Kabanata 25

XXV.

MATATAWA ba ako sa reaksyon ni Terrence? Nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

May bago naman talaga akong boyfriend. Pero one week lang naman.

"Don't fucking tell me that you were fucking cheating on that asshole?!"

Sanay na talaga sa mga mura niya.

"Kay Robi?" Tanong ko.

"Hell yeah! You fucking had a new boyfriend. Seriously, Keeshia?! And you wanted to have sex with me?"

Napangiti ako. Ngayon ko lang naramdaman iyong ganito. Parang naiinis siya na hindi ko maintindihan and swear, natutuwa ako.

Dati, pinipigilan ko ang sarili kong matuwa kay Terrence lalo na aa pinapakita niya dahil palaging pakiramdam ko, nagtataksil ako kay Robi. Pero ngayon, malaya na ako. Malaya na akong ilabas at ipakita ang totoong nararamdaman ko.

"See, fuck that smile, Keeshia."

"Galit na galit. Gustong manakit?" Pang-aasar ko. Nakikita ko lang sa facebook ang linyang iyan.

"Yeah." Sagot niya. "I'm fucking mad right now that I want to fucking take you to bed so you can't escape from me, anymore."

Galit na nga.

"Bakit ka ba nagagalit?"

"You're asking me that, Keeshia?! You were fucking in pain, drowning yourself to alcohol tapos sasabihin mong may new boyfriend ka na? Are you kidding me?!"

"Seryoso ako." Sabi ko saka uminom ng beer.

Hindi ko rin naman kayang tanggihan na si Rance pagkatapos ng naitulong niya sa akin. Isama pa iyong ibinayad niya kay Robi.

"Who the fuck is your new boyfriend??

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Bakit ka kasi nagagalit nga?"

"I'm jealous. Can't you see, Keeshia? Inaagaw kita sa gago mong ex. Lumayo ako sa 'yo dahil naging tanga ka sa kaniya at ngayong natauhan ka na, I admit, I'm fucking happy but hell, may kasunod agad?!"

"Kasi..."

"Tell me who is it."

Napalunok ako. Maiintindihan naman siguro ni Terrence. May dahilan naman e. Saka teka nga, hindi ko naman siya boyfriend para humingi ng approval niya.

"Rance Abellano." Sabi ko.

"Putangina katunog pa ng pangalan ko. Bakit hindi ako, Keeshia?"

Napansin ko ang tampo sa mga mata niya.

"Where did you met him?"

"Sa cafe de lucio."

Doon naman talaga dahil siya ang nagligtas ng buhay ko.

"Great. Kailan pa, Keeshia?!"

Galit talaga siya. Napakaseryoso ng mukha niya.

"Kahapon... or noong isang araw."

"Fuck." Napatayo siya hawak ang canned beer saka tinungga iyon. "That's why you stopped being a martyr to your asshole ex boyfriend because you got a new one?!"

Huminga ako ng malalim.

"Terrence, hayaan mo muna akong ipaliwanag ang lahat. Maupo ka nga. Saka huwag kang galit na galit diyan." Sabi ko.

Kapag talaga amy espiritu ng alak sa katawan, mas dumadaldal tayo at hindi na tayo nahihiyang makipag usap.

"Are you serious? Huwag magalit? I'll fucking find that guy."

"One week ko lang siyang magiging boyfriend." Panimula ko.

"Hell, Keeshia. One week?!"

Tumango ako. "Iyong araw na nagpunta kayo ni Miss Empress sa cafe, umulan no'n. Hindi ko alam kung maaalala mo pero... malalakas na kulog at naroon pa ako sa cafe, alam mo naman ang nangyayari sa akin. I almost die because of fear. Nanikip ang dibdib ko na parang hindi na ako makahinga hanggang mawalan ako ng malay. Paggising ko, nasa ospital na ako kasama si Rance Abellano."

"I can't understand."

