Give me a chance, please..." he said, with teary eyes.
Chance? I already did, Austin. The day I let you become my suitor is already the chance that I gave for you. But you ruined it. Ang sakit pala.
He reached for my hands but I swat it away. No, I'm not gonna fall for you again.
I still got to check the time on my phone even though my vision started to became vague.
7:41 PM.
I bitterly smiled. Around this time, I answered him so we can be officially together. But now, wala nang dahilan para maging kami.
"Let's break-up."
"Ylla, please..."
"No! Wala nang tayo! Nang halikan mo ang babaeng 'yan wala ka nang girlfriend!!!"
Hindi ko na tinignan reaksyon niya. With teary eyes, I manage to run to my car. Napaka-bobo ko! Why did I trust so much that playboy? Dapat sinunod ko nalang talaga ang sinabi ni Mira!
Bumuhos na ang mga luha ko habang hinahampas ang driving wheel. I'm so stupid!
I heard my phone rang. It's Austin. Tinignan ko lang ang screen.
"No, Austin. It's over for us. You ruined your chance to change for a better life with me."
I declined his call.
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top