Kabanata 7
VII.
ININOM ko ang tubig na inabot ni Terrence. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Mabuti nalang, tumigil na ang mga kulog at kidlat. Tumitila na rin ang ulan.
Hindi ko lubos maisip na sa oras na mahina ako, nariyan si Terrence para palakasin ang loob ko. He's sincere whe he told me that he's here beside me---na hindi siya aalis sa tabi ko at hindi niya ako hahayaang mag-isa.
"Salamat, Terrence."
"Mind if you tell me what was that? Are you afraid of that or what?"
Tumikhim ako saka ngumiti sa kaniya. Bakit pa ako mahihiyang i-kwento sa kaniya e nakita na naman niya kung paano ako mag-react sa mga kulog at kidlat.
"Noong bata pa ako, malakas na ulan, malalakas na kulog at kidlat. May mga lalaking armado na pumasok sa bahay namin. Kami lang ng Mama ko ang naroon at..."
"You don't need to continue talking about it if you're not comfortable."
Umiling ako. "Pinatay nila si Mama..."
Naramdama ko na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano nila pinatay si Mama. Hinding hindi ko malilimutan ang mga mukha nila.
"Putangina." He hissed.
"At noong gabing iyon..."
"Keeshia, stop."
I smiled bitterly. "Hinawakan nila ako. Pinagsamantalahan nila ako..." nanginginig ang boses ko pero nagpatuloy ako. "Kung... kung hindi dumating ang Papa ko, baka na-rape na nila ako pero sariwa pa rin sa isip ko kung paano nila ako binaboy. Walong taon lang ako. Walang taon!" Hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng luha ko.
Ang sakit balikan ang mga ala-alang ibinaon ko na sa limot pero hindi maiiwasang bumalik iyon at maalala.
Naramdaman ko ang muling pagyakap sa akin ni Terrence.
"Hindi... hindi ko man lang sila naipakulong. Hindi ko man lang nawang pagbayarin sila sa ginawa nila sa akin at sa Mama ko! Wala pang dalawang araw, Papa ko naman ang pinatay nila. Mga hayop sila..."
Mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Terrence.
"I'm gonna look for those bastard and I swear to God, I'll gonna kill them."
Sa mga salitang iyon, nakahanap ako ng comfort. Comfort na hindi ko naramdaman kay Robi.
Mariin akong napapikit habang patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Ang sakit sakit. Lumaki na ako na wala akong nakamit na hustisya. Ano nga ba naman ang laban ng isang eight years old? Anong laban ko sa kanila?
Mas pinili kong ibaon sa limot ang lahat pero sa tuwing naririnig aang malalakas na kulog at kidlat, malinaw na malinaw na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari.
"Sana... sana nagka-amnesia nalang ako. Sana namatay na lang din ako. Kasi hanggang ngayon, ang hirap tanggapin."
"I will fucking promise you. Hahanapin ko ang mga gagong 'yon. I will fucking make sure that they'll end up in hell. Anong karapatan nilang hawakan ka? Anong karapatan nilang saktan ka? Putangina."
Humigpit ang yakap ko kay Terrence. Sa mga bisig niya pakiramdam ko ay ligtas ako. Pakiramdam ko, walang maaaring manakit sa akin. Pakiramdam ko, walang pwedeng umagrabyado sa akin.
Nanaig ang ingay ng bawat hikbi at iyak ko habang ipinaparamdam sa akin ni Terrence na magiging maayos din ang lahat.
Ikinalas niya ako sa pagkakayakap sa akin saka pinahid ang mga luha sa mga mata ko.
He kissed my forehead. Hindi na ako nag-abalang mag-react pa sa ginawa niya. Basta ang alam ko, masaya ako. Masaya ako dahil panatag ang kalooban ko kahit nasasaktan ako.
"Look at me. Look at this fucking face of mine, Keeshia. Ako, si Terrence Ross Palermo, nangangako na hahanapin ko ang mga lalaking sumira sa kabataan mo, sa pamilya mo at sa pagkatao mo. Gagawin ko 'to dahil hindi ikaw ang klase ng babae na dapat umiiyak. You deserve to be happy."
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero dahil sa mga salitang iyon, naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko kasabay nang paglapat ng labi ko sa labi niya.
I closed my eyes. Naramdaman kong iginalaw niya ang labi niya katulad ng paggalaw ng labi ko.
Ito ba 'yong sinasabi nilang nagiging marupok ka kapag nasa weak point ka? Pero hindi e. Nagiging marupok ako dahil sa kakaibang pagtibok ng puso ko.
Lumalim ang paghalik sa akin ni Terrence hanggang kusa akong umupo sa kandungan niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Is this lust?
Narinig ko ang pag-ungol niya. Mas dumiin ang paghalik niya sa akin habang hawak hawak ako sa bewang ko.
Ilang segundo ang lumipas pero bigla siyang tumigil. He kissed my forehead for the second time.
