Kabanata 23

XXIII.

WAALA na akong pakiam kung ano man ang gawin ko. Hinayaan ko ang sarili ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sa tinagal tagal namin ni Robi, nagkaroon na ako ng hinala, napaisip na baka nga pineperahan niya lang ako pero lahat 'yon binalewala ko. Nagtiwala pa rin ako sa kaniya.

Pero ngayon...

Sinampal ako ng katotohanan. Pera nalang ang dahilan kaya pala tumagal kami. Noong una, alam kong minahal niya ako. Ramdam ko 'yon pero hindi ko akalaing may expiration date iyon. Masyado akong naniwala sa happily ever after. Akala ko katulad ng ibang relasyon, aabot din kami hanggang huli.

Tama na ang kahibangan. Tama na ang katangahan. Tama na ang pagiging martyr ko. Tama na.

"Keeshia."

Muli kong sinakop ang labi ni Terrence. Pinipigilan niya ako pero hindi ako magpapatalo. Gusto kong angkinin niya ako. Gusto kong gawin niya ang gusto niya. Gusto kong sirain ang buhay ko ngayon. Gusto kong makalimot kahit sandali.

Maya maya pa ay muli siyang tumugon. Hinapit niya ang bewang ko saka isinandal sa kotse niya.

Ramdam ko ang init ng katawan niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit gustung gusto ko na mahawakan siya? Gusto ko ang mga halik niya. Dahil ba 'to sa kalasingan?

"Enough." Aniya. Matalim ang tingin niya sa mga mata ko. "You're fucking drunk, Keeshia."

Hinila niya ako pero nagpumiglas ako. "Gusto mo ako 'di ba? Palagi mo akong niyayang makipagsex sa 'yo. Ngayon binibigay ko na sa 'yo. Gawin mo lahat ng gusto mo, Terrence!"

Napahagulhol ako. Ang sakit sakit ng puso ko. Pakiramdam ko ay sinayang ko ang buhay ko kay Robi. Ang lakas pa ng loob kong ipamukha kay Terrence na mali siya ng tingin kay Robi. Tama pala siya.

"Nakalimutan mo din ba? I don't do sex with weak women. I don't need to fucking take advantage of your weakness! Get hold of yourself because you're fucking going home, Keeshia."

Hinigit niya ako saka pilit na isinakay sa kotse niya. Wala na akong nagawa dahil annaghihina na rin ang mga tuhod ko. Parang lugmok na lugmok ako. Para bang wala akong lakas sa lahay ng bagay. Parang nawalan ng patutunguhan ang buhay ko.

Dati, palagi kong iniisip ang future namin ni Robi. Pero wala na...

Hindi ko na kailangan pang kausapin siya at isumbat sa kaniya ang ginawa niya. Sawa na akong makinig sa mga kasinungalingan niya. Sawa na akong maging tanga sa harap niya.

"I know you're in pain right now but fuck, Keeshia, don't be too harsh to yourself."

Ngumisi ako. "Harsh? Mataggal na akong naging harsh sa sarili ko. Hinayaan kong gaguhin ako ng taong iniisip kong mapapangasawa ko. Hinayaan ko siyang paulit ulit akong lokohin."

"That's why fairy tales isn't real." Aniya habang nagda-drive. "You don't dream of a happy ending, Keeshia. You do it."

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Ang nasa isip ko lang ngayon, ibigay ang sarili ko kay Terrence, hindi lang para makalimot kundi para maparamdam ko sa sarili ko na once in a lifetime, makagawa ako ng napakalaking kasalanan habang kami pa ni Robi. Gusto kong ipamukha iyon sa kaniya. Gusto kong malaman niya na hindi lang siya ang nagloko kundi ako rin. Husto kong maapakan ang pride niya bilang lalaki. Gusto---

Natigilan ako sa pagiisip nang hawakan ni Terrence ang isang kamay ko habang nagmamaneho pa rin siya.

"I'm here."

Sa simpleng salita niyang iyon, nawala ang bigat sa dibdib ko.

"I told you. Hangga't ang gago na 'yon pa rin ang pinipili mo, hindi na kita papakialamanan. But now, I'm fucking sure you won't choose him anymore. Am I right?"

"Make love to me."

"Shut the fuck up, Keeshia. I won't do that."

"Gusto mo 'yun." Patuloy ko.

"Stop it. Do you expect me to make love at you while you're fucking crying in pain thinking about what that asshole did to you?! Hell, Keeshia. Hindi ako masasarapan."

The usual him.

"When you're fine, then hell yes, I'll take you to bed and I'l make sure you'll stay with me until you're sore."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Parang nawala tuloy ang epekto ng alak sa utak ko.

"Cheer up. I don't want to see you in pain because of that asshole. I prefer to see you crying in pleasure."

He'a back. Siya na ulit ang playful na Terrence. Maayos na ba kami?

"Kung ganoon bakit hindi mo pa ipatikim iyang pleasure na sinasabi mo?" Sjnubukan kong sakyan ang kalokohan niya.

At least, kahit papaano ay gunagaan ang loob ko. Terrence is something...

"Don't provoke me, Keeshia. I'm weak."

Natawa ako. Hindi ko akalaing sa nangyari sa akin, nagawa pa niya akong mapatawa.

"Now you're laughing."

"Terrence, hindi ko alam kung tama ba na ikaw ang kaharap ko ngayon. Palagi nalang ikaw ang nariyan tuwing nasasaktan ako kay Robi. Ikaw 'yung palaging nagsasalba sa puso ko. Hindi ko akalaing dadating sa punto na lugmok na lugmok ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at pakiramdam ko nag-iisa nalang ako, nariyan ma. Dumadating ka."

Pinahid ko ang luha ko.

"I hate you for always choosing him. You don't know how much I stop myself from caring about you dahil gusto kong panindigan na wala na akong pakialam sa 'yo. But seeing you devastated, crying... mababaliw ako, Keeshia. Mababaliw ako kapag hinayaan kita kaya heto na naman ako, naghahabol sa 'yo."

Ngumiti ako. "Kung dati tinataboy kita, ngayon, wala na sa isip ko iyon. Ang nasa isip ko lang nang makita kita kanina... ay makasama ka sa kama. Baliw na nga yata ako para isipin 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko ma rin alam ang iisipin ko kaya gusto kong gumawa ng bagay na ganoon para makalimot. Kahit panandalian lang..."

"Malibog ako, Keeshia. Alam mo 'yan. Sex is my fucking style. But I told you, hidni ako nakikipag-sex sa mga brokenhearted."

Tumango-tango ako.

"Pero ngayon, since you started it and you fucking gave me a boner, I need to release it by just... yeah, we'll do the kissing."

Hindi na ako nakapagsalita nang itigil niya ang sasakyan saka niya ako hinapit at hinalikan.

Wala akong makapang pag-aalinlangan sa puso ko. Gusto ko ang ginagawa niya at sa tuwing kumalapat ang labi niya sa labi ko, pakiramdam ko walang dinadalang mabigat ang puso ko.

"And this..." aniya saka ako napaliyad sa pagkakaupo ko nang hawakan niya ang dibdib ko.

Hindi ako tumanggi. Hindi na dahil lasing ako at gusto kong makalimot kundi dahil oo, gumana na sa akin ang kamandag ni Terrence Palermo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top