Kabanata 15
XV.
HINDI ko alam kung matatawa ako kay Terrence o ano. Paano ba naman, akala mo model habang nakatayo kami rito sa abangan ng jeep papunta sa cafe de lucio. Pinagtitinginan tuloy siya rito na parang artista. Mukha pa siyang tanga dahil iyong mga dumadaan na babaeng estudyante na halatang kinikilig ay kinakawayan pa niya.
"Terrence."
"Yea, babe?"
Hinayaan ko nalang siyang tawagin ako sa kung anong gusto niya dahil nananawa na akong suwayin siya.
"Dito ka. Tuturuan kita kung paano sumakay ng jeep."
"What the fuck, Keeshia. Ginawa mo naman akong mangmang. Of course I know how to ride on a jeep."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Katulad ng ganito, 'di ba nag aabang tayo ng jeep? Kapag may natanaw ka nang paparating, ikakaway mo ng ganito ang kamay mo." Itinuro ko sa kaniya ang pagsenyas sa jeep kapag sasakay.
"Like this?" Ginaya niya ako. At oo, seryoso, gwapo pa rin siya sa part na iyon. Akala mo model ng kalsada e. "Marunong na akong magganito whenever I ride a taxi."
Tumango ako saka ngumiti. Oo nga naman pero malay ko ba kung hindi naman siya sumasakay sa mga public transportation kasi may kotse naman siya.
"Yes, ganyan. Pero siyempre palagi mo munang iche-check iyong nakasulat na signboard sa harap ng jeep. Kasi iba iba sila ng ruta."
"So, anong dapat nakasulat sa signboard?"
"Crossing. Iyon ang sasakyan natin."
"Alright."
May parating na jeep na akong natanaw. Natawa ako kay Terrence dahil OA ang pagkaway niya sa jeep. Sa halip na tawanan ay kinikilig at tuwang tuwa pa ang ibang nag-aabang rito. Hay naku, kapag talaga gwapo.
Sumakay kami ng jeep. Magkatabi kami ni Terrence at naaawa ako sa kaniya dahil medyo nakatungo siya ng kaunti. Paano ba naman kasi, napakatangkad niya!
"Fuck, Keeshia. Pwede bang ipaalis ang bubong nito? Hindi ako kasya."
Natawa ako bigla. "Baliw ka talaga. Magtiis ka muna."
"Yea, sanay naman akong magtiis lalo na kapag wala pa akong nakukuhang babae."
Bwisit na lalaki 'to. Nasa jeep kami, jusme!
Pinandilatan ko siya ng mata. Hinawakan ko ang kamay niya saka inilagay doon ang barya.
"What is this? Hindi naman ako namamalimos."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bayad natin. Iabot mo sa driver. Sabihin mo bayad po."
Nasa may dulo kami malapit sa pinaka pinto ng jeep kaya kailangang ipaabot ni Terrence ang bayad namin s aibang pasaherong mas malapit sa driver.
"Seriously? Ito lang? How much is this? Sixteen pesos? Dalawa na tayo dito? Tangina, seryoso?"
Grabe 'yong reaction niya. First time nga talaga niyang magjeep.
"Oo naman. Dalawa na tayo diyan."
"What the actual fuck? Nakakabili pa ba ng gasolina ang mga jeepney driver?"
Napakarami niyang tanong. "Ibayad mo muna 'yan."
"Hindi ko abot ang driver. Look narito tayo sa dulo."
"Kapag ganyan, ipapaabot mo sa mga pasahero na malapit sa driver. Isigaw mo lang na makikiabot po ng bayad."
"Oh, I see."
Pinanood ko siya. Marami pa akong kailangang ituro kay Terrence. Iba talaga kasi kapag rich kid.
"Hi, I'm Terrence. Makikiabot naman ng bayad? Is it okay with you? We can date, if you want."
Nanlaki ang mga mata ko. Hinampas ko ng pasimple si Terrence sa tagiliran niya.
"Fuck, Keeshia!"