"No. Not today. I won't do this to you, Keeshia." Bulong niya saka ako niyakap habang nakaupo ako sa kandungan niya.
Mas lumakas ang pagtibok ng puso ko.
Si Terrence Palermo, tumanggi kahit handa na akong ibigay ang sarili ko sa kaniya. Lalo akong humanga sa kaniya. Lalong nadadagdagan ng good traits sa listahan ko tungkol sa kaniya.
"You should take a rest. May trabaho pa tayo bukas. Don't worry, I'll stay here."
Umalis ako sa kandungan niya. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya. Hala siya, baka isipin ni Terrence, mababang klase ako ng babae pero hindi ko talaga sinasadya. Parang may sariling isip ang katawan ko para gawin ito. Nakakahiya!
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Wala ng ulan pero aminado akong kinakabahan pa rin ako.
"I'll sleep here at the sofa." Sabi niya. "Go to your room and sleep."
Huminga ako ng malalim. "Uh, Tsrrence sorry. Kasi ano... ah, kasi..."
He smirked. "Hindi kita masisisi dahil malakas talaga ang kamandag ko. Pero hindi ko kayang pagsamantalahan ang kahinaan mo. You should take a rest."
Tumango ako. "Sorry, hindi na kita naipagluto ng dinner."
"Nah, it's fine. Nag-coffee ako kanina sa cafe."
So, ano pang hinihintay ko? Kailangan ko nang pumunta sa kwarto ko habang nakakapagpigil pa si Terrence.
Nakakahiya talaga.
"Goodnight, Terrence. Saka salamat. Salamat kasi narito ka."
"Yeah, may kapalit 'to. Spend your day with me tomorrow after work."
Ngumiti ako. "Iyon lang pala. Sige!"
Tinalikuran ko na siya. Grabe grabeng pagpapanggap ang ginawa ko. Kunwari walang nangyari pero jusko, muntik ko na talagang ma-isuko ang katipunera ko!
Sa susunod, talagang iiwasan ko nang umiyak nang si Terrence ang kasama ko kasi pakiramdam ko manganganib talaga ako.
Pero gayunpaman, masaya ako na hindi niya ako iniwan. Masaya ako na narito siya sa oras na mahina ako at kailangan ko ng masasandalan.
❧
NARITO na kami sa Cafe de Lucio pero napansin kong parang inaantok si Terrence. Nakatulog kaya siya kagabi? Paggising ko kasi kaninang umaga ay wala na siya sa apartment ko.
"Terrence, okay ka lang? Inaantok ka ba? Matulog ka kaya muna sa office?" Sabi ko.
"Sex tayo, mawawa 'tong antok ko, Keeshia."
Sinamaan ko siya ng tingin. Balik na naman siya sa pagiging manyak.
"Ewan ko sa 'yo." Sabi ko.
May mga pumasok na grupo ng estudyante at hayun, hinila nila si Terrence para magpa-picture. Iba talaga ang kamandag ng lalaking 'tom
Kaya nga itong puso ko, parang nanganganib na din e. Iba na e. Hindi ko na maintindihan.
Pumunta ako sa counter at nag-ayos-ayos. Hanggang sa mapatingin ako sa calendar na nakapatong sa may cashier.
AUG 25
Birthday ng pinakapoging nilalang sa mundo.
Kumunot ang noo ko. Sino namang nagsulat nito dito, oh wait? Birthday ni Terrence ngayon? At siya ang nagsulat nito, malamang, dalawa lang naman kami dito.
Hala siya, kaya pala sabi niya, gusto niyang i-spend ko ang araw ko mamaya kasama siya. Birthday naman pala!
Aha! Gagawan ko siya ng surprise.
Sobrang na-appreciate ko siya sa ginawa niya kagabi. Sobrang laking tulong ng comfort niya sa akin para gumaan ang pakiramdam ko at alam kong hindi iykn mapapalitan ng kahit anong materyal na bagay.
Tinawagan ko ang kaibigan kong si Darlin. Nagtatrabaho siyang nurse sa Sta. Monica Hospital. Nakilala ko siya noong college ako.
"O, Keeshia, anong ganap?"
"Darlin! Pwedeng favor?" Sabi ko.
"Ano na naman iyan? Uutusan mo na naman akong magpadala ng pera sa jowakers mo?"
Natawa ako. Minsan kasi, kapag hindi ako makalabas ay sa kaniya ako nakikisuyo dahil nakakalabas labas naman siya ng hospital.
"Hindi 'no! Pero gagamit ka ng pera." Sabi ko.
"Ano nga 'yon?"
"Off mo ngayon 'di ba?"
"Hindi. Pero mamayang 11 pa ng gabi ang shift ko."
"Kasi, pwede bang bilhan mo ako ng cake? Tapos ite-text ko sa iyo kung anong ilalagay? Tapos pakibili na rin ng balloon saka confetti?"