"Noong gabing iyon, nakita niya ako sa cafe at dinala ako sa hospital. Utang na loob ko sa kaniya ang buhay ko, Terrence. Kung hindi niya ako sinagip no'n, baka wala na ako ngayon."

He looked serious. "Sorry."

"Bakit?"

"I wasn't there. Ako dapat 'yon, Keeshia."

Alam kong bastos ang bibig ni Terrence. Puro sex ang nasa isip at bulgar talaga ang mga words niya pero isa siya sa pinaka-sincere na tao na nakilala ko. Siya rin iyong taong aalagaan ka.

Kaya nga ang tanga tanga ko na piliin si Robi kesa kaniya. Binalewala ko 'yung nararamdaman niya para sa akin. Naging indenial ako sa nararamdaman ko dahil lang ayokong masira ang relasyon namin ni Robi.

"Tapos na iyon, Terrence. At 'yon nga, dahil utang na loob ko ang buhay ko sa kaniya, iyon ang hiningi niyang kapalit ng pagtulong niya sa akin. Magpanggap na girlfriend niya for one week. Ang sabi niya, uuwi ang Lolo niya at kailangang may maipakilala siya dahil kung wala, arranged marriage ang bagsak niya."

Ngumisi si Terrence. "Fuck, this is crazy."

"At... doon ko nalaman na nagpaalam siya kay Robi dahil tumawag siya sa phone ko. Si Rance ang nakasagot at nalaman niyang may boyfriend ko. Alam mo bang pumayag si Robi kapalit ng hundred thousand."

"What the fuck?!"

"Iyon na iyong huling kagagahan ko. Nagising ako sa katotohanang hindi ako mahal ni Robi. Hundred thousand lang pala ang katumbas ko."

"No, you're fucking worth nor million or billion. Hindi ka bagay para ipagpalit sa pera, Keeshia."

Ngumiti ako. "Kaya nga natauhan ako. Tinawagan pa ako ni Robi at sinabi sa akin na binataan lang ni Rance ang buhay niya kaya hindi niya ako mapuntahan. Huwag daw muna kami magkikita pero ang totoo, nagpalasarap siya kasama ang babae niya sa perang ibinayad ni Rance."

"Putangina, mukhang pera talaga ang gago. See? I told you. He fucking made you a sugar mom."

"Oo na. Natauhan na nga ako." Sabi ko.

"But wait, one week, but hell... I want to talk to him. Man to man."

"Ha? Bakit?"

"Keeshia, I won't let you do that one week girlfriend contract without any rules. I'll talk to him and fucking show him who's your real man."

"Hindi naman kita boyfriend, Terrence!"

"I don't need to be your boyfriend to be your man, Keeshia."

Tumungga siya ng alak. Hindi na ako nakasagot. Itsura palang niya, desidido na siyang kausapin si Rance.

"Keeshia..."

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko 'to nagagawa noon dahil palaging may pag-aalinlangan sa dibdib ko dahil kay Robi.

"I fucking like you."

Napalunok ako. Napaka-vocal niya sa nararamdaman niya.

"And now that you're fucking single, expect me to be here everyday, and yeah, kiss you every fucking minute and take care of you. Got it?"

Ang puso ko... tumitibok na naman dahil sa sinabi niyang iyon. Noon, palagi kong itinatanggi sa sarili ko ang nararamdaman ko. Pinagsisiksikan ko sa isip ko na si Robi ang mahal ko pero hindi ko napapansin na unti unti ko na palang nagugustuhan si Terrence.

Sino bang hindi mahuhulog kay Terrence? Mula nang makilala ko siya, pinaramdam niya sa akin ang halaga ko bilang babae. Inaalagaan niya ako at palagi siyang nariyan para sa akin. Hindi naman dyosa ang kagandahan ko pero pakiramdam ko, napakaganda ko dahil ang isang Terrence Palermo, nagkagusto sa akin.

"I won't let that fucking asshole come near you. I think, I have the rights, now?"