Inagaw ko ang barya sa kamay niya. "Manong bayad po, dalawang crossing. Makikiabot nalang po. Salamat!" Sabi ko nang maiabot ang bayad sa ibang pasahero.
"Oh, that should be like that?"
"Ano pa ba? Nagpakilala ka pa, e magpapaabot ka lang naman ng bayad."
Ngumisi siya saka pasimpleng napakamot sa ulo. "I didn't know. Damn it."
"Kaya nga tinuturuan kita. So alam mo na, ha? Ngayon naman, titingin tingin ka siyempre sa paligid tapos kapag nakita mong malapit na tayo sa bababaan natin, sisigaw ka lang ng para."
"Para?"
Tumango ako. "Oo, pasigaw siya sa driver para marinig niya."
"Paraaaa!"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagpreno si manong driver.
"Oops, that was a practice. I'm sorry."
"Manong hindi pa po bababa. Pasensya na."
"Amazing as fuck." Parang tuwang tuwa si Terrence. "Is that kind of a magic word na kapag narinig ng driver, automatic na titigil ang jeep?"
"Basta ganoon nga."
"Paraaa!"
Hinampas ko si Terrence nang tumigil na naman ang jeep.
"I'm practicing, sorry." Sabi niya sa driver. "Go on, drive."
Nasapo ko ang noo ko. Iyong mga pasahero naman sa halip na mainis, jusko, ang lalapad pa ng ngiti kay Terrence.
Nang matanaw kong malapit na kami ay kinalbit ko si Terrence at sinenyasan na bababa na kami.
"Para! And this time, it's real. Sorry, manong!" Sabi niya.
I rolled my eyes. Grabe talaga si Terrence. Bumaba na kami ng jeep at jusme, nagkaway kaway pa sa mga naiwang pasahero.
"Ano 'yon, mga kakilala mo?"
"No."
"E bakit ka kumakaway. Para kang nagpapaalam."
"They like it."
"Gwapo ka kasi."
"Damn, aminado ka na talaga na gwapo ako. Sex na tayo niyan?"
"Bunganga mo."
"Yea, bunganga ko gusto na ulit sumipsip ng boobs mo, Keeshia."
Hinampas ko siya. "Ayan ka na naman! Ite-tape ko na talaga ang bibig mo e." Sabi ko habang naglalakad kami papuntang cafe de lucio.
"Then do it. Tape my mouth while I'm lying on a bed then you'll ride on me. Fuck, ang sarap no'n."
Napalunok ako. Napakanormal talaga sa kaniya ng mga ganoong bagay. Basta usapang sex, expert si Terrence. Wala e, fuckboy.
Binuksan ko na ang cafe de lucio pero inagaw sa akin ni Terrence ang susi.
"Let me." Seryosong sabi niya.
Napatingin lang ako sa kaniya habang nagbubukas ng cafe. Isa talaga iyon sa mga bagay na napansin ko sa kanoya. Gentlemen talaga siya kahit bastos soya. So siya ang real definition ng maginoo pero sobrang bastos.
"Let's get in."
Pumasok kami sa loob. Dumiretso ako sa office sa likod para iwan ang bag ko at para magsuot ng apron na may print ng cafe de lucio. Ganoon din si Terrence.
"Keeshia."
"Oh?"
"Can I ask you something?"
"Ano 'yon?" Inilagay ko na sa locker ang bag ko.
"Hindi ka ba nawe-wet kapag tino-talk dirty kita?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bunganga mo!"
Lumabas na ako ng office. Kahit kailan talaga! Akala ko naman seryosong tanong na dahil mukha naman siyang seryoso. Wala na talaga siyang pag-asa.
Pumunta ako sa counter saka inayos ang mga dapat ayusin.
May mga customers na agad na pumasok. Coffee is life talaga sa karamihan e. Lalo na iyong mga maagang pumapasok sa trabaho.
"Ayun 'yung sinasabi ko sa 'yo. Bagong crew dito kaya nga napapabili ka talaga ng kape kahit hindi ka mahilig e."
"Ang gwapo pala! Grabe, pwede na siyang maging model."
