Kabanata 28
XXX.
"FUCK, I told you, it's hard for me to trust that guy. Hindi ko siya kilala and I know our family has connection but I don't fucking know. Mabigat ang loob ko sa Abellano na 'yon."
Huminga ako ng malalim. Hindi ko talaga mapapayag si Terrence na sumama kay Rance. Pagkatapos nang nangyari kahapon ay hindi pa rin siya maka-move-on. Nahihiya rin naman ako kay Rance kaya nga agad ko rin siyang tinawagan kagabi at sabi niya, ngayon nalang daw kami magkita. Pinadala na nga lang niya dito sa apartment ko ang isusuot kong simpleng dress saka stiletto para dadaanan nalang niya ako rito mamaya.
Pero heto nga at daig pa ni Terrence ang batang nagta-tantrums. Para tuloy kaming may label na relasyon dahil parang kailangan ko pa ng approval niya sa lakad ko.
"Ilang beses ko na namang ipinaliwanag 'di ba? Magpapanggap lang naman ako kapag iniharap niya ako sa lolo niya. Hindi namin kailangang gawin ang mga ginagawa ng totoong couple. Terrence naman e, nakakahiya sa tao."
"Tangina."
Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Damn, it's not like that. It's just..."
"Ano? Ano ba kasing pinuputok ng butsi mo?"
"You might fall for him. At ang Abellano na 'yon, hindi malabong magustuhan ka. You're such an angel, Keeshia. Sinong hindi magkakagusto sa 'yo?"
Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Grabe namang papuri iyon mula aa isang Terrence Palermo. Alam ko naman aa sarili kong hindi ako ganoon kaganda at ka-sexy para maging ideal woman ng mga lalaking tulad nila. Masyado silang gwapo para sa akin.
"Terrence."
"I maybe over reacting. Hell yes, wala tayong label, Keeshia. But I already told you, inangkin na kita. I'm starting to court you para magkaroon pa rin ng process ang pagsagot mo sa akin kahit alam kong sasagutin mo naman ako."
Ang taas ng confidence niya sa part na iyon pero hindi ko naman siya masisisi dahil nga umamin na ako na gustung gusto ko siya.
"Kaya nga e. Tulad ng sinabi mo, inangkin mo na ako at confident ka naman na sasagutin kita kaya bakit mo iisipin na maaagaw ako ni Rance? Saka as if din naman na type ako no'n. Nagkataon lang talaga na tinulungan niya ako at kailangan kong gawin ang hiling niya."
Kitang kita ang frustrations sa mukha niya.
"You'll update me while with him?"
Tumango ako.
"You'll answer my calls any fucking time."
Muli akong tumango.
"You'll be honest with me whatever happens with him. Even by fucking accident."
Sa ikatlong pagkakataon, tumango ako.
"Come here."
Parang may sariling isip ang mga paa kong lumapit kay Terrence. Nakaupo siya sa sofa saka niya ako hinili dahilan para mapa-upo ako sa kandungan niya.
"You're mine, Keeshia."
Napalunok ako. Ilang beses na niyang sinasabi iyon pero ang lakas lakas pa rin ng epekto sa akin. Isa pa, parang hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sa isang iglap, heto at para kaming okay na okay ni Terrence sa isa't isa samantalang dati lang, ayaw na ayaw kong maoapalapit sa kaniya.
Buhay nga naman, hindi mo masasabi ang mga mangyayari.
"Keeshia."
"Hm?"
"Kiss me."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bakit sa tuwing sasabihin niya iyan ay kailangan niyang mag-pout?! Oo, aaminin ko, hindi lang siya basta gwapo, ang cute niya sa part na iyon.
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya saka sinunod ang gusto niya.
Lumapat ang labi ko sa labi niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming naghahalikan pero hindi ko maipagkakailang gusto ko ang mga iyon.
Ang mahalikan ng isang Terremce Palermo, pakiramdam ko ay nasa isang lugar ako na puno ng matatamis na marshmallow.
♔
HINDI ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Rance. Napakatahimik namin pareho habang nagmamaneho siya paounta sa mansyon nila.
Dinaanan niya ako kanina sa apartment ko. Parang ewan pa si Terrence na nagpipigil na sundan ako. Sinabihan ko talaga siyang magagalit ako kapag sumunod na naman siya.
Suot ko ang bigay ni Rance na dress at stiletto. Naglagay lang ako ng kaunting make up sa mukha saka ko inilugay ang buhok ko. Gusto ko pa ring magmukhang simple.
"My... grandfather is not really friendly but he's kind." Panimula ni Rance.