Nakatingin lang ako kay Terrence. Mali ba na kanina lang, nasasaktan ako ng sobra kay Robi, pero ngayon, saya na ang nararamdaman ko dahil kay Terrence?

Dapat ko rin bang bigyan ng chance ang sarili ko na sundin ang nararamdaman ko?

Hindi ba masamang tingnan na kakahiwalay lang bamin ni Robi, hindi pa nga niya alam, tapos aamin na agad ako kay Terrence?

"You're spacing out, Keeshia? Hey, I know I'm fucking handsome. Staring is rude. But wih you, I like it."

Napangiti ako. Hindi ko maialis ang pagtitig ko sa mukha niya. Ang mukhang 'yan... siya ang palaging narito para sa akin.

Kailangan kong tanggapin ang katotohanan na noon pa man, kahit kami pa ni Robi, may nararamdaman na ako para kay Terrence.

Siya iyong lalaking hindi mo gugustuhing maging boyfriend dahil bastos, manyak at maraming kalokohan pero sa likod niyon, isa siya sa mga ideal boyfriend na aalagaan ka, papahalagan ka at mamahalin ka.

"Terrence."

"Damn, pinapakaba mo ako, Keeshia. Are you going to cry again? Are you mesmerizing with your memories with your asshole ex boyfriend? Really Keeshia? You're with me. Don't fucking think about him or els---"

"Gusto kita, Terrence. Gustung-gusto kita."

Bumagsak ang hawak niyang canned beer. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Fucking... hell."

PABALIK-BALIK ang tingin ko kay Terrence dahil pabalik balik din siya sa paglalakad dito sa salas. Para siyang hindi mapakali na hindi maintindihan.

Ang pula ng mukha niya pero sa tingin ko ay dahil iyon sa nainom nyang alak.

"Terrence."

"Don't... just don't talk to me for a while."

Kumunot ang noo ko. Seryosong seryoso ang mukha niya. Ano bang nangyayari sa kaniya.

Uminom nalang ako ng beer habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Para siyang nag-iisip habang pabalik balik sa paglalakad. Ano ba kasing iniisip niya?

"I... you know... oh fuck."

"Ano ba 'yon?" Tanong ko. Naiinip na ako at nahihilo sa ginagawa niya. Lalo tuloy akong nalalasing. Humupa na kanina ang mga nainom ko sa bar pero heto na naman.

Tumigil siya. Nakatingin siya sa mga mata ko.

"I k-know I'm fucking handsome and hot, and yeah... but... hell, what was that..."

Nagbuhat pa ng sariling bangko. Ano bang pinupunto niya?

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang gusto niyang ipahiwatig.

"You know... I can change... and, fuck yeah..."

Ito lang yata ang unang pagkakataon na makita ko aiyang ganyan. Ang isang Terrence Palermo nauutal? Ano bang gusto niyang iparating?!

"Keeshia..."

"Ano?"

"Look, ah.. yeah, I'm fucking shy right now. I don't know why the hell I am acting like this. It's just that... kinikilig ako putangina."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Kanina pa siya ganyan tapos 'yon lang pala, kinikilig siya?

Si Terrence Palermo kinikilig? At ganito pala siya kiligin? Nagiging behave siya at mahiyain.

"Matulog ka na." Sabi ko nalang saka tumayo na. Muntik pa akong matumba dahil napagyewang ako. Mas nakakahilo pala kapag tumayo.

Papunta na ako sa kwarto ko nang hilahin ako ni Terrence sa braso ko. Napaharap tuloy ako sa kaniya at napahawak sa dibdib niya. Oo na, matigas.

"You just told me you like me, then you'll fucking run?"

"Hindi naman ako tumakbo ah." Ngumuso ako.

"Fuck your lips. Don't pout." Aniya. "You're about to walk out. Seriously, Keeshia?"

"Ano na naman ba? Inaantok na ako saka nahihilo." Reklamo ko. Hindi naman ako malakas uminom kaya ang bigat ng epekto sa akin ng mga nainom ko mula pa kanina sa bar.