Napailing nalang ako sa pag-uusap ng dalawang babaeng narito sa may counter. Nakatingin sila kay Terrence na abala sa pag-aayos ng mga mesa.
Karamihan talaga sa customers namin ay siya ang pakay at hindi kape.
"Goodmorning, what's your order?" Tanong ko sa dalawang babae. Natulala na sila kay Terrence e.
"Sorry, miss. Ah, dalawang iced coffee for take out." Sabi niya.
"Okay po." Sabi ko. Tinanggap ko ang bayad saka inabot ang resibo at number. "Pakihintay nalang."
Para namang kinikilig iyong dalawa na umupo sa may table kung saan nag-aayos ayos si Terrence. Hindi ko maiwasang sumimangot. Para talaga siyang magnet, lakas makahila ng atensyon ng mga babae.
Inihanda ko na ang orders nila habang hindi pa ring maiwasang tumingin sa gawi nila. Ngayo'y kausap na nila si Terrence at kulang nalang ay tumirik ang mata nila sa kilig.
Iniayos ko ang orders nila saka tinawag si Terrence.
"Ter!" Sigaw ko. Short for Terrence.
Tumingin naman siya agad at lumapit sa akin. "What did you call me?"
"Ter. Bakit?"
"Fuck, gusto mo talagang iba ang tawag sa akin. You just gave me a nickname. Na-fall ka na ba sa akin niyan?"
"Asa ka. Pinaikli ko lang para hindi ako mapagod magsalita." Sabi ko.
"Paano ba 'yan, Keeshia. Kapag nagsex tayo, mapapagod ka kakasalita at kaka-ungol. Dapat nagpa-practice ka na ngayon."
Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "In your dreams."
Tumawa lang siya sana dinala ang iced coffee doon sa customers.
Nang matapos ay bumalik siya dito sa counter. Iyong dalawang babae, parang tanga. Walang kaabog-abog na tinitingnan ang katawan ni Terrence mula ulo hanggang paa.
"Terrence, nice to meet you!" Sabi nung isa.
Ngumiti naman si Terrence at nag-wave pa.
"Lakas." Sabi ko.
"What? Selos ka na, babe?" Aniya. "Hayaan mo, kahit marami akong babae, sa 'yo pa rin ako uuwi."
"Malamang, sa iisang apartment tayo nakatira." Sabi ko.
Peo may bahagi sa puso ko na parang natuwa.
"No. That's not what I mean. Kahit pa makipagsex ako sa kahit sinong babae, syempre, hahanap hanapin pa rin kita, Keeshia."
"Bastos mo." Sabi ko.
Tumunog ang chime, hudyat na may customer.
"Goodmor---"
"Hell, what the fuck is he doing here? Susuntukin ko sa mukha 'yan, Keeshia."
Hindi ko alam kung bakit ang aga aga ay narito si Robi.
"Keeshia, baby. Pwede ba tayong mag-usap?"
Tumingin ako kay Terrence. Seryoso ang mukha niya. "Don't."
"Ano bang pag-uusapan natin, Robi?"
"Private sana, baby." Mukha siyang stress na stress.
Napalunok ako. Kahit naman nasaktan ako ni Robi, mabilis pa ring lumambot ang puso ko sa kaniya. Syempre, mahal ko siya.
"Baby your ass. Tangina." Bulong ni Terrence habang inaayos ang vouchers dito sa counter. Buti nga hindi niya inaaway si Robi.
"Sige, mamaya."
"Pupunta ka sa condo ko?"
Tumango ako. Makikipag-usap ako ng maayos at masinsinan sa kaniya.
"Thank you, baby. Hihintayin kita."
Hindi na ako nagsalita. Umalis na siya at naiwan kami ni Terrence.
"Seriously, Keeshia."
"Mag-uusap lang naman." Sabi ko. Baka maisalba pa namin ang relasyon namin. Alam ko naman talaga kasi na may mali rin aki at pagkukulang kaya humantong kami sa ganito.