Natahimik si Darlin sa kabilang linya.
"Darlin!"
"Wait, birthday ba ni Robi? August palang ah?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "E, ano, kasi may isu-surprise lang akong kaibigan kaso nasa work pa ako at hindi ko 'to pwedeng iwanan e."
"Hay nako, babae ka. Siguraduhin mo lang na hindi para sa jowakers mong ginagawa kang sugar mommy ha?"
"Hindi nga." Sabi ko. "Ano, okay lang ba? May duplicate key ka naman ng apartment ko e."
"Oo na! Lakas mo sa akin! Pero i-chicka mo sa akin kung ano 'yan at para kanino ah? Sana new boyfie, yeee!"
"Baliw ka talaga."
"O siya, itext mo sa akin ang pangalan na ilalagay sa cake at ako na ang bahalang mag ayos sa apartment mo. Jusme, ang bait bait ko talagang friend. How to be me?"
Tumawa ako. "Oo na. Sige, bye. Thank you. Love you!"
Ibinaba ko na ang tawag pero nagitla ako dahil nasa harap ko na pala si Terrence at masama ang tingin sa akin.
"Boyfriend mong ulol?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'no!" Ay bakit, defensive yata ako.
"Then, kabit mo, Keeshia?"
"Ano bang sinasabi mo diyan?"
"Bakit ka nag love you?"
'Yung totoo, tinatanong talaga niya ako ng ganyan? Para siyang jowa ko na nagseselos e.
"Wala. Basta!" Sabi ko nalang. "Magtrabaho ka nga!"
Sinimangutan niya ako. "Wala kang utang na loob, Keeshia. Pagkatapos mo akong..."
Nanlaki ang mga mata ko. "Terrence!"
"Buti nakapagpigil ako. Kung hindi... sabog ovaries ka, Keeshia."
Ang bastos talaga ng bibig nito! "Terrence naman e!"
Ngumisi siya. "Kagabi, ako ang kahalikan mo tapos ngayon, may sinasabihan ka ng love you? Ge, Keeshia."
Tinalikuran niya ako. Hala siya? Parang baliw talaga ang lalaking 'yon! Bahala nga siya diyan.
Nagsend ako ng message kay Darlin.
To: Darlin
Pakilagay, "Happy birthday sa pinakagwapong nilalang, boxzs Terrence Palermo." Tapos pakibilisan na din ha kasi out na namin ng 8. Sunday ngayon kaya maaga ang close namin.
Nagsend na iyon.
Tumingin ako sa wall clock. Jusme, may ten minutes nalang at out na. Kumusta naman kaya si Darlin? Nagawa kaya niya agad iying pinapagawa ko?
Hindi na ako kinausap ni Terrence hanggang natapos ang oras ng trabaho. Grabe siya, kung makapagtampo akala mo bagay e.
"Terrence!"
Hindi niya ako pinansin. Inihatid pa niya sa pinto ang mga customers sabay flying kiss pa, bwisit.
"Hoy, Terrence!"
Aba, suplado. Inayos niya lang ang mga mesa.
"Uuwi na ako, bahala ka nga diyan. Suplado! Ikaw na ang magsara ng cafe ha, bahala ka talaga." Sabi ko habang tinatanggal ang apron ko.
Pumasok ako sa office pero narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kasunod ko siya kaya hinarap ko siya.
"Hindi mo p---"
Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako habang dahan dahan na isinandal ako sa pader.
Napalunok ako at tumugon sa kaniya. Ipinikit ko pa ang mga mata ko habang ninanamnam ang labi niya.
Bakit, bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng pangamba na ginagawa namin ito kahit walang kami? Ginagawa namin ito kahit may boyfriend ako. Ginagawa namin ito kahit bawal.
Tinitigan niya ako sa mga mata ko.
"Sorry but I think, you need to prepare for yourself."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"I'm gonna kiss you everyday until you fell in love with me. I will make you fall for me, Keeshia."
Nanlaki ang mga mata ko nang muli niya akong halikan. Bakit hindi ako makatanggi? Hindi ko na talaga kayang intindihin ang sarili ko.
"Bakit..."
"I'm starting to like you, and there's no turning back."
Sa mga katagang iyon, bumigay ako sa mapusok niyang halik.
Tumigil siya pero magkadikit ang mga noo namin. "What can you say about it?"
Wala ako sa sarili ko. Wala akong masabi. Wala akong maisip.
"H-Happy birthday."
Bakit iyon ang nasabi ko?!
In instant, he smiled at me. "You gave me reason again to like you more. Damn it."
Again, he kissed me. And I hate myself because I like it. Nagtataksil na ba ako sa boydriend ko? Nahihibang na ba ako? Hindi ko na alam.
❧
Wanna read your reactions!
Twitter @heyitsmejewell
Facebook: Pinky Jhewelii
Instagram: pinkyjhewel
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top