Nakatingala ako sa kaniya habang nakahawak pa rin ang mga kamay ko sa dibdib niya. Ang laki ng tangkad niya sa akin. Isa pa, hapit na hapit kasi ang hawak niya sa bewang ko at magkadikit ang mga katawan namin.

"You fucking told me you like me, so much." Huminga siya ng malalim. "You fucking throw a bomb, Keeshia."

"Wala akong hawak na bomba. Inaantok na ako." Sabi ko. Inaantok na talaga ako dahil sa pagkahilo.

Ngumisi siya. "Damn, cute."

Ayoko na sana intindihin ang sinasabi niya. Ayoko na ring tingnan ang mukha niya dhail inaamin ko, lalo kong napapatunayan sa sarili ko na gusto ko nga talaga siya.

"Terrence, bitaw na."

"No."

"Nahihilo na nga ako at inaantok. Ang kulit mo naman e."

"After what you said, do you think I can sleep in peace? Hell no, Keeshia. Binulabog mo ang sistema ko and all I want to do right now is this."

Titingnan ko palang sana ulit siya s amukha nang itunghay niya ang mukha ko gamit ang kamay niya saka tumungo sa akin upang abutin ang labi ko.

Hinalikan niya ako. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko at ninamnam ang halik niya. Gusto ko nang ikahiya ang sarili ko dahil kanina lang brokenhearted ako, tapos ang sunod kong ginawa ay ayain si Terrence na i-kama ako. Hindi ko tuloy alam kung brokenhearted ba talaga ako.

Nasaktan ba talaga ako dahil mahal na mahal ko si Robi? O ansaktan lang ako dahil nakatatak na sa isip ko na siya ang mapapangasawa ko?

Para kasing ang dali nalang sakin ngayon na gawin ang ganitong bagay. Nakikipaghalikan ako kay Terrence. Not once, not twice at lalong not thrice dahil maraming beses na mula kanina. Pinapayagan ko siya, tinutugon ko ang bawat halik niya na para bang wala akong dinadalang bigat sa puso ko.

Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa batok ni Terrence. Umamin na ako sa kaniya. Natuwa siya sa confession ko at kinilig pa nga siya. Sisirain ko ba ang moment niya? Isa pa, aminin ko man o hindi, gusto ko ang mga halik niya. He's a good kisser at kahit sino, mababaliw kay Terremce kapag natikman ang labi niya.

Mas idinikit ni Terrence ang katawan niya sa akin. May nararamdaman akong matigas sa bandang... puson ko.

Pakiramdam ko ay bigla akong nag-iinit. Habang tumatagal at nagiging mapusok ang bawat paghalik niya.

Marahan niyang kinagat ang labi ko saka dinilaan iyon. Napasabunot ako sa buhok niya mula sa likod.

Inilayo niya ang labi niya sa labi ko. Magkadikit ang mga noo namin. Nakatitig siya sa mga mata ko habang kapwa kami hinihingal.

"Keeshia..."

"Baliw na ako, Terrence. Baliw na ako dahil nagagawa ko 'to sa likod ni Robi. Wala pa kaming closure..."

"Shut the fuck up. Don't fucking mention his name. It's just the two of us, Keeshia."

Muli niyang dinampian ng halik ang labi ko, ang tungki ng ilong ko at ang noo ko.

"Terrence." Sambit ko.

"Yeah."

"Halikan mo pa ako."

Baliw na talaga ako. Anong nasa isip ko para sabihin 'yon?! Nahihibang na nga talaga ako. Wala na ako sa katinuan.

Walang sabi sabing binuhat ako ni Terrence na parang bridal style saka ako ipinasok sa kwarto ko. Inihiga niya ako sa kama.

Topless pa rin siya at lalo siyang naging hot sa paningin ko.

"I still respect you, Keeshia. As much as I wanted to fucking take you here, I won't."

Napangiti ako sa sinabi niya. Siya 'yung klase ng lalaki na bastos pero gentleman. Sa salita lang talaga siya bastos pero sa kilos, hindi.