"Mag-uusap? You should ask me first. Girlfriend na kita, Keeshia."
"Alam mong hindi 'yan totoo." Sabi ko.
"Then let's make it real."
"Terrence, tigilan mo ako sa kalokohan mo."
"Yan ang hirap sa 'yo, Keeshia. Pagdating sa 'yo, akala mo palagi akong nagbibiro. Tangina, fuckboy at gago ako pero marunong akong mag-seryoso lalo na kung sa 'yo."
Hindi na ako nakapagsalita nang mag-walk-out siya papunta sa back office.
Ano bang problema ni Terrence. Alam namin pareho na puro kalokohan lang siya at iyong sinasabi niyang girlfriend na niya ako? Hindi naman 'yon totoo.
Kumunot ang noo ko nang lumabas siya na hindi na nakasuot ng apron ng cafe de lucio.
"Saan ka pupunta, Terrence?"
"Mambababae. 'Yan naman ang tingin mo sa akin."
Hala siya! Nagtatampo ba siya? Galit?
"Terrence..."
"Take note that I'm absent today."
"Terrence naman."
"What?"
Para akong napako. Bakit kasi siya nagwo-walk-out?! At bakit siya aabsent?!
Kaya ko naman dahil nasanay naman akong mag-isa dito sa cafe bago siya dumating pero kasi bigla bigla nalang siyang ganyan umakto.
"Ano bang problema mo?"
"Wala."
"Terrence naman. Kailangang may reason kung a-absent ka."
Tumitig siya sa mga mata. "Reason? Then, I'm fucking jealous, Keeshia. Isulat mo d'yan."
"Seryoso kasi."
"What? I'm really jealous, Keeshia. Tangina ilang beses ka na bang pinaiyak ng gago na 'yon? Ilang beses ka na niyang niloko? Ilang beses ka na niyang sinaktan pero putangina, isang tawag lang sa 'yo ng baby, bumibigay ka agad? Ang tanga tanga mo, Keeshia."
"Hindi ako tanga. Mahal ko lang talaga siya!"
"Putanginang pagmamahal 'yan! Kapag niloko ka, tama na! Kapag sinasaktan ka, suko na. Tell me, what should I do para mas piliin mo ako diyan sa ex mong mukhang aso?"
"Terrence."
"I'm fucking serious."
May mga customers na pumasok at nataranta ako dahil nasa mukha ni Terrence na badtrip talaga siya.
Tumikhim ako saka tumingin sa customers. Kinuha ko ang orders nila saka sila naupo sa mga table.
"Madami ng customers." Bulong ko.
"I don't care. Answer me."
Napalunok ako. Iyong mga customer na pumasok ay nakatingin kay Terrence. Halata pa namang hindi siya okay dahil madalas na jolly siya.
"Terrence. Huwag dito. May nga customers."
"Ano bang pakialam ko sa sasabihin nila? All I care is your fucking answer, Keeshia. Tell me what to do."
Parang nay bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya.
"Wala kang dapa---"
"That's fucking bullshit!"
Nanlaki ang mga mata ko. Sumigaw siya dahilan para lalong mapatutok sa amin ang tingin ng mga customers na nakaupo sa mga table. Ni hindi ko pa naaasikaso ang orders nila.
"Terrence, please."
"No. Keeshia, please. Mahalin mo naman ang sarili mo! Tangina ng ex mo, ang kapal pumunta rito. Pasalamat siya dahil hindi ko siya pinatulan because I want to change for you. I want to respect your moment with him pero putangina bumigay ka agad sa kaniya. He don't deserve that."
Huminga ako ng malalim. "Aasikasuhin ko muna ang orders nila." Sabi ko habang naghahanda ng mga orders.
Nanatiling nakatayo si Terrence dito sa may counter at nakatingin sa akin. Natataranta tuloy ako.
Hindi ko makuha kung ano bang kinaba-badtrip niya. Ang aga aga, ganyan siya.
Nang maiayos ko ang orders ay inagaw sa akin ni Terrence ang tray saka niya dinala ang orders ng customers. Bumalik ang ngiti sa mukha niya habang nakatingin sa mga customers.