Tumango-tango ako. "May kailangan ba akong sabihin sa kanila tulad nang saan kita nakilala?"
"If he ask you, then just answer him that you met me at one of my photoshoots."
Kumunot ang noo ko. "Photoshoot?"
"Ah, you didn't know me, right? I'm a model."
Nasa itsura naman niya e. Akala ko pa nga ay artista siya.
"Sige."
"Let's tell them that we started as friends until we fall for each other."
Tumango lamang ako. Akalain mong nangyayari pala sa totoong buhay ang ganito. Akala ko ay sa mga napapanood ko lang na drama sa TV.
"My parents are kind, so you don't have to worry about that. I just want to remind you that my father loves to curse. Yeah, para hindi ka na magulat kung marinig mo man siyang magmura."
Alanganin akong ngumiti. May ganoon pala? Mabait pero mahilig magmura, ah oo, parang si Terrence palaging may word na fucking ang sinasabi pero kapag galit lang naman siya.
"While we are on our way, I want to tell you some thinga about me in case my family ask you about me. Hell yes, to prove that you really know me."
Sabagay, oo nga naman. Paano nalang kung tanungin nila ako, e wala naman akong alam tungkol sa kaniya.
"Rance Yul Abellano. That's my full name. I graduated Business Management at Shinwoo University."
Nakinig lamang ako sa kaniya. Kailangan kong tandaan ang mga sinasabi niya.
"I was a basketball varsity from highschool to college."
Inilabad ko ang phone ko saka nagpunta sa memo pad para i-take down list ang mga sinasabi niya. Tiningnan naman niya ako saka nagpatuloy.
"I used to be a hapoy go lucky guy. Hindi mo aakalaing masayahing bata ako noon. I was cheerful at maraming kalokohan but things changed while growing up."
Ganoon naman ang mga lalaki e. Karamihan maloko talaga noong mga binata pero habang tunatanda, nauiging seryoso na sa buhay.
"This is a dark secret and I'm willing to tell this to you. My family might ask you this since you're my girlfriend, you should know about it."
Kinabahan naman ako bigla. Dark secret?
"I almost killed someone when I was seventeen."
Nanlaki ang mga mata ko.
"That's when I started to be this kind of a serious guy."
"Anong ibig mong sabihin? Alam kong wala ako sa posisyon na magtanong pero..."
"You have the rights to ask me because you'll be my pretend girlfriend."
Inihanda ko ang sarili ko.
"Someone raped my sister. And I fucking haunt them and almost killed those people who are involved. But things got worst because I still can't find the guy who did it until now."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Ayoko nang halungkatin iyon dahil nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Ang lakas bugla ng dagundong sa dibdib ko. Kitang kita ang galit na dinadala niya.
"Ah, ano..."
"You must be shock. That's it. I just want you to know about it because there's a possibility that they ask you about it. All of my past girlfriends, my family always told me to be true to myself. They want me to be honest with my girlfriend whatever past I have. So I can see who can accept me despite of those."
Hindi ko alam kung matatakot ako o maaaawa kay Rance. Minsan talaga, hindi mo mahahalata sa itsura ng isang tao na may mabigat silang dinadala sa dibdib nila.
"Noted, Rance. Huwag kang mag-alala, tanda ko lahat ng sinabi mo at gagawin ko ang best ko para hindi magkamali mamaya sa harap ng pamilya mo." Sabi ko.
"Thanks, anyway."
"Saka, huwag kang mag-alala, hindi ko naman ilalabas iyong dark secret mo. Lahat ng tao may dinadalang bigat sa dibdib nila." Sabi ko.
Kahit ako, mukha lang akong normal na babae na masayang nagta-trabaho, pero sa loob loob ko ay may nakaraan akong dinadala sa dibdib ko.
"We're almost there." Aniya. "Anyway, I want to warn you."
Kumunot ang noo ko.
"I have niece and nephew."
O tapos? Ano naman kaya kung may mga pamngkin siya?
"They are not normal as you think. They are kind of yeah, bully and genius, something like that. Baka mapag-trip-an ka nila. And their choice of words, para hindi ka na magulat."
Jusme, mukhang mapapasabak ako hindi lang sa pamilya kundi pati pamangkin? Anong klaseng pamilya kaya meron sila at anong mga personality nila at palaging may babala si Rance?
"We're here."
Halos mapanganga ako nang makita ko ang malaking mansyon nang ipasok ni Rance ang kotse sa loob ng malaking gate. Nakakita na ako ng mansyon tulad ng kina Mrs. Palermo pero iba ang kinalaki nito. Gaano kaya sila kayaman? Nakakalula sa laki!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top