"So... for now, we can just... well, you want  more kisses and I'll give it to you."

Pumaibabaw siya sa akin. Mas naramdaman ko iyong parang matigas sa baba niya na tumutusok sa akin. Napalunok ako. Iba kasi ang pakiramdam. Parang... nag-iinit ako lalo.

Siniil niya akong muli ng halik. Tumugon ako. Gumalaw ang mga kamay niya sa dibdib ko. Napaliyad ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang tiisin ang nararamdaman ko. Ang init init na. Hindi ko alam kung paano maaalis 'to.

"Terrence..."

"No." Agad niyang sagot.

Sa klase ng pagkilos ko, mukhang gets na niya ang gusto kong ipahiwatig. Malandi na ba ako sa lagay na 'to? Gusto kong maramdaman si Terrence. Gusto ko...

Wala na akong pakialam sa susunod na mangyayari basta ang tanging nararamdaman ko lang ngayon, gusto ko siya.

"Please..." kahibangan na ang pagmamakaawa pero sasabog na ako. Mababaliw ako sa nararamdaman kong init sa katawan ko.

"Fucking no." Mabigat ang paghinga niya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, pababa sa dibdib ko.

Ayaw niya pero dahil sa ginagawa niya, lalo akong nababaliw.

"Terrence, please!" Halos mapasigaw na ako nang bigla sakupin ng bibig niya ang dibdib ko.

Pagkatapos niyang pudpurin ng halik ang dibdib ko at bumalik siya sa leeg ko pataas sa mukha ko.

"No. No." Aniya.

Alam kong pinipigilan nalang din niya ang sarili niya.

"Please."

"Fuck, Keeshia. No."

Mas naramdaman ko ang matigas sa baba niya. Pinipigilan nalang niya ang sarili niya. At ako, desidido na ako. Mula pa noong una ko siya ayain kanina, sigurado na akong gusto kong ibigay ang sarili ko sa kaniya.

"Terrence... gustung gusto kita..."

"Fucking hell."

Mabilis niyang pinunit ang suot kong short. Nang-babaga ang mga tingin niya sa akin.

"I said no..."

Saka niya mabilis na napunit ang underwear ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iym.

"...but you're pushing me."

Napalunok ako. Gagawin na ba namin? Bumigay na ba siya sa pamimilit ko?

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tabggalin na niya ang butones ng panta niya saka ibinaba ang zipper niyon.

Confirmed.

"I want to fucking... hell, Keeshia. Just telling me you like me, I want to fucking own you."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Handa na ako 'di ba? Desidido na ako 'di ba? Bakit kinakabahan ako ng ganito.

Virgin ako pero hindi naman ako mangmang pagdating sa sex. Hindi ko pa nga lang alam ang pakiramdam. Totoo bang, maaalis niyon ang init na nararamdaman ko? Iyong kakaibang pakiramdam sa bandang puson ko na parang sasabog?

Nang sa wakas ay natanggal niya ang pantalon niya, nanatili siyang suot ang boxer niya.

"Last." Aniya. "I'll still give you a chance to back out." Dugtong niya.

Ngayon pa ba?

Umiling ako. "Gustung-gusto kita, Terrence."

"Fuck, that's the magic word."

Tinanggal niya ang huling saplot sa katawan niya at ngayo'y kapwa kami hubad.

Muli akong napalunok. Gusto kong titigan ang katawan niya alam kong namumula ang mga pisngi ko. Ayokong tingnan ang... babang bahagi ng katawan niya.

"Say it again, Keeshia."

Idinikit niya ang jatawan niya sa akin. Naramdaman ko ang pagkalalaki niya sa bandang ano ko... at doon, mas sumiklan ang apoy na nararamdaman ko.

"Gustung-gusto kita."

Sa isang iglap ay napahigpit ang hawak ko sa nedsheet ng kama. At tanging nararamdaman ko ay ang kabuuan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top