Pagkatapos ay bumalik siya rito.
"I'm out."
"Terrence, bawal ka ngang um-absent ng walang dahilan!"
"Hindi pa ba sapat na dahilan na nagseselos ako? I want to fuck some girls and tell myself that it's fine, that there's still a lot of girls out there. Na maraming ikaw pa ang makikilala ko. That I fucking know my limitation to you. That I'm just a fuckboy who you hate the most. Because that fucking asshole, siya ang nagmamay-ari sa 'yo. At siya pa rin ang mahal mo kahit paulit ulit ka niyang gaguhin."
"Bakit ba ang drama mo?"
"Yea, fuck myself."
Nag-walk-out na siyang tuluyan. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko alam kung ano bang trip niya para magkaganyan.
"Terrence!" Sigaw ko.
Napatigil siya habang nakahawak sa pinto ng cafe pero hindi niya ako nililingon.
"Sorry." Wala sa sariling sambit ko.
Bakit kasi pakiramdam ko ay girlfriend niya ako tapos niloko ko siya. Nakaramdam ako ng guilt sa dibdib ko.
"Alam kong marupok ako pagdating kay Robi. Mahal ko kasi e. Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit pagdating sa kaniya, lumalambot agad ang puso ko. Kahit galit ako, kahit nasaktan ako, kahit niloko ako, wala e. Walang effect. Siguro kasi natatakot ako na kapag nawala si Robi sa akin, maiiwan na akong nag-isa. Wala nang magmamahal sa akin. Wala na---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa isang iglap ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na siya sa akin dahil nakatungo ako habang sinasabi iyon. Nakakahiya naman kasi. Kahit alam kong may customers na makakarinig sa akin, may bahagi sa puso ko na kailangan kong sabihin iyon para mapigilang umalis si Terrence---na para bang ayaw kong magalit siya sa akin.
"Keeshia."
Magkadikit ang noo namin. Nakakahiya! Alam kong pinapanood kami ng ilang customers.
"Terrence ano, kasi..."
Hinalikan niya ako ulit. "Kung kinakatakot mo lang din pala na maiwan kang mag-isa then don't. I'm fucking here. I'll stay with you. I won't fucking leave you."
Ang puso ko...
"Terrence hindi mo naman obligasyo---"
Muli, hinalikan niya ako. At hindi ko alam kung bakit hinahayaann ko siya sa ginagawa niya.
"I like you."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi ko 'to ginagawa para sa obligasyon. Ginagawa ko 'to because I fucking like you, Keeshia."
Seryoso siya. Sincere ang mga mata niya.
"I fucking like you that I want to fucking kill that bastard for calling you baby earlier."
"Terrence..."
"At lalong gusto ko siyang patayin dahil bumigay ka na naman sa kaniya. Just thinking about you going to his condo unit makes me really mad, Keeshia."
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"So if you don't want me to be a criminal, don't fucking go to his unit later. Makakapatay ako ng gago, Keeshia."
Napalunok ako. Mukhang seryoso siya. "H-Hindi na."
Sa wakas, sumilay ang ngiti sa labi niya. Muli niya akong hinalikan.
"That's my girl." Aniya saka humarap sa counter.
Natulala ako. Ano 'tong nararamdaman ko? Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Yes, may I take your orders? Sorry for waiting. My girlfriend is my priority."
Lumingon ako kay Terrence at nanlaki ang mga mata ko nang mapansing medyo mahaba na pala ang pila sa counter.
Ibig sabihin, natunghayan nila ang pag-uusap at paghahalikan namin ni Terrence?
Bigla akong napatakbo sa back office. Nakakahiya! Ano nalang sasabihin ng mga tao?! Hindi ako ganito! Hindi talaga. Anong nangyayari sa akin?!
🏁
To be updated:
Facebook: PJ Pinkyjhewelii
Twitter: @pinkyjhewelii
Instagram: @pinkyjhewel
Youtube: Jewell Atienza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top